You are on page 1of 3

Di- Masusing Banghay Aralin sa Filipino I

Quarter 4

7Pangalan ng Guro: ROSEMARIE C. LOZANO Petsa: APRIL 17, 2024


Paaralan: Paghudlan Elementary School Oras: 10:50 -11:40

I. Layunin: Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang salita at


pangungusap na ididikta ng guro (F1KM-IIIe-2)

Makinig ng mabuti sa
sinasabi ng guro
II. Nilalaman at Kagamitan:
A. Paksa: Maisusulat Nang May Wastong Baybay at Bantas Aang Salita at
Pangungusap na Ididikta ng Guro
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide (MELC) p. 144 Modules Quarter 4, Week 1
Filipino I Learner’s Materials page 5
C. Kagamitan: Larawan, Tsart
Konsepto: Sa pagsulat nang may wastong baybay at bantas sa mga salita at pangungusap na
idinikta ng guro. Ang mga bantas ay mga simbolo sa pagsulat, upang madaling
maintidihan ang isang pahayag.
Ang iba’t ibang uri ng bantas ay tuldok, tandang pananong, padamdam at kuwit.
Sa pagsulat ng salita, kung ano ang bigkas siyang sulat, at kung ano ang sulat ay
siyang
basa.
Iba’t ibang uri ng bantas at mga gamit nito.
1. Tuldok (.) Ito ay ginagamit sa hulihan ng pangungusap na nagsasabi ng detalye, impormasyon
o
nagkukuwento.
Hal: Si Mina ay matalinong bata.
2. Tandang Pananong ( ?) Ito ay ginagamit sa hulihan ng pangungusap na patanong.
Hal: Saan ka pupunta Ana?
3. Tandang Padamdam (!) Ito ay ginagamit sa hulihan ng pangungusap na nagsasaad ng
matinding
damdamin tulad ng takot, galit, gulat sakit at iba pa.
Hal: Naku! Nahulog ang bata.
4. Kuwit (,) Ito ay ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang
magkakauri. Ginagamit din ito pagkatapos ng salitang oo at hindi.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Awitin ang awiting “Leron, Leron Sinta”
Panuto: Tukuyin at piliin sa kahon ang angkop na simulang salita sa bawat
pangungusap upang mabuo ang talata.

2.Pagganyak
Kapag kayo ay nagbabasa ng isang kuwento, Ano ang napansin ninyo sa
bawat pangungusap ito ba ay nag-uumpisa sa malaking titik? Ang kuwento
ba ay binubuo ng pangungusap? Ano naman ang inyong gingawa kapag
mayroong tuldok, kuwit, tandang padamdam o tandang pananong?
Paglalahad
Basahin ang isang dayalogo ng pag-uusap ng guro at ng kanyang mga mag-
aaral.

1. Pagtatalakayan
1. Sino- sino ang mga nag – uusap sa dayalogo?
2. Ano ang ipinagawa ng guro?
3. Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin upang makasunod sa panuto?
4. Tama ba ang mga baybay ng mga salita sa bawat pangungusap? Ano ang ibig
sabihin ng baybay?
5. Ano-ano ang mga bantas na ginamit sa una hanggang ikalimang pangungusap?
kailan ito ginagamit

Gawain 1
Panuto: Pagmasdan ang larawan at isulat ng may may wastong baybay at bantas
ang salita at pangungusap na ididikta ng guro batay sa larawan.
Gawain 2
Panuto: Isulat ng may may wastong baybay at bantas ang salita at pangungusap na
ididikta ng guro batay sa larawan.

Gawain 3
Panuto: Isulat ng may may wastong baybay at bantas ang salita at pangungusap na
ididikta ng guro.
C. Paglalahat
Ano ang ipinagagawa ng guro? Paano mo sinusulat ang unang letra ng
pangungusap? Ano-ano ang mga bantas na ginagamit sa pagsusulat ng isang
pangungusap? Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin upang makasunod sa panuto?
Paglalapat
Panuto: Isulat ng may may wastong baybay at bantas ang salita at pangungusap na
ididikta ng guro.
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ng may may wastong baybay at bantas ang salita at pangungusap na
ididikta ng guro.
1. Si Kiko ay masipag na mag-aral.
2. Array ! Naipit ang paa ko sa pinto.
3. Mahusay magbasa, sumulat, gumuhit at magbilang si Mara.
4. Magaling! Nasagot mo ang ating aralin.
5. Ano ang pangalan mo?
CPL/IOM:
5= 3= 1=
4= 2=
V. Gawaing Bahay/Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ng wasto at may tamang baybay. Buuin ang pangungusap batay sa larawan.

Inihanda ni:
ROSEMARIE C. LOZANO
Guro Pinagtibay ni:
ROMMEL D. ALDE
Punong Guro

You might also like