ME Fil 6 Q2 0602 - SG

You might also like

You are on page 1of 12

Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

ARALIN 6.2

Pang-uri: Kailanan at Kayarian


Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 4
Kayarian at Kailanan ng Pang-uri 5
Payak 5
Maylapi 5
Inuulit 5
Tambalan 6
Isahan 6
Dalawahan 7
Maramihan 7

Sagutin Natin 7

Subukan Natin 8

Isaisip Natin 9

Pag-isipan Natin 10

Dapat Tandaan 11

Mga Sanggunian 11
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

Aralin 6.2

Pang-uri: Kayarian at Kailanan

Lar. 1. Higit na magiging epektibo ang paglalarawan sa wastong paggamit at pag-alam sa


kayarian at kailanan ng pang-uri.

Introduksiyon
Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng
mga mambabasa o nakikinig ang paglalarawan. Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na
salitang naglalarawan, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o
pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama. Napapagalaw at napakikilos din ng
paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin

1
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

ng mga mambabasa.

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Natutukoy ang kahulugan ng pang-uri.
● Naiisa-isa at nagagamit ang kayarian at kailanan ng pang-uri.
● Nauunawaan ang kayarian at kailanan ng pang-uri.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nagagamit nang wasto ang kayarian at
kailanan ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon. (F6OL – IIa
–e-4)

Simulan

Ilarawan Mo.

2
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

Lar. 2. Dalampasigan

Mga Panuto
1. Gumawa ng limang pangungusap na nagpapahayag ng paglalarawan batay sa
makikita sa larawan.
2. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa loob ng pangungusap.

Mga Gabay na Tanong


1. Paano natin isinasalarawan ang mga bagay sa ating paligid?
2. Epektibo ba ang paggamit ng wasto at angkop na mga salitang naglalarawan sa
pagpapahayag? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano ang pang-uri? Ano-ano ang kayarian at kailanan ng pang-uri?

Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan. Ito ay nagdaragdag ng impormasyon o


nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip. Maaaring inilalarawan nito ang hugis, sukat,
kulay, bilang o dami maging ang katangian o ugali. Batay diyan, ang pang-uri ay binubuo ng
tatlong uri. Ang panlarawan, pamilang at pantangi. Alamin natin ang pagkakaiba ng bawat
isa upang malaman natin ang maayos at mahusay na paggamit nito sa iba’t ibang sitwasyon.

Alamin Natin
ang ugat o ang pangunahing bahagi ng isang
salitang-ugat
pangngalan, pang-uri, at iba pang salita na nilalapian

titik o mga titik na ikinakabit sa unahan, gitna, o hulihan


panlapi
ng salita upang magkaroon ng bagong kahulugan

Kayarian at Kailanan ng Pang-uri


May iba-ibang kayarian ang pang-uri. Pansinin ang talahanayang nasa ibaba:

4
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

payak maylapi inuulit tambalan

ganda maaliwalas puting-puti bukas-palad


sarap mahinahon buong-puso
mapayapa
malaya

Payak
Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Ang halimbawa ng mga salita sa
Hanay A (ganda, sarap) ay nabibilang sa mga pang-uring payak.

Iba pang halimbawa: tao, sinop

Maylapi
Ang mga salitang naglalarawan na binubuo ng salitang-ugat na nilagyan ng panlapi o
nilapian. Ang mga salita sa Hanay B ay nabibilang sa pang-uring maylapi (maaliwalas,
mahinahon, mapayapa, malaya).

Iba pang halimbawa:


maka + tao (ang maka- ay panlapi at ang tao ay salitang-ugat)
ma + sinop (ma- ay panlapi at ang sinop ay salitang ugat)

Inuulit
Ang mga salitang naglalarawan na nagkaroon ng pag-uulit sa pagbaybay ay nasa anyong
pang-uring inuulit. Ang halimbawa nito ay ang salita sa Hanay C (puting-puti).

Iba pang halimbawa:


malayo-layo buti-buti
masayang-masaya liit-liit

5
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

Tambalan
Dalawang salitang pinagsama na may bagong kahulugan at magagamit na paglalarawan ang
pang-uring tambalan. Ang halimbawa nito ay ang mga salita sa Hanay D (bukas-palad,
buong-puso)

Iba pang halimbawa:


halik-hudas dilang-anghel
patay-gutom buong-puso

Samantala, mayroon ding tinatawag na kailanan ng pang-uri. Ito ay ang sumusunod: isahan,
dalawahan, at maramihan. Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba:
Kalahi ko siya. (Isahan)
Magkalahi kami. (Dalawahan)
Magkakalahi tayo. (Maramihan)

Isahan
Ang isahan ay tumutukoy sa iisang inilalarawan. Nakikita ito sa tulong ng mga panghalip na
isahan at maaaring gamitan ng panandang ang o si.

Halimbawa: Maliksi ang bata.


Maputi si Linda.
Maasim ang kamias.
Masaya ang mga bata.

Dalawahan
Ang dalawahan ay tumutukoy sa higit sa isang inilalarawan. Ginagamitan ito ng panlaping
magsing-, magka-, magkasing-, at marami pang iba.

6
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

Halimbawa: Magkasinggaling sa pagsasayaw sina John at Drake.


Sina Nanay at Tatay ay magkasingtangkad.
Kapwa nakawiwili ang mga alagang aso nina Jane at Sandra.
Magsingkintab ang mga sapatos nina Mark at Greg.
Magkasingtangos ang ilong nina Paul at ng Papa niya.

Maramihan
Ang maramihan ay tumutukoy sa pangmaramihan na inilalarawan. Ginagamit ang
panandang pangmaramihan tulad ng “mga”. Ginagamitan din ito ng pang-uring pamilang na
maramihan tulad ng tatlo, sampu, sandaan, at marami pang iba. Maaari rin itong gamitan
ng pang-uring inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat gaya ng magaganda, ang yayaman
at kung ano pa.

Halimbawa: Sampung taon ang hinintay ko para makarating dito.


Ang mga kaklase q ay makukulit.
Tatlong pares ng tsinelas ang dinala ni Molly.
Tatlong kilong baboy ang binili ni Paula.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang pang-uri?
2. Ano ang mga kayarian ng pang-uri?
3. Ano ang mga kailanan ng pang-uri?

Subukan Natin

Panuto: Sumulat ng pangungusap na naglalarawan kaugnay ng larawang makikita sa

7
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

talahanayan. Salungguhitan ang pang-uring ginamit. Pagkatapos, tukuyin kung ano ang
kayarian ng pang-uri ang ginamit sa loob ng pangungusap.

Larawan Pangungusap na Kayarian ng pang-uri na


naglalarawan ginamit

Mabilis na tumakbo ang mabilis - maylapi


kotse na dumaan kaninang
umaga sa harap ng bahay.

8
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

Isaisip Natin
Paano nagiging epektibo ang paggamit ng pang-uri sa pagpapahayag?

Pag-isipan Natin

A. Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap at tukuyin ang kayarian nito. Isulat
ang titik P sa patlang kung ang pang-uri ay payak, M kung ito ay maylapi, I kung ito ay
inuulit, at T kung ito ay tambalan.

________________ 1. Kasintaas ng bundok ang gusaling iyon!

9
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

________________ 2. Nakita ko sa labas ang basahan na gula-gulanit.

________________ 3. Magulo ang bayan niyang sinilangan.

________________ 4. Abot-kaya na ngayon ang mga paninda niya.

________________ 5. Nagtungo si Leo sa kaniyang guro dahil litong-lito siya sa


aralin.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang titik I kung ang kailanan ng pang-uring may salungguhit ay
isahan, D kung ito ay dalawahan, at M kung ito ay maramihan.

________________ 1. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay magsingtangkad.

________________ 2. Ang mga turista ay umakyat sa mataas na bundok.

________________ 3. Malulusog ang mga alagang hayop ni Mang Berting.

________________ 4. Si Juan ay kasingkupad ni Jerry magtrabaho.

________________ 5. Nagtungo si Leo sa kaniyang guro dahil litong-lito siya sa


aralin.

Dapat Tandaan

● Maituturing na pang-uri ang mga salitang naglalarawan.


● Mayroong tatlong kayarian ang pang-uri: payak, tambalan, inuulit, at maylapi.
● Samantala, mayroon ding tinatawag na kailanan ng pang-uri. Ito ay ang sumusunod:
isahan, dalawahan, at maramihan.

10
Filipino

Baitang 6 • Yunit 6: Anekdota at Talaarawan

Mga Sanggunian
Autor, Evelyn at Vasil Victoria. 2014. Masining na Pagpapahayag. Quezon City: HisGoPhil
Publishing House Inc., 2014.

Lalunio, Lydia, et. al. 2001. Ugnayan: Aklat sa Wika at Pagbasa. Quezon City: Vibal Publishing
House., 2001.

Raflores, Ester V. 2000. Binhi 6. Valenzuela City: JO-ES Publishing Inc., 2000.

Sir Kalmado. “Pang-uri - Kayarian at Kailanan.” In-access noong Marso 10, 2022.
https://www.youtube.com/watch?v=CaiIzFa4L5o

11

You might also like