You are on page 1of 2

MOTHER TONGUE 3

IKATLONG BUWANANG PAGSUSULIT


READERS THEATER
(Pebrero 01, 2024)

Ang Madaldal na Pagong

MGA TAUHAN:

Tagapagsalaysay 1,2,3,4
Pagong, Abuhing Gansa, Puting Gansa

Tagapagsalaysay 1: Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang


magkakaibigan. Sila ay si Pagong Daldal, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa.
Nagkuwentuhan sila at di-nagtagal ay nagpaalam ang magkapatid na gansa.

Pagong: “Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog”,

Tagapagsalaysay 2: pakiusap ni Pagong Daldal. Nais niyang makasama ang dalawang gansa.
Papayag nga kaya ang dalawa?

Abuhing Gansa: “E, paano ka namin maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka
makakalipad?”

Tagapagsalaysay 3: wika ni Abuhing Gansa.

Pagong: “Oo nga ano…. Mmmmmmmm…. ”,

Tagapagsalaysay 4: wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.

Puting Gansa: “Teka, may naisip ako”,

Tagapagsalaysay 1: wika ni Puting Gansa.

Abuhing Gansa: Ano ang gagawin natin? Ano ang nasa isip mo Puting Gansa?

Puting Gansa: “Maisasama ka namin pagong kung susunod ka sa aking sasabihin.”

Pagong: “Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo”,

Tagapagsalaysay 2: wika ni Pagong Daldal. Gustong-gusto niya talagang makasama sina


Abuhing Gansa at Puting Gansa.

Puting Gansa: “Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing
Gansa ang magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tandaan mo. Huwag na
huwag kang magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at lalagpak sa lupa.
Abuhing Gansa: Magandang ideya! O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, kaibigang
Pagong”,

Tagapagsalaysay 3: wika ni Puting Gansa.

Abuhing Gansa: “Tandaan mo, huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag
nakabitaw ka, tiyak na lalagpak ka sa lupa.”

Pagong: “Hindi ako magsasalita”,

Tagapagsalaysay 4: pangakong muli ni Pagong Daldal. Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang
dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagat naman ni Puting Gansa. At sila ay lumipad na.

Tagapagsalaysay 1: Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga


punongkahoy! Waring nakaakyat sa langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal.

Tagapagsalaysay 2: Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong.


Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nila ang pagong na kagat-kagat ang patpat!

Mga bata (LAHAT NG TAGAPAGSALAYSAY): “Tingnan ninyo ang Pagong Daldal!


Lumilipad! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

LAHAT NG TAGAPAGSALAYSAY: Nagalit si Pagong Daldal!!!!!!

Pagong: “Mga batang…………_______”

Tagapagsalaysay 3: Hindi natapos ang iba pang sasabihin ni Pagong Daldal. Tuluy-tuloy
siyang bumagsak sa lupa.

Abuhing at Puting Gansa: “Kaawa-awang Pagong!”

LAHAT: nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing Gansa. Ito ang kwento tungkol sa
Ang Madaldal na Pagong. Maraming salamat!

You might also like