You are on page 1of 3

ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng
taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at
sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking
mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na
tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga
Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapitbahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon
pa tayo upang manirahan dito."
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga
kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako
lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"
"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang
ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak
lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat
asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan
dito mga anak!"
Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas
na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang
maaasahan kundi ang ating mga sarili!"
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.
Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing,
"Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala!
Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa pabula?
2. Anu- ano ang kanilang mga katangian?
3. Anong mga aral ang nakuha mo sa kuwento?
Mga Tauhan

Katangian

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya
ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay
sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang
kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit kaysa sa iyo.
Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo
na lalo pang binilisan ang paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.
Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito
katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng
kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang
kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng
kalabaw at inilipat sa kabayo na hindi halos makalakad dahil napakabigat ng kanyang
mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang
pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

PANUTO:
Iguhit sa isang short bond paper ang katapusan ng
kuwentong inyong binasa. Kulayan ito.
Siguraduhing may margin o border ang likhang
sining na inyong gagawin.
Ang pamagat ng likhang sining ay Pagguhit sa
Katapusan ng Kuwento

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Pagguhit sa Katapusan ng Kuwento


Pangalan: ____________________________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________

Petsa: _________

You might also like