You are on page 1of 11

FEd 111

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

1 Modyul sa Batayang
Kaalaman Tungkol Sa Wika
INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga batayang kaalaman tungkol sa wika. Tatalakayin sa
dito ang kahulugan at katangian ng wika, kahalagahan ng wika, mga tungkulin ng wika, antas
ng wika, at barayti ng wika.

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto

ILO 3. Mapahalagahan ang wika hindi lamang bilang isa sa komponent ng asignaturang
Filipino kundi bilang instrumento ng komunikasyon.

Resulta ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral

SO 1. Nailalahad ang mga batayang kaalaman tungko sa wika;
SO 2. Natutukoy at napag-iiba-iba ang antas, barayti at rehistro ng wika;
SO 3. Naihahanay ang mga kaganapan sa kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa;

I. PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Ilahad sa chart na ito ang iyong nalalaman at nais mong malaman tungkol sa layunin
ng akademikong pagsulat. Sagutan ang unang dalawang hanay bago magsimula ang
talakayan at ang huli naman ay pagkatapos ng talakayan tungkol batayang kaalaman sa
wika.

K W L
Ano ang Alam Ko? Ano ang Gusto Kong Ano ang Natutuhan Ko?
Malaman?
__________________________ ____________________________ _____________________________

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

1
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

II. PAGLALAHAD NG ARALIN

Ano ang Wika?

Ang wika ay mahalagang kasangkapan sa buhay. Ginagamit natin ang wika upang ihayag
ang saloobin, damdamin at kaisipan. Isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao
sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.

Wika ang daluyan ng komunikasyon. Nabubuo ang wika bilang pananagisag sa mga bagay at
ideya na binibigyan ng kahulugan, kabuluhan, at interpretasyon na pumapasok sa
mekanismo ng isipan ng tao.

Ayon kay Hill, ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing
pantao. Ang mga simbolong
pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at
semitrikal na estruktura. Ang simbolong ito ay may kahulugang arbitraryo o kontrolado ng
lipunan.

Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo

upang magamit ng mga taong nananahan sa isang lipunang may sariling kultura (Gleason).

Ang wika ayon kay Omrod (199) ay isang berbal, bayolohikal at basikong kagamitan para sa
komunikasyon. Ipinahayag ng mga beheybyorist na ang wika ay natututunang beheybyor na
nagagawa dahil sa mga istimulus at katanungan.

beheybyor na naipamamalas sa pamamagitan ng

gestura, pagkilos ng katawan at salitang binibigkas/ginagamit. Pierce at Eplin (1999).

Wika ng Italyanong si Giambattista Vico, lumitaw ang wika bilang tugon ng tao sa mga
naririnig sa kalikasan partikular ang mga malalakas at nakayayanig na mga pangyayari sa
kapaligiran.

Katulad din ni Vico ang pananaw ni Johann Gottfield Herder na nagpahayag na, ang wika
ng tao ay nakatali sa resonansa ng kalikasan.

Ayon naman sa pilosopong si David Abram, may koneksiyon ang wika sa kalikasan na
kaakibat ang gestura, emosyon o damdamin ng tao. May malalim na pang-unawa sa
koneksiyon ng katawan sa pag-iisip ng tao.

Dagdag pa niya, natututuhan daw ang wika hindi sa pamamagitan ng mental kungdi sa
pisikal. Tinatawag niya itong
nararamdaman habang nasa dulo pa lang ng dila ang salitang sasabihin at kung paanong
naiimpluwensyahan nito ang katawan, ang nagbibigay ng mayamang definisyon sa salita
para sa taong gumagamit nito.

Si Merleau-Ponty ay nagsabing, ang wika ang pinakaboses ng ga puno, alon, at kagubatan.

Para sa kanya, ang kahulugang komunikatibo ay agarang naihahayag ng gestura
kaalinsabay ng pagkilos ng katawan ng tao na nagpapakita ng damdamin at tumutugon sa

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

2
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

nagaganap sa kapaligiran.

Si Jean Jacques Rousseau ay nagsabing ang gestura/kumpas at pagbulalas ng damdamin

ang kauna-unahang wika.

Para kina Steven Pinker, Noam Chomsky at Immanuel Kant may language instinct ang tao
sa kanilang pagsilang, isang network sa utak na naglalaman ng unibersal gramar na
nadebelop sa proseso ng pakikipagtalastasan ng tao.

nagsaad na ang tao ay nakaprograma para sa abilidad na magsalita ng wika at batid niya
kung anong gramar ang katanggap-tanggap.

Ayon kay Chomsky, ang pundamental na pagkakaiba ng lenggwahe ng tao sa vocalisasyon

ng mga hayop ay ang pagiging kreeytiv, maluwag na pagdaloy at ang hindi limitadong
agpapahayag ng ideya; samantalang ang komunikasyon ng mga hayop ay binubuo ng mga
fixed na signal na tugon para sa eksternal na istimulus.

may taglay na regalo- ang wika na naghihiwalay sa atin sa iba pang hayop. Bukod pa sa

Si Sternberg, 1999 ay nagwikang, dahil sa ispesipikong pag-aari ng wika, ito ang ikinaiba ng
-aaring ito ay kinabibilangan ng: komunikasyon,
arbitraryong simbolo, regular na istruktura, istruktura sa mas maraming lebel, pag-usbong
ng salita at pagiging dinamiko.

Noong 1993, si Benjamin Lee Whorf ay nagdebelop ng isang haypotesis na kasama ang
kanyang guro na si Edward Sapir, na ang wika ng tao ay nakaiimpluwensya sa kanyang pag-
iisip, hinuhulma ang kanyang iniisip at nagdedetermina kung ano pa ang maaaring maisip.

Samantala, sinabi ni Ludwig Wittgenstein ang ganito, kung tayo ay nag-uusap sa ibang

pagsasabing ang limitasyon ko sa wika ay limitasyon ng aking mundo.

Si Charlemagne, isang kilalang tao sa kasaysayan ay nagwikang, ang pagkatuto ng ibang

wika ay pagkakaroon ng pangalawang kaluluwa.

kahang-hangang pagtatanghal ng mga gymnasts sa Olympic. Ito ay isang sining. Lumilikha

ito ng kagandahan, pasalita man o pasulat, ito ang sabi ni Sampson et. al.

nabuhay sa kabila ng mahabang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol

sa ating lahi, ito ang pahayag ni Virgilio S. Almario.

Para sa Pilipinolohistang si Zeus Salazar, naipahahayag sa wika ang kaugalian, isip at

damdamin ng bawat grupo ng mga tao at maging sa larangan ng kaisipan, ang wika rin ang

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

3
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

impukan-kuhanan ng isang kultura.

Sinasabing kung wala ang wika, hindi magiging maayos ang daigdig. Magkakanya-kanya na

maaaring laging magkatugma ang mga kahulugan ng mga senyas na kanilang ginagawa o
gagawin.

Walang tigil ang paglinang sa Wikang Filipino. Lahat tayo ay may papel sa kanyang
pagyabong dahil sa wika tayo nagkakaunawaan at ito ang identidad ng ating lahi, kaya
marapat lang na ang wikang ito ay ibantayog at ipagmalaki.

Kalikasan/Katangian ng Wika

1. Natatangi at may tiyak na balangkas sapagkat bawat wika ay may sariling set ng
mga tunog. Iba ang tunog ng wikang Filipino sa wikang Ingles. Ang wika ay
nagkakaroon lamang ng kahulugan kapag ito ay nauunawaan. May katangian din
itong sadyang kanya lamang at maaaring wala sa ibang wika. Sa Filipino, kung anong
bigkas ay siya ring baybay at sulat. Sa wikang Ingles, maraming alituntunin
sinusunod subalit marami ang exceptions.
Maraming silent letters sa Ingles kaya maraming ponema sa Ingles ay binibigkas na
walang tunog. Ang wika ay tanging sa isang pangkat ng mga tao sapagkat ito ay
inuunawa at binibigyan ng kahulugan ng mga taong nabibilang sa pangkat o lugar.
Ang bawat wika ay may sariling gramatika o balarila o sistema ng pag-uugnay ng
mga salita, parirala, pangungusap o pahayag.
Nakasandig sa balarila ang estruktura ng wika.

2. Binubuo ito ng mga simbolong arbitraryo. Nangangahulugang napagkasunduan.

Bawat pamayanan ay nakabubuo ng wika na ikinaiiba sa ibang komunidad. Ang wika
ay ginagamit sa isang pangkat ng mga tao na parang nagkaisang gamitin ang isang
natatanging wika.

3. Ang simbolo nito ay nagiging tunog sa pamamagitan ng anatomiyang pampananalita

at ginagamit sa pagbibigay ngalan sa mga salita. Hindi lahat ng tunog ay wika at wala
rin namang wika na hindi binubuo ng tunog. Ang mga tunog ay may kahulugang
ginagamit sa pagli leybel ng mga tao, bagay o pangyayari. Ang mga leybel ay mga
kahulugang ikinakapit sa mga bagay sa paligid. Ang mga leybel ay salita o
katawagang nabibigkas sa pamamagitan ng mga principal na sangkap ng pananalita
gaya ng enerhiya, artikulador at patunugan.

4. Ang wika ay ginagamit at nagbabago. Ito ang pangunahing instrumento na ginagamit

ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan. Habang may taong nabubuhay, patuloy ang
Habang
nagbabago ang panahon, umaagapay din ang wika sa mga pagbabagong nagaganap.

5. Ito ay nakabatay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Maraming wika o

lenggwahe sa Pilipinas. Bawat wika ay ginagamit ng isang pangkat ng mga tao na
may natatanging kultura at tradisyong iba kaysa ibang lahi.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

4
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

g walang
katapat sa ibang wika sapagkat wala sa kultura nila ang kaisipang taglay ng salitang
iyon.

Kahalagahan ng Wika

1. Instrumento ng Komunikasyon
Dalawang Lebel na mahalaga sa Paggamit ng Wika

A. Lebel micro. Dalawang tao ang gumagamit ng wika upang magkaunawaan. Hal:
magkapatid, magkasintahan, mag-ina at iba pa. Mahalaga ang paggamit ng wika
sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa sa lipunang ating ginagalawan.

B. Lebel macro. Pakikipag-ugnayan sa iba-ibang bansa. Iba-iba man ang wikang

ginagamit sa bawat bansa, nakahahanap pa rin ng isang wikang komon na
kakasangkapanin upang magkaunawaan.
2. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin sa
ibang saling lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.
3. Nagbubuklod ng bansa. Pinagkakaisa ng wika ang mamamayan ng isang bansa o
maaari rin naman na ang wika ay maging wika ng pang-aalipin, o maaari ring gamitin
upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya.
4. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip. Ang wikang ating nababasa o naririnig ay
maaaring magdikta sa atin upang gumana at lumikha ng imahinasyon, dahil dito
nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip.

Tungkulin ng Wika

1. Interaksyonal. Nakapagtatatag o nakapagpapanatili ng relasyong personal

(pormularyong panlipunan, pangungumusta, etc.).
2. Instrumental. Tumutugon sa mga pangangailangan (pakikiusap, pag-uutos).
3. Regulatori. Kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba.
4. Personal. Pagpapahayag ng sariling opinyon (pormal at di pormal na talakayan).
5. Imahinatibo. Pagpapahayag ng imahinasyon sa pamamagitan ng malikhaing paraan
(pagsasalaysay, paglalarawan).
6. Heuristic. Naghahanap ng impormasyon (pagtatanonng, pakikipanayam).
7. Impormatib. Nagbibigay impormasyon/datos (pag-uulat, pagtuturo).

Antas ng Wika

A. Pormal. Mga salitang istandard na ginagamit ng maraming mamamayang Pilipino

lalo na yaong mga nakapag-aral.
1. Pambansa. Wikang laging ginagamit, wikang nauunawaan sa buong bnsa.
Wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang gamit sa mga paaralan sa
pagtuturo.
2. Pampanitikan. Pinakamataas na antas ng wika. Wikang gamit ng mga
manunulat, mananaliksik at mga makata sa paglikha ng mga akdang
pampanitikan.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

5
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

B. Di-Pormal. Mga salitang karaniwang ginagamit

1. Lalawiganin. M agamit sa
isang partikular na lugar, pook, bayan o lalawigan.
2. Kolokyal. Ginagamit sa karaniwang usapan, mga salitang pinaikli na may
kagaspangan.
3. Balbal. Mga salitang kanto, ginagamit bilang codes ngg pangkat. (sikyu, yosi,
bokal, latab, jokla, ataruk)

Barayti ng Wika

Ang wika ay heterogenous, ito ang pinagbatayan ng teoryang sosyolinggwistiko. Ayon sa

sosyolinggwistikong teorya, ito ang pinag-
pagkakaiba-iba ng mga grupo, idibidwal, tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

1. Sosyolek. Ang sosyolek ay maaaring okupasyunal na rehistro. Ito ay depende sa

mga termino na naririnig o ginagamit sa isang uri ng trabaho. Isang varyasyon ng
wika na batay sa katayuan ng ispiker sa lipunan o sa grupo na kanyang

sa lipunan. Ito ay may kinalaman sa sosyo-ekonomik na katayuan ng tao (Jessie

Grace Rubrico 2007). Ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng
istratepikasyon ng isa
larang, maggagawa, minorya/tribu at mga kabatan ay may partikular na
-tipon.

2. Idyolek. Paraan at istilo sa paggamit ng wika tulad ng mga mamamahayag. Paraan

ng pananalita na unique o naiiba sa ibang tao na tagapagsalita sa isang panahon.

may bahagyang pagkakaiba sa pagsasalita.

3. Jargon. Katawagan o tanging bokabolaryo sa isang partikular na uri ng gawain, mga

wika sa ospital, wika ng disiplinang pang Accounting, wikang ginagamit sa isports at
iba pa.

4. Pidgin.
taong nag-uusap ay nagkakaroon ng kumbersasyong makeshift kung ang dalawang
taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika ay walang komong wika. Ang
leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang estruktura naman ay
mula sa isa pang wika.

5. Creole. ng creole. Hal. Nito ay ang

wikang chavacano, hindi na ito purong kastila, naimpluwensyahan na ng ating
katutubong wika sa estruktura nito.

Dalawang Dimension ng Baryalidad ng Wika

1. Heograpikong Dimension. Dayalekto o wikain ang nalilikha sa heograpikong

dimension. Wika ang ginagamit sa isang partikular na lugar. Nakikilala ang dayalekto

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

6
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

sa punto o tono at estruktura ng pangungusap bukod sa set ng mga distinct

vocabulary.
2. Sosyal na Dimension. Tinatawag din ito na sosyal na barayti ng wika ang soyolek.
Ito ay ang wika ng mga matatanda, mga estudyante, wika ng mga bakla at ng iba
pang pangkat ng tao. Ang barayting ito ay makikilala sa pagkakaroon ng iba ibang
rehistro na tanging sa pangkat lamang ng gumagamit ng wikang ito.

III. ANALISIS, APLIKASYON AT EKSPLORASYON

GAWAIN 1
Pangalan: Puntos:
Antas/Pangkat: Petsa:

Panuto: Isulat sa dayagram ang mga katangian ng wika. Ipaliwanag sa sariling pananaw ang
maikling kabuuan ng dayagram.

Katangian
ng Wika

________________________________________________________________________________________

7
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

GAWAIN 2
Pangalan: Puntos:
Antas/Pangkat: Petsa:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit itinuturing na ang wika ay buhay?

_________________________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong sa iyo ang wika? Ipaliawanag.

3. Bakit may antas ng wika? Ipaliwanag.

4. Sa iyong palagay, may masama bang dulot ang pagkakaroon ng varayti ng wika?
Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

8
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

GAWAIN 3
Pangalan: Puntos:
Antas/Pangkat: Petsa:

Panuto: Manood ng isang kilalang tagapagbalita o host sa telebisyon. Tukuyin kung anong
varayti ng wika ang ginagamit nito.

Pangalan ng Tagapagbalita o Host: _____________________________________________________

Anong varayti ng wika ang ginamit/ginagamit niya?

_______________________________________________________________________________________

IV. PAGLALAHAT

PANUTO: Bilang pagbubuod, susulat ka ng isang replektibong sanaysay ng mahahalagang

konsepto na nalaman mo ukol sa wika.

Rubrik
Sundin mo bilang gabay ang pamantayang rubrik sa pagsasagawa ng gawaing ito.

Mahusay (10-8) Maayos (7-5) Hindi mahusay Marka

Pamantayan
(4-0)
Mahusay ang Maayos ang Hindi maayos ang
pagkakasunud- organisasyon at organisasyon ng
sunod ng mga pagkakabuo ng mga ideya at
ideyasa kabuuan ng talata na may walang panimula
Organisasyon
sanaysay, mabisa angkop na simula at at kongklusyon.
ang panimula at kongklusyon.
malakas ang
konglusyon.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

9
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Napakahusay dahil Mahusay dahil Kailangang

walang mali sa kakaunti lamang baguhin ang
grammar, baybay ang mali sa kabuuang ayos ng
Paggamit ng
at gamit ng bantas grammar, baybay at pangungusap
Wika at
at may mayamang gamit ng bantas. dahil may mali sa
mekaniks
bokabularyo. grammar, baybay
at gamit ng
bantas.
Malinis at maayos Malinis ngunit hindi Mahirap basahin
ang pagkakasulat lahat ay maayos dahil hindi maayos
Presentasyon ng sanaysay. ang pagkakasulat ang pagkakasulat
ng mga ng mga
pangungusap. pangungusap.

__________________________________________________________________________________________

10
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

V. EBALWASYON

PAGSUSULIT 1
Pangalan: Puntos:
Antas/Pangkat: Petsa:

Panuto: Piliin ang tungkulin ng wikang ginampanan mula sa mga sumusunod na

pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot.

A. Heuristik B. Impormatib C. Personal D. Regulatori

E. Interaksyonal F. Imahinatibo G. Instrumental

_____1. Siya ang aking kapatid na matagal nang nawala.

_____2. Masaya akong Makita ka muli. Kumusta naman ang iyong mga magulang?
_____3. Ano nga pala ang tawag sa varayti ng wikang ginagamit ng mga taong kabilang sa
isang hanapbuhay?
_____4. Pakiabot nga sa akin ang aklat na nsa tabi mo.
_____5. Naku! Paumanhin ngunit hindi ko sinasang-ayunan ang sinabi mo.
_____6. Bawal dumaan sa riles ng tren.
_____7. Saan nga pala matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas?
_____8. Naniniwala akong dapat lamang siyang parusahan sapagkat gumawa siya ng krimen.
_____9. Bawal kumain o uminom sa loob ng tren.
_____10. Magandang umaga sa iyo.
_____11. Noong nakaraang Biyernes ipinagdiwang ang Araw ng Maynila.
_____12. Kumusta, masama pa ba ang iyong pakiramdam?
_____13. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
_____14. Sa lugar na iyon ay makikita mo ang mga mataas na bundok na napaliliubutan ng
malalagong punong kahoy.
_____15. Noong araw na iyon ay nakaputi siyang t-shirt at nakapantalong maong.
_____16. Tila mali yata ang iyong sinabi ukol sa ating pinag-uusapan.
_____17. Anumang pagkakamali sa kasagutan ay makakabawas ng doble sa iyong marka.
_____18. Saan ginaganap ang Panagbenga Festival?
_____19. Sa Agosto 17, 2011 gaganapin ang Pasiklaban sa Awit at Sayaw.
_____20. Basahing mabuti ang panuto.

VI. MGA SANGGUNIAN

Bernales, R. A. (2000). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Valenzuela City: Mega-jesta

Prints, Inc.

Maranan, M. H. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Rm.

108, ICP Bldg., Recoletos St., Intramuros, manila. MINDSHAPERS CO., INC.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

11

You might also like