You are on page 1of 1

Search

Ang Alamat Ni Mariang


Download

Sinukuan

Uploaded by Dang Cabatic

 100% (3) · 2K views · 3 pages


Document Information 
Ang Alamat ni Mariang Sinukuan Script
Copyright
© © All Rights Reserved
Download 
Available Formats
DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
 

Share this document


ANG HUKUMAN NI MARIANG SINUKUAN

NARRATOR:

Ang bawat gubat ay mayroong tagapag alaga. Sa Laguna halimbawa, may Mariang Makiling. Ang
Pinatubo, binabantayan ni Apo Malyari. Sa bundok ng Arayat, ang namumunong diwata ay si Mariang

Facebook Twitter
Sinukuan. Mabait sya sa mga nangangailangan ng tulong, pero kapag may nasaktan ka sa gubat nya,
mabigat magparusa ang diwata.

Isang araw, sa kaharian ni Mariang Sinukuan, umiiyak na dumang si Ibon sa hukuman ni Mariang
Sinukuan.


IBON: Mahal na Mariang Sinukuan, inapi po ako, tulungan ninyo ako!

MARIANG SINUKUAN: Ano ang nangyari?

Email
IBON: Ang mga anak ko, hindi pa man naisisilang ay walang habas nang pinaslang, huhuhu!

MARIANG SINUKUAN: Anong nangyari sa iyong mga itlog?

IBON: Kagabi po, dumamba nang dumamba si Kabayo at natapakan ang aking pugad. Ang kabayo ang

Did you find this document useful?


may kasalanan nito at dapat syang parusahan!!!

MARIANG SINUKUAN: Ikaw ba ay nakasisiguro? Mali ang magparatang nang walang kabayan.

IBON: Kahit ipagtanong nyo pa sa ibang hayop, may nakakita po sa kanya!

MARIANG SINUKUAN: Kung ganun, Kuneho, hanapin mo ang Kabayo para harapin ang bintang ng Ibon.

NARRATOR: At hinanap nga ng Kuneho ang Kabayo sa kagubatan para iharap kay Mariang Sinukuan.
Pinuntahan nya ito sa kanyang bahay. Nang makita ng Kabayo ang Kuneho, dagli itong tumakbo palayo.

KUNEHO: Kabayo, huminto ka kung ayaw mong masaktan! Sumama ka sa akin at ipinatatawag ka ni
Is this content
Mariang Sinukuan. inappropriate? Report this Document

NARRATOR: At humarap na nga ang Kabayo sa Hukuman ni Mariang Sinukuan.

MARIANG SINUKUAN: Kabayo, bakit ka dumamba nang dumamba kagabi kaya nabasag ang mga itlog ni
Ibon?

KABAYO: Mahal na diwata, hindi ko po sinasadya na matapakan ang pugad ni Ibon na ikinabasag ng
kanyang mga itlog. Kasalanan po ito ni Palaka!

MARIANG SINUKUAN: Si Palaka?

KABAYO: Kumokak po siya nang pagkalakas lakas kaya po ako nagulat!

NARRATOR: Ipinatawag ni Maria si Palaka para harapin ang bintang ni Kabayo.

MARIANG SINUKUAN: Bakit ka kumokak kokak kagabi na ikinagulat ni Kabayo kaya siya dumamba nang
dumampa dahilan para matapakan nya ang pugad ni Ibon at mabasag ang mga itlog nito?

PALAKA: Mahal na diwata, hindi ko po sinasadya na mapakokak nang malakas, na ikinagulat ni Kabayo, at
ikinasira ng pugad ni Ibon. Sa totoo lang, si Pagong po ang pinagmulan ng lahat.

MARIANG SINUKUAN: At bakit si Pagong ang dapat sisihin?

PALAKA: Nananahimik ako nun, pinagmumunihan ang kahulugan ng buhay. Nakita ko po si Pagong na
dala-dala ang kanyang bahay, kaya po nanghingi ako ng saklolo sa takot na baka mabagsakan ako ng
kanyang bahay.

MARIANG SINUKUAN: Kung ganun, papuntahin si Pagong dito!

KUNEHO: Masusunod po, mahal na diwata.

NARRATOR: At ihinarap na nga ni Kuneho si Pagong kay Mariang Sinukuan nang mahuli nya ito.

MARIANG SINUKUAN: Bakit mo dinala ang bahay mo kagabi kaya natakot at kumokak si Palaka kaya
dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Ibon?

PAGONG: Paumanhin po. Ang sa akin lang po, sino po ba ang hindi magdadala ng sariling bahay kapag
nakakita ng apoy? Itong bahay na ito na lang ang mayroon ako. Lahat ng aking alala ay nandito, kapag
masunog ito, parang binura nyo na rin ako sa mundo!

MARIANG SINUKUAN: Pero wala naming naiulat na sunog kagabi! Nagsisinungaling ka yata, Pagong!

PAGONG: Hindi po, mahal na diwata! Kasalanan po ito ni Alitaptap! Kasi may dalang apoy si Alitaptap at
natatakot akong masunog ang bahay ko!

MARIANG SINUKUAN: Puro na lang kayo turuan! Nasaan ba si Alitaptap? Papuntahin sya dito.

NARRATOR: Atubiling sumunod si Kuneho sa utos ni Mariang Sinukuan. Nang makita si Alitaptap ay dagli
nya itong ihinarap sa diwata.

MARIANG SINUKUAN: Bakit may dala kang apoy kagabi kaya nagbuhat ng bahay nya si Pagong, kaya
natakot at kumokak si Palaka, kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang itlog ni Ibon?

ALITAPTAP: Bakit ako lang ang inyong natanong? Ang dapat nyong sisihin ay si Lamok! Kasi po natatakot
akong masaksak ni Lamok dahil may dala siyang itak araw-gabi at tanging ang apoy ko lang ang panlaban
ko sa dala nyang itak!

MARIANG SINUKUAN: Pwes, hanapin si Lamok!

NARRATOR: At hinanap nga ni Kuneho si Lamok para humarap kay Mariang Sinukuan.

MARIANG SINUKUAN: Bakit may dala dala kang itak araw-gabi kaya nagdala ng apoy si Alitaptap, kaya
nagbuhat ng bahay si Pagong, kaya natakot at kumokak si Palaka, kaya dumamba nang dumamba si
Kabayo, kaya nabasag ang itlog ni Ibon?

LAMOK: Kasi po hinahanap ko si Alimango.

MARIANG SINUKUAN: At bakit ka naman galit kay Alimango?

LAMOK: Kasi po, sinipit nya ako nang minsang magdaan ako sa kanyang bahay. Mabu at daplis lang ang
pagsipit nya sa aking paa. Wala akong gulok na dala nuon. Nang bumalik ako ay nagtago na sya at hindi
ko malaman kung saan nagpunta. Pero maski saan man sya magpunta ay hahanapin ko sya para ako’y
makapag higan!

NARRATOR: Saktong napadaan si Alimango sa harapan ng mga nagkapon na mga hayop at insekto.
Nang makita ni Lamok si Alimango, ay naiwasiwas nya ang kanyang dalang itak dahil sa sobrang galit kay
Alimango! Nakaiwas si Alimango pero namaan naman ng itak si Palaka at kumokak ito nang malakas.
Nagulat si Kabayo at dumamba ito nang dumamba. Nagkanya-kanya ng takbo sina Ibon, Alitaptap,
Pagong, at iba pang mga saksi. Nagulo ang buong hukuman ni Mariang Sinukuan! Dahil dito’y nagalit ang
Diwata.

MARIANG SINUKUAN: Magsitahimik kayo!!! Lahat kayo ay nagsipagdalus-dalos din! Dapat ninyong isipin
na kayo ay responsable sa inyong sariling pag-aasal. Mula ngayon Ibon, sa itaas ka na ng puno gagawa ng
pugad. Ikaw naman Kabayo, lalayuan ka ng marami dahil magiging ugali mo na ang pagsipa at pagdamba.
Palaka, dahil hindi ka nag iisip bago mo buksan ang iyong bibig, iyang kokak na ang magiging boses mo sa
habang panahon. Ikaw Pagong, dahil masyado mong mahal ang iyong ari-arian, hindi ka na mahihiwalay
sa iyong bahay. Alitaptap, dahil naninindak ka gamit ang iyong apoy, dadalhin mo na iyan habambuhay.

Ikaw Alimango, dahil tagilid kang mag isip, mula ngayon, tagilid ka na ring maglalakad. Ikaw Lamok,
hinahatulan kita ng isang linggong pagkakakulong dahil sa pagdala mo ng itak sa aking hukuman.

NARRATOR: Natakot si Lamok na maparusahan uli kaya nang makalaya mula sa pagkakakulong ay hinding
na ito nagdala pa ng itak. Pero nangako ito na patuloy pa rin nyang hahanapin ang kalaban na si
Alimango. Si Alimango naman ay palagi lamang na nasa butas at nagtatago kay Lamok. Kaya ngayon,
kapag may umaali-aligid at bubulung-bulong na kulisap sa iyong tainga, si Lamok yun, at akala ay butas ni
Alimango ang butas ng iyong tainga. At dito nagtatapos ang aming munng palabas.

WAKAS

Share this document


    

You might also like

Aya Fables
Jenn Rausa

Ang-Hukuman-ni-
Mariang-Sinukuan-
Masining-na-Pagbasa
zettevasquez8

Nomination Form - Sonny


O. Macawile
Marissa Acampado

Magazines Podcasts

Sheet music

Ang Agila at ang


Maya.docx
Jay Michael Macasarte

Mga Halimbawa Ng
Pabula
AshleyJoeiDoria

Mga Bugtong, awiting


bayan, pabula,
alamat,talambuhay…
Ampolitoz
salawikain

Alamat Ng Butiki
Desiree Guidangen Kiasao

Ang Tatlong Pabula


Maria Resper

Ang Daga at ang


Leon.docx
Ronalyn Rodriguez

pabula
Anthony Fabon

Ang Agila at Ang Maya


Jun Jun Evilla Alnas

ANG HUKUMAN NI
MARIANG SINUKUAN
Gizelle Trajano

Show more

About Support

About Scribd Help / FAQ

Press Accessibility

Our blog Purchase help

Join our team! AdChoices

Contact us Publishers

Invite friends
Social
GiJs

Scribd for enterprise Instagram

Twitter
Legal Facebook

Terms Pinterest

Privacy

Copyright

Cookie Preferences

Do not sell or share my


personal information

Get our free apps

Books • Audiobooks • Magazines • Podcasts •


Sheet music • Documents • Snapshots

Language: English

Copyright © 2023 Scribd Inc.

You might also like