You are on page 1of 11

Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

ARALIN 4.2
Panghalip Panao
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Kahulugan ng Panghalip 4
Ang Panghalip Panao 4

Sagutin Natin 5

Subukan Natin 5

Isaisip Natin 8

Pag-isipan Natin 8

Dapat Tandaan 9

Mga Sanggunian 9
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Aralin 4.2
Panghalip Panao

Lar. 1. Mahalaga ang pagkilala ng iba’t ibang bahagi ng pananalita sa pag-unawa sa iba’t
ibang mga pahayag at mga babasahin.

Introduksiyon
Mahalagang kilalanin ang mga humahalili sa mga pangngalan upang mabigyan ng linaw at
mabigyan ng magandang daloy ang paglalahad ng isang pahayag. Kadalasang dahilan ng
hindi pagkaunawa ng teksto ay ang paulit-ulit na paggamit ng mga salita sa loob ng isang
pangungusap o pahayag. Kaya nga ba’t mahalaga na maunawaan at matukoy ang tamang
panghalip na gagamitin bilang panghalili sa mga pangngalan. Makatutulong din ang
paggamit ng panghalip upang hindi maging paulit-ulit ang pagbanggit sa pangngalan. Kaya
sa araling ito, higit mong makikilala, matututuhan at mauunawan ang mga panghalip panao.

1
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Nakikilala ang kahulugan ng panghalip.
● Natutukoy ang iba’t ibang uri ng panghalip panao.
● Nagagamit ang iba't ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at
pagsasabi ng tungkol sa sariling karanasan.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nakagagamit ng iba’t ibang uri ng panghalip
(panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan (F4WG-If-j-3).

Simulan

Mga Salitang Panghalili

Materyales
● kuwaderno
● panulat

Mga Panuto
1. Itala ang mga salitang tumutukoy at maaaring ihalili o ipalit sa sumusunod na
pangngalan sa talahanayan.
2. Gamiting gabay ang halimbawa sa pagsasagawa ng gawain.
3. Sagutin ang mga gabay na tanong kaugnay ng gawain.

2
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Talahanayan
Talahanayan 1: Mga Salitang Panghalili

Pangngalan Mga Salitang Panghalili

Halimbawa: nanay siya, kaniya

1. Pusa

2. Mga mag-aaral

3. Guro

Mga Gabay na Tanong


1. Madali mo bang natukoy ang mga salitang panghalili sa mga pangngalan sa
talahanayan?
2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang paggamit ng mga salitang panghalili?
3. Sa iyong palagay, paano nagkakaiba-iba ang mga salitang panghalili?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Gaano kahalaga ang sapat na kaalaman tungkol sa mga panghalip panao?
Bakit hindi dapat mawala sa pakikipagtalastasan ang mga panghalip
panao? Paano natatangi ang panghalip panao sa pangngalan?

Alamin Natin
panghalili pamalit

3
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

isahan tumutukoy sa isa

kailanan tumutukoy sa bilang o dami

Kahulugan ng Panghalip
Ang panghalip ay mga salitang panghalili sa mga pangngalan. Ito ay kadalasang ginagamit
upang hindi maging paulit-ulit ang banggit ng mga pangngalan sa isang pahayag.
Kadalasang iniiwasan ang paggamit ng paulit-ulit na pangngalan upang higit na maging
maayos at maganda ang bigkas at dating ng mga pahayag.

Mga halimbawa ng panghalip:


- Siya
- Ito
- Kaniya
- Ako
- Aking
- Natin

Ang Panghalip Panao


Ang panghalip panao ay panghalili sa ngalan ng tao.

Halimbawa:
● Si Pepe ay mabuting anak. Siya ay mabuting anak.
● Si Pepe ay tinuturuan ni Donya Lolay. Siya ay tinuturuan ng kaniyang ina.

Pansinin ang pangngalang Pepe at Donya Lolay sa loob ng pangungusap. Ito ay pinalitan ng
panghalip na panao na siya at kaniyang bilang panghalili sa nasabing pangngalan.
Tingnan ang dayagram sa ibaba:

4
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Panghalip na Panao

Kailanan Panauhan Palagyo Paukol Paari


Anyong “ang” Anyong “ng” Anyong “sa”

Isahan Una Ako Ko Akin


Ikalawa Ikaw, Ka Mo Iyo
Ikatlo Siya Niya Kaniya

Dalawahan Una Kita, Tayo Natin Atin


Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila

Maramihan Una Kami Naming Amin


Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang panghalip?
2. Ano ang panghalip na panao?
3. Ano-ano ang mga halimbawa ng panghalip panao?

Subukan Natin
Tukuyin ang angkop na panghalip panao sa bawat bilang.
1. Anong panghalip panao ang maaaring pamalit sa mga pangngalang nakadiin sa
pangungusap?
● Sina Atasha at Sarah ay nagpaplanong bumili ng regalo para sa anibersaryo ng

5
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

kanilang mga magulang.


a. Tayo
b. Kita
c. Atin
d. Sila
2. Anong panghalip panao ang maaaring pamalit sa mga pangngalang nakadiin sa
pangungusap?
● Magpupulong ako at ang iba pang kasapi ng pangkat sa silid-aralan upang
pag-usapan ang proyekto sa asignaturang Filipino.
a. Tayo
b. Kami
c. Amin
d. Akaw
3. Anong panghalip panao ang maaaring pamalit sa mga pangngalang nakadiin sa
pangungusap?
● Si Naomi ang magdadala ng keykpara sa salusalo mamayang hapon.
a. Sila
b. Siya
c. Ikaw
d. Mo
4. Anong panghalip panao ang maaaring pamalit sa mga pangngalang nakadiin sa
pangungusap?
● Ikaw at ang mga kaibigan mo ang naatasan na mag-ayos ng entablado para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
a. Kami
b. Sila
c. Kayo
d. Kanila
5. Anong panghalip panao ang maaaring pamalit sa mga pangngalang nakadiin sa
pangungusap?

6
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

● Ikaw, ako, at si Lorie ay gagawa ng kard ng pagbati para sa mga panauhin ng ating
paaralan.
a. Kami
b. Siya
c. Sila
d. Tayo
6. Si Dr. Jose Rizal ang ating pambansang bayani. _________ ang sumulat ng nobelang “Noli
Me Tangere.” Anong panghalip panao ang angkop sa patlang?
a. Sila
b. Ako
c. Siya
d. Ikaw
7. Ako, si Mira, at si Jared ay magtatanghal mamayang gabi para sa programa. Tutugtog at
aawit _________ sa entablado. Anong panghalip panao ang angkop sa patlang?
a. tayo
b. kami
c. sila
d. atin
8. Ikaw, Mildred, at Aaron ang bibili ng mga kakailanganing sangkap sa palengke. __________
ang bahala sa pagluto ng hapunan. Anong panghalip panao ang angkop sa patlang?
a. Tayo
b. Kami
c. Sila
d. Kayo
9. Ang sapatos ni Ariel ay bago. Binilli _____ ito sa Marikina. Anong panghalip panao ang
angkop sa patlang?
a. niya
b. mo
c. ko
d. ikaw

7
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

10. Nagustuhan ________ ba ang regalo kong relo at manika, Denise? Anong panghalip panao
ang angkop sa patlang?
a. mo
b. ka
c. ikaw
d. ako

Isaisip Natin
Bilang isang mag-aaral, paano mo pa mapayayaman ang iyong kasanayan sa wastong
paggamit ng panghalip panao?

Pag-isipan Natin
Bumuo ng sampung (10) pangungusap na nagsasalaysay ng iyong mga karanasan bilang
isang mag-aaral. Gamitin ang iba’t ibang panghalip panao sa pagbuo ng mga pangungusap.
1. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
6. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
7. __________________________________________________________________________________________

8
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

______________________________________________________________________________________
8. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
9. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
10. __________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Dapat Tandaan

● Ang panghalip ay mga salitang panghalili sa mga pangngalan.


● Ang panghalip panao ay panghalili sa ngalan ng tao.

Mga Sanggunian

● Arevalo, Miguel Victor. 2002. Tekstong Patnubay sa Pag-aaral ng Gramatika.


Quezon City: C &E. Publishing Inc.
● Belvez, Paz M. et al. 1994. Wika at Panitikan. Quezon City: Rex Publishing
House.
● Lazaro, Nina Christina at Lydia B. Liwanag. 2006. Interaktibong Modyul sa
Filipino. Quezon City: New Star Publishing House.
● Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. 1991. Makabagong Balarilang
Filipino. Manila: Rex Book Store.
● Vas, Gratian. 2009. Creative Writing.. New Delhi: Sterling Publishers Private
Limited.

9
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

10

You might also like