Professional Documents
Culture Documents
Local Media3039913599576877884
Local Media3039913599576877884
AKADEMIKO SA
WIKANG FILIPINO
GABAY
Lesson Tuklasin
Objectives Abutin mo
Assignment Takdang-aralin
SIMULAN ITO MODYUL 1
GRAFEMA AT PASULAT NA PAGBABAYBAY
Introduksyon
TUKLASIN
Sa aklat ng bayan na KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat
(Almario, 2015) ang Pundamental na gampanin ng ortograpiya ng
Leksiyon 1
anumang wika ay ang paglalapat ng grafema sa mga pahayag na
Grafema: Titik at
Di-Titik pabigkas at pasalita. Alam mo ba kung ano ang grafema? Ilang titik
mayroon ang alpabetong Filipino at ano-ano ang mga ito? Ano-ano ang
mga bantas sa pagsulat ang alam mo? Gaano ka kaalam sa gamit ng
mga bantas na ito? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na gagabay sa
pagkaunawa at pagkatuto mo sa paksang tatalakayin.
ABUTIN MO
Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:
LAYUNIN ✓ Nagagamit ang iba’t ibang uri ng tuldik at diin, at ang mga
bantas sa pagsulat sa pamamagitan ng paglalapat nito sa
mga salita.
✓ Nakasusulat ng mga pahayag o pangungusap na ginagamitan
ng angkop na mga bantas sa pagsulat.
✓ Nauunawaan ng may lalim at halaga ang kaalaman sa
grafema sa pamamagitan nang paglalapat nito.
(1)
Panuto:
1. Magsulat ng dalawang
salita ng may parehong
baybay (ispeling) ngunit may
magkaibang kahulugan.
Pagkatapos ay ipaliwanag 2.
kung bakit magkaiba ang
dalawang salita. (1) (4)
2. Maglista ng 5 bantas sa
pagsulat at ibigay ang angkop (2) (5)
na simbolo nito
(3)
TALAKAYIN NA!
Sa bahaging ito ay matutuklasan mo ang kahulugan ng grafema at ang mga salaylayang
konsepto nito tulad ng mga titik ng alpabetong Filipino, mga tuldik at diin sa pagbigkas ng salita, at
mga bantas sa pagsulat.
GRAFEMA
Ano nga ba ang grafema? Sa aklat ng bayan na KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat
(Almario, 2015) tinatawag na grafema ang isang set o pangkat ng mga bahagi sa isang
Sistema ng pagsulat. Ang mga grafema sa praktika ng ortograpiyang Filipino ay binubuo
ng tinatawag na mga titik at mga di-titik.
Una ay ang titik o letra. Ito ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng
mga patinig o bokablo (vocablo) at ng mga katinig o konsonante (consonante). Ang
serye ng mga titik o letra ay tinatawag na alpabeto. Ang alpabetong Filipino ay binubuo
ng dalawampu’t walong (28) titik at kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog.
Binibigkas o binabasa ang mga titik sa tunog-Ingles maliban sa Ñ. (Almario, Virgilio.,
et al., 2015)
Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg
ey bi si di i ef Dyi
Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn
eyts ay dyey key el em En
Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss
enye en dyi o pi kyu ar Es
Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
ti yu vi dobolyu eks way Zi
Ikalawa ay ang Di-titik. Binubuo ang di-titik ng mga tuldik at mga bantas. Ang tuldik
o asento ay gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita. Sa lingguwistika, itinuturing
ang tuldik na simbolo para sa impit na tunog o kaya sa diin o haba ng pagbigkas. Sa
abakadang Tagalog, tatlo ang pinalaganap nang tuldik: (1) ang tuldik na pahilis (‘) na
sumisimbolo sa diin at/o haba, (2) ang tuldik na paiwa at (3) ang tuldik na pakupya
na sumisimbolo sa impit na tunog. Kamakailan, idinagdag ang ikaapat, ang tuldik na
patuldok, kahawig ng umlaut at dieresis (¨) upang kumakatawan sa tunog na
tinatawag na schwa sa lingguwistika. (Almario, Virgilio., et al., 2015)
Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng diin at ilang halimbawa nito
Una ay Malumay, ito ang bigkas ng mga salita kung ang mga salita ay nilalagyan
ng diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. Ito ay binigkas ng banayad at walang antala
sa huling pantig. Ito rin ay di nilalagyan ng kudlit ( o ) at maaaring magtapos sa katinig
o patinig. (Santos, Lope K., 2019)
Halimbawa:
Malaya Talino
Ikalawa, Malumi, ito ang bigkas ng mga salita kung ang mga salita ay nilalagyan
ng diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan, may impit sa dulo, nagtatapos sa patinig, at
ginagamitan ng tuldik na paiwa ( ). (Santos, Lope k., 2019)
Halimbawa:
Lupa Labi
Ikatlo ay Mabilis, ang bigkas ng mga salita kapag ang mga ito ay binibigkas ng
tuloy-tuloy, may diin sa huling pantig, at walang impit o pasarang tunog sa hulihan,
karaniwang nagtatapos sa patinig at ginagamitan ng tuldik na pahilis ( / ) sa ibabaw ng
huling pantig. (Santos, Lope K., 2019)
Halimbawa:
Bagsik Saksak
Huli ay Maragsa. Ang bigkas ng mga salita kung ito ay binibigkas ng tuloy-tuloy
na tulad ng mabilis ngunit may impit o pasarang tunog sa hulihan, karaniwang nagtatapos
v
sa patinig, at ginagamitan ng tuldik na pakupya ( ) sa ibabaw ng huling pantig. (Santos,
Lope K., 2019)
Halimbawa: v v
Pulo Paso
5.2 Bago ang mga Pang-abay. Naglalagay ng tuldok-kuwit bago ang mga pang-
abay na katulad ng samakatuwid, bagkus, gayon, at sa halip kapag pinag-uugnay
nito ang dalawang sugnay na nakapag-iisa.
6.1 Sa Pagsipi. Ginagamit din ang tutuldok bago ang pagsipi ng mga pahayag,
upang ipakilala ang mga pahayag
Hal.: Sa mga kataga ni Aling Sepa nagtatapos ang dula: “My parents ruined
my life. Yours will not be ruined.”
Kalakip:Borador ng Memorandum
Gawain 2: PAGKILALA
Fidbak sa Pagsasanay
A B C
Hal: Balita Impormasiyong inuulat sa diyaryo, magasin, o TV Malumi
1. Bangkay
2. Smoke
3. Pipe
4. Afternoon
5. Open
6. Fire
7. Tree
8. Wet
9. We
10. Pot
Test II PAGLALAPAT
Panuto: Magsulat ng dalawang (2) pangungusap, o parirala na
ginagamitan ng mga sumusunod na bantas: (2 puntos bawat
pangungusap/ 28 puntos)
1. Tuldok
2. Kuwit
3. Tandang pananong
4. Tandang padamdam
5. Kudlit
6. Panaklong
7. Panipi
TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Ibigay ang iyong sariling replekyon. (10 puntos bawat bilang)
1. Bakit mahalaga ang gamit ng bantas? (Siguraduhing angkop at tama ang gamit
ng mga bantas sa pagsulat ng iyong repleksiyon)
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Para sa iyo, nararapat bang ibalik ang gamit ng tuldik sa pagsulat ng iba’t ibang
akda sa Filipino? Ipaliwanag.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
PAMANTAYAN PUNTOS
5
Nilalaman
3
Organisasyon ng mga ideya
2
Kawastuhang Panggramatika
KABUUAN 10
Nahihirapan o nalilito ka bang mag-ispeling ng mga salita sa
wikang Filipino, lalong lalo na ang pagbabaybay ng mga hiram na
salita?
Sa leksiyon na ito ay matututunan mo ang mga gabayat
alituntunin sa pagbabaybay ng mga salita sa wikang Filipino maging
ang mga salitang hiram mula sa ibang wika.
TUKLASIN
LEKSIYON 2 Esensiyal at nararapat na malaman mo ito. Dahil ang
Pasulat na pagkakaroon ng kabatiran at kasanayan sa wastong pasulat na
Pagbabaybay pagbababay ay higit na makatutulong sa iyo upang makapaglikha ka ng
isang masinop at nauunawang akda o sulatin
Subalit bago ka magpatuloy ay nais kong malaman mo na
dapat mong maabot ang mga sumusunod na layunin sa ibaba.
ABUTIN MO
LAYUNIN
Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:
✓ Nauunawaan ang mga alituntunin sa pagbabaybay na pasulat.
✓ Nailalapat ang mga kaalaman sa pagbaybay na pasulat sa
pamamagitan ng pagbabaybay ng mga bokabularyong Filipino
✓ Makabuluhang nakagagawa ng bidyong tumatalakay sa relasiyon
ng wikang Espanyol at wikang Filipino
GAWIN ITO
IBATAN ASPETO
TALAKAYIN NA!
Sa bahaging ito ay matutuklasan mo ang mga antas at barayti ng wika mula sa
magkakaibang mga hanguan.
PAGBAYBAY NA PASULAT
4.2 Bagong Hiram na Salita. Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong
hiram na salita mulang Español, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: mga bagong
hiram. Ang ibig sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na
salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada. Halimbawa, hindi
dapat ibalik ang F ng orihinal na forma sa Español dahil ginagamit nang matagal ang
porma pati ang mga deribatibo nitong pormal, impormal, pormalismo, pormalidad,
depormidad, atbp. Hindi rin dapat ibalik ang pirma, sa firma, ang bintana sa ventana,
ang kalye sa calle, ang tseke sa cheque, ang pinya sa piña, ang hamon sa jamon, ang
eksistensiya sa existencia, ang sapatos sa zapatos. (Almario, Virgilio., et al., 2015)
4.3 Lumang Salitang Español. Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita mulang
Español ang mga nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-
Laktaw hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa
Panganiban. Nakatanggal sa inilistang mga lumang hiram na salita mulang Español ang
naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa
anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa bakasyon (vacacion), kabayo (caballo), kandila
(candela), puwersa (fuerza), letson (lechon), lisensiya (licencia), sibuyas (cebolla+s),
silahis (celaje+s), sona (zona), komang (manco), kumusta (como esta), porke (por
que), at libo-libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano,
Tagalog, Waray, at ibang wikang katutubo na naabot ng kolonyalismong Español.
(Almario, Virgilio., et al., 2015)
4.4 Di Binagong Bagong Hiram. Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga
idinagdag ngayong salita mulang Español. Maituturing na bagong hiram ang mga salita
na hindi pa matatagpuan sa dalawang binanggit na diksyunaryo sa seksiyong 4.3.
Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang futbol, fertil, fosil,
visa, vertebra, zigzag. Samantala, dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita
mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa ispeling,
gaya ng fern, folder, jam, jar, level (na hindi dapat bigkasing mabilis--"lebel"--gaya ng
ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong salitang Español), envoy, develop, ziggurat,
zip. (Almario, Virgilio., et al., 2015)
4.5 Panghihiram Gamit ang Walong (8) Bagong Titik. Sa kasalukuyan, sa gayon, ang
lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay ginagamit sa tatlong pagkakataon ng
panghihiram mula sa mga wikang banyaga. Una, sa mga pangngalang pantangi na hiram
sa wikang banyaga, halimbawa, Charles, Ceferino, Catherine, Colorado, Fidel, Feliza,
San Fernando, Filipinas, Jason, Jennifer, St. Joseph, Jupiter, Beijing, Niñez, Montaño,
Santo Niño, Enrique, Quiroga, Quirino, Vicente, Vladimir, Nueva Vizcaya, Vancouver,
Xerxes, Maximo, Mexico, Zenaida, Zion, Zobel, Zanzibar. Ikalawa, sa mga katawagang
siyentipiko at teknikal, halimbawa, "carbon dioxide" "Albizia falcataria," "jus sanguinis,"
"quorum," "quo warranto," "valence," "x-axis," "oxygen," "zeitgeist," "zero," "zygote,"
Ikatlo, sa mga salita na mahirap dagliang ireispel, halimbawa, "cauliflower," "flores de
mayo" "jaywalking," "queen," "quiz," "mix," "pizza," " zebra". (Almario, Virgilio., et al., 2015)
Kailan Hindi Pa Maaari ang Reispeling. Ngunit tinitimpi ang pagsasa-Filipino ng ispeling
ng mga bagong hiram kapag (1) nagiging kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa Filipino.
(2) nagiging higit pang mahirap basahin ang bagong anyo kaysa orihinal, (3) nasisira ang
kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan, (4) higit nang popular
ang anyo sa orihinal, at (5) lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil may kahawig
na salita sa Filipino. (Almario, Virgilio., et al., 2018)
4.7 Español Muna, Bago Ingles. Dahil sa mga naturang problema, iminumungkahi ang
pagtitimpi sa lubhang pagsandig sa Ingles. Sa halip, maaaring unang piliin ang
magkahulugang salita mulang Español, lalo't may nahahawig na anyo, dahil higit na
maalinsunod ang wikang Español sa bigkas at baybayin na Filipino kaysa Ingles. Higit na
magaang basahin (at pantigin) ang estandardisasyon (estandardization) mulang
Español kaysa "istandardiseysiyon" (standardization) mulang Ingles, ang bagahe
(bagaje) kaysa "bageyds" (baggage), ang birtud (virtud) kaysa "virtyu" (virtue), ang isla
(isla) kaysa "ayland" (island), ang imahen (imagen) kaysa "imeyds" (image). (Almario,
Virgilio., et al., 2018)
4.8 Ingat sa "Siyokoy." Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang siyokoy ni Virgilio
S. Almario, mga salitang hindi Español at hindi rin Ingles ang anyo at malimit na bunga ng
kamangmangan sa wastong anyong Español ng mga edukadong nagnanais magtunog
Español ang pananalita. Napansin iton nang iuso ni Rod Navarro sa programa niya sa
radyo ang "konsernado," na pagsasa-Español niya ng Ingles na concerned. Pinuna ang
artistang anawnser dahil "siyokoy" ang Español. Ang tumpak na anyo nito sa Español
konsernido (concernido.) Ngunit marami siyang katulad sa akademya at midya. Dahil
kulang sa bantay-wika, dumami ang salitang siyokoy. Bagaman bago, mabilis kumakalat
ang mga salitang siyokoy dahil pinalalaganap ng mga sikat na artista, brodkaster,
manunulat, at akademiko na limitado ang kaalaman sa wikang Español. (Almario, Virgilio.,
et al., 2018)
Ilang siyokoy ngayon ang "aspeto" na hindi ang Español na aspecto; "imahe" na
hindi ang wastong imahen (imagen), "pesante" na hindi ang tumpak ba paisano ng
Español ni ang peasant ng Ingles; "kontemporaryo" na hindi ang kontemporaneo
(contemporaneo) ng Español; "endorso" na halatang naipagkakamali ang endorse ng
Ingles sa endoso ng Español. Ipinapayo ang pagkonsulta sa mapagkakatiwalaang
diksiyonaryong Español bago isalin sa Español ang nais sanang sabihin sa Ingles. O
kaya, huwag ikahiya ang paggamit ng terminong Ingles kung iyon ang higit na alam:
aspect, image, peasant, contemporary, endorse. O kaya, maaaring higit na maintindihan
ng madla kung ang katapat na salita sa Filipino ang gagamitin: mukha o dako, larawan
o hulagway, magbubukid o magsasaka, kapanahon o napapanahon, pinili o
pinagtibay. (Almario, Virgilio., et al., 2018)
4.9 Gamit ng Español na Y. May espesyal na gamit ang titik na Y---na binibigkas na
katulad ng ating I, gaya sa "Isulat," at kasingkahulugan ng ating at---na mungkahing
ipagpatuloy ang gamit sa Filipino. Ginagamit ito, una, upang isulat nang buo ang pangalan
ng lalaki kasama ang apelyido ng ina. Halimbawa, isinusulat kung minsan ang pangalan
ng pangulo ng Republikang Malolos na "Emilio Aguinaldo y Famy" upang idugtong ang
apelyido ng kaniyang inang si Donya Trinidad Famy. Ginagamit ito, ikalawa, sa pagbilang
sa Español at binabaybay. Halimbawa:
Halimbawa:
Vakul ang tawag sa pantakip sa ulo na yari sa damo ng mga Ivatan
Alituntunin:
Gamit ng Bagong Walong Titik
Paliwanag:
Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita
mula sa mga katutubong wika ng Filipinas
Alituntunin:
Paliwanag:
Alituntunin:
Paliwanag:
Alituntunin:
Paliwanag:
Alituntunin:
Paliwanag:
Alituntunin:
Paliwanag:
6. Sa tuwing nagpapatulog ang mga kababaihan ng tribu ng Tiruray ay
gumagamit si ng Falendag.
Alituntunin:
Paliwanag:
Alituntunin:
Paliwanag:
Alituntunin:
Paliwanag:
Alituntunin:
Paliwanag:
Alituntunin:
Paliwanag:
Gawain 2
GAWAIN 2- A
Teknikal
(Hindi magalaw ang pagbidyu at 20
malinaw na naririnig ang boses
ng mga nagsasalita)
Nialaman
(malinaw na naipapakita sa bidyu 20
ang layunin ng gawain)
Pagkamalikhain 20
KABUUAN 60
GAWAIN 2- B
Halimbawa:
PAGTATAYA
TEST I: PAGPUPUNO
A.
1. BAGEYDS
2. SOFISTEKEYTED
3. ASPEKTO
4. NIBEL
5. ASAYNMENT
B.
Panuto: Isalin sa Filipino ang mga hiram na pahayag mula Espanyol. (3 puntos
bawat bilang/ 15 puntos)
Fidbak sa Pagsasanay
May iba’t ibang kasagutan/tugon •
Gawain 2
PAMANTAYAN PUNTOS
5
Nilalaman
3
Organisasyon ng mga ideya
2
Kawastuhang Panggramatika
KABUUAN 10
MGA SANGGUNIAN
Santos, Lope K., 2019. Balarila ng Wikang Pambansa. San Miguel, Maynila:
Komisyon sa Wikang Filipino.