You are on page 1of 8

FEd 111

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

4 Wika at Linggwistika
(Unang Bahagi)
INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay tatalakay sa unang bahagi ng pag-aaral sa wika at linggwistika. Ang
mga aralin kaugnay nito ay ang sumusunod:
A. Ang wika
1. Sistema ng mga rul
2. Sistema ng mga arbitraryong vokal-simbol
B. May gramar lahat ng wika
C. Lahat ng grammar ay pantay-pantay
D. Pagkamalikhain ng wika
E. Nagbabago ang wika

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto

ILO 2. Makapagsagawa ng pagsusuri sa tunog, salita, pangungusap at kahulugan na pokus


-aaral ng wika.
ILO 3. Mapahalagahan ang wika hindi lamang bilang isa sa komponent ng asignaturang
Filipino kundi bilang instrumento ng komunikasyon.

Resulta ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral

SO 4. Naiisa- isa ang mga katangian ng wika sa buong daigdig; at


SO 5. Naipaliliwanag ang kahulugan ng linggwistiks bilang makaagham na pag-aaral ng
wika.

I. PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Ipaliwanag ang sinsabi ng larawan. Isulat sa kahon ang iyong kasagutan.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

1
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

II. PAGLALAHAD NG ARALIN

Ang Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at
mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa
pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano
katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga
diyalekto.

Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika.Nag-ugat ang salitang


wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang
katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.

Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula
ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang
"dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang
mayroon

Lahat ng tao ay may unang wikang kinagisnan at natutunan pero sa panahon ngayon madali
nang makarating sa ibat ibang lugar. Malamang na ang marami sa atin ay mayroong
pangalawa,pangatlo, o pang apat na wikang ginagamit sa ibat-ibang pagkakaton sa araw-
araw nating buhay. Ang Pilipinas ay isang bansang may napakaraming wika kaya bihira na
ang pilipinong monolinggwal.

Gamit ating wika tayo nakapagpapahayag ng ating mga damdamin. Ginagamit ng tao ang
wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at
maging sa pakikipag-usap sa sarili. Sa medaling salita ang wika ang behikulo ng ating
ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.

Batay sa popular at nagging tradisyunal na depinisyon, ang wika ay system ng mga


arbitraryong vocal-symbol na ginagamit ng mga myembro ng isang komyuniti sa kanilang
komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa isat-isa.

A. Sistem ng mga Rul

Kapag bumubuo tayo ng sentens, hindi lamang ito isang simpleng pagdudugtong-dugtong
ng mga salita. Halimbawa sa pag-aaral natin ng pangalawang wika, hindi ito kaso sa pagpili
lamang ng mga salita sa isang diksyunaryo na basta na lang pagdudugtong-dugtungin.

Kailangan malaman muna natin ang system sa pagbuo ng tama o gramatikal at


makabuluhang sentens sa wikang pinag-aaralan dahil bawat wika ay may kanya-kanyang
pamamaraan para dito. Sa tagalog at iba pang wika ng Pilipinas (WP) ay may ilang mga
salitang nagpapakita ng relasyon ng iba pang mga salita sa loob ng isang sentens tulad ng
makikita sa sumusunod:

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

2
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Halimbawa 1.

1.a. Lumalakad nang paluhod si Ana sa simbahn ng Quiapo tuwing Byernes.

Ang mga salitang katulad ng nang, si, sa, ng ay may mga espisipik na fangsyon na syang
dahilan para maging tama at makabuluhan ang binuong sentens.

Para naman maintindihan ang tinutukoy na mga fangsyon ng mga salitang ito, tingnan kung
tama at makabuluhan pa ang kinalabasan ng sentens 1.a sa binagong pagkakasunod-sunod
ng mga salita nito sa sentens 1b. Kumbenasyon ang paggamit ng asterisk para sa mga di-
gramatikal, hindi tanggap o hindi na naririnig na mga anyo ng wika.

1.b. Lumalakad si paluhod nang Ana sa tuwing simbahan Quiapo ng Byernes.

Halimbawa 2.

2.a. Pinatay ni Cain si Abel.


2b. Pinatay ni Abel si Cain.

Sa mga halimbawa,alam natin kung sino ang pinatay at pumatay hindi lamang dahil sa verb
kundi dahil sa paggamit ng mga salitang ni at si. Sa Ingles, ang katumbas ng 2 sentens na ito
ay Cain killed Abel at Abel killed Cain.
Sa Filipino, nalaman natin kung sino ang mamamatay-tao dahil sa paggamit ng ni.

Sa Ingles naman, nalaman natin kung sino ang pumatay at pinatay dahil sa pusisyon sa loob
ng sentens;nasa unahan ng verb ang taong pumatay at nasa hulihan naman nito ang taong
pinatay.Ibig sabihin,iba ang pamamaraan ng Filipino at Ingles para ipakita ang relasyon ng
mga salitang nakapaloob sa sentens.

Isang katiyakan nang masasabi na may pamamaraang sinusunod o nasusunod sa wika na


hindi lamang lumalabas sa pagbubuo ng mga sentens kundi sa pagbuo ng mga salita at sa
pagkakasunod-sunod ng mga tunog sa mga salita. Kung sa Ingles lahat ng sentens ay
kelangang may verb, sa mga WP katulad ng tagalog may mga sentens tayong hindi
nangangailangan ng verb.

Halimbawa 3.

3a. Ana is kind and intelligent.


3b. Matalino at mabait si Ana.

Sa pusisyon naman ng mga tunog sa isang salita, sa wikang Ingles, walang salitang pwedeng
magsimula sa tunog na nirerepresent ng sinusulat na ng na pwede lamang Makita sa gitna o
sa hulihan ng mga salita.

Halimbawa 4.

4.a.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

3
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Sa tagalog, ang tunog na ito ay pwedeng bigkasin sa simula, sa gitna o sa hulihan ng salita.

Halimbawa 5.

4.b. ngayon, bangin, saging.

Ibig sabihin kahit na magkapareho ang tunog, magkaiba ang system o pattern ng mga tunog
sa Ingles at Tagalog kaya naman mapapansin nating hirap bigakasin ng mga neytiv-spiker
ng Ingles ang mga salita sa Tagalog na ngiti, nganga,ngipin.

B. Sistem ng mga arbitraryong vokal-simbol

Kapag nagsasalita tayo, ang bawat salitang binibigkas natin ay isang serye ng mga tunog na
kumakatawan sa isang bagay (lapis, turumpo), ideya (pag-aaral, katotohanan), o isang
fangsyon (si, nang, ni). Sinasabing vokal ang mga simbol na ito dahil ang kabuuan ng bawat
isa ay bunga ng galaw ng mga vocal-organ natin kapag nagsasalita tayo.

Matagal ding pinag aksayan ng panahon ng mga greek filosofer nung mga unang panahon
ang pagtatalo ungkol sa kung anong mayroon bang natural na koneksyon ang isang simbol
sa kung anumang ipinahahayag nito.

Sa hinaba-haba ng kanilang pagtatalo, ang lumabas ay walang natural na koneksyon sa


pagitan ng symbol at sa ipinapahayag nitong kahulugan dahil bunga ito ng kaugalian. Ibig
sabihin, arbitrary ang mga symbol tulad ng paggamit ng tagalog bahay, Kastila casa,
Franses miason, Hapon uchi, at Ingles house.

Pagkamalikhain ng Wika

Ang pagakamalikhain ng wika o pamamaraan ng ekspresyon ang sinasabing


pinakamahalagang katangian nito. Ayon kay Chomsky (1965) ang pagkamalikhain ng wika
ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang. Naipapahayag ng tao sa
wikang kinagisnan at natutunan ang kabuuan ng kanyang karanasan, damdamin at pag-iisip
batay sa hinihingi ng ibat-ibang pagkakataon at mga pangangailangan, maliwanag na
dahilan para sabihing ang wika ay isang katangian na yunik sa tao lamang.

May eksperiment na ginagawa para malaman kung ang komunikasyon nga bang mga hayop
ay katulad ng sa wika ng tao, pero magpahanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan.

Halimbawa sa Tagalog, magkaiba ang kahulugan ng dalawang magkasunod na sentens at


depende sa hinihingi ng pagkakataon ang gagamiting paliwanag tulad sa sitwasyon ng
napakagabi nang pag-uwi ng bahay ng isang tao.

a. Nagpahatinggabi na ako sa opisina.


b. Hinatinggabi na ako sa opisina.

May grammar ang lahat ng wika

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

4
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Bawat spiker ng wika ay may kakayahang bumuo at umunawa ng mga sentens sa kanyang
wika. May kakayahan din syang magsabi kung tama o mali ang isang sentens. Ang
kakayahang ito ang tinatawag na kanyang linggwistik-kompitens (Chomsky 1965) at meron
sya nito dahil nasa kanyang sabkonsyus ang kabuuan ng pamamaraan ng pagbuo ng salita,
sentens, at kombinasyon ng mga ito.
Samakatuwid, ang mga rul sa pagbuo ng mga sentens ang grammar ng isang wika. Kaugnay
nito, mahalagang maintindihan na lahat ng wika ay may grammar at itoy nahahati sa
sumusunod:

1. Fonetiks. Ito ay may kinalaman sa artikulasyon ng mga tunog.


2. Fonoloji. Ito ay tungkol naman sa pagpapatern o kumbinasyon ng mga tunog na ito
sa loob ng isang wika.
3. Morfoloji. Ito ay may kinalaman sa pagbuo ng mga salita.
4. Sintaks. Ito naman ay tumutukoy sa pagbuo ng mga sentens
5. Semantiks. Ito ay may kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita
at sentens.

Lahat ng grammar ay antay-pantay

Walang katotohanan ang isa pang koment na nagsasabing primitive o mababa ang grammar
ng ibang wika. Hanggat naipapahayag ng mga spiker ng isang wika ang anumang gusto
nilang ipahayag hindi pwedeng sabihing primitive ang grammar ng wika nila.

Maaaring may mga kulturang sinasabing primitive dahil degri ng kabihasnan o standard ng
isang kultura ang pinagbabatayan pero hindi ito nangangahulugang primitive din ang
grammar ng wika nila. Kung sapat na natutugunan ng kanilang wika ang kinakailangan nila
sa pakikihalubilo sa loob nag kanilang kulturang kinabibilangan, hindi pwedeng sabihing
primitiv o mababa ang grammar ng wika nila.

Nagbabago ang Wika

Ang pinakamadaling maapektuhan ng pagbabago ng wika ay ang bokabularyo nito. Sa kaso


sa Pilipinas, ang matagal na ding impluwensya ng ibang bansa ay nagdadagdag sa
bokabularyo ng ating mga wika ng mga salitang hiram na galing sa Instik, Arabik, Kastila,
Ingles, at Hapon,

Halimbawa:

Pansit, lomi, syopaw,swerte,sibuyas, mansanitas, magkodakan, kompyuter, siroks,


tempura, japayuki atbp.

Querida kerida

Boundary( hangganan) Bawnderi(perang ibinabayad ng drayber sa may-ari sa


pagpasada ng kanyang taxi.)

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

5
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

III. ANALISIS, APLIKASYON AT EKSPLORASYON

GAWAIN 1
Pangalan: Puntos:
Antas/Pangkat: Petsa:

Panuto: Magtala ng sampung salitang tagalog at saliksikin ang katumbas nito sa Bikol,
Ilokano, Hiligaynon, Pampango, Pangasinan, Sebwano at Waray. Gawin ito sa katulad na
pormat.

Tagalog Bikol Ilokano Hiligaynon Pampango Pangasinan Sebwano Waray


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

IV. PAGLALAHAT

Panuto: Gumawa ng isang sitwasyong pangkomunikasyon na gumagamit ng magkakaibang


wikain partikular ang walong pangunahing wikain ng Pilipinas na nasa anyong komiks.
Ikulong sa loob ng callouts ang dayalogo ng bawat taong nag-uusap. Gawin ito sa loob ng
kahon.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

6
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Rubrik
Sundin mo bilang gabay ang pamantayang rubrik sa pagsasagawa ng gawaing ito.

Paksa ng Komunikasyon - 10
Pagkamalikhain - 20
Anyo - 20
Kabuuan - 50

V. EBALWASYON

PAGSUSULIT 4
Pangalan: Puntos:
Antas/Pangkat: Petsa:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Hanapin ang salita o grupo ng mga
salitang may salungguhit na di wasto ang gamit. Kung walang mali piliin ang titik D. Bilugan
ang titik ng wastong sagot.

1. Isipin rin ng ating pamahalaan ang kapakanan ng mga maralita. Walang mali.
A B C D
2. Haluin mo ang sopas ng -ibang gulay. Walang mali.
A B C D
3. Kundi ka kikilos at di gagawin ang iyong proyekto ay wala kang mapapala. Walang mali.
A B C D
4. Upang umunlad ang bayan kailangan ang pagtutulungan nang lahat. Walang mali.
AB C D
5. Ang mga payo kung binitiwan ay dapat mong pakinggan. Walang mali.
A B C D
6. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda ang amoy. Walang mali.
A B C D
7. Paru-parong bukid na lilipad-lipad, sa tabi ng daan papaga-pagaspas. Walang mali.
A B C D
8. Ang wika ay luklukan nang panitikan sa kanyang artistikong gamit. Walang mali.
A B C D
9. Ng nawalay si Madona sa kanyang ina ay labis na lumbay ang kanyang naramdaman.
A B C
Walang mali.
D
10. Nakararanas ang bansang Pilipinas ng matinding suliraning tatawaging COVID-19.
A B C
Walang mali.
D
11. Sari-saring kalamidad ang dumaraan sa bansag Pilipinas taon-taon. Walang mali.
A B C D
12. Nagluluto ng adobong baboy ang nanay ni Alice kahapon. Walang mali.
A B C D
13. Ng hinabol siya ni Bruno, tumakbo siya ng mabilis. Walang Mali.
A B C D

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

7
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

14. Nakita ni Myla si Darwin na nakahandusay sa baitang ng hagdanan. Walang mali.


A B C D
15. Bawat tao ay mayroong kanya-kanyang problema. Walang mali.
A B C D
16. Matapos magsitagis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater.
A B C
Walang mali.
D
17. Mabilis niyang inakyat ang hagdanan upang marating ang klinika. Walang mali.
A B C D
18. Isinara niya ang pintuan upang hindi makapasok ang lamok. Walang mali.
A B C D
19. Bagay kay Olga ang kanyang makipot na bunganga. Walang mali.
A B C D
20. Tanaw na tanaw na namin ang maluwag na bibig ng bulkan. Walang mali.
A B C D

VI. MGA SANGGUNIAN

Maestro, A. S. (2015). Wika at linggwistika. Mula sa


https://www.slideshare.net/maestroailene/wika-at-linggwistiks. Nakuha noong
Setyembre 2020.

Paz, C. J. et al. (2003). Ang pag-aaral ng wika. E. de los Santos St., U.P Campus, Diliman,
Quezon City 1101. The University of the Philippines Press.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

You might also like