You are on page 1of 5

Bakit Si Maya Ang Napili?

Kakatapos lang pumili ng bagong hari ng kagubatan. Tapos na kasi ang


panunungkulan ng malakas na si Leon at ng matalinong si Kuwago. Lahat
ng hayop, kulisap at ibon sa gubat ay nagkaisa. Si Maya ang kanilang
napiling mamumuno sa kanila sa kabila ng kanyang kaliitan. Nagtaka tuloy
si Elepante, ang pinakamalaking hayop sa gubat at siya ring
pinakamahigpit niyang kalaban. Tinanong ni Elepante si Baboy Damo.
Bakit si Maya ang iyong napili? Napili ko si Maya kasi tinuruan niya ako
ng kalinisan, tugon naman ni Baboy Damo. Pero ikaw ay baboy, ayos
lang sigurong magdumi ka, pangungutyang dagdag ni Elepante. Hindi ko
nga iniisip dati ang maglinis pero nang minsang kumakain ako ng aking
pagkain, nakita niyang madumi ang lugar na aking pinagkainan, tinuka niya
ang mga natapong pagkain, at nalinis pa ang aking tahanan. Simula noon,
natuto na akong maglinis ng kapaligiran, paliwanag ni Baboy Damo at si
Elepante ay kanyang tinalikuran. Pero nagtaka pa rin si Elepante. Sunod
naman niyang tinanong si Unggoy. Bakit si Maya ang iyong napili? Napili
ko si Maya dahil tinuruan niya akong mag-isip na kahit basura ay may
pakinabang pa. sagot ni Unggoy na naglalambitin pa sa sanga ng isang
puno. Basura, May pakinabang? Nalilitong tanong ni Elepante. Iyan din
ang nasa isip ko dati pero nang minsang sabay kaming kumain ni Maya,
napansin kong iniipon niya ang mga patapong uhay ng palay. Gagamitin
niya daw iyun sa pagbuo ng kanyang pugad. Siya ang nagsabi sa akin na
ang balat ng saging ay pwede palang gawing pataba sa lupa kaya simula
noon, ganoon na nga ang aking ginawa, matalinong sagot ni Unggoy. Pero
nag-isip pa rin si Elepante kung bakit isang maliit na hayop ang kanilang
napili. Sunod niyang tinanong si Tipaklong. Bakit si Maya ang iyong
napili? Napili ko si Maya kasi mayroon siyang pagpapahalaga sa pagaaral, sagot ni Tipaklong. Bakit mag-aaral ka pa, sapat na sigurong
maglibang ka na lang sa iyong paglundag-lundag sa damuhan, sabi
naman ni Elepante. Iyan nga din ang nasa isip ko. Pero minsang tanungin
niya ako kung ilang oras ba ako dapat maglaro, hindi ko alam ang isasagot
ko. Hindi kasi ako marunong magbilang. Noon ko nalaman na tama si
Maya, dapat akong mag-aral upang matutong magbilang at ngayon,
marunong na rin akong magsulat at magbasa, paliwanag naman ni
Tipaklong na muling lumundag sa isang damo. Pero hindi pa rin
makumbinse si Elepante. Tinanong niya naman ang matandang Kalabaw.
Bakit si Maya ang iyong napili? Si Maya ang aking napili dahil may
paggalang siya sa matatanda. Dangan kasi, napikon ako kay Tagak dahil
parati siyang kumakanta ng Kalabaw lang tumatanda, Kalabaw lang ang
tumatanda. Sinabihan pa akong ang bagal ko na daw kumilos sa bukid.

Nag-away kami ni Tagak at si Maya na ang sumakay sa likod ko para


tukain ang mga insektong sa aking likod ay nananahan. Nag-uusap ang
dalawa nang lumapit sa kanila si Tagak. Pasensya ka na, Kalabaw sa
aking inasta noong isang araw. Kinausap na ako ni Maya at ipinaunawa sa
akin ang aking kamalian. Simula ngayon, hindi na kita tutuksuhin sa iyong
kalagayan. Paliwanag ni Tagak. At nagbati na ang dalawa. Agad sumakay
si Tagak sa likod ni Kalabaw at lumakad palayo. Pero ayaw pa ring
maniwala ni Elepante. Lumapit siya sa mag-inang usa. Binulungan niya si
Usa at tinanong. Bakit si Maya ang iyong napili? Napili ko si Maya kasi
siya ay matulungin at mapamaraan. Sagot ni Usa habang pinapatulog ang
anak. Paano mo naman iyan nasabi? dugtong na tanong ni Elepante.
Alam mo bang noong isang araw ay nilusob tayo ng mga mangangaso,
takot na takot kami ng anak ko. Napansin kami ni Maya at ang ginawa niya,
ginising niya ang mga natutulog na bubuyog at ipinahabol niya ang mga
mangangasong nagkaripasan sa pagtakbo. Salamat talaga kay Maya.
Marahil kung hindi dahil sa kanya, wala na kami sa kagubatang ito.
Malapit nang bumilib si Elepante. Lumapit siya kay Paruparo at nagtanong.
Bakit si Maya ang iyong napili? Si Maya ang aking napili dahil tinuruan
niya akong mahalin ang aking sarili, sagot ni Paruparo habang palipat-lipat
ng lipad sa mga bulaklak. Hindi kita maintindihan, tanong na naman ni
Elepante. Ganito kasi yun, noong ako ay uod pa lang, sinabi ko sa
kanyang akoy kainin na dahil wala akong silbi sa panget kong kalagayan.
Pero hindi niya ako man lang tinuka at sa halip ay pinayuhan na maghintay
ng tamang oras. Tingnan mo ako ngayon, isang magandang paruparo.
Salamat kay Maya at akoy kanyang iminulat Nagsisimula nang humanga
si Elepante. Tinanong niya si Musang. Bakit si Maya ang iyong napili?
Napili ko si Maya kasi may pagpapahalaga siya sa kalikasan, sagot ni
Musang habang nakahiga sa isang ugat ng puno. Pero lahat tayo ay
nagpapahalaga sa kalikasan. Sabi naman ni Elepante. Oo nga, pero mas
nakita ko iyan kay Maya. Minsan kasing kumakain kami ng mangga, hiningi
niya sa akin ang buto at inilipad niya ito sa matabang lupa. Sabi niya,
kailangan daw itanim uli ang mga iyon upang maging puno ng
kinabukasan, paliwanag ni Musang. At sa dami ng kanyang
napagtanungan, nakumbinsi na rin si Elepante. Kaya naman, lumapit siya
kay Maya at binati niya ito. Kaibigang Maya, binabati kita. Tunay na ikaw
ay karapat-dapat na tularan sapagkat ikaw ay isang mabuting nilalang sa
kagubatan. Salamat, Kaibigang Elepante. Lahat tayo ay may magagawa.
Kailangan nating magkaisa upang mas maging masaya ang buhay natin
dito sa gubat. Hindi hadlang ang murang edad o laki ng katawan upang
gumawa ng kabutihan. Lalong natuwa ang mga hayop, kulisap at ibon sa

kagubatan. Hiningan nila ng isang awit si Maya na agad namang


nagpaunlak. Twit, Twit, Twit, Twit. Ako ay isang ibong marikit Maliit ako
pero mabait Bata man akoy may magagawa Iyan ay ang tumulong sa
aking kapwa. Twit, Twit, Twit, Twit. Mahalin natin ang ating paligid, Magaral, maglaro at umawit. Mas masaya ang buhay Kung walang kaaway.
Twit, Twit, Twit, Twit. At naging maligaya ang buong kagubatan
Eskuwelang Pinoy

Noong unang panahon, may isang batang matalino na ang pangalan ay


Sergio. Nag-aaral siya sa eskwelahan na Tsino para matuto ng wikang
Tsino. Sinabi ng Nanay at Tatay niya, Anak, maganda kung marunong
kang magsalita sa Tsino kasi maraming mga Tsino sa lahat ng panig ng
mundo. Alam ni Sergio na totoo ang sinasabi ng mga magulang niya, pero
sa isip niya, mas gusto niyang mag-aral ng wikang Filipino, pero
nalulungkot siya kasi walang mga eskwelahan para matuto ng wikang
Filipino. Pinapag-aral ng Nanay at Tatay si Sergio sa ibang eskwelahan.
Hapones naman ang eskwelahan. Kahit hindi Filipino ang pinag-aaralan ni
Sergio, masaya pa rin siya kasi marami siyang naging kaibigan sa mga
klase niyamas marami kaysa sa mga klaseng Tsino. At saka maraming
ibang mga tao roonmga puti, itim, Meksikano, at Asyano. Pero hindi
talagang masaya si Sergio kasi talagang gusto niyang mag-aral sa
eskwelahang Pilipino. Kinausap ni Sergio ang Nanay at Tatay niya,
Mommy, Daddy, bakit wala akong opoturnidad para makapag-aral ng
kulturang Pilipino sa eskwela? Alam kong nag-uusap tayo rito sa bahay sa
wikang Filipino, pero wala akong alam tungkol sa kasaysayan at kultura
natin. Nang gabing iyon, nag-usap ang Nanay at Tatay ni Sergio. Nang
sumunod na araw, may nakita si Sergio na isang papel sa ibabaw ng mesa
niya. May mensaheng nakasulat doon: Anak, alam namin na importante
ang bayang Pilipino para sa yo; kaya binili namin ang lupang malapit sa
bahay natin para patayuan ng eskwelahang Pilipino. Nagmamahal,
Mommy at Daddy. Bumalik si Sergio sa kama niya, ipinikit ang kanyang
mga mata, at natulog siya sa kamalayang napakalaki ng pag-ibig ng
magulang niya para sa kanya.#

Ang Matalik Kong Kaibigan Tulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay
mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong mga paa
sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava True tungkol sa
kalusugan at mga sakit sa katawan. Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at
pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga pangalan ng mga namatay sa obituary. Laking
gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan. Bigla
akong tumayo na nanikip ang dibdib. Sinabi ko kay Nanay na namatay si Richard at
pupuntahan ko agad sa St. Peter's Chapel kung saan siya nakaburol. Sa St. Peter's,
sinabi sa information na sa huling silid sa kaliwa naroon ang aking kaibigan. Sa
pagpasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming kabarkada. Puro
sila malungkot at halos maiyak-iyak. Di ko mapigil ang aking luha habang minamasdan
ko ang mukha ni Richard sa loob ng kabaong. May mga tapal ang kanyang pisngi at
noo. Lumapit sa akin ang kapatid niyang si Kristine. "Nabundol ng trak ang kotseng
sinasakyan niya." "Saan nangyari ito?" ang tanong ko. "Sa may Magallanes Village, sa
Expressway, noong Sabado. Wala ngang nakakita kung anong plate number ng truck.
Hit and run ang nangyari." "Nanghina ako nang mabasa ko sa pahayagan ngayong
hapon. Nagmadali nga akong pumarito," ang wika ko. Isang mabait at masayang
kaibigan si Richard. Marami siyang kaibigan, mahirap at mayaman. Buhat pa ng maliliit
kami ay magkaibigan na at madalas magkasama, nagbabasketball, namamasyal,
nagsisimba, at iba pang gawain ng mga bata. Bakit kaya siya binawian agad ng buhay?
Labimpitong taon pa lamang siya. Marami pa sana siyang magagawa at matutulungan.
Nasabi ko tuloy sa sarili na hindi nga pala nakatitiyak ang sinuman kung kailan daratihg
ang kamatayan. Maaaring sa araw ding ito, o sa madaling panahon. Kailangang maging
handa sa lahat ng oras. Kailangan ang paghingi lagi ng awa. at kaiinga sa Diyos, at ang
pagiging mabait. Nakilibing ako kay Richard at sa tabi ng kanyang hukay ay ipinangako
ko na gagawan ko ng istorya aqg buhay niya at ang ipapamagat ko ay "Ang Matalik
Kong Kaibigan."
Kapuri-puring Bata Nais ko pong ipabili sa aking ina para sa aming notse buena yaong
pagkaing pinananabikan ko, katulad ng mansanas at fried chicken... Tugon ito ni Ralph,
Grade III - 1, ng Paaralang Bagong Barangay, nang siya ay tanungin ng kanyang guro
sa Journalism kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang tatlong alkansiyang puno ng
mga barya. Ito ay natipon niya sa pagiging batang-basurero. Namumukod si Ralph, 10
taong gulang, sa mga ininterbyu ni Gng. Aida Escaja, isang tagapayo ng pahayagang
pampaaralan. Dalawang palagiang trabaho ang ginagampanan ni Ralph. Ipinagtatapon
niya ng basura ang mga nakatira sa Bagong Barangay Tenement at errand boy sa
palengke ng may bibingkahan sa kanilang pook. Napili ng kanyang guro ang sinulat ni
Ralph, "Kumita Habang Nag-aaral" para sa kanilang pamaskong isyu. Si Ralph ay isa
sa mga batang sinasanay ng kanilang guro upang maging kagawad ng patnugutan
pagtuntong niya ng ikaanim na grado. Matalino siya pagkat lagi siyang kasama sa "Top
Ten" ng kanilang klase mula pa noong Grade 1. May kabutihan ding nagagawa ang
kahirapan sa mga bata. Maaga pa'y nalalantad na sila sa pakikibaka sa buhay kaya
nagiging matatag sila sa pagharap sa mga suliranin sa buhay. Hindi sila nagpapanik na
tulad ng mga sanay sa ginhawa. Nagiging malikhain sila sa paghanap ng
mapagkakakitaan. Kasama ni Ralph sa pagtatapon ng basura sina Topher, 11 taong
gulang, Grade III din, at si Jun-jun, 6 na taong gulang at nasa unang baitang.

Tumatanggap sila ng mula biyente sentimos hanggang dalawang piso, ayon sa rami ng
basurang kanilang itinatapon. Tuwing alas-dos naroroon na sila na may dalang sako.
Nagkaisa sila sa hatian ng kanilang kita: 45 porsiyento para kay Topher na malaki at
malakas; 35 porsiyento para kay Ralph at 20 porsiyento para kay Jun-jun. Magkakapitkwarto ang kanilang tinitirhan at tsuper ang kanilang mga ama. Kapuri-puri ang tatlong
batang ito na maagang nagising sa katotohanang sa iyong pawis manggagaling ang
iyong ikabubuhay. Ayon sa kanilang magulang, may isang taon nang nangungulekta ng
basura sa tenement house ang tatlong batang ito. May recycling pa silang ginagawa,
ipinagbibili nila ang mga nakukuha nilang papel, plastik, bote, at bakal bago nila ito'
tuluyang itapon. Isang errand boy si Ralph ng may-ari ng bibingkahan. Siya ang
nagpapagiling ng bigas sa may palengke at siya pa rin ang kumukuha ng isang sakong
bao sa palengke. Sa puspusang pag-aaral at paggawa dapat imulat ang mga bata. Ito
ang panuntunang sinunod ni Rizal sa kanyang munting paaralan sa Dapitan.
Naniniwala ang ating bayani na maaga pa ay dapat nang ituro sa mga bata ang
pagmamahal sa paggawa. Maliit pa sina Ralph, Topher at Jun-jun ay may direksyon na
ang kanilang buhay. Sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto at pagpapatulo ng pawis,
sila ay kumikita na. Hindi na sila matitigil sa pag-aaral. May tiyak na silang mababaon,
may kaunti pang maibibigay sa magulang at may maihuhulog pang barya sa alkansiya.
Reynang Matapat Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa
ating kapuluan. Nakilala siya dahil sa katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos
na pamamalakad sa panunungkulan. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating
kapuluan ay pinagdarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Intsik at Hindu ang
kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato ay siya
ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao. Sa pamumuno ni
Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-Bato.
Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag sa ipinag-uutos
ng Reyna ay pinarurusahan. Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng
reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng kanyang mga tauhan. Patuloy na
dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato.
Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa
katapatan ng kanyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa
sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-Bato. Minsan, isang
negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng
supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng
ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ng Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na
walang gagalaw ng naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa
kanyang nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng may-ari sa lugar na
kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto. Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni
Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa
katapatan.

You might also like