You are on page 1of 17

Pangalan John Cyrelle R.

Dellosa Petsa: 10/ 28/21

Koda ng Kurso/ Deskripsyon ng Kurso: Fed312- Panunuring Pampanitikan

Gawain Pagsulat ng Suring Papel

Genre Tula

Pamagat at May-akda “Ang Pagbabalik” ni Jose Corazon de Jesus

Tema Ang tulang “Ang Pagbabalik” ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus


o kilala sa tawag na “Huseng Batute”. Ang tema ng tulang ito ay
pag ibig. Ang tulang ito ay tumatalakay sa tunay na takbo ng buhay
may asawa. Nagpapakita ng lungkot at pagtangis sa tuwing
mawawalay sa mahal sa buhay para maghanap ng trabaho. Ito rin
ay nagpapakita ng pighati para sa namatay na mahal sa buhay.

Simbolismo Ilan sa mga simbolismong aking Nakita sa tula ay ang sumusunod:


• Panyong puti- “Isang panyong puti ang ikinakaway”, ito ay
kanyang ikinaway bago siya umalis. Ito ay nangangahulugan
ng kalinisan at kapayapaan.
• Kwago at ibong itim- “Kuwagong nasa kubo’t mga ibong
itim”, ito ang sumalubong sa kanya nang siya ay dumating sa
tinungong lupain. Ito ay nangangahulugang may masamang
pangitain na nagbabadyang may masamang mangyayari.
• Apat na kandila- “Apat na kandila ang nangagbabantay”, ito
ay nangangahulugang may patay, bangkay o may lamay.
Ipikita sa tula na nadatnan na lamang niya ang kanyang
irog na wala ng buhay.

Taludtod, Sukat, at Tugma Ang tulang “Ang Pagbabalik” ni Jose Corazon de Jesus ay binubuo
ng walong saknong na may anim na taludtod. Ito ay tugmaang
ganap sapagpakat ang dulo ng mga taludtod ay mayroong ganap
na pagkakatulad. Ito ay may labindalawang pantig.

Mga Tayutay • Mamatay ako, siya’y nalulumbay!- Padamdam


• At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;-
Pagmamalabis • Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.- Pangitain
• Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”-
Pagmamalabis • Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!- Pasintunog
• “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”- Padamdam
• Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”- Panawagan

Teorya/ Mga Teorya • Realismo


(Ilagay ang patunay sa Inilalarawan sa tula ang tunay na katayuan ng buhay may
bawat teoryang ikakapit) asawa. Ipinapakita kung papaanong nagbabanat ng buto
ang lalaki upang magkaroon ng pangtusto sa pang araw-
araw na pamumuhay.

Nang kinabukasang magawak ang dilim,


Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

• Romantisismo
Masasalamin sa tula ang tunay na kahulugan ng pag-
ibig. Ang lungkot, galak at pananabik sa tuwing
mawawalay at makakapiling ang minamahal.

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,


Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!

• Klasisismo
Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa isip kaysa sa
damdamin. Ipinakita ng lalaki ang tapang ng kanyang
loob na umalis kahit na nasasaktan at nalulungkot
upang
makapaghanap-buhay para sa kanilang ikabubuhay.

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

Gawain Pagsulat ng Suring Papel

Genre Maikling Kuwento

Pamagat at May-akda “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute

Mga Tauhan, Uri ng • Mabuti- Tauhang Lapad- Direktang Karakterisasyon. Siya ay


bawat isa, at paraan ng isang guro sa Pampublikong paaralan. Dahil sa kanyang
karakterisasyon kabutihan, naging Mabuti ang tawag sa kanya sa buong
paaralan.
• Fe- Tauhang Bilog- Di- direktang Karakterisasyon. Sa simula
ay nagpakita ng pagiging negatibo, problemado sa lahat
ng bagay. Naglaon pagkatapos makita ni Mabuti sa sulok
ng silid-aklatan at ng sila ay nagkakilala, naging positibo
na ang kanyang pananaw sa buhay.

Tagpuan at Kaligiran • Paaralan


(Ilagay ang patunay, Naganap ang kwento sa paaralan.
sumipi ng pahayag mula
sa kuwento na nagsasaad Patunay:
ng espasyo) “Hindi ko siya natatanaw ngayon. Ngunit sinasabi nilang
nandoon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang
paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang
silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit
sa bawat hakbang, doon sa kun manunungaw ang maitim na tubig
ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang
pang-akla, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya
ko lamang natutuhan.”

Makikita rito na malinaw ang pagkakalahad kung saan


naganap ang nasabing kwento. Ito ay paglalahad ng kanyang
karanasan sa paaralan habang tinatangis ang mga ala-alang
nakaukit sa kanyang isip at puso.
Pananaw o Punto de • Unang Panauhan
Bistang ginamit Makikita na ang gamit ng may akda sa paglalahad ng
(Ilagay ang patunay, kwento ay ang unang panauhan. Ito ay sa kadahilanang
sumipi ng pahayag mula siya ay gumagamit ng mga salitang ko, siya, ako atbp.
sa kuwento na nagsasaad
ng pananaw) Patunay:
“Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay.”
“Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman
kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong
iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.”
Mahahalagang • Simula
Pangyayaring bumubuo Nagsimula ang kwento sa pagbabalik-tanaw ng
sa Banghay pangunahing tauhan sa kanyang alaala sa paaralan,
(Ilagay ang patunay, karanasan at pagbabalik sa mga aral na sa gurong iyon
sumipi ng pahayag mula lamang niya natutuhan.
sa kuwento tungkol sa
mga pangyayari)
“Hindi ko siya natatanaw ngayon. Ngunit sinasabi nilang
nandoon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang
paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang
silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit
sa bawat hakbang, doon sa kun manunungaw ang maitim na tubig
ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang
pang-akla, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya
ko lamang natutuhan.”

• Saglit na Kasiglahan
Hindi sana magiging bukas sa isipan ni Fe kung hindi siya
nahuling umiiyak sa sulok ng silid-aklatan.

“Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di


lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y
iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.”

“Tiningnan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang


tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang
pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa
pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
pahalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig
nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit
niya’y tunay na matapat.”

• Kasukdulan
Natuklasan ni Fe na sa kabila pala ng kabutihang
replesyon sa pagkatao ng kanyang guro, naroon ang mga
malulungkot na karanasang nakakubli sa likod ng kanyang
magagandang payo at ngiti.
“Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa
buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo
ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa
kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya,
tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginagawa niya nang
hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng
dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung
may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit ito ang
sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong
nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing
“Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa
kanyang mukha.”
• Wakas
Nagwakas ang kwento sa pagkakaroon ni Fe ng sapat na
kaalaman tungkol sa mga bagay na nangyayari sa paligid niya.
Natuklasan niya ang pagpanaw ng tinutukoy na ama. At ang
higit, naunawaan niya ang lahat at nakapulot ng aral na umukit
sa kanyang pagkatao.

“At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting


bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang
ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin
naming sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang
kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakakaraan buhat nang
mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na
iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang
manggagamot din balang araw sa isang bahay na hindi siyang
tirahan ni Mabuti at ng kanyan anak. At naunawaan ko ang
lahat”.

Tunggalian • Tao laban sa Sarili


(Ilagay ang patunay, Ito ay mayroong tunggalian laban sa sarili sapagkat
sumipi ng pahayag mula makikita sa kwento kung papaanong kalaban niya ang
sa kuwento na nagsasaad laman ng mura niyang isip.
ng suliranin at tunggalian)
“Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di
lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y
iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.”

• Tao laban sa Tao


Makikita kung papaanong sa ‘twing nakatalikod ang guro
ay binigyan nila ng bansag na Mabuti dahil ito ang laging
lumalabas sa kanyang bibig.

“Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y


nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng
kanyang pagsasalita.”

Teorya/ Mga Teorya • Teoryang Humanismo


(Ilagay ang patunay sa Ang pokus ng kwento ay ang pagkatao ni Fe at ni Mabuti.
bawat teoryang ikakapit) Kung papaanong humaharap sila sa hamon ng buhay.

“Tiningnan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang


tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang
pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa
pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
pahalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig
nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit
niya’y tunay na matapat.”

• Teoryang Realismo
Ipinapakita ang kulay ng reyalidad. Kung paanong
bumalangkas sa pagkatao ni Fe ang paaralan at ang sulok
sa silid-aklatan.

“Hindi ko siya natatanaw ngayon. Ngunit sinasabi nilang


nandoon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang
paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang
silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit
sa bawat hakbang, doon sa kun manunungaw ang maitim na tubig
ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang
pang-akla, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya
ko lamang natutuhan.”

Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS SAN JUAN
Talahiban 2.0, San Juan, Batangas

Pangalan: John Cyrelle R. Dellosa


Petsa: 11/11/21

Paksa/Pamagat: BAR Boys


Genre: Pelikula
Gawain: Pagsusuring Pampelikula
Libangan ng tao ang panonood ng sine. Kahit hirap sa buhay ay gumagawa ng
paraan para mapanood lamang ang mga hinahangaang artista. Iba-iba ang pamantayan ng
tao sa pagpili ng pelikulang panonoorin kaya naman kahit anong pelikula ay kumikita.
May sarili kasi itong panghatak sa mga manonood.

Dumarating ang pagkakataong di tayo nagagandahan sa ating


napanood/napapanood. Depende ito sa ating sariling pamantayan. Maaaring din itong
nakatugon sa ating panlasa at ang inaasahang galing sa pag-arte ng mga artistang
gumanap ay di natin nakita sa kanila. Mayroon namang simple lamang ang istorya
subalit mugto ang iyong mga mata nang lumabas ka ng sinehan. Di mo makalimutan ang
mga eksenang napanood kaya naman puro papuri ang ipinupukol mong salita sa tuwing
may magtatanong sa iyo tungkol sa pelikula.

Panuto: Matapos mapanood ang Pelikulang BAR Boys, magsagawa ng isang pagsusuri
tungkol dito. Sikaping maging makabuluhan at malaman ang talakay sa bawat bahagi.

1. Banghay
Ang pelikula ay isang kuwento. May simula, gitna, at wakas. Isulat sa rebyu ang sa
tingin mong pinakamahalagang eksena sa iyo.
1.1 Simula
Ang pelikula ay pumapatungkol sa buhay ng apat na magkakaibigang
nangangarap maging abogado. Nagsimula ang ang pelikula sa isang computer
shop kung saan ito ang nagsisilbing tambayan upang makapaglaro ng kanilang
libangan na Mobile Legend. Ang apat na magkakaibigan ay sina Erik, Torran,
Chris at Josh. Pagkatapos ng kanilang paglalaro ay naisipan na nilang tingnan
ang resulta ng entrance exam upang makapasok sa paaralan ng abogasya. Tulad
ng sitwasyon na karaniwan at payak sa totoong buhay, may makakapasa at
mayroong hindi. Si Erik, Torran, at Chris ay nakapasa samantalang si Josh ay
hindi. Ang buhay ng apat na magkakaibigan ay literal na magkakaiba sa antas
at kalidad. Si Erik ay anak ng sekyu at sapat lamang ang sweldo nito sa
pantustos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo, samantalang ang kanyang nanay
ay isang housewife. Si Erik ang pinakamasunurin at pinakamapagkumbaba sa
kanilang apat. Sunod naman si Torran na nagmula sa pamilya ng mga
propesyonal. Ang kanyang mga kapatid ay pawang nakapagtapos samantalang
siya ay patuloy paring hinahanap ang landas na nais niyang tahakin. Siya ang
may matalas na memorya sa kanilang apat at pinakamaangas ang dating. Sunod
ay si Chris na nagmula sa mayamang pamilya. Nag-aaral siya upang maging
proud sa kanya ang kanyang ama. Siya ay likas din ang talino at di
maipagkakaila ang pagiging mabuting kaibigan nito. Ang huli ay si Josh, ang
hindi nakapasa sa entrance exam at pagiging freelance model ang naging
libangan. Hindi niya alam ang nais niya sa buhay kaya siya’y nagpapadala na
lamang sa agos ng tadhana.
Nagsimula ang unang taon ng tatlo sa kolehiyo na tila isang bangungot.
Ipinamulat ang reyalidad na sa madaming bilang ng mag-aaral na pumapasok
sa kursong abogasya, iilan lamang ang mapalad na nakakatuloy.
1.2 Gitna
Sinubok ng panahon at ng ilang taon sa kolehiyo ang pagkakaibigan
nilang apat. Si Erik bilang mula sa simpleng pamilya ay nahihirapang
makasabay sa klase. May isang asignatura na kinulang ang kanyang marka
kung kaya’t umabot sa puntong ihahain niya ang kanyang sarili upang
makapasa. Sa kabutihang palad ay hindi umabot sa gayong pangyayari.
Kasabay nito ng atakihin ng stroke ang kanyang tatay na siyang tumutustos sa
kanyang pag
aaral. Bilang isang mapagpursigi si Torran, pinili niyang sumali sa isang
Fraternity upang makatulong sa kanyang pag-aaral. Si Chris naman ay
humarap sa pagsubok ng pagiging kaibigan kung bibigyan ba niya ng
pagkakataong makapasa si Erik kapalit ay mababawasan ng ilang bahagdan
ang kanyang marka. Kasabay nito ay ang problema sa kanyang ama at sa
kanyang nobya na hindi kayang tanggapin ng kanyang ama dahil sa estado
nito sa lipunan. Si Josh naman ay tila naiwan at hindi makasabay sa daang
tinatahak ng tatlo. Sa ‘twing sila ay magkakasama, hindi alam ni Josh ang
usapan at nararamdamang wala na siyang lugar pa sa kanilang barkada.
1.3 Wakas
Sa hinabahaba ng pagsubok at taong kanilang ginugol sa kolehiyo, sila ay
nakatapos. Sila ay naging ganap na abogado at hinarap ang hamon sa loob ng
korte ng magkakasama.
2. Tauhan
Ang mga tao ang gumaganap ng iba’t ibang katauhan o karakter sa isang pelikula.
Bigyan ng makabuluhang talakay ang mga tauhan sa pelikula.

2.1 Magbigay ng puna sa ginampanan ng bawat isa. Tayahin kung naging epektibo
ba ang bahaging ginampanan ng mga actor sa pelikula. (Isa-isahin ang mga
tauhan)

Atty. Erik Vicencio. Ito ay ginampanan ni Carlo Aquino. Si Erik ay


sumasalamin sa isang mag-aaral na may paniniwala at abilidad sa buhay. Sa
likod ng mga pagsubok ay pilit na lumalaban sa humuhilang agos na salungat
sa kanyang mga naisin. Mahusay niyang nagampanan ang kanyang karakter
dahil na rin akma ang ibinibigay niyang emosyon sa pag-arte.

Atty. Torran Garcia. Ito ay ginampanan ni Rocco Nacino. Si Torran ay


sumasalamin sa mga mag-aaral na prente at kampante ngunit kayang-kayang
sumabay dahil sa likas na husay at talino nito. Ang kanyang karakter sa
pelikula ay nagpapatunay na hindi lahat ng pasaway at tamad ay walang silbi,
bagkus ang ilan sa kanila ay mas higit na magtatagumpay.

Atty. Chris Carlson. Isinabuhay ang kanyang karakter ni Enzo Pineda. Isang
mayaman at sunod-sunuran sa mga adhikain ng kanyang ama. Tulad ng mga
tipikal na karakter ng mayayamang nagmula sa magandang pamilya, hindi rin
tanggap ng kanyang ama ang kanyang nobya kung kaya’tisa ito sa naging
balakid ng kanyang karakter. Alinsunod sa ma problemang kinakaharap niya
ang pagpapatunay ng kanyang sarili na kayang-kaya niyang umangat ng sa
gayon ay maipagmalaki siya ng kanyang ama at maipaglaban ang kanyang
kasintahan.
Josh Zuniga. Isinibuhay ni Kean Cipriano ang kanyang karakter sa pelikula.
Siya ay hindi nakapasa sa entrance exam kung kaya’t kung siya ay naiba ang
landas. Hindi maipagkakaila na ang kanyang karakter ay angkop at
nagpapakita sa ilang sitwasyon kung saan nagkakaiba-iba ng tinatahak na
landas ang mga magkakaibigan. Sa kabila ng pinagdaanan ay naging masaya
siya sa ibang propesyong kanyang tinahak.

Nanay ni Torran. Magaan ang emosyong hatid ng kanyang karakter kung


kaya’t nahaluan ng komedya ang buong palabas. Siya ay sumasalamin sa mga
nanay na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanyang mga anak, siya ay masaya
para sa mga ito. Binigyang hustisya niya ang pagiging mabuting isang ina na
puno ng suporta kahit pa ikaw ay mabigo sa iyong pangarap.

Renato Vicencio. Siya ang tatay ni Erik. Sumasalamin sa tunay na karakter ng


isang ama sa isang sambahayan. Buong tapang niyang inilaban ang
pagtatrabaho sa kabila ng edad at kahinaan ng katawan. Siya ay isang ama na
nagnanais ng magandang buhay para sa kanyang anak.

Atty. Victor Cruz. Isang abogado na propesor ng magkakaibigan sa kanilang


kurso. Matapang ang karakter na ipinakita niya. Siya ay myembro ng lgbt+
community at pinatunayan niya na ang pagmamahal ay may kanyang lugar at
tamang oras. Bagamat ang tuksong si Erik ay siya nang lumapit, hindi niya
ibinaba ang kanyang sarili para sa pansariling pantasya at kapakanan.

Atty. Hernandez. Siya ay matandang propesor na nagsisilbing tinik sa mga


kumukuha ng abogasya. Ipinakita ng kanyang karakter ang kasabihan ng lahat
ng nakapagtapos na at ito ay ang pagiging mabuting dulot ng isang mahigpit na
guro. Na kung sino pa ang kinatatakutan ay siyang may mabuting puso
paglabas ng paaralan.

2.2 Habang pinapanood ang pelikula, may pagbabago bang nangyari sa katauhan
ng mga tauhan sa pelikula?
Habang pinapanood ko ang pelikula, napansin ko na may ilang tauhan na
nanatili sa kanilang karakter samantalang may ilan ding binago ng kanilang
karanasan. Isa na rito ang karakter ni Rachel na gumanap bilang kasintahan ni
Chris. Noong simula ay tanggap niya na hindi siya kayang ipaglaban ni Chris
sa kanyang ama. Siya ay malugod na naghihintay sa panahon na sinasabi ni
Chris ngunit dumating sa puntong mas pinahalagahan niya ang kanyang sarili.
Humingi siya ng espasyo ng sa gayon ay maipagpatuloy ni Chris ang kanyang
pangarap habang siya ay tumahak ng sariling landas.

2.3 Paano ipinakita sa pelikula ang kalakasan ng mga tauhang may kakaibang
katangian? Anong pananalig pampanitikan ang inilalarawan ng mga tauhang
tinutukoy?

Ipinakita sa pelikula ang kalakasan ng mga tauhan na may kakaibang katangian


sa pamamagitan ng mahusay na pagganap at pagsasabuhay ng kanilang papel
na ginagampanan sa pelikula. Sa pelikulang BAR Boys, si Erik Vicencio ang
pangunahing tauhan. Ipinakita ang kanyang pursigidong katangian na siyang
naging kalakasan ng kanyang karakter sa pelikula. Ang kanyang estado sa
buhay ang naging balakid at inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang pangarap
niya at ng kanyang ama. Ang Teoryang Realismo ang pananalig na
pampanitikan na ginampanan ng pangunahing tauhan. Ipinakita ni Erik na ang
pagsusumikap ang sus isa pag-unlad. Ipinakita sa pelikula ang mga balakid na
kinakaharap ng kukumuha ng abogasya. Tulad ng ilang propersyong sinasanay
ng iba, puyat ang puhunan sa tagumpay. Ang reyalidad ng buhay na kung wala
kang posisyon na maganda sa lipunan, hindi malabong wala ring pumansin
kahit pa espesyal ang natatangi mong kakayahan. Ipinakita ng karakter ni Erik
na hindi pa huli ang lahat para mangarap. “Ang umaayaw ay ‘di nagwawagi, at
ang nagwawagi ay ‘di umaayaw”, ilang beses mang malagay sa alanganin
dahil sa ilang mababang grado, kasabay pa ng problemang pampamilya at
kalusugan ng ama, hindi ito naging hadlang sa kanya upang itigil ang kanyang
nasimulan at magpatuloy na makamit ang pangarap niya at ng kanyang mag
magulang.

2.4 Magkaroon ng paghahambing at pagtatambis sa dating naging pelikula o


sinamahang pelikula ng mga/piling tauhan. Suriin ang ginampanan ng
mga/piling tauhan kung mas nagging epektibo at maayos ba ang pagganap ng
mga/piling tauhan sa pelikula. (Ilagay ang pamagat ng pelikula at karakter na
ginampanan sa pinaghahambingang pelikula. Gamitin sa bahaging ito ang
Venn Diagram) Paalala: Bawat tauhan ng pelikula ay naka-bold ang
pagkakasulat

a. Carlo Aquino

BAR Boys 2017 Isa Pa With Feelings


2019
Si Carlo Aquino ang gumanap panahon. Naging
na pangunahing tauhan. epektibo ang kanyang
Isinabuhay niya ang karakter pagganap dahil
ni Erik bilang isang binate na nabigyang hustisya niya ang
nangangarap na maging buhay ni Erik bilang isang
abogado sa darating na mapagpursiging tao sa kabila
ng mga balakid sa kanilang Si Carlo Aquino ang mayroong kapansanan. Siya ay
buhay. gumanap bilang isang pipi kaya sign languangre
pangunahing tauhan. Ang an ginagamit niya sa
kanyang karakter ay nagbigay komunikasyon. Nabigyan niya
ng hustisya sa dalawang ng hustisya ang kanyang
pelikula. karakter dahil nagging epektibo
ito sa akin bilang isang
Siya ay gumanap bilang
manunood.
isang arkitekto na
b. Roco Nacino

BAR Boys 2017 Write About Love 2019


c. Kean Cipriano

Si

Binigyang hustisya ng aktor ang


buhay ng karakter na nais
bigyang buhay ng manunulat ng
pelikula. Nagging mahusay ang
kanyang pagganap.

Roco Nacino ay isa sa


kaibigan ng pangunahing
tauhan sa pelikula. Ang
karakter na kanyang
binigyang buhay ay si Torran.
Si Torran ay maaangas na
binata ngunit di
maipagkakaila ang taglay na
talion. Siya ay gumagawa ng
paraan upang mas maging
epektibo ang kanyang
pagkatoto sa kursong
abogasya.
Siya ay gumanap bilang tungkol sa
katambal ng pangunahing magkakarelasyon.
tauhan sa pelikula. Ang Misteryoso ang kanyang
kanyang karakter ay isang karakter kung kaya’t gugulatin
manunulat na ang ang manonood sa mga
karaniwang akda ay emosyong kanyang ipinapakita.

BAR Boys 2017 Seven Sundays 2017


Si Kean ay gumanap bilang hustisya niya ang mga karakter
si Josh na isa sa apat na nan ais ipakita ng manunulat sa
magkakaibigang mga manonood.
nangangarap maging
Gumanap si Kean bilang
abogado. Hindi siya pinalad
asawa ng isa sa mga
na makapasa sa entrance
pangunahing tauhan ng
exam kung kaya’t siya ay
pelikulang Seven Sundays. Ang
nahiwalay ng landas.
kanyang karakter ay isang
babaero na mahilig sa batang
Naging mahusay ang edad. Pilit siyang
kanyang pagganap sa ipinagtatanggol ng kanyang
magkaibang pelikula. Binigyang asawa dahil siya ay mahal na
mahal nito.
3. Editing ng Pelikula

Masasabing maayos ang pagkaka-edit ng pelikula kung angkop ang pagkakasunod


sunod ng mga eksena o kuha kapag pinagsama-sama ang mga ito. Bigyan ng
makabuluhang pangangatwiran at paliwanag ang mga sumusunod bahagi.
3.1 Transisyon/daloy ng eskena patungo sa sunod na eksena; at

Mapapansin ang mahusay na pagkaka-edit ng pelikula. Ang transisyon ay malinaw


dahil ang ginamit na efeks ng editor ay feyd lamang. Ang daloy ng kwento ay sunod
sunod kaya hindi maipagkakailang malinaw ang takbo ng pelikula.

3.2 Eksenang hindi saliwa o hindi dapat kasama sa pelikula

Sa aking palagay, lahat ng eksena ay angkop at dapat kasama sa pelikula. Ang mga
pangyayaring nakapagbigay ng inis at tuwa sa manonood ay malaking tulong sa pag
unlad ng bawat karakter sa pelikula. Bawat bahagi ay may kanyang gampanin na
talaga naming nakatulong sa ikinaganda ng pelikula.

4. Sinematografi
Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera na
isinasaalang alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw. Ang
magagandang lokasyon o ang mga angkop na lugar para sa mga eksena ang siya ring
nagpapatingkad sa imortalidad ng pelikula.

Pangatwiranan ang mga sumusunod:

4.1 angkop ba sa kwento ang pinagdausan ng pelikula?; at

Sa aking palagay, angkop ang lokasyon na pinagrekordan ng pelikula. Ang


paaralan ay angkop sa ilang eksenang makikita sa tunay na buhay. Ang lokasyon at
itsura ng mga bahay ay angkop sa antas ng buhay na ipinapahiwatig sa pelikula.

4.2 ano-anong eksena ang tumatak sa isip mo dahil sa mahusay na paggamit ng


kamera, ilaw at lokasyon?

Ang ilan sa eksenang tumatak sa akin dahil sa magandang paggamit ng ilaw at


kamera ay ang huling eksena kung saan silang tatlo ay pumasok na sa loob ng korte
dahil sila ay ganap ng abogado. Isa rin sa eksenang kakikitaan ng ganda ng ilaw at
husay ng galaw ng kamera ay ang eksena kung saan si Torran ay pumasok bilang
bahagi ng fraternity. Ang lugar na ginanapan ng eksena ay angkop sa emosyong nais
ihatid ng pelikula sa manonood.

5. Paglalapat ng Teorya
Ang teorya ay isang mahalagang sangkap na ginagamit sa sa pagsusuri ng
anomang genre ng panitikan.

Sa pelikulang napanood, ano ang teorya o mga teoryang angkop ilapat sa


pelikula? Bigyan ng patunay. (Maaaring ilagay na patunay ang dayalogo o ang
eksena sa pelikula)

Sa pelikulang aking napanood, makikita ang ilang teoryang pampanitikan gaya ng


sumusunod:
• Teoryang Humanismo- ipinakita sa pelikula na ang tao ang sentro ng buhay sa
mundo. Ang mga kalakasan at kahinaan ng karakter ang nagbigay ng kulay sa
takbo ng pelikula.
• Teoryang Realismo- ipinakita sa pelikula ang mga aktwal at karaniwang
pangyayaring nagaganap sa pang araw-araw. Ilan sa eksenang kakikitaan ng
teoryang ito ay ang buhay na kinasasadlkan ni Erik bilang siya ang pinaka
hindi esteybol ang buhay. Ang kanyan ama na isang sekyu ay siyang
gumagawa ng paraan upang siya ay makatapos. Isa rin ay ang mga mag-aaral
na kung minsan ay hindi na nakatutuloy sa pagtatapos dahil sa kakulangang
pinansyal at problema sa ilang asignatura.
• Teoryang Romantisismo- ipinakita sa pelikula ang iba’t ibang taglay ng pag
aalay ng pag-ibig ito man ay sa kapwa, sa paligid at minamahal sa buhay. Isa
sa eksenang kakikitaan ng teoryang ito ay ang pagmamahal ni Rachel kay
Chris. Ipinamalas niya ang lubos at wagas na pagmamahal na kahit hindi siya
ang una sa prayoridad ng nobyo ay pinili niyang ipaglaban ang kanyang pag-
ibig. Isa rin na kakikitaan ay ang pagmamahal ng ama ni Erik sa kanya na
nagpapakitang may mga magulang na gagawin ang lahat upang makatapos ang
kanilang mga anak. Huli ay ang pagmamahal ng apat na magkakaibigan sa
isa’t isa. Ang pagtulong sa isa’t isa sa bingit ng mga pagsubok at hindi
pagkakaunawaan.
• Teoryang Eksistensyalismo- ipinapakita ang Kalayaan ng tao na pumili ng
landas na kanyang tatahakin. Ipinakita ito ng karakter ni Josh na isa sa mga
magkakaibigan. Hindi siya nakapasa sa kursong abugasya kung kaya’t naiwan
siya ng kanyang mga kaibigan. Sa halip na subukang kumuha muli ng
pagsusulit ay mas pinili na lamang niyang magside-line at lumayo dahil sa
pakiramdam niyang siya’y hindi na nakakasabay pa.

6. Batayan sa Panunuring Pampanitikan

6.1 Anong batayan sa panunuring pampanitikan ang malinaw na nakapaloob sa


pelikula? Makabuluhang talakayin ang batayang tinutukoy.

Ang Sosyolohikal at Sikolohikal ay ang mga batayan sa panunuring


pampanitikan na matatagpuan sa buong pelikula. Una ay ang sosyolohikal
sapagkat binigyang diin dito interaksyon ng mga tauhan sa kanilang kapwa at
sa lipunang kanilang kinapalooban. Sina Erik, Torran, Chris at Josh ay hinubog
ng mga kaganapan sa pelikula. Ang kanilang mga desisyon ang nagbigay sa
kanila ng pagkakataong umunlad ang kanilang karakter. May mga kabiguang
nagging sanhi ng hindi pagkakaunawaan. Ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa,
sa pamilya, kaklase, propesor at sa kanilang mga sarili ay malaking tulong sa
ikinaganda ng takbo ng pelikula. Sunod ay ang sikolohikal. Ipinakita sa
pelikula ang pagsasaalang-alang ng kanilang kilos kung magiging
makatarungan ba ito. Isa sa eksenang ipinakita sa pelikula ay ang
pagdedesisyon ni Chris kung
ipagpapatuloy ba niya ang pagpasok at pakikipagrelasyon sa kanyang nobya sa
kabila ng hindi pagsang-ayon ng kanyang ama sa kanyang mag desisyon. Isa
na rin ay ang eksena kung saan nahirapan siyang magdesisyon kung bibigyan
niya ng pagkakataon na magkaroon ng pasadong marka ang kanyang
kaibigang si Erik o kung mananatili siya sa marking mataas. Nagdulot man ng
hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibigan ay nanaig pa rin ang
pagmamahalan sa kanilang pagitan.

7. Pagpapahalagang Pilipino

Ano-anong pagpapahalagang Pilipino ang nakita sa pelikula? Isa-isahin ang mga


pagpapahalagang pantao at bigyan ng makabuluhan at malamang talakay. (Maaaring bigyan
ng patunay.)

7.1 positibong pagpapahalaga; at

Sa pelikulang BAR Boys, makikita ang ilang katangian na talaga naming kahahangaan at
magsisilbing inspirasyon. Isa na ay ang hindi pagsuko sa pangarap sa likod ng mga balakid.
Makikita ang pagsusumikap ng apat na magkakaibigan upang magtagumpay sa buhay. Ang
ama ni Erik ang sumasalamin sa mga magulang na pilipinong pilit itinataguyod ang kanilang
pamilya sa kabila ng kahinaan ng katawan at estado ng buhay.

7.2 negatibong pagpapahalaga

Sa pelikulang BAR Boys, makikita ang mga katangian na karaniwang ngunit hindi
kaaya-aya. Ilan sa nakasanayang kaugalian ay ang ipinakita ng nanay ni Erik na sa halip na
maging masaya sa pagpasa ng anak ay nalungkot ito dahil mas inisip ang gastos. Isa na rin ay
ang ipinakita ng tatay ni Chris na hindi pagtanggap sa nobya nito dahil sa katayuan sa lipunan
nito. Ang mga ganitong katangian ng Pilipino ay patuloy na nangyayari at hindi magandang
lumawig pa.
Gawain Pagsulat ng Suring Papel

Genre Awit

Pamagat ng Awit “Masdan mo ang Kapaligiran”

May-akda Ang awiting “Masdan mo ang Kapaligiran” ay isinulat ng


bandang Asin.

Mang-aawit Ang awiting ito ay isinulat at inawit ng bandang asin na binubuo


nina Mike Pillora Jr, Cesar Beñares Jr. at Lolita Carbon na kilala
bilang mahusay na banda.

Simbolismo Narito ang mga simbolismong ginamit sa awit at gayundin ang


kahulugan nito.

1. Kulay itim – ang dating kulay na asul ng dagat ay unti-unting


nagging kulay itim kung saan ang itim ay sumisimbolo sa madumi
at di kaaya-ayang paligid.
2. Ibong gala – tumutukoy sa uri ng hayop sa himpapawid at
sumisimbolo sa pagtungo sa iba’t ibang lugar. Ang ibon ay
maaaring sumimbolo sa pagkawala ng kalayaan ng dahil sa bigkis
ng pagkasira ng kalikasan.
Tungkol sa mga Ang liriko sa awit ay may malaking gampanin. Ang lirikong pinag
salitang ginamit isipan ay tiyak na makakakuha ng atensyon sa mga tagapakinig.
Ang awiting “Masdan mo ang Kapaligiran” ay mayroong payak na
mga salitang karaniwang naririnig sa pang araw-araw na buhay.
Kung babasahin at pakikinggan ang awit, mapapansin nagtatagpo
ang liriko at himig ng umaawit sa damdaming nais ipabatid nito.
Simple man ang awitin ay tiyak na kapupulutan ng aral at
magiiwan ng palaisipan tungkol sa pangyayari sa mga kalikasan.
Pagpapahalagang A. Positibong Pagpapahalaga
Pilipino (Positibo at
negatibong 1. Kalakip ng paglipas ng panahon ay ang malawakang pag
pagpapahalaga. unlad. Mapapansin sa awiting “Masdan mo ang Kapaligiran”
Magkapit/sumipi ng ang pagbabago sa ating kapaligiran at ito ay malaking bahagi
pahayag/liriko bilang ng ating ekonomiya ngayon at sa darating pang panahon.
patunay) Makikita rin sa awit ang likas na kaalaman na dapat bigyang
halaga ang ating kapaligiran dahil ito ay biyaya galling sa
Kanyang lumikha. Narito ang patunay:

“Hindi nga masama ang pag-unlad


At malayu-layo na rin ang ating narating”

“Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galling sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa
Ingatan natin at wag nang sirain pa
‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na”

Ipinakikita sa mga linyang ito ang pagkakaroon kamalayan


na ang ating kapaligiran ay dapat ingatan at pahalagahan.

B. Negatibong Pagpapahalaga

1. Hindi maipagkakaila na ang kapalit ng pag-unlad ay ang


pagkasira ng ating kapaligiran. Ang awiting ito ay nagging susi
upang mabunyag ang totoong kulay ng kapaligiran matapos
ang sinasabing pag-unlad. Hindi maipagkakailang walang
bahid ng kasinungalingan ang mga lirikong pumaloob sa awit.
Narito ang patunay:

“Wala ka bang napapansin”


“Sa iyong kapaligiran”
“Kay dumi na ng hangin”
“Pati na ang mga ilog natin”

“Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat”


“Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim”

“Darating ang panahon, mga ibong gala”


“ay wala nang madadapuan”

Masasalamin sa awitin ang katotohanan na tayong mga


tao lang din ang mahigpit na kalaban ng ating kalikasan.
Teorya/ Mga Teorya Narito ang mga teoryang pampanitikan na makikita sa awit na
(Ilagay ang patunay sa Masdan mo ang Kapaligiran.
bawat teoryang ikakapit)
1. Teoryang Realismo - Ang awit ay akma sa teoryang ito sapagkat
hango ito sa mga kalagayang panlipunan patuloy natin
nasasaksihan. Dahil nga sa kapabayaan ng tao sa kalikasan, unti-
unting nasira ito matapos mapakinabangan.

Patunay:

“Bakit ‘di natin pag-isipan


Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan”

2. Teoryang Pormalistiko - Makikita na ang layunin ng awit ay


maiparating o maiparinig sa mambabasa at tagapakinig ang
ipinaaabot ng isang manunulat. Sa awiting isinulat ng Asin na
“Masdan mo ang Kapaligiran”, mababatid ang magandang
mensahe nan ais iparating ng may akda. Ipinapaabot ang tunay na
kalagayan ng atin kalikasan sa kabila ng mayabong na pag-unlad.

Patunay:

“Wala ka bang napapansin”


“Sa iyong kapaligiran”
“Kay dumi na ng hangin”
“Pati na ang mga ilog natin”

“Bakit ‘di natin pag-isipan


Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan”

You might also like