You are on page 1of 8

GRADE 1 to 12 School Grade Level UNANG BAITANG

DAILY LESSON Teacher Subject ARALING PANLIPUNAN


PLAN Teaching Dates Quarter UNANG MARKAHAN
LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang Pilipino
gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago.
B. Pamantayan sa Pagganap Buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng kuwento tungkol sa sariling katangian at pagkakakilanlan
bilang Pilipino sa malikhaing pamamaraan.
C.Mga Kasanayan sa 1. Naipakikita ang pangarap sa malikhaing pamamaraan.AP1NAT-1h-12
Pagkatuto(Learning
Competencies)Isulat ang
code ng bawat kasanayan
II.NILALAMAN
A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay Ang Aking Mga Pangarap, Patnubay ng Guro, p. 67-72
ng Guro

2. Mga Pahina sa Ang aking Mga Pangarap, Modyul p. 65-68


Kagamitang Pang-mag-
aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk Kayamanan p.84

4. Karagdagang

Search for Lesson Exemplars on Delivery of Learners -AralingPanlipunan 1, Ikalawang Kwarter, MILDRED M. CLAR DE JESUS, Division of Lucena City Page 1
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource

5. Iba pang Kagamitang Larawan, tsart, tula, puzzle,tali, pangkulay, makulay na papel, lapis
bayaningfilipino.blogspot.com/2009/09/talambuhay-ni-manuel-l-quezon.html
Pangturo
pambatang-tula.blogspot.com/2014/09/batang-mahirap.html

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang Magandang umaga mga bata. May mga inihanda akong larawan na nakapaskil sa bawat dingding ng
ating silid-aralan. Hanapin at tumapat sa larawan kung ito ay tumutukoy sa inyong pangarap sa buhay
aralin Pagsisismula ng
at kung wala naman sa mga nakalarawan ay tumapat sa papel na may nakasulat na “Ang pangarap ko
bagong aralin ay maging isang…” (Ang mga batang tatapat dito ay sasabihin ang kanilang pangarap sa buhay)
( Gawin sa loob ng 3 minuto)(Reflective Approach)

Ang
PANGARAP
ko
ay
maging
isang…..

Search for Lesson Exemplars on Delivery of Learners -AralingPanlipunan 1, Ikalawang Kwarter, MILDRED M. CLAR DE JESUS, Division of Lucena City Page 2
Gamit ang objective board, babasahin at ipaliliwanag ng guro ang layunin ng aralin.

1. Naipakikita ang pangarap sa malikhaing pamamaraan.


B. Paghahabi sa layunin ng
aralin (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Constructivist Approach)

A. Ipakilala ang isang tula sa mga bata

Sabihin:
Mga bata, pakinggan ang aking tulang bibigkasin na may pamagat na “Batang Mahirap”

“Batang Mahirap”
Kahit na ako'y batang mahirap
May ambisyon din at mga pangarap
Handang magsikap at mag-aral
Umaasa sa Diyos at nag-dadasal
Ang kahirapan ay hindi sagabal
Para mabuhay ng matuwid at marangal
Lahat ng ito ay mga pagsubok lamang
Upang sukatin ang aking kakayahan. Bow!

(Ulitin muli ng guro ang bawat linya kasunod ang mga bata)

B. Pag-uugnay ng Pagpapakilala ng bagong aralin.


halimbawa sa bagong Mga bata ngayong araw na ito ay may ipakikilala ako sa inyong isang taong naging matagumpay sa
aralin kanyang buhay. May nakakakilala ba sa inyo kung sino siya?

Search for Lesson Exemplars on Delivery of Learners -AralingPanlipunan 1, Ikalawang Kwarter, MILDRED M. CLAR DE JESUS, Division of Lucena City Page 3
Ang taong nasa larawan ay si Manuel Luis Quezon.
Siya ay ipinanganak sa Baler lalawigan ng Tayabas Quezon.
Ang kanyang ama ay isang guro at naging isa ring sarhento
Ang kanya namang ina ay isa ring guro sa Tayabas.
Dahil sa siya ay matalino noong kanyang kabataan at napasok sa
larangan ng politika nahalal siya bilang ika-2 Pangulo o Presidente
ng Pilipinas at nakilala bilang Ama ng Republika ng Pilipinas.
Nakilala rin siyang Ama ng Wikang Pambansa kung kayay
ipinagdiriwang natin ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika.

(Gawin sa loob ng 2 minuto)(Constructivist Approach)

(bayaningfilipino.blogspot.com/2009/09/talambuhay-ni-manuel-l-quezon.html)

C. Pagtatalakay ng bagong Pagtalakay sa napakinggang maikling talambuhay ni Manuel L. Quezon


konsepto at paglalahad
1. Saan ipinanganak si Manuel Luis Quezon?
ng bagong kasanayan 2. Ano ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang?
#1 3. Ano ang narating nya sa buhay?
4. Ibigay ang isang katangian nya nuong kabataan na nakatulong upang marating nya ang kanyang
naisin o pangarap sa buhay?
5. Sa palagay ninyo may iba pa bang katangian si Manuel L. Quezon na nakatulong kung kaya’t
siya ay naging presidente ng Pilipinas? Magbigay ng ilan.
6. Sino sa inyo ang nangangarap na maging Presidente ng Pilipinas?

(Isulat sa pisara ang mahahalagang detalye na isinagot ng mga bata)


(Gawin sa loob ng 6 na minuto)

Search for Lesson Exemplars on Delivery of Learners -AralingPanlipunan 1, Ikalawang Kwarter, MILDRED M. CLAR DE JESUS, Division of Lucena City Page 4
D. Pagtatalakay ng bagong (Collaborative Approach)
konsepto at paglalahad Laro: Pantomime
ng bagong kasanayan Hatiin ang klase sa 4 na grupo. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng isang lider kung saan siya lang
#2 ang magbibigay ng sagot na nabuo/naisip ng mga kasapi ng grupo ayon sa ipinakitang kilos ng guro.
Paalalahanan ang mga bata na dapat bulong lang ang usapan. Ang unang grupong makakasagot ang
mamakakuha ng puntos at ang may pinakamaraming nakuhang puntos ang syang panalo.
Ang mga ipakikitang kilos ng guro ay mga gawaing ginagawa ng:
(guro, doktor,tindera, dentista, modelo,pulis,karpentero,madre)
(Gawin sa loob ng 8 minuto)

Gawin ang Artwork: Pangarap na Bituin (Gawin sa loob ng 10 minuto)


E. Paglinang sa
Kabihasaan(Tungo sa Ilabas o ipamahagi ang ginawang bituin (3 piraso), lapis, pangkulay, tali
Formative Assessment) Pagdugsungin ang 3 bituin ng tali at sa dulong itaas ay lagyan ng buhol o sabitan.
Iguhit sa kataasang bituin ang iyong pangarap paglaki, sa gitna ay isulat ang ugaling dapat mong
taglayin upang makamit ang iyong pangarap at sa ibabang bituin ay iguhit mo ang iyong mga magulang
o taong sa palagay mo ay makatutulong upang magtagumpay ka sa buhay.
Kulayan ang iyong ginawa.

Search for Lesson Exemplars on Delivery of Learners -AralingPanlipunan 1, Ikalawang Kwarter, MILDRED M. CLAR DE JESUS, Division of Lucena City Page 5
F. Paglalapat ng aralin sa Tingnan ang inyong ginawang ‘Pangarap na Bituin”
pang araw-araw na Sino ang taong inilagay mo upang tulungan kang maabot ang iyong pangarap sa buhay?
Ano ang mga dapat mong gawin upang marating mo ang iyong pangarap?
buhay
(Gawin sa loob ng 2 minuto)

G. Paglalahat ng aralin Gamit ang tsart o show-me-board,gabayan ang mga bata sa paglalahat.(gawin sa loob ng 2
minuto) (Reflective Approach)
Tandaan:
Bawat bata ay may sariling pangarap. May mga kailangan kang gawin upang makamit mo
ang iyong pangarap.

H. Pagtataya ng aralin Ipaparada ng mga bata ang kanilang ginawa sa harap ng klase. (Gawin ito bawat row)
Bigyang puntos ng guro ang ginawa ng mga bata.
Rubrics
3-Lubhang malikhain ang pagkakalahad
2-Malikhain ang pagkakalahad
1-Hindi kakikitaan ng pagkamalikhain ang paglalahad

(Gawin sa loob ng 3 minuto)

I. Karagdagang gawain Itala sa notbuk ang kasagutan sa takdang-aralin.(gawin sa loob ng 1 minuto) (Reflective
para sa takdang aralin Approach)
at remediation
Sa tulong at gabay ng magulang sagutin ang tanong:
Ibigay ang dahilan kung bakit ito ang napili mong pangarap sa buhay

IV. MGA TALA (Remarks)


V. PAGNINILAY
Search for Lesson Exemplars on Delivery of Learners -AralingPanlipunan 1, Ikalawang Kwarter, MILDRED M. CLAR DE JESUS, Division of Lucena City Page 6
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral
namagpapatuloy sa
remediation.

E. Alin sa mga
estratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nang
lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang


aking naranasang
solusyunan sa tulong ng

Search for Lesson Exemplars on Delivery of Learners -AralingPanlipunan 1, Ikalawang Kwarter, MILDRED M. CLAR DE JESUS, Division of Lucena City Page 7
aking
punongguro/superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Search for Lesson Exemplars on Delivery of Learners -AralingPanlipunan 1, Ikalawang Kwarter, MILDRED M. CLAR DE JESUS, Division of Lucena City Page 8

You might also like