You are on page 1of 3

Masuring Banghay Aralin sa Grade 8 Araling Panlipunan

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Mailalahad ng mga mag-aaral ang kanilang ideya o interpretasyon batay sa
kantang Tatsulok;
2. Maibabahagi nila ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling bayan; at
3. Maipapahayag nila sa pamamagitan ng pagkanta ng awiting Tatsulok ng
walang gabay na tugtog nito.

II. Paksang Aralin: Tatsulok


Sangunian: Grade 8 Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig pages 371-373 at
https://www.scribd.com/doc/22052559/TATSULOK-by-BAMBOO
Kagamitan: chart, marker, manila paper, lapis, larawan, speaker, kompyuter

III. Pamamaraan/Estratehiya:
A. Panimula
1. Pangganyak
Sino sa inyo ang may kantang maaari nating laruin? Maari ka bang pumunta sa
harapan ng klase at ikaw ang manguna ng iyong napiling kanta?

2. Pagsasanay
Panuto: Ang buong klase ay hahatiin ko sa tatlong (3) grupo. Ang bawat grupo
ay bibigyan ko ng isang hugis at inyong isusulat sa manila paper ang
ibinibigay na simbolo ng hugis na iyon.

B. Panlinang na Gawain:
1. Mailalahad ng mga mag-aaral ang kanilang ideya o interpretasyon batay sa
kantang Tatsulok
Ngayong gabi ay ating tatalakayin at iintindihin ang awiting Tatsulok.
a. Pamantayan
Bago ang lahat, ano ang kailangang gawin ng isang mabuting mag-aaral
habang ang guro ay nagsasalita sa harapan? Ano pa?

b. Pagtuturo ng Guro sa Awitin


Panuto: Ngayon ay aking ipapatugtog ang awiting Tatsulok. Gusto kong
pakinggan ninyo itong mabuti at maaari niyo ring sabayan ng
pagbasa sa liriko ng awiting ito na nasa chart na aking ididikit sa
pisara.

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo


Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan kat humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang punot dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
[Refrain]
Hindi pulat dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hanggat marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

[Chorus]
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
At ang dating munting bukid, ngayoy sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
[repeat Refrain and Chorus]
[repeat Refrain and Chorus]
[repeat Chorus]
Di matatapos itong gulo

c. Pagtalakay sa kahulugan ng awit


Panuto: Sa parehong grupo na ginawa natin kanina, isulat niyo sa
manila paper ang inyong interpretasyon sa una, ikalawa at
panghuling bahagi ng awiting tatsulok. Pagkatapos ay ating
sabay-sabay na alamin kung sino sa inyo ang nakakuha ng
tamang interpretasyon ng awiting ito.

Ang Tatsulok ay orihinal na inawit ng grupong Buklod at inilabas ito sa


panahon ng Total War Policy ni Pangulong Corazon Aquino. Ang all-
out-war policy na ito ni Aquino ang susugpo sa mga rebelde subalit sa
rebolusyon ay may mga nadamay na sibilyan.

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo


Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Noong sumisikat pa lang ang kantang ito, ang ala-ala ng mga anti-
communist vigilante groups ay sariwa pa sa isipan ng mga tao, lalo na sa
pagsulpot ng ibang grupo gaya ng Alsa Masa at iba pang death
squads.

Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi


Baka mapagkamalan kat humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang punot dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Parehong insidente ng death squads ang lumaganap kasabay ng
extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Arroyo. Ang mga
napatay na ito ay binansagang NPA Supporters.

Hindi pulat dilaw tunay na magkalaban


Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hanggat marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok


Di matatapos itong gulo
At ang dating munting bukid, ngayoy sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok

Sa bandang huli, sinasabi ng kanta sa atin na ang pagtatalo ay hindi


lamang sa pagitan ng NPA at ng rehimeng Aquino noon (pulat dilaw).
Ang ugat ng pagaaway-away na ito ay kahirapan, ang social pyramid.

2. Maibabahagi ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling bayan


a. Dapat ba nating mahalin ang sarili nating bayan? Bakit?
b. Ano ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling bayan?
c. Paano niyo maipapakita ang pagmamahal sa ating bayan?

3. Maipapahayag sa pamamagitan ng pagkanta ng awiting Tatsulok ng walang


gabay na tugtog nito
Panuto: Sa parehong grupo na ginawa kanina ay aawitin niyo ang awiting
Tatsulok sa harapan ng klase. Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto
para mag-ensayo.

IV. Aplikasyon:
1. Kung kayo ang nasa kalagayan ni Totoy, paano niyo haharapin ang nararanasan
niyong kahirapan?
2. Paano niyo ipaglalaban ang inyong karapatan sa bansang inyong kinalakihan?

V. Pagkilatis:
Panuto: Sa na pahalang na papel ay sagutin niyo ang sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?
2. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy?
3. Ipaliwanag niyo ang ibig sabihin ng mga linyang:
Hanggat marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

VI. Takdang-Aralin:
Pag-aralan ninyo ang susunod na paksa at sagutin ang sumusunod na katanungan sa
na papel:
1. Paano niyo maiuugnay ang awiting Tatsulok sa kahulugan ng salitang rebolusyon?

You might also like