You are on page 1of 3

FILIPINO 5

PERFORMANCE TASK
READERS THEATER

Mga Tauhan:
Tagapagsalaysay 1,2, &3
Kambing 1
Kambing 2
Kambing 3
Higante

ANG HIGANTE AT ANG TATLONG MATALINONG KAMBING


May tatlong magkakapatid na kambing na parating magkakasama. Ang panganay sa
kanila ang pinakamalaki, ang bunso ang pinakamaliit at ang gitnang kambing ang pinakamataba
at may sungay!
Isang araw nagpasya silang magtungo sa lambak sa kabila ng patag para kumain ng
sariwa at bagong tubong damo. Bago makarating sa lambak, kailangan nilang tawirin ang isang
ilog.
Swerte naman at may tulay na kahoy ang patawid sa ilog. Subalit luma na ito at makitid.
Kailangang tawirin ng kambing ang tulay ng paisa isa.
ANG HIGANTE AT ANG TATLONG MATALINONG KAMBING
May tatlong magkakapatid na kambing na parating magkakasama. Ang panganay sa
kanila ang pinakamalaki, ang bunso ang pinakamaliit at ang gitnang kambing ang pinakamataba
at may sungay!
Isang araw nagpasya silang magtungo sa lambak sa kabila ng patag para kumain ng
sariwa at bagong tubong damo. Bago makarating sa lambak, kailangan nilang tawirin ang isang
ilog.
Swerte naman at may tulay na kahoy ang patawid sa ilog. Subalit luma na ito at makitid.
Kailangang tawirin ng kambing ang tulay ng paisa isa.
ANG HIGANTE AT ANG MGA TATLONG MATATALINONG KAMBING
Tagapagsalaysay 1: May tatlong magkakapatid na kambing na parating magkakasama. Ang panganay sa kanila
ang pinakamalaki, ang bunso ang pinakamaliit at ang gitnang kambing ang pinakamataba at may sungay!
Tagapagsalaysay 2: Isang araw nagpasya silang magtungo sa lambak sa kabila ng patag para kumain ng sariwa
at bagong tubong damo. Bago makarating sa lambak, kailangan nilang tawirin ang isang ilog.Swerte naman at
may tulay na kahoy ang patawid sa ilog.

Tagapagsalaysay 3: Subalit luma na ito at makitid. Kailangang tawirin ng kambing ang tulay ng paisa isa. Ang
hindi alam ng mga kambing, sa ilalim ng tulay ay may nakatirang isang higante. Malalaki ang kanyang mga
mata at ilong. Mainitin ang kanyang ulo at parating gutom.
Tagapagsalaysay 1: Unang tumawid ang pinakabatang kambing.

Kambing 3: Nawa’y maisahan ko ang higante sa tulay. *meh ehehehehe*


Tagapagsalaysay 2: Biglang sumigaw ang higante mula sa ilalim ng tulay,

Higante: “Sino ka? Ang lakas ng loob mong tumawid sa tulay ko!”

Kambing 3: *meh ehehehehe* “Ako ay isang batang kambing! Maaari ba akong tumawid sa tulay? Ako’y
nagugutom na.” *meh ehehehehe*

Higante: “Hindi!

Tagapagsalaysay 2: Hiyaw ng higante,

Kambing 3: at bakit naman hindi? Ako’y gutom na gutom na. Maawa ka sa akin. *meh ehehehehe*

Higante: “akin ang tulay na ito. Ngayon kakainin na kita!


Kambing 3: *meh ehehehehe* “Hindi mo ako magugustuhan Ginoong Higante! Ang kapatid kong panganay
ay mas malaki at mas malasa ang kanyang karne.” *meh ehehehehe*
Tagapagsalaysay 3: Hinayaan ng higanteng makatawid ang maliit na kambing. Mas gusto niya ang mas
malaking kambing kaya’t inabangan niya ito.

Tagapagsalaysay 1: Di nagtagal, dumating ang panganay na kambing.


Higante: “Sino ka?” ang lakas ng loob mong tumawid sa tulay ko!”

Kambing 2: *meh ehehehehe* “Ako po ito, ang panganay na kambing! Maaari po ba akong tumawid?” *meh
ehehehehe*

Higante: “Hindi!

Kambing 2: Ngunit ako’y gutom na gutom na. Maawa ka sa akin. *meh ehehehehe*

Higante: Hindi pwede!!!

Tagapagsalaysay 2: Sigaw ng higante,


Kambing 2: *meh ehehehehe* Maawa ka sa akin. Kailangan ko ng kumain *meh ehehehehe*

Higante: “akin ang tulay na ito. Ngayon kakainin na kita!”


Kambing 2: Hindi mo ako magugustuhan Ginoong Higante. *meh ehehehehe* Makunat ang aking laman. Mas
masarap yung kapatid kong sumunod sa akin. Siya ang pinakamataba at malaman ang kanyang karne!”

Tagapagsalaysay 3: Hinayaan ng ganid na higante na makatawid ang panganay na kambing. Mas gusto niya
ang pinakamataba at malaman.

Tagapagsalaysay 1: Nang dumating ang ikatlong kambing, humarang ang higante sa daraanan nito para hindi
na ito makatawid.
Kambing 1: *meh ehehehehe* Ito ay ako, ang malaki at matalinong kambing.

Higante: “Hinihintay kita at ngayon kakainin na kita!”

Kambing 1: Tatawid ako upang makasama ko na ang aking mga kapatid. Patawirin mo ako, nais ko silang
makasama *meh ehehehehe*

Higante: Hindi! Hindi pwede!!!!

Kambing 1: *meh ehehehehe* at bakit naman hindi? Nais ko lang makasama ang aking mga kapatid at
makakain ng mga damo *meh ehehehehe*

Higanti: Akin lang ang teritoryong ito!!!!

Kambing 1: *meh ehehehehe*Ganun ba?! Hindi mo pagmamay-ari ang lupang ito. Diyan ka nagkakamali.
Tingnan mo to!!!!! *meh ehehehehe* *meh ehehehehe* *meh ehehehehe*

Tagapagsalaysay 3: Sinunggaban ng higante ang kambing. Yumukod ang kambing at inumang ang kanyang
mataba at matulis na sungay pasugod sa higante.

Kambing 1: *meh ehehehehe* ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!

Higante: Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!
LAHAT: Nahulog ang higante sa ilog at tinangay ng malakas na agos. Nagpatuloy ang tatlong kambing sa
pagtawid sa tulay patungo sa lambak at matiwasay na kumakain at umiinom ng tubig. Ito ang kwento na
pinamagatang “ANG HIGANTE AT ANG MGA TATLONG MATATALINONG KAMBING”. Maraming
salamat sa panonood.

You might also like