You are on page 1of 2

Editorial

Dinggin ang Tinig

Ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay umalarma sa


mamamayang Pilipino partikular sa mga isang kahig - isang tuka. Dahil dito, naging karaniwan
na nga ang pag-aray ng nakararami dahil sa pagsirit ng bilihin sa merkado.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), noong nakaraan Pebrero 2022 lamang nag
taas ang presyo ng mga pangunahing bilihin na kinabibilangan ng tinapay, instant noodles,
sardinas, karne, corned beef, meat loaf, gatas, nakabotelyang inuming tubig, sabong pampaligo,
sabong panglaba, battery, kandila at marami pang iba at ngayon ay magtataas na naman.
Dagdag pa dito, inaprubahan na ng DTI ang suggested retail prices (SRPs) ng 82 produkto sa
kadahilanang malaki ang gastos sa produksyon ng mga ito nito lamang Mayo 11. Nakapaloob sa
mga produktong ito ang sardinas, gatas at instant noodles at maging ang asin at asukal ay
magtataas na rin.

Sa kabila ng dagdag pasahod sa ilalim ng Minimum Wage Order 2022, hindi pa rin kinakaya
ng mamamayan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan lalo ang bigas,
ulam at gulay. Isa pa sa mga daing at dumagdag sa pahirap ng taumbayan ang pagtaas ng
presyo ng produktong petrolyo na nag dulot naman ng dagdag pamasahe sa mga
pangkaraniwang konsyumer. Maging ang mga motorista ay umiinda sa pagtaas ng gasolina
bunsod ng partial ban ng European Union sa Russian oil imports.

Karagdagan, kulang na kulang ang arawan na kita sa mabilis na pagmahal ng pamilihin. Hindi
na kayang makipagsabayan sa taas ng presyo ang P537 na kita ng mga manggagawang
naninirahan sa Metro Manila. Hindi lang pagkain ang kanilang isipin sapagkat nariyan ang upa
sa bahay at bayad sa kuryente. Nararamdaman ang pagtaas ng presyo sa buong bansa sa kabila
ng pagtaas ng pasahod sa iba't ibang rehiyon. Ang mga tinig na humihiling na itaas pa ang
sahod upang makaraos at mapagkasya ang sweldo sa pang-araw araw na pangangailangan ay
hindi na maiikaila. Kitang kita rin ang pagliit ng halaga ng pera sapagkat kakaunti na lamang ang
nabibiling produkto gamit ito.

Sa kabilang banda, bunsod naman ng kakulangan sa supply, suliranin sa produksyon, sakuna


partikular ang bagyo, pag-iimbak ng produkto ng ilang negosyante at korporasyon, krisis sa
bansa lalo na ang pandemya at marami pang iba ang nagpapabago at nagpapataas ng presyo ng
mga bilihin. Maaari pang umabot ang inflation sa pinaka mataas nitong antas sa third quarter
ng taong ito, Hulyo-Setyembre 2022, ayon naman sa pinakahuling taya ng Bangko Sentral ng
Pilipinas. Subalit, ang pagbaba naman ng demand ay maaaring makatulong upang bumagal ang
inflation.

Ang pagtaas ng presyo ng bilihin bunsod ng napakaraming dahilan ay tunay nakakabahala.


Taumbayan na ang umaaray at nananawagan sa gobyerno ng solusyon sa isyu na ito. Lahat ay
apektado at nakararanas ng dagdag pahirap lalo na at humaharap pa rin ang bansa sa panganib
na dala ng Covid-19 na nagresulta naman sa pagkagambala ng ekonomiya at pagkakautang ng
bansa. Higit na kahabag-habag ang kalagayan ng mga Pilipino na kabilang sa itinuturi na
mahihirap. Mainam na ito ay mapansin ng pamahalaan upang mapanatiling malusog at nasa
maayos na kalagayan ang itinuturing yaman ng bansa, ang mga mamamayan.

Samakatuwid, kailangan pa rin ang pagtutulungan ng gobyerno at taumbayan sa problemang


ito. Bilang isang mamamayan, matuto sana tayong gamitin maigi ang salapi na ating hawak.
Maging wais sa paggamit nito sa pamamagitan ng pag hahanap ng alternatibong produkto na
maaari din sumapat sa ating pangangailangan at may kakayahang magbigay kasiyahan.
Nanawagan naman ako sa mga nakaupo lalo na sa bagong administrasyon na marinig ang tinig
ng mamamayang Pilipino. Ito man ay panawagan sa sapat na subsidiya, karagdagang
oportunidad para sa trabaho o di kaya ang pagpapataas pa ng sahod upang maibsan ang
paghihirap lalo na ng mga isang kahig - isang tuka. Sa huli, ang kinabukasan ng bansa ay nasa
kamay, plano at kakayahan ng gobyerno.

You might also like