You are on page 1of 6

MUNTINLUPA SCIENCE HIGH SCHOOL

999 Buendia St.Tunasan Muntinlupa City

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG WIKA

-Ito ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa kanyang


pakikipagtalastasan. Ito ang simbolo na bumubuo ng sistema upang maayos
na maisakatuparan ng tao ang paghahatid ng anumang mensahe.

-Tagapagdala ito ng mga ideya at naiimpluwensyahan nito ang ugali ng


tao,isip at damdamin.

-Nagbubuklod ng isang kulturang may iisang kultura.

- Wika ang nagsisilbing susi ng bawat tao upang magkaunawaan. Ito ay


masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
(Gleason)

-Sinabi ni Virgilio Almario na “kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao
mo.”

-Sinabi naman ni Noam Chomsky (1986) na “Ang wika ay nakabatay sa


kakayahan at kagalingan sa pakikinig (competence and performance). –

-a.Binubuo ng mga Tunog- Hindi lahat ng tunog na naririnig sa ating


kapali-giran ay maituturing na wika. Sinasalita natin ang wika at ang
pagsulat ay isang paraan ng paglalahad o pagpapahayag ng mensaheng nais
nating sabihin

-b.Masistemang Balangkas -Binubuo ng magkakaugnay na bahagi na


maaring sa anyo o kahulugaan.

Ponema-makahulugang tunog ng isang wika. Ponolohiya-tawag sa


makaagham na pag-aaral ng mga ito.

Morpema-pinagsamang mga ponema kung kayat nabubuo an salitang -


ugat, panlapi, atb.
Morpolohiya-makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Sintaksis-
makaagham na pag-aaral ng pangungusap.

Diskurso-makabuluhang palitan ng mga pangungusap. Ano mang wika sa


daigdig ay sistematikong nakaayos

c.Arbitraryo -Ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng palatanugan,


leksikal at gramatikal na istruktura na ikinaiba niya sa ibang wika.Ang wika
ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa napagkasunduang termino ng mga
taong gumagamit nito.Dahil dito,nagkakaroon ng identidad ang bawat wika
na sadyang kinaiba ng bawat isa.

d.Nakababatay/Nakasandig sa Kultura. Kaugnay ng pagiging arbitrary


ang pagiging kapantay ng kultura ng wika.Walang wikang umuunlad pa
kaysa sa kanyang kultura,gayundin walang kulturang yumayabong nang
hindi kasabay ng wika. Nasasalamin ang isang wika dahil sa kanilang sining,
kaugalian, karunungan at kinagawiang kultura. Pantao Naililipat o naisasalin
ang kultura ng mga tao sa pamamagitan ng wikang pantao.

e.Patuloy na ginagamit.Walang saysay ang anumang bagay kung hindi


naman ito ginagamit.Kapag hindi ginagamit nangangahulugan lamang na
walang silbi.Ito ang dahilan kung bakit mahalagang katangian ng wika ang
pagiging gamitin nito.

f.Daynamik o nagbabago-Itinuturing na patay ang wika kung wala na itong


natatanggap na pagbabago.Hindi totoo na patay na ang wika ay wala nang
gumagamit doon,ay wala nang silbi

g.Naglalantad ng saloobin ng tao- Naipapahayag niya ang kanyang


saloobin sa paraang pasulat man o pasalita. Gamit sa lahat ng uri ng disiplina
o propesyon May partikular na wikang ginagamit sa bawat disiplina o
propesyon.

KAHALAGAHAN NG WIKA

1.Kahalagahang pansarili

2.Kahalagahang panlipunan

3.Kahalagahang global
KAPANGYARIHAN NG WIKA

1.Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan.

2.Ang wika ay humuhubog ng saloobin.

3.Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon

4.Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang


nakapaloob dito.

MGA UNANG TATAG NA TEORYA O PANINIWALA SA PAGKATUTO


AT PAGTATAMO NG WIKA.
 TEORYANG BOW-WOW
Ayon sa teoryang ito,maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya ng sa
mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa
mga bokabularyong magagamit.Dahil dito,ang mga bagay-bagay sa kanilang
paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nilikha ng
mga ito.Marahil ito rin ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag na tuko dahil
sa tunog na nilikha ng nasabing insekto.Pansinin ang mga batang natututo pa
lamang magsalita.Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog,kung
kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.
 TEORYANG DING-DONG
Kahawig ng teoryang bow-wow, nagsimulang matuto ng wika ang tao sa
pamamagitan ng mga tunog na nilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kung di maging sa mga
bagay na likha ng tao.Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog
na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng
mga sinaunang tao na kalaunan’y nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t-bang
kahulugan.Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
 TEORYANG POOH-POOH
Unang natutong magsalita ang mga tao,ayon teoryang ito nang hindi sinasadya ay
napabulaslas sila sa bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba pa.
 TEORYANG YO-HE-HO
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t
tayoy’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
Halimbawa,anong tunog ang nilikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat
na bagay, kapag tayo’y sumusuntok.

TEORYANG TA-TA

Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.Tinatawag itong ta-ta
na sa wikang pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang
isang tao nga namang nagpaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at
pataas katulad ng pagbaba at pagtaaas ng galaw ng dila kapag binibigkas ang
salitang ta-ta.

TEORYANG YUM-YUM
Sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamgitan ng pagkumpas sa alinmang
bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta
ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
Nakatuon ang teoryang ito sa mga tunog na nililikha sa mga ritwal o selebrasyong
pampangkat.

TEORYA NG TORE NG BABEL


Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit, at nagtayo ng pagkataas-taas na tore.Mapangahas at mayabang na ang mga
tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa
pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore.Ginawang
magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita.

DEVELOPMENTAL LINGGWISTIKS
Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika kung saan naitatanong mo sa iyong sarili kong
ano ang una mong nabanggit na salita o paano ka natuto magsalita .

Sa pagkatuto ng wika, may yugto-yugtong proseso kung saan pinag-aaralan ang


wika sa isang paraang organisado at sistematiko .
ORGANISADO – kung saan may pangkat na nagpapatupad ng wikang sinasalita
ng isang bansa .
SISTEMATIKO – kung saan may sistema ang isang bansa kung paano gagamitin
ang wika.

Ayon kina George A. Miller at Patricia M. Gildea sa “How Children Learn


Words”, labintatlong salita ang nabubuo ng isang bata bawat araw at limang libo
naman bawat taon. Ipinakita nila ito sa pamamagitan ng sumusunod na yugto:
1. Pag-iyak (Crying)
2. Kuwing (Cooing)
3. Babling (Babbling)
4. Intonasyon (Intonation)
5. Isang Salita (Holophrastic Stage)
6. Dalawang Salita (Two-Word Utterances)
7. Salita (Word Inflections)
8. Tanong (Question)
9. Kompleks na Pangungusap (Complex Constructions)
10.Matyur na Pananalita (Speech)

1. TEORYANG BEHAVIORISM – Naniniwala ang mga tradisyunal na


behaviorist na ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagagad o panggagaya
(imitation), malimit na pagsasanay, pagbibigay ng fidbak sa matagumpay na
pagsasagawa at maging sa pamamagitan ng paghubog ng kagawian (habit
formation).
2. TEORYANG INNATISM- Pinanghahawakan ni Noam Chomsky na ang lahat
ng bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng wika at ang wikng ito ay
nalilinang katulad ng kung paano nalilinang ng iba npang tunguhing biyolohikal ng
tao.
3. TEORYANG MAKATAO- pinanghahawakan ng teoryang ito ang
paniniwalang maituturing na mahalagang salik sa pagtatamo at pagkatuto ng wika;
ang damdamin, emosyon at saloobin.
4. TEORYANG KOGNITIB – tinanatanaw ng teoryang ito ang pagkatuto ng
wika bilang dinamikong proseso. Nakatuon sa mga mag-aaral ang teoryang ito
kung saan nakapokus sa dalawang dulog. Ang dulog pabuod kung saan ang
pagtuturo ay ginagabayan ng guro sa pamamagitan ng paglalahad/pagbibigay ng
ilang tiyak na halimbawa tungo sa paglalahat. Maaari rin gamitin ang dulog
pasaklaw na ang pagkatuto ng wika ay ginagabayan sa pamamagitan ng
pagsisismula sa paglalahad ng pangkalahatang tuntunin tungo sa pagbibigay-
halimbawa.

You might also like