You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Butuan City

______________________________________________________________________________________________________

Mga Gawain sa
Pagkatuto Filipino 9
(Unang Markahan)

____________________________________________________

FILIPINO 9

Pangalan:__________________________________Lebel:_____________________
Seksiyon:_________________________ Petsa:_____________________
(Ikaapat na Linggo- Unang Araw)

“ ANG PAGBABALIK ”
ni Jose Corazon de Jesus
Kasanayang Pagkatuto at Koda

Nailalahad ang sariling pananaw at naihahambing ito sa pananaw ng iba tungkol sa


pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng paksa sa mga tulang Asyano. ( F9PB-Ie-41 )

Panuto: Basahin at suriin ang dalawang Tula. Pagkatapos, isulat o ilahad ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng dalawa gamit ang Ven Diagram.

ELEHIYA PARA KAY RAM Ang pinagsadya kong malayang lupain:


ni Pat V. Villafuerte Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Kung ang kamatayan ay isang mahabang Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na Sa pinto ng naroong tahana’y kumatok,
Ng matitigas na batong naraanan mo Pinatuloy ako ng magandang loob;
Habang nakamasid lamang Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang mga batang lansangang nakasumamo Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Nang maraming taon. Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Silang nangakalahad ang mga kamay Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”
Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na Nang kinabukasang magawak ang dilim,
pasilyo. Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo Sinimulan ko na ang dapat konggawin:
Bunga ng maraming huwag at bawa ldito Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ang maraming bakit at paano Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping
ikaw'y tao At ako’yumuwi, taglay ko ang lahat,
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo. Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili. Bulaklak nadamo sa gilid ng landas,
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
palad mo Nang ako’yumalis, siya’yumiiyak…
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap O, marahil ngayon, siya’ymagagalak!
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang
kapatid. At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…
“Ang Pagbabalik” “Salamat saDiyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”
ni Jose Corazon de Jesus
At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan, Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan; Apat na kandila ang nangagbabantay;
Isang panyong puti ang ikinakaway, Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Mamatay ako, siya’y nalulumbay! Para pang sinabi “Irog ko, paalam
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’yumalis, tinunton ang landas,

Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;Lubog na


ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’yibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
“Elihiya para kay Ram” “Ang Pagbabalik”

Pinagkaiba Pinagkaiba

Pagkakapareho
FILIPINO 9

Pangalan:__________________________________Lebel:_____________________
Seksiyon:_________________________ Petsa:_____________________
(Ikaapat na Linggo- Ikalawang Araw)

“ ANG PAGBABALIK ”
ni Jose Corazon de Jesus

Kasanayang Pagkatuto at Koda

- Naiisa-isa at nauunawaan ang mga pahayag sa taludturan/saknong ng tula na magkakasingkahulugan


at nabibigyan ito ng paliwanag. ( F9PT-Ie-41 )

"Ang Pagbabalik"
Jose Corazon de Jesus Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y namimintanang mata’y
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan, nagniningning;
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan; Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Isang panyong puti ang ikinakaway, Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan: Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!” Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!” Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nakangiti akong luha’y nalaglag… Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
At ako’y umalis, tinunton ang landas, O, marahil ngayon, siya’y magagalak!
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
At ang buwan nama’y ibig nang Ang aming tahana’y masayang totoo
magningning: At nagkakagulo ang maraming tao…
Maka orasyon na noong aking datnin, “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
Ang pinagsadya kong malayang lupain: “Nalalaman nila na darating ako.”
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating. At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok, Apat na kandila ang nangagbabantay;
Pinatuloy ako ng magandang loob; Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot, Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok; Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”

Panuto: Pagtuonan ng pansin ang mga salitang naka diin at may salungguhit at pagkatapos
gamitin ito sa pangungusap. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit at
nakadiin sa tula. Pagkatapos, gamitin ito sa pangungusap.
1. Nalulumbay – Pangungusap: Pangungusap:
Pangungusap: 6. Pusong 10. Irog –
2. Makabagtas – naglalagot – Pangungusap –
Pangungusap: Pangungusap: 11. Bungang-
3. Kabiyak – 7. Magawak – kahoy
Pangungusap: Pangungusap: Pangungusap:
4. Maningning – 8. Naglinang – 12. Landas –
Pangungusap Pangungusap: Pangungusap –
5. Orasyon – 9. Ginapas – 13. Liyag –
Pangungusap:
14. Magagalak –
Pangungusap:
15. Namasdan –
Pangungusap
FILIPINO 9

Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________


Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

(Ikaapat na Linggo- Ikatlong Araw)

TULA
Pamagat

Panimula (Susing Konsepto)

Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni,


pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. May ilan
sa mga karaniwang nagiging paksa nito partikular sa Asya gaya ng tulang makabayan, pag-ibig,
pangkalikasan, at tulang pastoral.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong
AsyaF9PU-Ie-43

Layunin: Nakasusulat ng ilang taludtud tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng


rehiyong Asya.

Panuto: Magsaliksik sa Internet o sa alinmang hanguang maaaring mapagkukunan tungkol sa


iba pang halimbawa ng tula sa Timog-Silangang Asya. Itala ang iyong sagot sa talahanayan sa
ibaba pagkatapos sagutin ang tanong ukol dito. Alalahanin ang laging paghuhugas ng kamay
bago at pagkatapos magsagawa ng kahit anumang gawain.

Gawain 1

Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang paksa ng mga tulang Asyanong iyong nasaliksik?
______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________
Gabay na Tanong
Ano-ano ang karaniwang paksa ng tula?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Susi sa Pagwawasto
Ang gawaing ito ay may katumbas na sampung (10) puntos na kakikitaan ng payak na
pagsagot sa tanong na ibinigay.
Gawain 2

Layunin: Nakasusulat ng ilang taludtud tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng


rehiyong Asya.

Panuto: Inimbitahan ka ng iyong punong barangay na lumikha ng isang tula na naglalarawan


ng pagpapahalaga sa ating kalusugan lalo pa’t sa panahon ngayon marami ng bagay ang
dapat isaalang-alang ng lahat upang makaiwas sa sakit na dulot ng pandemiya. Magbibigay ng
pagpapakilala ang inyong punong barangay sa sinumang makakalikha at makapapasa ng tula
sa kanila. Gamitin mo ang mga dati mong kaalaman tungkol sa tula upang makabuo ng mga
taludtod ng tulang may kaugnay sa paksang nabanggit. Gawing gabay ang rubric sa ibaba.

Mga Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos
Nakasulat ng taludtod na naglalarawan ng pagpapahalaga sa 5
kalusugan.
Ang tula ay binubuo ng tatlo hanggang limang taludturan. 5
Mabisang naipahayag ang mensahe ng tula. 5
Angkop at wasto ang mga salitang ginamit sa pagbubuo. 5
Kabuoang Puntos 20
5-Napakahusay 2-Di mahusay
4-Mahusay 1-Maraming kakulangan
3-Katamtaman

Pangwakas

Ang tula ay bahagi na ng pagkakakilanlang Pilipino. Bilang pagtaguyod sa sariling atin,


sanayin natin ang sarili sa paglikha ng mga ito para sa ikaaangat ng kultura’t panitikang Pilipino.

Susi sa Pagwawasto

Ang gawaing ito ay nakabatay sa ibinigay na rubric para sa isang mabisang


pagwawasto.
FILIPINO 9
Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

(Ikaapat na Linggo- Ikaapat na Araw)

SANAYSAY
Pamagat

Panimula (Susing Konsepto)


Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at
aliw ng mga mambabasa.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahuluganF9PT-If-42

Layunin Nakapagbibigay ng mga salitang may higit sa isang kahulugan at nagagamit ito sa
pangungusap.

Panuto: May mga salitang iisa o pareho ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at magkaiba
rin ang kahulugan tulad ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat sa bilog ang
titik ng tamang kahulugan nito mula sa pagpipilian batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Magbigay ng maikling paliwanag sa mga patlang kung bakit ito ang napili mong
sagot.

Gawain 1
a. Kalagayan; katayuan
b. Grupo ng indibidwal

1. Ugaliing mag-ehersisyo at kumain ng masustansiyang pagkain upang tayo ay


maging ligtas sa anumang sakit.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

a. Katawan ng kahoy
b. Sagad, apaw

2. Puno ng pananalig sa Diyos ang bawat isa na malalampasan din natin ang
pagsubok na ito at babalik na sa dating ayos ang lahat.
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

a. Kulang o wala sa oras


b. Nakuha

3. Nahuli man sa paligsahan ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Dan na


magpatuloy at bumawi sa susunod na pagkakataon.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

a. Ginagamit sa baril o amunisyon


b. Pananakot o pagbabanta

4. Ang mga sundalong sumusuong sa mga digmaan ay nagdadala ng ekstrang


bala.
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

a. Buhay ng isang organism


b. Karamdaman ng isang tao

5. Sobrang buhay ang mga mag-aaral noong inanunsiyo na ang mga


nagsipagwagi sa patimpalak.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pangwakas
Ang ibang salita ay may mahigit sa isang kahulugan na nakabatay sa pagkakagamit nito
sa pangungusap. Gayunpaman, bilang isang mabuting mag-aaral, isaalang-alang ang angkop
na paggamit ng mga salita ayon sa tamang kahulugan nito upang maging malinaw ang
paghahatid ng mensahe sa ibang tao.

Susi sa Pagwawasto
Ang paraan ng pagwawasto sa gawaing ito ay nakabatay sa kaangkupan ng salita sa
pangungusap batay sa kahulugan ng pagkakagamit nito at ang kalinawan ng pagpapaliwanag
sa mga napiling sagot. Ang bawat bilang ay may katumbas na tatlong (3)puntos na may
kabuuang labinlimang (15) puntos sa gawaing ito.
FILIPINO 9

Pangalan:_______________________________ Lebel:_________________

Seksyon:_________________________ Petsa :_________________

(Ikaapat na Linggo- Ikalimang Araw)

SANAYSAY

Panimula: Bago mo sagutan ang sumusunod na mga tanong kaibigan kailangang


basahin mo muna ang sanaysay na “Kay Estella Zeehandeelar”.Suriin ang sanaysay na
ito at maging mapanuri sa paraan ng kanyang pagkapahayag.

Kasanayang Pagkatuto at Koda: Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga


ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito (F9PT-1f-42)

Layunin:Nakapagpapahayag ng komentaryo sa paraan ng pagpapahayag ng mga


ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito.

Panuto : A. Sagutan ang sumusunod na mga tanong batay sa sanaysay na “Kay


Estella Zeehandeelar”

1. Anong uri kayang sanaysay ang”Kay Estella Zeehandeelar? Bakit?

2. Ikaw ba ay nakumbinsi sa paraan ng pagpapahayag ng prinsesa sa kanyang


saloobin?

3. Ibigay ang saloobin ng prinsesa sa sumusunod


a. Pag-aasawa
b. Pag-aaral
c. Karapatan ng mga kababaihan sa kanilang bansa
d. Paglalakbay

B. Basahin ang halaw na bahagi ng dalawang sanaysay mula sa blogspot.com,


Pagkatapos, suriin kung ito ay pormal at di pormal.Ibigay ang dahilan kung bakit sa
palagay mo ay pormal o di pormal ang sanaysay. ( Saggunian Panitikang Asyano
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pahina 56)
a. Kapag Lumaki Na

b. Ang Kahalagahan ng Recycling

You might also like