You are on page 1of 4

Pangalan: Nicole Ann P.

Lopez
Oras/Araw ng klase: 2-3:30 M/TH

✔ GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain
Gawain 1: ANO SA PALAGAY MO?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:
(20 puntos)

1. Ilahad ang pagkakaiba ng baybayin sa makabagong alpabetong Filipino. Palawakin ang


kasagutan. (tatlo hanggang limang pangungusap)
Ang baybayin ay ginagamit na bago pa man dumating ang mga dayuhan. Ito ay may
anyong pantigan kung saan ang bawat titik ay may katumbas na pantig. Sa kabilang
banda, ang makabagong alpabetong Filipino ay nagsimulang umusbong noong dumating
ang mga dayuhan. Dito makikita natin na ang bawat letra ay may payak na tunog at kapag
ito ay pinagsama-sama makakabuo ng mga pantig.

2. Bakit mahalagang pag-aaralan ang baybayin sa kasalukuyang panahon? Ano ang


kaugnayan nito sa Panitikang Pilipino? (tatlo hanggang limang pangungusap)
Mahalaga na pag-aralan ang baybayin sa kasalukuyang panahon dahil malaking parte ito
ng ating panitikan. Ang pag-aaral nito ay daan upang mas mapaunlad natin ang kulturang
kinagisnan noon. Ang baybayin ay isa sa ating pagkakakilanlan. Isa rin ito sa paraan ng
pakikipag komunikasyon ng mga tao noon, upang maipahayag nila ang kanilang mga
damdamin at saloobin. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng baybayin, muli nating binubuhay
ang kultura noon.

3. Magiging maunlad parin kaya ang Panitikang Pilipino kung baybayin ang naging batayan
sa paglalathala ng iba’t ibang akdang pampanitikan? Ipaliwanag. (tatlo hanggang limang
pangungusap)
Sa aking palagay, magiging maunlad pa rin ang Panitikang Pilipino kung gagamitin ang
baybayin sa paglalathala ng iba’t ibang akdang pampanitikan. Magiging kaakit akit ito sa
mga mambabasa dahil hindi pangkaraniwang letra ang makikita nila sa mga akda. Upang
maunawaan nila ang akda, pag-aaralan nila ang baybayin kung saan ito ang magiging
daan sa patuloy na pagbuhay ng ating panitikan. Sa pamamagitan din nito, lalabas ang
pagkamalikhain ng bawat Pilipino sa pagsulat ng mga akda.

✔PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita na nakasulat sa
paraang Baybayin. (5 puntos)

MGA SALITA SAGOT

II. Panuto: Isulat sa paraang baybayin ang mga sumusunod na mga salita at
pahayag.
(15 puntos)

A.
1. Francisco Lopez
2. Oktubre
3. Spelling
4. Pinanggalingan
5. Aklatan

B.
☞ “Anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng
tao, maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaring tawaging
panitikan.”

-Webster

(Paki-insert photo nalang ng inyong isinulat na Baybayin)


III. Panuto:Punan ang mga sumusunod na patlang. (7 puntos)

1. Ang baybayin ay may mga katangian ng isang palapantigan at ng isang alpabeto rin.
Ang tawag sa ganitong paraan ng pagsulat ay isang Abugida.
2. Ang pantig ay maaaring isang kumbinasyon ng ilang tunog o di kaya'y isang patinig
lamang, ngunit karaniwang hindi maaaring maging isang katinig lamang.
3. Ang baybayin ay katulad ng alphabet na Ingles na may limang titik na patinig ngunit
may iba't ibang bigkas ang bawat isa. 
4. Inimbento ng isang prayleng Kastila na si Francisco Lopez ang isang bagong uri ng
kudlit noong taong
5. Ang mga kudlit ay karaniwang ginagamit upang maipakita ang tunog ng mga patinig
(vowels).
6. Ang mga bantas sa baybayin ay isa o dalawang guhit na patayo lamang, ||, ayon sa
kagustuhan ng manunulat.
7. Maraming tunog ay walang katumbas na titik sa baybayin at hindi maisulat ang mga
katinig ng wikang Ingles kapag magkakadikit ang mga ito.

You might also like