You are on page 1of 1

FILIPINO 5

Ikaapat na
Buwanang
Ang Pagbabalik
Pagsusulit
ni Jose Corazon de
Jesus
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan, Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan; Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Isang panyong puti ang ikinakaway, Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan: Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay! Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!” Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!” Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Nakangiti akong luha’y nalaglag... Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
At ako’y umalis, tinunton ang landas, Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak...
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak; O, marahil ngayon, siya’y magagalak!

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
At ang buwan nama’y ibig nang magningning: Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Maka orasyon na noong aking datnin, Ang aming tahana’y masayang totoo
Ang pinagsadya kong malayang lupain: At nagkakagulo ang maraming tao...
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim, “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating. “Nalalaman nila na darating ako.”

Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok, At ako’y tumuloy... pinto ng mabuksan,


Pinatuloy ako ng magandang loob; Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot, Apat na kandila ang nangagbabantay;
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok; Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot, Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!” Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”

You might also like