Ang wika’y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa
lipunan. Nagagamit ito sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika pang edukasyon at panlipunan. Ang wika’y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minor-yang pangkat na gumagamit ng nasabing wika, ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito. SOSYOLINGWISTIKONG TEORYA
• Sa teoryang ito ay ag wika ng panlipunan at ang speech ay pang-
indibidwal..Ayon kay Edward Sapir, Ang wika ay isang instrument o kasangkapan ng sosyalisasyon.ibig sabihin nito ang relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito. • Batay kay Dell HYMES AT BURKE Ang Wika ay siyang humuhubog sa lipunan at lipunan ang siyang bumubuo sa wika. • Ayon naman kay Saussure(1959) ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at magka-ugnay na serye,ang signifier ( language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nag- bibigay daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan,at ang signified parole na gamit ang wika sa pagsasalita. Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dah isa mga magkakaibang indibidwal at grupo na may magkaibang lugar na tinitirahan,interes sa Gawain at pinag-aralan. TEORYA NG AKOMODASYON
• Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles ang linguistic convergence at linguistic
divergenc Ang mga ito ay mga teorya ay mula sa SLA-(second language aguisition). Sa Linguistic convergence sinasabi na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyan ng halaga ang pakiki-isa ,pakikilahok,pakikipag- palagayang-loob,pakikisama o kaya ay pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. ( convergence) pero kung minsan sa linguistic divergence pilit itong iniiba ang pananalita sa kausap para ipakita ang pagiging iba o di pakikiisa o ang paggigiit na sa sari-ling kakayahan at identidad (divergence). MGA TEORYA NG SIKOLOHIYA
• Ito ay may malaking impluwensya sa proseso ng pagkatuto ng wika.
1. Teoryang Behaviorist—Batay kay Burrhus Skinner (1968) Ang bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto.Ang gawa at kilos ay maaaring hubugi sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran.Ipinapalagay niya na ang ba- wat isa sa atin ay may kakayahang matuto ng wika. 2. Teoryang Innative---Sa teoryang ito ni Noam Chomsky( 1965-1975 ) Ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama n amula pa sa pagsilang na umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran kung saan nabibigyang hugis ang kan- yang kakayahang sosyo-kultural. 3. TeoryangKognitib—dito nagaganap ang pagkatuto ng wika ,matapos maunawaan ang isang bagay o kaganapan. Kailangang maunawaan ng tao ang mga impormasyon o kabatirang natanggap upang makabuo ng isang orihinal na pangungusap. Batay dito ang kamalian sa paggamit ng wika ay karaniwan at kadalasang nang-yayari. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay palatandaan ng pagkatuto. 4. Teoryang Makatao—Ito ang kahalagahan ng mga salik na may kinalaman sa dam-damin at emosyunal na reaksyon.Ito ay nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang kaligiran.at mangyayari lamang ito kung may kawilihan at positibong saloobin sa bagong kaalaman at impormasyon.