You are on page 1of 23

MODYUL 2

AKADEMIKO SA
WIKANG FILIPINO

Bb. Jean Ronor B. Amarante


Bb. Dianne Rose P. Andol
Bb. Gracelyn R. Deleña
Bb. Sweet Marisse E. Duran
G. Ariel G. Macahis
Bb. Lislelyn F. Saycon
G. Johnny A. Truz
Bb. Tiffany B. Yucor

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN


Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin
na walang liham na pahintulot ng may-akda.
FIL 1
AKADEMIKO SA
WIKANG FILIPINO

GABAY

Upang mapatnubayan sa mga leksiyon na napapaloob sa modyul na


ito ay pansinin ang talahanayan na nasa ibaba.

Module Simulan ito!

Lesson Tuklasin

Objectives Abutin mo

Motivation Gawin ito

Lesson Proper Talakayin na!

Learning Activities/Exercises Pagsasanay

Teacher Intervention Interbensyon ng Guro

Practice Task/Assessment Pagtataya

Assignment Takdang-aralin
SIMULAN ITO MODYUL 2

KASAYSAYAN NG ALFABETONG FILIPINO

Introduksyon

Bawat estudyante na kumukuha ng Filipino 1 ay kinakailangang m agkaroon ng


sapat na kaalaman at kasanayan sa Akademiko sa Wikang Filipino. Napapaloob sa
modyul na ito ang mga gawaing kasasalaminan ng pagsusuri at pagpapahalaga sa
kasaysayan ng mulang baybayin hanggang abakada at bagong alfabetong Filipino.

Mauunawaan natin ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap kung pag-aaralan


ang kasaysayan. Wika nga ni Ferdinand de Saussure (Bernales et al., 2011), “Ang
bigkas sa isang salita ay ipinapasiya, hindi ng ispeling, kundi ng kasaysayan nito.”
Walang alfabetong perpekto ng alinmang wika sa mundo sapagkat kalakip nito ang
paniniwalang patuloy itong magbabago ayon na rin sa pangangailangan ng madlang
gumagamit ng wika.

Ang paghahanda ng kagamitang babasahing ito ay kumakatawan sa pagsisikap


na matugunan ang pangangailangan sa karagdagang kagamitan sa pagkatuto ng wika
at kasaysayan ng alfabeto ng Filipinas.

Kalalabasang Pagkatuto sa Kurso

Naisasaalang-alang ang wastong bigkas at baybay ng mga salita sa


pamamagitan ng pasulat at pasalitang paraan (1.1.1.1)

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na leksiyon:
Leksiyon 1: Mulang Baybayin Hanggang Abakada
Leksiyon 2: Bagong Alfabetong Filipino
Panuto kung paano gamitin nang maayos ang Modyul
Para mapakinabangan ito nang maayos, basahin muna ang mga sumusunod na
paalala:

1. Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang (2) leksiyon. Bawat leksiyon ay


kinapapalooban ng mga diskusyon o pagpapaliwanag. Basahin itong mabuti
upang malinang ang iyong pagkatuto.
2. Sa unang pahina ng bawat leksiyon ay makikita mo ang mga layunin na
kailangan mong abutin. Ang mga layunin ay ang mga inaasahang malilinang
na kasanayan at kaalaman matapos talakayin ang mga leksiyon. Kaya
marapat lamang na basahin ito ng buong puso.
3. Dapat mong sagutin ang lahat ng gawain, pagtataya, pagsasanay at takdang-
aralin upang magabayan ang iyong pagkatuto.
4. Kung may mga katanungan o kalituhan na may kaugnayan sa modyul ay
huwag mahihiyang magtanong sa akin sa pamamagitan ng pag text, chat o
email.
5. Ipasa ang mga kasagutan sa aking email o messenger.
Bakit kaya mahalagang malaman ang kasaysayan ng ating
alfabeto? Ano ang maitutulong ng kaalamang ito sa masusing pag-aaral
ukol dito?
Batid nating lahat ang kahalagahan ng alfabeto sapagkat ito ang
mga titik na ginagamit natin upang makabuo tayo ng isang salita. Ang
TUKLASIN sistema ng pagsulat sa Filipinas ay dumaan sa iba’t ibang yugto mula
Leksiyon 1 noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Mulang Baybayin Sa araling ito ay matutunghayan ang pahapyaw na kasaysayan
hanggang Abakada ng mulang baybayin hanggang abakada. Subalit bago ka magpatuloy ay
nais kong malaman mo na dapat mong maabot ang mga sumusunod na
layunin sa ibaba.

ABUTIN MO
Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:
 Naipaliliwanag ang kaibahan ng baybayin at abakada, abecedario at
LAYUNIN
abakada.
 Nakasusulat ng salin ng liham pasasalamat gamit ang baybayin.
 Napahahalagahan ang paggamit ng mulang baybayin hanggang
abakada sa pasulat na paraan.

GAWIN ITO

Panuto: Pansinin at Suriin ang mga larawang nasa ibaba. Hulaan kung ano
ito. Ito ba ay may kaugnayan sa paraan ng pagsulat ng mga Pilipino
noon?
Bakit? (5 puntos)

Sagot:
TALAKAYIN NA!

Sa bahaging ito ay pauunlarin ang iyong kaalaman tungkol sa Baybayin at


Abakada. Maligayang Pagbabasa!

MULANG BAYBAYIN HANGGANG ABAKADA

Ano nga ba ang baybayin? Ang baybayin ay ang tawag sa sinaunang alfabeto ng
ating mga ninuno. Ito ay may labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik.
Ang labimpitong simbolong ito ay binubuo ng 14 na katinig at 3 patinig. Ang mga
simbolong kumakatawan sa mga titik ay gaya ng mga sumusunod:

Sinaunang Baybayin

/ra

Photoniompong.com

Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng baybayin:

Binibigkas na may patinig na ‘a’ sa dulo ang lahat ng mga katinig sa baybayin.
Inilalagay ang tuldok sa itaas na bahagi ng simbolo kapag ang isang katinig sa
baybayin ay binibigkas na may E o I sa dulo.
Kapag ang isang katinig sa baybayin na binibigkas na may O o U sa dulo ang
tuldok ay inilalagay sa ibabang bahagi ng simbolo.
Samantala, kapag ang katinig ay pabitin, nilalagyan ng tandang krus o ekis sa
kanang paibaba pagkatapos ng simbolo.
Ayon kina Pagkalinawan et al. (2004) sa kanilang aklat na pinamagatang
“Komunikasyon sa Akademikong Filipino”, inilalagay sa pagitan ng mga
salitang ipinaghiwalay ang isang guhit na patayo ( ) ,habang ang dalawang guhit
na patayo ( ) ay sa pagitan ng mga pangungusap. Ang tawag sa guhit na ito ay
danda. Samantalang mababasa naman sa aklat ni Leo Emmanuel Castro
(2019) na pinamagatang “Baybayin Ating Tuklasin” ginagamit ang isang guhit
na patayo ( ) bilang simbolo ng kuwit habang ang kapid danda ( ) naman ay
ginagamit na pagtutuldok. Sa mga nabanggit sa itaas na gamit ng danda, malaya
kayong pumili sa mga alituntuning nabanggit kung ano ang inyong gagamitin.

Tandaan:
Kung anong bigkas ay siyang sulat.
Narito ang mga halimbawa sa pagsulat gamit ang baybayin:

1.lahi 2. buhay

1. Madaling maging tao, mahirap magpakatao.

Leo Emmanuel Castro (2019)

2. Bago mo subukang sumuway, kailangan mo munang isiping walang madadamay. Ang


iyong kinabukasan ay nakadepende sa desisyon mo sa kasalukuyan.

Pagkalinawan et al. (2004)

Malinaw ba sa iyo ang tungkol sa baybayin? Dako ka na ngayon sa


kasunod na alfabeto ng Pilipinas. Sa pagdating ng mga Kastila ang lumang
baybayin ay napalitan ng alfabetong Romano na kalauna’y nakilala sa tawag na
abecedario. Ito’y binubuo ng 31 na titik at hango sa Romanong paraan ng
pagbigkas at pagsulat.
A B C CH D E F G H I J K
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/ /hota/ /ke/

L LL M N Ñ NG O P Q R RR
/ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /en dyi/ /o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/

S T U V W x Y Z
/ese/ /te/ /u/ /ve/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/

Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong


sistema ng pagsulat at isa na rito ay ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Kaya sa paglipas ng ilang taon, ang alfabeto ay napalitan. Ang kasunod ng
alfabetong Romano ay ang abakada na ipinakilala ni Lope K. Santos (ama ng Balarila
ng Wikang Filipino) noong 1940. Mula sa labimpitong (17) titik sa baybayin naging
dalawampu (20) ang mga titik ng alfabeto sa kadahilanang pinaghiwalay ang E at I, O at
U, Da at Ra. Kaya naging lima ang patinig: A, E, I, O, U at dalawampu (20) ang mga titik
ng lumaganap ang Wikang Pambansa na Wikang Filipino. Binibigkas ang mga katinig ng
may kasamang patinig na A. Nakahanay ang mga ito sa sumusunod na paraan:

m.youtube.com

Ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos ng kaniyang sulatin


na pinamagatang Balarila (nalathala, 1940) ay ang sinulat ni Dr. Jose Rizal noong
nakadestino siya sa Dapitan na pinamagatang Estudios sobre la lengua tagala na
nalathala noong 1899.
Kaugnay ng pag-aaral ng wikang Español ang naging dahilan sa pagbubuklod sa
mga titik E at I, O at U. Subalit ipinaliwanag sa aklat ni Tomas Pinpin ang
magkaibang mga tunog ng E at I at ng O at U sa kadahilanang may mga salita sa
Español na magkatulad ng pagbaybay ngunit magkaiba ang kahulugan dahil sa
naturang titik. Halimbawa, iba ang mesa (kinalalagyan ng pagkain o mga gamit) sa
misa (seromonya sa simbahan). Sa kabilang dako, may mga salita naman na
nagkakapalitan ang pagkakagamit ng E at I ngunit hindi naiiba ang kahulugan.
Halimbawa, lalaki at lalake, babae at babai.
Subalit sa kabila ng lahat, lubhang naimpluwensiyahan pa rin ng wikang Español
ang mga wikang katutubo sa Pilipinas dahil hindi isinama sa abakada ang mga
letrang C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X at Z. Nanatili ang mga ito sa mga
pangngalang pantangi gaya sa Carmen, Vizcaya atbp.
Ngunit marami sa mga salitang hiram sa Español ang nagtataglay ng naturang
mga titik na tinapatan ng mga tunog sa mga titik ng abakada gaya ng mga
halimbawa na nasa loob ng kahon.

HIRAM NA TITIK SALITANG ESPAÑOL BAYBAY TAGALOG


TITIK TAGALOG

C k- calesa Kalesa
s- cine Sine
CH ts- cheque tseke
s- chinelas sinelas

F p- fiesta pista

J h- jota hota

LL ly- billar bilyar


y- caballo kabayo

Ñ ny- baño banyo

Q k- queso keso

RR r- barricada barikada

V b- ventana bintana

X ks- Experimento eksperimento


s- xilofono silopono
Z s- zapatos sapatos

Ako’y nagagalak at natapos mo nang basahin lahat ng talakayan, batid kong


handa ka na sa mga pagtataya at pagsasanay na aking inihanda para sa iyo.
Basahin nang mabuti ang mga panuto bago mag-umpisa at tiyak kong masasagutan
mo ito.
PAGSASANAY
Gawain 1

A. PAGSUSULAT NG BAYBAYIN
Panuto: Gumawa ng liham pasasalamat at isalin ito gamit ang baybayin.
Ibigay ang liham pasasalamat sa taong nais mong
pasalamatan.
(50 puntos)

Mga Sagot:

A. Panuto: Ipaliwanag ang tanong na nasa ibaba gamit ang Venn diagram. 5
puntos
bawat bilang.

Pamantayan sa Paggawa ng Liham Pasasalamat


Pamantayan Puntos
Nilalaman 20%
Wastong Balarila 10%
Wastong Pagsalin sa Baybayin 20%
Kabuuan: 50%
B. VENN DIAGRAM
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa ibaba. Isulat ang
mga sagot sa loob ng venn diagram. (20 puntos)

1. Ano ang kaibahan ng baybayin sa abakada?

Pagkakaiba Pagkakaiba

2. Ano ang kaibahan ng abecedario sa abakada?

Pagkakaiba Pagkakaiba
Gawain 2: PAGBAYBAY NG MGA SALITANG ESPANYOL SA TAGALOG
Panuto: Magbigay ng sampung mga salitang Espanyol at baybayin ang mga ito
sa Tagalog. (20 puntos)

SALITANG ESPANYOL BAYBAY TAGALOG


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.

 Kung may mga komento, suhestiyon at katanungan ay huwag mahihiyang


magtanong sa akin sa messenger, e-mail at sa text
 FB account: Ari Mac
 Gmail account: ariel.macahis@norsu.edu.ph
 Cellphone number: 0963-013-7749

Fidbak sa Pagsasanay

Gawain 1. A Gawain 1. B
PAGTATAYA
PAGSUSULAT NG BAYBAYIN
Panuto: Isalin gamit ang baybayin ang liriko ng kantang pinamagatang Sikapin
mo, Pilitin mo, Tibayan ang Iyong Puso. Ilagay sa ilalim ng
simbolong naiguhit ang kaakibat na mga salita at kataga.
(63 puntos)

Ba't ikaw ay kaagad sumusuko?


Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit gan'yan? Nasaan ang iyong tapang?
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog ba
"Natutulog ba ang Diyos? Natutulog ba?"
Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain, natutulog ba ang Diyos?
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya

Sagot:
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot
sa kahong nasa ibaba. (20 puntos)

1. Bilang isang estudyante ng Negros Oriental State


University, paano mo maiprepreserba ang
pagsusulat gamit ang baybayin? Ilahad ang sagot
sa tatlo o limang pangungusap lamang.

2. Paano mo naman mapahahalagahan ang


pagsusulat gamit ang baybayin? Ilahad ang sagot
sa tatlo o limang pangungusap lamang.

Sagot:

1. _________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. _________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Pamantayan Puntos
Wastong gamit ng salita at mga kataga sa 5
pangungusap.
Malinaw ang nilalaman at organisado ang mga 5
ideyang nailahad.
Kabuuan 10
Makikita natin ang matinding dulot ng pananakop ng
mga dayuhan sa ating kapuluan kung kaya’t pati ang ating
pagsulat ay napalitan. Sa kasalukuyan, iilan lamang ang
nakakakilala sa baybayin at ang bagong alfabetong Filipino na
ang kilala ng lahat. Ngunit alam mo ba ang kasaysayan ng ating
TUKLASIN alfabeto?
LEKSIYON 2
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang kasaysayan ng
Bagong bagong alfabetong Filipino. Subalit bago ka magpatuloy ay nais
Alfabetong kong malaman mo na dapat mong maabot ang mga sumusunod
Filipino na layunin sa ibaba.

ABUTIN MO
Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:
LAYUNIN  Nakapagbibigay ng mga salita sa bawat walong hiram na titik sa
alfabeto.
 Nakagagawa ng timeline sa kasaysayan ng Alfabetong Filipino.
 Napahahalagahan ang kasaysayan ng Alfabetong Filipino sa
pasulat na paraan.

GAWIN ITO 1. Ilan ang titik sa bagong


alfabetong Filipino?
________________________
________________________
Panuto: Sagutin ang mga ________________________
sumusunod na katanungan
________________________
na nasa kanang kahon.
Isulat ang iyong sagot sa
nakalaang patlang.
2. Ano ang kaibahan ng bagong
alfabetong Filipino sa
Abakada?
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
3. Ano ang mas mainam gamitin,
ang baybayin o ang bagong
alfabeto? Bakit?
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
TALAKAYIN NA!

Ngayon, maghanda sa pagtuklas ng karunungan hinggil sa


bagong alfabetong Filipino. Basahin mo ang talakayan sa ibaba.
Simulan mo na!

Walang permanente sa mundo, ang lahat ay nagbabago. Pati ang sariling alfabeto
ng Filipinas ay nagpabago-bago sa paglipas ng panahon. Ngayon, matutunghayan mo
ang mayabong na kasaysayan ng ating alfabetong Filipino.

1976
Alam mo ba na pinagyaman sa taong ito ang dating Abakada sa bisa ng
Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino.
Sinimulan ang pagbabago ng ating alfabeto sa mga Tuntunin ng Ortograpiyang
Filipino ng Surian ng Wikang Pambansa. Mula sa 20 titik ng abakada ng wikang
Tagalog, idinagdag ang 11 bagong letra – c, ch, f, j, ll, ň, q, rr, v, x, at z kaya
naging 31 ang titik ng alfabeto. Dahil sa dami ng mga titik, binansagan itong
“pinagyamang alfabeto”. Subalit ito ay hindi naging matagumpay dahil
nagpakita ito ng konting kahinaan at nagdulot ng maraming argumento. Ilan sa
mga ito ay hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga titik at kung paano ito
pagsusunod-sunurin. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa
pagbabalangkas ang alfabetong may digrapo. Dahil sa iilang mga argumentong
ito, muling binalak ng Surian na repormahin ang alfabeto partikular na sa
pagreporma ng palabaybayang Filipino. Ang Abakada pa rin ang ginamit ng
taong-bayan, midya at maging sa paaralan hanggang sa kalagitnaan ng taong
1987.

1987
Sa taong ito, muling binago ang alfabeto nang ipalabas ng Linangan ng
mga Wika sa Filipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6,
1987 na may pamagat na Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Ito ay bilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa mabilis na
pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng Filipino bilang wikang Pambansa at
pampamahalaang wika at pagsang-ayon pa rin sa patakaran ng Edukasyong
Bilingguwal ng 1987.

Sino-sino ang nagreporma? Sa tulong ng mga lingguwista, dalubwika,


manunulat, propesor, guro at mga samahang pangwika, ang pagreporma ay
naisagawa.

Paano? Nagsagawa ng mga simposyum ang noo’y Linangan ng mga


Wika sa Pilipinas (LWP) na dating Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na
naging Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Napagkaisahan sa nabanggit na
simposyum na mula sa dating 31 titik, ang alfabetong Filipino ay bubuuin na
lamang ng 28 titik sapagkat tinanggal ang mga digrapo na ch, ll, rr dahil sa
katwirang ang mga letrang c, h, l, r ay bahagi na ng alfabeto na maaaring
pagtambalin kung kailangan. Dahil sa mga pagbabagong naganap, tinawag na
itong “pinasimpleng alfabeto”. Ang dalawampu’t walong titik sa alfabeto ay ang
mga sumusunod:
Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg
(ey) (bi) (si) (di) (i) (ef) (dyi)
Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn
(eyts) (ay) (dyey) (key) (el) (em) (en)
Ňň NGng Oo Pp Qq Rr Ss
(enye) (endyi) (0) (Pi) (kyu) (ar) (es)
Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
(ti) (yu) (vi) (dobolyu) (eks) (way) (zi)

https://www.vecteezy.com/vector-art/446805-frame-design-with-log-and-leaves

Samakatuwid, ang pasalitang pagbabaybay ng mga salita ay ganito:


 ibon = /ay-bi-o-en/ at hindi /i ba o na/,
 bote = /bi-o-ti-i/ at hindi / ba o ta e/.

Napansin mo ba ang pagbabago sa ating alfabeto? Ilang titik ang


nadagdag? Sa paanong paraan ito binabasa? Pinalaganap ang isang
“modernisadong alfabeto” na ipinababasa ang mga titik sa paraang Ingles,
maliban sa ñ na mula sa alfabetong Español. Walo ang nadagdag na titik at ito
ay ang mga; C, F, J, Ň, Q, V, X at Z. Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.
81, sa taong 1987, pormal na inilunsad ng LWP noong Agosto 19, 1987 ang
“Ang Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”. Ngunit ano nga ba
ang nakapaloob sa alituntuning ito? Sinasabi na nakapaloob sa binalangkas na
alituntunin sa ispeling ang gamit ng walong (8) dagdag na titik ng alfabeto.
Gagamitin lamang ang mga ito sa mga hiram na salita at ekspresyon na
nabibilang sa mga sumusunod: pangngalang pantangi, mga terminolohiyang
panteknikal at sa mga salitang nagtataglay ng etniko at kultural na kulay mula sa
mga minoryang wika sa Filipinas. Subalit dahil maraming pumuna sa umano’y
napakahigpit at di-makatotohanang mga tuntunin sa ispeling na ipinalabas,
muling nirebisa ang ating alfabeto.

2001
Ito ay tinawag na 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling
ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang alfabeto ay may 28 titik pa rin, walang
bawas at walang dagdag. Ang tanging binago lamang ay ang tuntunin sa
paggamit ng walong (8) dagdag na titik na naging sanhi ng maraming kalituhan.

1. P
Mga Tuntuning Panlahat sa Ispeling o Pagbabaybay
a
b
1. Pagbigkas na Pagbaybay

Patitik at hindi papantig ang pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino.


Halimbawa: kamay = /key – ey – em – ey – way/
mahal = /em – ey – eyts – ey – el/
2. Pasulat na Pagbaybay

Mananatili ang isa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na pagbabaybay


ng mga salita sa wikang Filipino. Gayunpaman, may tiyak na tuntunin sa
pagpapaluwag ng gamit ng walong dagdag na titik.

A. Mga
L Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Titik
e
trang C
1. Kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo, panatilihin ang titik C.
Halimbawa:
Calculus Carbon Chlorophyll

2. Palitan naman ang titik C ng titik S kung ang tunog ay /s/, at ng titik K
kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang
may titik C.
Halimbawa: card – kard central – sentral

B. Letrang Q
1. Kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo, panatilihin ang titik Q.
Halimbawa: quantum opaque

2. Kung ang tunog ay /kw/, palitan ang titik Q ng titik KW at K kung ang
tunog ay /k/ kapag ang hiram na salitang may titik Q ay binaybay sa
Filipino.
Halimbawa: quarter – kwarter equipment – ekwipment

C. Letrang Ṅ
1. Kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo, panatilihin ang titik Ṅ.
Halimbawa: El Niṅo Malacaṅang

2. Palitan ng titik NY ang titik Ṅ kapag ang hiram na salita ay binaybay sa


Filipino.
Halimbawa: piṅa – pinya baṅera – banyera

D. Letrang X
1. Kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo, panatilihin ang titik X.
Halimbawa: axiom box exodus

2. Kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may titik X na may


tunog na /ks/, palitan ito ng titik KS.
Halimbawa: exam – eksam experimental – eksperimental

E. Letrang F
Gamitin ang titik F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
French fries futbol
F. Letrang J
Gamitin ang titik J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
Halimabawa: jam jaket sabjek

G. Letrang V
Gamitin ang titik V para sa tunog na /v/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: varayti video valyu

H. Letrang Z
Gamitin ang titik Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
zebra magazin zoo

Sa pinakabago at panghuling revisyon sa alfabeto ng taong 2001 ay inaasahang


makakamit ang mga sumusunod: istandardisasyon ng wikang Filipino, modernisasyon at
leksikal na elaborasyon at pang-madlang literasi.

Ako’y nagagalak at natapos mo nang basahin lahat ng talakayan, batid kong


handa ka na sa mga pagtataya at pagsasanay na aking inihanda para sa iyo.
Basahin nang mabuti ang mga panuto bago mag-umpisa at tiyak kong masasagutan
mo ito.
PAGSASANAY
A. Panuto: Magbigay ng tatlong halimbawang salita sa bawat walong
hiram na titik sa alfabeto at gamitin sa pangungusap ang
mga salitang ibinigay. (6 puntos bawat bilang)

Halimbawa: X
 x-ray
 Kailangan kong magpa x-ray bukas.

1. C

2.Q

3.Ṅ

4.X

5.F

6.J

7.V

8.Z
A. PARA SA MGA PUMILI NG ONLINE
B. PARA SA MGA PUMILI NG ONLINE
B. Panuto: Gumawa ng bidyu na nagpapakita ng tamang pagkakabigkas
ng mga titik sa bagong alfabetong Filipino sa masining na paraan.
Maaaring sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw, pagtula o
kumbinasyon ng dalawa. I-send ang video sa aking messenger.

PAMANTAYAN PUNTOS

Teknikal
(Hindi magalaw ang pagbidyu 15
at malinaw na naririnig ang
boses ng nagsasalita)

Nilalaman
(malinaw at tamang 20
pagkakabigkas ng mga titik)
Pagkamalikhain 15
KABUUAN 50

Kung may mga komento, suhestiyon, katanungan at klaripikasyon sa modyul na ito


ay huwag mahihiyang magtanong sa akin sa messenger, e-mail o text.
 FB account: Ari Mac
 Gmail account: ariel.macahis@norsu.edu.ph
 Cellphone number: 0963-013-7749

Fidbak sa Pagsasanay
PAGTATAYA
I. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot
sa nakalaang espasyo. (15 puntos bawat bilang)

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino?


Ipaliwanag ang sagot sa 3-5 pangungusap lamang.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Pamantayan Puntos
Wastong gamit ng salita at mga kataga sa 5
pangungusap.
Orihinalidad 5
- Dapat na ito’y sariling gawa at hindi hango sa
internet o di kaya’y sa ibang tao.
Malinaw ang nialalaman at organisado ang mga 5
ideyang nailahad.
Kabuuan 15

II. Venn Diagram


Panuto: Gamit ang venn diagram, ilahad ang kaibahan ng alfabetong Filipino
sa taong 1976 at 1987.(10 puntos)

Pagkakaiba Pagkakaiba

III.TIMELINE
Panuto: Gumawa ng isang timeline tungkol sa kasaysayan ng Ortograpiyang
Filipino. Nasa ibaba ang pamantayan sa gagawing timeline. (20 puntos)
Pamantayan Puntos
Wastong gamit ng salita at mga kataga sa 5
pangungusap.
Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari 5

Malinaw ang nilalaman at organisado ang mga 5


ideyang nailahad.
Kabuuan 15
Sagot:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa 3 o 5 pangungusap lamang:

1. Ano ang KWF at gampanin nito?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa wika at sa ating alfabetong


Filipino?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Pamantayan Puntos
Wastong gamit ng salita at mga kataga sa 5
pangungusap.
Orihinalidad 5
- Dapat na ito’y sariling gawa at hindi hango sa
internet o di kaya’y sa ibang tao.
Malinaw ang nilalaman at organisado ang mga 5
ideyang nailahad.
Kabuuan 15
MGA SANGGUNIAN
Abesamis, Norma R. et al. (2006). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Valenzuela
City: Mega-Jesta Prints, Inc.

Bernales, Rolando A. et al. (2011). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong


Komunikasyon. Mutya Publishing House, Inc.

Dayag, Alma M. et al. (2016). Pinagyamang Pluma 11(K to 12). Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.

De Vera, Melvin B. et al. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mandaluyong


City: Book atbp. Publishing Corp.

Marquez, Servillano Jr. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mandaluyong


City: Books atbp. Publishing Corp.

You might also like