You are on page 1of 22

MODYUL 3

AKADEMIKO SA
WIKANG FILIPINO

Dianne Rose P. Andol


Jean Ronor B. Amarante
Gracelyn R. Deleña
Sweet Marisse E. Duran
Ariel G. Macahis
Lislelyn F. Saycon
Johnny A. Truz
Tiffany B. Yucor

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN


Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin
na walang liham na pahintulot ng may-akda.
FIL 1
AKADEMIKO SA
WIKANG FILIPINO

GABAY

Upang mapatnubayan sa mga leksiyon na napapaloob sa modyul na


ito ay pansinin ang talahanayan na nasa ibaba.

Module Simulan ito!

Lesson Tuklasin

Objectives Abutin mo

Motivation Gawin ito

Lesson Proper Talakayin na!

Learning Activities/Exercises Pagsasanay

Teacher Intervention Interbensyon ng Guro

Practice Task/Assessment Pagtataya

Assignment Takdang-aralin
SIMULAN ITO MODYUL 1
GRAFEMA AT PASULAT NA PAGBABAYBAY

Introduksyon

Ang kasaysayan ng ortagrapiyang Filipino ay naging makulay at makabuluhan.


Kasabay ng pagbabago ng panahon, mulang panahon ng katutubo hanggang sa
pananakop ng iba’t ibang lahi at sa kasalukuyan ay patuloy itong nagbabago at
umuunlad hingi na rin ng pangangailangan nang mabilis na pag-unlad ng bayan at
pagyaman ng mga salita at ebolusyon ng wikang Filipino.

Bahagi ng Akademikong gawain sa Wikang Filipino ang pagkakaroon ng sapat at


makabuluhang kaalaman at kasanayan sa wastong gamit ng mga bantas at letra,
palatuldikan, at kabatiran sa pasulat na pagbabaybay. Kaya’t nararapat na magkaroon
ng kamalayan ang mga estudyante na kumukuha ng Filipino 1 ukol sa mga nabanggit na
konsepto. Ito ay higit na makatutulong sa kanilang pakikibaka sa reyalidad ng buhay sa
anumang larang.

Sa larang ng pagsulat, ang pagkakaroon ng wastong kaalaman sa paggamit ng


mga bantas at mga simbolo sa wastong pagbigkas ng mga salita at kasanayan sa
pagbabaybay ay esensyal na bahagi sa pagkakaroon ng isang masinop na katha o
sulatin.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo na mahasa ang iyong kasanayan na
maging isang masinop na manunulat sa pamamagitan ng paglinang ng iyong kakayahan
sa wastong paggamit ng mga bantas, tuldik, at tamang pagbabaybay.
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga pasulat na simbolo: mga titik at mga
bantas. Tatalakayin din rito ang mga alituntunin at patakaran sa pasulat na
pagbabaybay ng mga salita sa Filipino maging ang mga hiram na salita mula sa ibang
wika.
Kalalabasang Pagkatuto sa Kurso

Sa katapusan ng modyul, inaasahang naisasaalang-alang ng estudyante ang


angkop na gamit ng mga bantas at simbolo sa pagsulat at wastong bigkas at baybay ng
mga salita sa paraang pasulat (A) (1.1.1.1)
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na paksa/leksiyon:
Leksiyon 1: Grafema
Leksiyon 2: Pasulat na Pagbabaybay

Panuto kung paano gamitin nang maayos ang Modyul


Para mapakinabangan ito ng maayos, basahin muna ang mga sumusunod na
paalala:

1. Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang (2) leksiyon. Bawat leksiyon ay


kinapapalooban ng mga diskusyon o pagpapaliwanag. Basahin itong mabuti
upang malinang ang iyong pagkatuto.
2. Sa unang pahina ng bawat leksiyon ay makikita mo ang mga layunin na
kailangan mong abutin. Ang mga layunin ay ang mga inaasahang malilinang
na kasanayan at kaalaman matapos talakayin ang mga leksiyon. Kaya
marapat lamang na basahin ito ng buong puso.
3. Dapat mong sagutin ang lahat ng gawain upang magabayan ang iyong
pagkatuto.
4. Kung may mga katanungan o kalituhan na may kaugnayan sa modyul ay
huwag mahihiyang magtanong sa akin sa pamamagitan ng text, chat o email.
5. Ako ang magwawasto ng lahat ng mga gawain, pagsasanay, pagtataya at
takdang-aralin na napapaloob sa modyul na ito.
Nahihirapan ka ba sa paggamit ng wikang Filipino sa paraang
pasulat? Kung oo ang iyong sagot, marahil ito ay bunga ng hilaw na
kaalaman sa wastong gamit ng mga bantas sa pagsulat at maging sa
tamang gamit ng mga letra sa pagbabaybay.

Sa aklat ng bayan na KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat


TUKLASIN (Almario, 2015) ang Pundamental na gampanin ng ortograpiya ng
Leksiyon 1 anumang wika ay ang paglalapat ng grafema sa mga pahayag na
Grafema: Titik at pabigkas at pasalita. Alam mo ba kung ano ang grafema? Ilang titik
Di-Titik
mayroon ang alpabetong Filipino at ano-ano ang mga ito? Ano-ano ang
mga bantas sa pagsulat ang alam mo? Gaano ka kaalam sa gamit ng
mga bantas na ito? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na gagabay sa
pagkaunawa at pagkatuto mo sa paksang tatalakayin.

Ang araling ito ay magbubukas sa iyo sa mga kaalamang higit


na makatutulong upang magabayan ang iyong pagsulat. Malalaman mo
ang kahulugan at konsepto ng grafema, ang parehong grafemang titik at
di-titik: wastong gamit ng mga bantas sa pagsulat at kaalaman sa
palatuldikan. Subalit bago ka magpatuloy ay nais kong malaman mo na
dapat mong maabot ang mga sumusunod na layunin sa ibaba.

LAYUNIN ABUTIN MO
Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:
✓ Nagagamit ang iba’t ibang uri ng tuldik at diin, at ang mga
bantas sa pagsulat sa pamamagitan ng paglalapat nito sa
mga salita.
✓ Nakasusulat ng mga pahayag o pangungusap na ginagamitan
ng angkop na mga bantas sa pagsulat.
✓ Nauunawaan ng may lalim at halaga ang kaalaman sa
grafema sa pamamagitan nang paglalapat nito

GAWIN ITO
Kasagutan
1.

(1)

Panuto:

Ibigay ang hinihingi ng mga


pahayag na nasa baba. (2)

1. Magsulat ng dalawang
salita ng may parehong
baybay (ispeling) ngunit may
magkaibang kahulugan.
Pagkatapos ay ipaliwanag 2.
kung bakit magkaiba ang
dalawang salita. (1) (4)
2. Maglista ng 5 bantas sa
pagsulat at ibigay ang (2) (5)
angkop na simbolo nito
(3)
TALAKAYIN NA!
Sa bahaging ito ay matutuklasan mo ang kahulugan ng grafema at ang mga salaylayang
konsepto nito tulad ng mga titik ng alpabetong Filipino, mga tuldik at diin sa pagbigkas ng salita,
at mga bantas sa pagsulat.

GRAFEMA
Ano nga ba ang grafema? Sa aklat ng bayan na KWF Manwal sa Masinop na
Pagsulat (Almario, 2015) tinatawag na grafema ang isang set o pangkat ng mga bahagi
sa isang Sistema ng pagsulat. Ang mga grafema sa praktika ng ortograpiyang Filipino ay
binubuo ng tinatawag na mga titik at mga di-titik.
Una ay ang titik o letra. Ito ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng
mga patinig o bokablo (vocablo) at ng mga katinig o konsonante (consonante). Ang
serye ng mga titik o letra ay tinatawag na alpabeto. Ang alpabetong Filipino ay
binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik at kumakatawan ang bawat isa sa isang
tunog. Binibigkas o binabasa ang mga titik sa tunog-Ingles maliban sa Ñ. (Almario,
Virgilio., et al., 2015)

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg
ey bi si Di i ef Dyi

Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn
eyts ay dyey Key el em En

Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss
enye en dyi o Pi kyu ar Es

Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
ti yu vi Dobolyu eks way Zi

Ikalawa ay ang Di-titik. Binubuo ang di-titik ng mga tuldik at mga bantas. Ang tuldik
o asento ay gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita. Sa lingguwistika,
itinuturing ang tuldik na simbolo para sa impit na tunog o kaya sa diin o haba ng
pagbigakas. Sa abakadang Tagalog, tatlo ang pinalaganap nang tuldik: (1) ang tuldik
na pahilis (‘) na sumisimbolo sa diin at/o haba, (2) ang tuldik na paiwa at (3) ang
tuldik na pakupya na sumisimbolo sa impit na tunog. Kamakailan, idinagdag ang
ikaapat, ang tuldik na patuldok, kahawig ng umlaut at dieresis (¨) upang
kumakatawan sa tunog na tinatawag na schwa sa lingguwistika. (Almario, Virgilio., et
al., 2015)

Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng diin at ilang halimbawa nito

Una ay Malumay, ito ang bigkas ng mga salita kung ang mga salita ay nilalagyan
ng diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. Ito ay binigkas ng banayad at walang
antala sa huling pantig. Ito rin ay di nilalagyan ng kudlit ( o ) at maaaring magtapos
sa katinig o patinig. (Santos, Lope K., 2019)
Halimbawa:
Malaya Talino
Ikalawa, Malumi, ito ang bigkas ng mga salita kung ang mga salita ay nilalagyan
ng diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan, may impit sa dulo, nagtatapos sa patinig, at
ginagamitan ng tuldik na paiwa ( ). (Santos, Lope k., 2019)
Halimbawa:
Lupa Labi
Ikatlo ay Mabilis, ang bigkas ng mga salita kapag ang mga ito ay binibigkas ng
tuloy-tuloy, may diin sa huling pantig, at walang impit o pasarang tunog sa hulihan,
karaniwang nagtatapos sa patinig at ginagamitan ng tuldik na pahilis ( / ) sa ibabaw ng
huling pantig. (Santos, Lope K., 2019)
Halimbawa:
Bagsik Saksak
Huli ay Maragsa. Ang bigkas ng mga salita kung ito ay binibigkas ng tuloy-tuloy
na tulad ng mabilis ngunit may impit o pasarang tunog sa hulihan, karaniwang
v
nagtatapos sa patinig, at ginagamitan ng tuldik na pakupya ( ) sa ibabawa ng huling
pantig. (Santos, Lope K., 2019)
Halimbawa: v v
Pulo Paso

Samantala, ang bantas ay kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa


pagitan ng mga titik at pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, at sa pagitan ng
mga pangungusap. Mga karaniwang bantas ang kuwit (,), tuldok (.), pananong (?),
padamdam (!), tuldok-kuwit (;), tutuldok (:), kudlit (‘), panipi (“”), at gitling (-).
(Almario, Virgilio., et al., 2015)

1. TULDOK- karaniwang gamit ng tuldok (period) ang pananda para sa


pagwawakas ng pangungusap na paturol o pautos. (Almario, Virgilio., et al.,
2018)
Hal.: Maganda si Minda Limbo. Dumito ka.
1.1 Sa Pagpapaikli. Ginagamit sa pagdadaglat ng mga salita.
Hal.: Ang Inc. ay daglat ng Incorporated.
1.2 Paglilista o Enumerasyon. Sa paglilista, naglalagay ng tuldok pagkatapos
ng bilang o titik.
1.3 Sa Agham at Matematika. Sa Matematika, ginagamit ang tuldok sa sisteang
desimal.
Hal.: 3.1416 (halaga ng Pi)
Sa Agham, madalas na gamitin ang tuldok sa pagsulat ng mga pangalang
siyentipiko ng mga nilalang na hayop o halaman.
Hal.: Carica papaya L.(daglat ng Linnaeus ang L)
1.4 Relasyon sa Iba pang Bantas. May mga pagkakataong nakapaloob ang
tuldok sa iba pang bantas tulad ng panipi, panaklong, at panaklaw.
Hal.: Iginiit ng bata, “Wala po akong kasalanan.”
(Tuwirang sinipi ang pangungusap na nasa huling bahagi ng pangungusap.)
Nabanggit itong sandigan ng pagtuturo kahit sa mga akdang relihiyoso.
(At kailangang muli nating sumipat pabalik sa kasaysayan.)
1.5 Sa Sanggunian. Ginagamit rin ang tuldok para paghiwalayin ang mga
detalye hinggil awtor at sa pamagat bilang isang lahok o emtri sa
sanggunian.
1.6 Sangguniang Online. Ginagamit din ang tuldok upang paghiwalayin ang
mga detalye sa isang URL (Uniform Resource Locator).
Hal.: www.kwf.gov.ph

2. KUWIT- Ginagamit ang kuwit (comma) upang matukoy ang pinakamaikling


pagputol ng ideya o pinamaliit na paghinto sa daloy ng isang pangungusap.
Tanda ito ng pansamantalang pagtigil sa daloy ng ideya (at pagbasa). (Almario,
Virgilio., et al., 2018)
Hal.: Bago ang lahat, naisip niya, nais niyang maghanapbuhay.
2.1 Sa mga Serye. Ginagamit ang kuwit sa serye ng tatlo o mahigit na mga
ideya sa isang pangungusap na pinagsama ng isang pag-ugnay. Kailangang
tandaan na naglalagay din ng kuwit bago ang pang-ugnay.
Hal.: Isang tao akong masaya, mahilig kumain, ngunit kuripot.
2.2 Pambukod ng mga Ideya. Ginagamit din ang kuwit upang paghiwalayin ang
magkahawig o magkasalungat na mga ideya, malimit upang kumatawan sa
inalis na “ay” o “at”.
Hal.: Kapag may tiyaga, may nilaga.
2.3 Pambukod ng mga Detalye. Ginagamit ang kuwit sa pagbubukod ng mga
titulo/posisyon ng isang tao, pagbukod ng mga elemento sa tirahan, petsa
(buwan, petsa, taon na format), at pangalan na nauuna ang apelyido.
Hal.: Nagbigay ng pahayag si Dr. Medina, Alison, ang pangulo ng
Philippine Doctor’s Association, hinggil sa pagtaasng presyo ng mga
gamot.
Block 18, Lt. 1, Kalye Pinalagad, Malinta, Lungsod Valenzuela
2.4 Pansamantalang Pagtigil. Ihinihiwalay sa pamamagitan ng kuwit ang mga
madamdaming pahayag, bulalas, padamdam na “O” at “A”, at iba pang
kahawig.
Hal.: A, muntik ko nang maiwan ang bag ko!
2.5 Sa Pagsipi. Sa tuwirang pagsipi ng mga pahayag (bahagi man o buo),
naglalagay ng kuwit bago ang siniping bahagi. Kung ang sinipi ay
matatagpuan sa simula ng pangungusap, pinapalitan ng kuwit ang tuldok
mula sa orihinal nito.
Hal.: “Hindi ako mapakali,” ang banggit ni Tania habang hinihintay ang
pag-uwi ng anak.
Saglit na napaisip si Bea at nag-usisa, “ano ang kinalaman mo sa
nangyari kay ama?”
2.6 Sa mga Liham. Sa korespondensiyang opisyal, ginagamit ang kuwit sa dulo
ng bating pambungad at bating pangwakas ng iba’t ibang uri ng liham.
Hal.: Mahal na Bb. Sandor Abad,
3. TANDANG PANANONG- Ang pangkalahatang gamit ng tandang pananong ang
pagpapahayag ng tanong, usisa, o alinlangan. (Almario, Virgilio., et al., 2018)
Hal.: Sigurado ka na ba sa iyong desisyon?
3.1 Mga Tuwiran at Di-Tuwirang Tanong. Ginagamit din ang pananong sa mga
tuwirang tanong na matatagpuan sa pangungusap.
Hal.: Kaya ko kaya ito? Usisa niya sa sarili.
Bakit di siya takot? Pagtataka ng bata sa kaniyang kalaro.
3.2 Mga Pakiusap na Tanong. May mga pagkakataong tila tanong ang mga
pakiusap ngunit itinuturing ang mga ito na mga pangungusap na pautos kaya
nilalagyan ng tuldok.
Hal.: Maaari bang ikuha mo ako ng baso.

4. TANDANG PADAMDAM- Ginagamit ang tandang padamdam sa mgapahayag na


dulot ng bugso ng damdamin, sigaw, o pahayag na mapang-uyam. (Almario, Virgilio., et
al., 2018)
Hal.: Aray! Nasugatan ako! Kay laki ng pinayat mo! Magsitigil kayo!

4.1 Relasyon sa Ibang Bantas.


Hal.: “Hindi ko na kaya!”
4.2 Iwasan ang Doble o higit pang Padamdam

5. TULDOK-KUWIT- Ginagamit ang tuldok-kuwit o semikolon tuwing paghihiwalayin ang


mga sugnay na nakapag-iisa na walang pang-ugnay. (Almario, Virgilio., et al., 2018)

Hal.: Napakalaking tulong sa kabuhayan ang padalang salapi ng mga OFW;


ngunit higit na tatatag ang kabuhayan kung magkaroon ng sariling
industriya ang mga tao.

5.1 Sa mga Komplikadong Serye ng Pangungusap. Ginagamit ang din ang


tuldok-kuwit sa isang serye na lubhang komplikado at kinapapalooban ng
maraming bantas.

Hal.: Noong 2008, naitala sa Rehiyon IV-An ang pinakamaraming bilang ng


mga namatay sa panganganak sa 232; sumunod ang Rehiyon VII, 181;
NCR, 176; at Rehiyon III, 166.

5.2 Bago ang mga Pang-abay. Naglalagay ng tuldok-kuwit bago ang mga pang-
abay na katulad ng samakatuwid, bagkus, gayon, at sa halip kapag pinag-
uugnay nito ang dalawang sugnay na nakapag-iisa.

Hal.: Nais ni Karen na bumili ng sarili niyang kotse; sa gayon, sinisimulan


niya ngayong mag-ipon.

5.3 Sa paghihiwalayng mga Detalye. Paghiwalayin ang reperensiya kapag ang


isa o higit pa sa mga reperensiya ay may ibang bantas panloob.

Hal.: Hen. 2:3-6; 3:15, 17; 6:5, 14


5.4 Relasyon sa ibang Bantas

Hal.: Nakakikiliti ng imahinasyonang kuwentong “Unang Baboy sa Langit”;


nakakukurot naman sa puso ang “Tuwing Sabado.”

6. TUTULDOK- Ipinapakilalang tutuldok (colon) ang listahan ng mga pariralala, o


pangungusap. Karaniwang naglalagay ng espasyo pagkatapos ng tutuldok kung ang
listahang ipinakikilala ay nasa kaparehong linya nito. (Almario, Virgilio., et al., 2018)

Hal.: Hindi makapili si Leo ng kasama: si Piolo, si Dingdong, o si Derek?

6.1 Sa Pagsipi. Ginagamit din ang tutuldok bago ang pagsipi ng mga pahayag,
upang ipakilala ang mga pahayag

Hal.: Sa mga kataga ni Aling Sepa nagtatapos ang dula: “My parents ruined
my life. Yours will not be ruined.”

6.2 Sa Paglilista. Sa paglilista, kadalasang sinusundan ng tutuldok ang mga


salitang halimbawa, at gaya ng sumusunod.

6.3 Sa Oras at sa Kabanata ng Bibiliya.

Hal.: Juan 3:16 Kawikaan 7:18 7:30 nu 8:15 pm

6.4 Sa Sanggunian. Ginagamit ang tutuldok sa pagitan ng pook na


pinaglathalaan at pangalan ng naglathala ng aklat.

Hal.: Serrano Laktaw, Pedro. Diccionario Tagalog-Hispano. Maynila: 1914.

6.5 Sa mg Bahagi ng Liham. Sa korespondensiya, ginagamitan ng tutuldok ang


bating panimula, paglalakip, tawag-pansin, paksa, at notasyonng binigyang-sipi
sa mga opisyal o pormal na liham.

Hal.: Mahal na Senador Legarda:

Kalakip:Borador ng Memorandum

6.6 Iskrip. Ang tutuldok ay isinusulat pagkatapos ng pangalan ng tauhang


magsasalita.

Hal.: MENANGGUE: Ang kulasisi bagang bigay mo?

TOMING: At alin pa kundi ito.

7. PANIPI. Sa pangkalahatan, ginagamit ang panipi sa pagsipi o tuwirang


pagpapasok sa isang pangungusap ng isa o mahigit na pahayag o
pangngungusap mula sa ibang nagsasalita o sanggunian. (Almario, Virgilio., et
al., 2018)

Hal.: Ipinahayag nila sa madla na “Ang balakid sa aking daan ay


ipatatanggal ko.”
PAGSASANAY
A. Panuto: Ibigay ang salitang ibig ipahiwatig ng kahulugan o ang katumbas na
salita sa Filipino nang nasa hanay B. Lagyan ng tamang tuldik ang sagot, isulat
sa hanay A. At, tukuyin kung anong uri ng diin (malumay, mabilis, malumi,
maragsa) ito, isulat sa hanay C. (20 puntos)
A B C
Hal: Balita Impormasiyong inuulat sa diyaryo, magasin, o TV Malumi
1. Lips
2. Kulay ng manggang hinog
3. Japanese
4. Sugarcane
5. Vegetable
6. Speech o oration
7. Salitang pang-uri sa taong kayang bumuhat
ng mabigat
8. Full
9. Fire
10. Word

PAGTATAYA
Panuto: Magsulat ng dalawang (2) pangungusap, o parirala na
ginagamitan ng mga sumusunod na bantas: (2 puntos bawat pangungusap/ 28
puntos)
1. Tuldok

2. Kuwit

3. Tandang pananong

4. Tandang padamdam

5. Kudlit
6. Panaklong

7. Panipi

• Kung may mga komento, suhestiyon at katanungan ay huwag mahihiyang


magtanong sa akin sa messenger, Email at sa text
➢ FB account: John Artajo Truz
➢ Gmail account: johnny.truz@norsu.edu.ph
➢ Cellphone number: 09356462817

Fidbak sa Pagsasanay

TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Ibigay ang iyong sariling replekyon. (10 puntos bawat bilang)
1. Bakit mahalaga ang gamit ng bantas? (Siguraduhing angkop at tama ang gamit
ng mga bantas sa pagsulat ng iyong repleksiyon)
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Para sa iyo, nararapat bang ibalik ang gamit ng tuldik sa pagsulat ng iba’t ibang
akda sa Filipino? Ipaliwanag.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Nahihirapan o nalilito ka bang mag-ispeling ng mga salita sa
wikang Filipino, lalong lalo na ang pagbabaybay ng mga hiram na
salita?
Sa leksiyon na ito ay matututunan mo ang mga gabayat
alituntunin sa pagbabaybay ng mga salita sa wikang Filipino maging
ang mga salitang hiram mula sa ibang wika.

TUKLASIN
Esensiyal at nararapat na malaman mo ito. Dahil ang
pagkakaroon ng kabatiran at kasanayan sa wastong pasulat na
LEKSIYON 2 pagbababay ay higit na makatutulong sa iyo upang makapaglikha ka
Pasulat na ng isang masinop at nauunawang akda o sulatin
Pagbabaybay
Subalit bago ka magpatuloy ay nais kong malaman mo na
dapat mong maabot ang mga sumusunod na layunin sa ibaba.

ABUTIN MO
LAYUNIN Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:
✓ Nauunawaan ang mga alituntunin sa pagbabaybay na pasulat.
✓ Nailalapat ang mga kaalaman sa pagbaybay na pasulat sa
pamamagitan ng pagbabaybay ng mga bolabularyong Filipino
✓ Makabuluhang nakagagawa ng bidyong tumatalakay sa relasiyon
ng wikang Espanyol at wikang Filipino

GAWIN ITO
IBATAN ASPETO

Panuto: Pansinin ang mga


LEBEL ISKEDYUL
salitang nasa loob
ng kahon. Bilugan
ang mga salitang
PISBOL GROSERI
tama ang
pagbaybay at
salungguhitan
IPUGAW IMAHE
naman ang mga
salitang sa tingin
mo ay mali ang ang
KWIT BUKEY
baybay sa wikang
Filipino.

TALAKAYIN NA!
Sa bahaging ito ay matutuklasan mo ang mga antas at barayti ng wika mula sa
magkakaibang mga hanguan.

PAGBAYBAY NA PASULAT

Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning "Kung ano ang


bigkas, siyang sulat" sa pagbaybay na pasulat. Siyempre, hindi ito nasusunod sa
salitang mga na isang pagpapaikli sa lumang anyo nitong "manga" at ginagamit noon
hanggang sa bungad ng ika-20 siglo. Mahalaga ring pag-aralan kung kailan ginagamit
ang maikling ng at ang mahabang nang, isang tuntuning pinairal mulang Balarila at
bumago sa ugali noong panahon ng Español na mahabang "nang" lagi ang isinusulat.
(Almario, Virgilio., et al., 2015)

4.1 Gamit ng Walong Bagong Titik. Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na


pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag na titik sa modernisadong alpabeto: C, F,
J, Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na
tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga
titik ng F, J, V, at Z ay napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog
sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang "Ifugaw" ay
isinusulat na "Ipugaw" o ang "Ivatan" ay isinusulat na "Ibatan." Narito pa ang ilang
halimbawa:
alifuffug (Itawes) ipuipo
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan
feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo
jambangan (Tausug) halaman
masjid (Tausug, Mëranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim
(Almario, Virgilio., et al., 2015)

4.2 Bagong Hiram na Salita. Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong
hiram na salita mulang Español, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: mga
bagong hiram. Ang ibig sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga
hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada.
Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng orihinal na forma sa Español dahil ginagamit
nang matagal ang porma pati ang mga deribatibo nitong pormal, impormal,
pormalismo, pormalidad, depormidad, atbp. Hindi rin dapat ibalik ang pirma, sa
firma, ang bintana sa ventana, ang kalye sa calle, ang tseke sa cheque, ang pinya sa
piña, ang hamon sa jamon, ang eksistensiya sa existencia, ang sapatos sa zapatos.
(Almario, Virgilio., et al., 2015)

4.3 Lumang Salitang Español. Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita
mulang Español ang mga nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro
Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972)
ni Jose Villa Panganiban. Nakatanggal sa inilistang mga lumang hiram na salita mulang
Español ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang
pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa bakasyon (vacacion), kabayo
(caballo), kandila (candela), puwersa (fuerza), letson (lechon), lisensiya (licencia),
sibuyas (cebolla+s), silahis (celaje+s), sona (zona), komang (manco), kumusta
(como esta), porke (por que), at libo-libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo, Kapampangan,
Pangasinan, Sebwano, Tagalog, Waray, at ibang wikang katutubo na naabot ng
kolonyalismong Español. (Almario, Virgilio., et al., 2015)

4.4 Di Binagong Bagong Hiram. Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga
idinagdag ngayong salita mulang Español. Maituturing na bagong hiram ang mga salita
na hindi pa matatagpuan sa dalawang binanggit na diksyunaryo sa seksiyong 4.3.
Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang futbol, fertil, fosil,
visa, vertebra, zigzag. Samantala, dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita
mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa
ispeling, gaya ng fern, folder, jam, jar, level (na hindi dapat bigkasing mabilis--"lebel"--
gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong salitang Español), envoy, develop,
ziggurat, zip. (Almario, Virgilio., et al., 2015)

4.5 Panghihiram Gamit ang Walong (8) Bagong Titik. Sa kasalukuyan, sa gayon, ang
lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay ginagamit sa tatlong pagkakataon ng
panghihiram mula sa mga wikang banyaga. Una, sa mga pangngalang pantangi na
hiram sa wikang banyaga, halimbawa, Charles, Ceferino, Catherine, Colorado, Fidel,
Feliza, San Fernando, Filipinas, Jason, Jennifer, St. Joseph, Jupiter, Beijing, Niñez,
Montaño, Santo Niño, Enrique, Quiroga, Quirino, Vicente, Vladimir, Nueva Vizcaya,
Vancouver, Xerxes, Maximo, Mexico, Zenaida, Zion, Zobel, Zanzibar. Ikalawa, sa mga
katawagang siyentipiko at teknikal, halimbawa, "carbon dioxide" "Albizia falcataria," "jus
sanguinis," "quorum," "quo warranto," "valence," "x-axis," "oxygen," "zeitgeist," "zero,"
"zygote," Ikatlo, sa mga salita na mahirap dagliang ireispel, halimbawa, "cauliflower,"
"flores de mayo" "jaywalking," "queen," "quiz," "mix," "pizza," " zebra". (Almario, Virgilio.,
et al., 2015)

4. 6 Eksperimento sa Ingles. Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit


pang eksperimento sa reispeling o pagsasa-Filipino sa ispeling ng mga bagong hiram
sa Ingles at ibang wikang banyaga. Dapat madagdagan nang higit ang istambay (stand
by), iskul (school), iskedyul (schedule), pulis (police), boksing (boxing), rises
(recess), atbp. Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga mag-aaral dahil higit
na madali nilang makikilala ang nakasulat na bersiyon ng salita.

Kailan Hindi Pa Maaari ang Reispeling. Ngunit tinitimpi ang pagsasa-Filipino ng


ispeling ng mga bagong hiram kapag (1) nagiging kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa
Filipino. (2) nagiging higit pang mahirap basahin ang bagong anyo kaysa orihinal, (3)
nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan, (4)
higit nang popular ang anyo sa orihinal, at (5) lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo
dahil may kahawig na salita sa Filipino. (Almario, Virgilio., et al., 2018)

Halimbawa, baka walang bumili ng "Kok" (Coke) at mapagkamalan itong


pinaikling tilaok ng manok. Matagal mag-iisip ang makabasa ng "karbon day-oksayd"
bago niya maikonekta ito sa sangkap ng hangin. Iba ang baguette ng mga Pranses sa
ibang kolokyal na "bagets." Nawawala ang samyo ng bouquet sa nireispel na "bukey."
Nakasanayan nang basahin ang duty-free kaya ipagtataka ang karatulang "dyuti-fri."
May dating na pambatas ang habeas corpus kaysa isina-Filipinong "habyas korpus."
Bukod sa hindi agad makikilala ay nababawasan ang kabuluhang pangkultura ng fung
shui kapag binaybay na "fung soy" samantalang mapagkakamalan pang gamit ang pizza
kapag isinulat na "pitsa." Malinaw ding epekto ito ng lubhang pagkalantad ng paningin
ng mga Filipino sa mga kasangkapang biswal (iskrin, karatula, bilbord) na nagtataglay
ng mga salitang banyaga sa mga orihinal na anyong banyaga. (Almario, Virgilio., et al.,
2018)

4.7 Español Muna, Bago Ingles. Dahil sa mga naturang problema, iminumungkahi ang
pagtitimpi sa lubhang pagsandig sa Ingles. Sa halip, maaaring unang piliin ang
magkahulugang salita mulang Español, lalo't may nahahawig na anyo, dahil higit na
maalinsunod ang wikang Español sa bigkas at baybayin na Filipino kaysa Ingles. Higit
na magaang basahin (at pantigin) ang estandardisasyon (estandardization) mulang
Español kaysa "istandardiseysiyon" (standardization) mulang Ingles, ang bagahe
(bagaje) kaysa "bageyds" (baggage), ang birtud (virtud) kaysa "virtyu" (virtue), ang isla
(isla) kaysa "ayland" (island), ang imahen (imagen) kaysa "imeyds" (image). (Almario,
Virgilio., et al., 2018)

4.8 Ingat sa "Siyokoy." Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang siyokoy ni Virgilio
S. Almario, mga salitang hindi Español at hindi rin Ingles ang anyo at malimit na bunga
ng kamangmangan sa wastong anyong Español ng mga edukadong nagnanais
magtunog Español ang pananalita. Napansin iton nang iuso ni Rod Navarro sa
programa niya sa radyo ang "konsernado," na pagsasa-Español niya ng Ingles na
concerned. Pinuna ang artistang anawnser dahil "siyokoy" ang Español. Ang tumpak na
anyo nito sa Español konsernido (concernido.) Ngunit marami siyang katulad sa
akademya at midya. Dahil kulang sa bantay-wika, dumami ang salitang siyokoy.
Bagaman bago, mabilis kumakalat ang mga salitang siyokoy dahil pinalalaganap ng
mga sikat na artista, brodkaster, manunulat, at akademiko na limitado ang kaalaman sa
wikang Español. (Almario, Virgilio., et al., 2018)

Ilang siyokoy ngayon ang "aspeto" na hindi ang Español na aspecto; "imahe" na
hindi ang wastong imahen (imagen), "pesante" na hindi ang tumpak ba paisano ng
Español ni ang peasant ng Ingles; "kontemporaryo" na hindi ang kontemporaneo
(contemporaneo) ng Español; "endorso" na halatang naipagkakamali ang endorse ng
Ingles sa endoso ng Español. Ipinapayo ang pagkonsulta sa mapagkakatiwalaang
diksiyonaryong Español bago isalin sa Español ang nais sanang sabihin sa Ingles. O
kaya, huwag ikahiya ang paggamit ng terminong Ingles kung iyon ang higit na alam:
aspect, image, peasant, contemporary, endorse. O kaya, maaaring higit na maintindihan
ng madla kung ang katapat na salita sa Filipino ang gagamitin: mukha o dako, larawan
o hulagway, magbubukid o magsasaka, kapanahon o napapanahon, pinili o
pinagtibay. (Almario, Virgilio., et al., 2018)

Maituturing ding siyokoy ang paraan ng paggamit sa level ng ilang akademisyan


ngayon. Binibigkas ito nang mabilis at binabaybay nang "lebel" sa pag-aakalang naiiba
ito sa Ingles ng level. Hindi kasi nila alam na ang tunay na salitang Español nito ay nibel
(nivel) at matagal nang hiniram ng ating mga karpintero. Kung nais ang Ingles, bigkasin
nang wasto ang level (malumay) at hindi na kailangang ireispel. Tulad sa bagong pasok
sa Filipino mulang Ingles na level-ap (level-up). Kung nais namang higit na
maintindihan, maaaring gamitin ang Tagalog na antas gaya sa "antas primarya" at
"antas sekundarya," o taas gaya sa "taas ng tubig sa dagat"o "taas ng karbon sa
hangin. (Almario, Virgilio., et al., 2018)

4.9 Gamit ng Español na Y. May espesyal na gamit ang titik na Y---na binibigkas na
katulad ng ating I, gaya sa "Isulat," at kasingkahulugan ng ating at---na mungkahing
ipagpatuloy ang gamit sa Filipino. Ginagamit ito, una, upang isulat nang buo ang
pangalan ng lalaki kasama ang apelyido ng ina. Halimbawa, isinusulat kung minsan ang
pangalan ng pangulo ng Republikang Malolos na "Emilio Aguinaldo y Famy" upang
idugtong ang apelyido ng kaniyang inang si Donya Trinidad Famy. Ginagamit ito,
ikalawa, sa pagbilang sa Español at binabaybay. Halimbawa:

Alas-dos y medya (ikalawa at kalahati)


Ala-una y kuwatro (ikaisa at labinlima)
Alas-singko y beynte (ikalima at dalawampu)
Kuwarenta y singko (apatnapu't lima)
Singkuwenta y tres (limampu't tatlo)

Pansinin na nawawala ang Y kapag nagtatapos sa E ang pangalan ng unang


bilabg, gaya sa beynte dos, alas-siyete kuwatro, alas-dose medya. (Almario, Virgilio.,
et al., 2015)

4.12 Kaso ng Binibigkas na H sa Hiram sa Español. Sa wikang Español, ang titik H


(hache) ay hindi binibigkas. Kaya ang hielo ay yelo; hechura, itsura; hacienda,
asyenda; heredero, eredero; hora(s), oras; at habilidad, abilidad. Ngunit may ilang
salitang Español na kailangang panatilihin ang H dahil may kahawig ang mga ito na
salitang iba ang ang kahulugan. Halimbawa, ang humano (tao) na kapag inalisan ng H
ay makakahawig ng katutubong umano. Sa gayon, kahit ang mga deribatibo ng humano
na hiniram na ngayon sa Filipino, gaya ng humanismo, humanista, humanidad(es),
humanitaryo, ay hindi pinupungusan ng unanh titik. Katulad din bagaman may kaibhan
ang kaso ng historia, na sa Español ay maaaring gamiting kasingkahulugan ng
"kuwento" o ng "kasaysayan." Sa praktika ngayon, ang historya ay ginamit na
singkahulugan ng kasaysayan samantalang ang istorya ay itinapat sa salaysay.
Kasama ng historya sa Filipino ang historyador, historiko, historisismo. (Almario,
Virgilio., et al., 2018)

4.13 Gamit ng J. Sa pangkalahatan, ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na


/dyey/. Ibig sabihin, hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang Español ng mga
salitang ang J ay may tunog na /ha/ at tinatapatan ng H, gaya ng ginawa noon sa justo
at juez na may anyo na ngayong husto at huwes. Ilalapat, sa gayon, ang bagong titik J
sa mga katutubong salita na may tunog /dyey/, gaya ng jambangan at jantung ng
Tausug, sinjal ng Ibaloy, at jinjin at ijang ng Ivatan. Gagamitin din ito sa mga bagong
hiram na salita, gaya ng jet, jam, jazz, jester, jingle, joy, enjoy ng Ingles, jujitsu ng
Japones, at jataka ng Sanskrit. Ngunit hindi sakop nito ang ibang salitang Ingles na
nagtataglay na tunog /dyey/ ngunit hindi gumagamit ng J, gaya sa general, generator,
digest, region na kung sakaling hiramin man ay magkakaroon ng anyong "dyeneral,"
"dyenereytor," "daydyest," "ridyon." Hindi naman kailangang ibalik ang J sa mga salitang
Ingles na matagal nang isinusulat nang may DY, gaya sa dyipni (jeepney), dyanitor
(janitor), dyaket (jacket). (Almario, Virgilio., et al., 2018)

PAGSASANAY
Gawain 1
Panuto: Kilalanin kung anong alituntunin ng Pasulat na Pagbabaybay ang ginagamit
ng (mga) salitang naka-bolde sa bawat pahayag at ipaliwanag ito.

Halimbawa:
Vakul ang tawag sa pantakip sa ulo na yari sa damo ng mga Ivatan

Alituntunin:
Gamit ng Bagong Walong Titik

Paliwanag:
Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita
mula sa mga katutubong wika ng Filipinas

1. Napakagandang pagmasadan nang bilog na vulan (ibanag), tila matang


sumusubaybay sa atin sa gitna ng dilim. (20 puntos)

Alituntunin:

Paliwanag:

2. Napakaraming istambay sa iskinita ng tondo.

Alituntunin:

Paliwanag:

3. Ang mga dyanitor sa Lee Plaza ay masisipag at mababait.

Alituntunin:

Paliwanag:

4. Si Julius ang ama ni Zalazar na anak ni Xelena.

Alituntunin:

Paliwanag:

5. Kailan naman kaya ako makakakain ng masarap at tunay na sushi ng Japan?


Alituntunin:

Paliwanag:

6. Sa tuwing nagpapatulog ang mga kababaihan ng tribu ng Tiruray ay


gumagamit si ng Falendag.

Alituntunin:

Paliwanag:

7. Siya ay maabilidado sa buhay kaya siya ay nagtagumpay sa buhay at


yumaman?

Alituntunin:

Paliwanag:

8. Tunay na pangalan ng aming guro sa agham ay Zonaida Perez y Abenio.

Alituntunin:

Paliwanag:

9. Nitrogen Peroxide ang gamit niya sa paglilinis ng kubeta.

Alituntunin:

Paliwanag:

10. Ang korni-korni naman ng iyong mga jowks.

Alituntunin:

Paliwanag:
Gawain 2
Panuto: Gumawa ng isang bidyu na naglalaman ng relasiyon o pagkakatulad ng mga
salitang Espanyol sa mga salitang Filipino. Bilang gabay, panuorin ang
bidyong ito https://www.youtube.com/watch?v=F3-MSIE5bDA
Isaalang-alang ang mga sumusunod na alituntunin:

1. Ang bidyu ay may habang 3-5 minuto.


2. Mag interbyu ng tatlong miyembro sa pamilya (Paalala: Hindi na kailangan pang
gumala o lumabas para makapag-interbyu)
3. Magbahagi ng labing limang salitang espanyol at ibigay ang katumbas nitong
salita sa Filipino.
4. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga salitang brutal, sekswal, at mararahas.
5. Ang hindi pagsunod sa mga nabanggit na alituntunin sa itaas ay may kabawasan
na dalawang puntos.
6. Ipasa ito sa ating aking Messenger Account (John Artajo Truz)
7. Ilakip sa bidyo ang kumpletong pangalan, at oras at araw ng klase sa Filipino 1.
8. Isaalang-alang ang pamantayan na nasa ibaba.

PAMANTAYAN PUNTOS

Teknikal

(Hindi magalaw ang pagbidyu at 20


malinaw na naririnig ang boses
ng mga nagsasalita)

Nialaman

(malinaw na naipapakita sa bidyu 20


ang layunin ng gawain)

Pagkamalikhain 20

KABUUAN 60

• Kung may mga komento, suhestiyon at katanungan ay huwag mahihiyang


magtanong sa akin sa messenger, Email at sa text
➢ FB account: John Artajo Truz
➢ Gmail account: johnny.truz@norsu.edu.ph
➢ Cellphone number: 09356462817

PAGTATAYA

TEST I: PAGPUPUNO

Panuto: E-reispel sa wikang Filipino ang mga hiram na salita na nasa


baba. Isulat ang sagot sa patlang. (20 puntos)

1. Marzo 11.Corazon de Jesus

2. Level 12. Jollibee

3. Joselito Quezon 13. mensajes

4. Coke 14. attendance

5. Schedule 15. baño

6. futbol 16. region

7. safot (Ibaloy) 17. habilidad

8. cebollas 18. zona

9. como esta 19. Zigattu (Ibanag)

10. coche 20. Azucar

TEST II PAGLALAPAT

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salitang na


binaybay sa Filipino. (2 puntos bawat bilang/ 10 puntos)

1. BAGEYDS

2. SOFISTEKEYTED

3. ASPEKTO

4. NIBEL

5. ASAYNMENT

Fidbak sa Pagsasanay
May iba’t ibang kasagutan/tugon •

Gawain 2

• May iba’t ibang kasagutan/tugon


Gawain 1
TAKDANG-ARALIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. (10 puntos bawat
bilang)

1. Para sa iyo, bakit mahalagang matutuhan ang kakayahan at kaalaman sa


pagbabaybay na pasulat gamit ang wikang Filipino?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga kahirapang naranasan mo habang pinag-aaralan ang


modyul na ito at sa paanong paraan mo nalutasan ang kahirapan na ito?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

PAMANTAYAN PUNTOS

Nilalaman

Organisasyon ng mga ideya

Kawastuhang Panggramatika

KABUUAN 10
MGA SANGGUNIAN

Almario, Virgilio S. et al. 2015.KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat Ikalawang Edisyon


San Miguel, Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino.

Almario, Virgilio S. et al. 2018.KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat Ikawalong limbag


San Miguel, Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino.

Santos, Lope K., 2019. Balarila ng Wikang Pambansa. San Miguel, Maynila:
Komisyon sa Wikang Filipino.

You might also like