You are on page 1of 2

FILIPINO 6

PERFORMANCE TASK
READERS THEATER

Ang Maya, Ang Agila At Mga Hayop Gubat

Mga Tauhan:
Tagapagsalaysay 1,2,3,4, & 5
Maya
Agila
Uwak/Unggoy

Tagapagsalaysay 1: Sa gubat matalibugho may isang ibong nagngangalang Maya. Si Maya ay isang ibong
maya. Isang araw habang lumilipad sa kakahuyan ay may narinig syang malakas na tinig

Agila: “heeeeeeeeeeeeaaah! heeeeeeeeeeeeaaah!”

Tagapagsalaysay 2: Pinakinggan niyang mabuti ang tunog.

Agila: “heeeeeeeeeeeeaaah! heeeeeeeeeeeeaaah!”

Tagapagsalaysay 2: at nakita ni Maya si Agila na nakasabit sa patibong ng mga mangangaso.

Agila: “Tulungan mo ako Maya! Tulungan mo ako! heeeeeeeeeeeeaaah!”

Tagapagsalaysay 1: ang pagmamakaawa ni Agila.

Maya: “Sandali lang kaibigang agila at hihingi ako ng tulong. ‘Wag kang maingay baka marinig ka ng mga
tao.”

Tagapagsalaysay 3: ang sagot ni Maya. Lumipad ng mabilis si Maya patungo sa kanyang bahay para humingi
ng tulong sa mga kapwa ibon. Binalikan nila si Agila ngunit hindi pa rin nila ito matanggal sa lambat.

Maya: “Mga kaibigang ibon, paano ba natin maalis si Agila sa lambat?”

Tagapagsalaysay 4: tanong ni Maya.

Isang ibon: “Maghiwahiwalay tayo at humingi ng tulong sa iba pang mga hayop.”

Tagapagsalaysay 4: sabi ng isang ibon, sumang-ayon naman si Maya at naghiwa-hiwalay sila. Dumating sila
Oso, Leon, Tigre, Elephante, Pagong, Unggoy, Kuneho, Usa, Buwaya, at Uwak.

Unggoy: “Bakit nandito si Uwak?”

Tagapagsalaysay 3: tanong ni Unggoy.

Uwak: “Gusto ko lang tumulong” Ang biglang sabat ni Uwak.

Maya: “Uwak, lumipad ka sa taas at subukan mong putulin ang lambat at unggoy akyat ka sa puno at alalayan
mo si uwak”

Tagapagsalaysay 5: ang utos ni Maya. Umakyat si Unggoy at lumipad pataas ng puno si Uwak ngunit kahit
ilang ulit na subukan ni Uwak, hindi pa rin niya maputol-putol ang tali.

Maya: “Oso , samahan mo si Unggoy sa itaas ng puno”


Tagapagsalaysay 3: ang biglang sabi ni Maya.

Maya: “Elepante, pataasin mo sa likod mo si Leon”

Tagapagsalaysay 5: dagdag pa niya.

Tagapagsalaysay 1: Pagkataas ni Oso sa puno ay sinimulan na niyang putulin ang lambat na sinasabitan ni
Agila at bigla itong napigtas.

Tagapagsalaysay 2: Nalaglag ang lambat kasama si Agila ngunit nasalo siya ni Leon na mabilis na tumalon.

Agila: “Mga kaibigan, salamat… Akala ko magiging tinola na ako.”

Tagapagsalaysay 5: Ang pasasalamat ni Agila.

Maya: “Anong silbi ng pagtira natin sa iisang gubat kung hindi naman tayo magtutulungan hindi ba?”

Tagapagsalaysay 4: sabi ni Maya.

LAHAT: Nagsaya silang lahat dahil sa pagkakaligtas kay Agila at namuhay sila ng masagana. Kahit na
magkakaiba ang kanilang kinakain, pag-uugali, kulay ng balahibo, kulay ng balat at kahit na iba’t iba ang
kanilang uri, nagawa pa rin nilang tulungan ang isa’t isa. Ito ang kwento na pinamagatang “Ang Maya, Ang
Agila At Mga Hayop Gubat”. Maraming salamat sa panonood.

You might also like