Lesson3 Mga Hakbang o Estilo NG Pagbasa

You might also like

You are on page 1of 38

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA
PANANALIKSIK
ARALIN 03:
MGA URI AT
ESTILO NG
PAGBASA
MGA LAYUNIN:

01
NATUTUKOY ANG ANGKOP NA
URI AT ESTILO NG PAGBASA NA
DAPAT GAMITIN
MGA LAYUNIN:

02
NAPAHAHALAGAHAN ANG
PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG
PAGPAPALIWANAG SA
IMPORTANSYA NG URI AT ESTILO NG
PAGBASA
MGA LAYUNIN:

03
NAIBABAHAGI ANG KATANGIAN
AT KALIKASAN NG IBA’T IBANG
TEKSTONG BINASA SA
PAMAMAGITAN NG PAGSUSURI
Alin ka sa mga nabanggit?
1. “i-hihiglight ko ‘to kasi 4. “Basahin ko ‘yan 5 minuto
importante” lang”
2. “Isusulat ko yung mga key 5. “Pasilip nga saglit”
points” 6. “Binabasa ko nang buo”
3. “basahin ko lang yung
importante”
10 URI O ESTILO
NG PAGBASA
1. Masaklaw na Pagbasa (Skimming)
2. Masusing Pagbasa (Scanning)
3. Pagalugad na Pagbasa (Exploratory
Reading)
4. Mapanuring Pagbasa (Analytical Reading)
5. Kritikal na Pagbasa (Critical Reading)
6. Malawak na Pagbasa (Extensive Reading)
7. Malalim na Pagbasa (Intensive Reading)
8. Maunlad na Pagbasa (Developmental
Reading)
9. Tahimik na Pagbasa (Silent Reading)
10. Malakas na Pagbasa (Oral Reading)
01 MASAKLAW NA PAGBASA
(SKIMMING)
● Ito ang pinakamadali at
pinakamabilis na paraan ng
pagbasa
● Nakatuon ang mambabasa
sa pamagat o heading ng
talata.
● Nakapokus ito sa kabuuan
ng teksto.
02 MASUSING PAGBASA
(SCANNING)
● Layunin ng mambabasa
na makuha ang
mahahalagang detalye o
kaisipang ipinapahayag sa
teksto.
03 PAGALUGAD NA PAGBASA
(EXPLORATORY READING)
● Ginawa ito kung ibig ng
mambabasa na malaman
kung ano ang kabuuan
ng isang babasahin.
04 MAPANURING PAGBASA
(ANALYTICAL READING)
● Kapag nasa
Filipino o Ingles
ang isang
babasahin,
sinusuring mabuti
ng mambabasa
ang kaugnayan ng
mga salita at
talata.
05
KRITIKAL NA PAGBASA
(CRITICAL READING)
● Masusing sinisiyasat ng mambabasa
ang mga ideya at saloobin ng teksto
06 MALAWAK NA PAGBASA
(EXTENSIVE READING)
● Nagbabasa ng iba’t ibang akda ang
mambabasa bilang libangan at
pampalipas oras.
07
MALALIM NA PAGBASA
(INTENSIVE READING)
● Kailangan ng
masinsinan at
malalim na
pagbasa kapag
nag-aaral,
nagsasaliksik
bilang paghahanda
sa pag-uulat at iba
pang gawain.
08 MAUNLAD NA PAGBASA
(DEVELOPMENTAL READING)
● Sumasailalim ang mambabasa sa iba’t
ibang antas ng pagbasa upang
kaniyang mahubog at mahasa ang
mahahalagang kasanayan sa pagbasa.
09 TAHIMIK NA PAGBASA
(SILENT READING)
● Ginagamit
ng
mambabasa
ang kanyang
mata sa
pagbabasa.
10 MALAKAS NA PAGBASA
(ORAL READING)
● Sa pagbabasang ito, binibigkas ang
teksto o kuwentong binabasa sa
paraang masining at may damdamin.
Gamiting Filipino sa
Pagbasa at Pagsulat
2 Konseptong
Pangwika na
Dapat Isaalang-
alang ng
Mambabasa at
Manunulat
2 KONSEPTONG
PANGWIKA
1.Linggwistika 2. Gramatika
a. Etnolohiya a. Ponolohiya
b. Sosyo-Linggwistika b. Morpolohiya
c. Siko-linggwistika c. Semantika
c. sintaksis
d. Ortograpiya
e. Retorika
1. Linggwistika

(Gloria V. Miano)
Ang linggwistika ay makaagham na pag-
aaral ng wika na maituturing na liwanag na
nagsisilbing patnubay sa pag-unawa sa mga
masalimuot at kahanga-hangang
kapangyarihan ng wika.
Linggwistika

(Ang Wika, Linggwsitika at Komunikasyon sa


Aspekto ng Pakikinig at Pagsasalita)

Pinag-aaralan ng linggwistika ang istruktura,


katangian at pag-unlad at iba pang bagay na
may kaugnayan sa wika at ang relasyon nito sa
iba pang wika.
Linggwistika

(Ayon kay Villafuerte 2010, ang sumusunod ay


kasangkot na konsepto sa Linggwistika)

ETNOLOHIYA- kaugnayan ng tao sa kanyang


lipunan.
SOSYO-LINGGWISTIKA- Ang pagkakaugnay ng wika
sa lipunan. Ano ang gampanin ng wika sa lipunan?
SIKO-LINGGWISTIKA- Ang pagkakaugnay ng isip at
diwa ng tao sa wikang kanyang ipahahayag.
2. Gramatika

BALARILA O BAHAGI NG PANANALITA


2. Gramatika

ANIM NA BATAYAN SA MAHUSAY NA


PAKIKIPAGTALASTASAN
(ORTOGRAPIYA, RETORIKA, SEMANTIKA,
MORPOLOHIYA, SINTAKSIS AT
PONOLOHIYA)
2. Gramatika

A. Ortograpiya

Nanggaling sa salitang Griyego na “orthos”


(tama o wasto) at “graphein” (isulat)
2. Gramatika

A. Ortograpiya

1. Panghihiram ng mga salita

Kasama rin sa ortagrapiya ang tuntunin


kung paano natin binibigyan katumbas sa
sarili nating wika ang mga salitang hiram.
2. Gramatika

B. Retorika

Proseso ng pagpili nang wasto, malinaw,


mabisa at kaaya-ayang pananalita sa
pagpapahayag ng mensahe upang higit na
maunawaan at maging masining.
2. Gramatika

B. Retorika

1. Tayutay at Idyoma

Mga salita o parirala na may malalalim na


kahulugan.

You might also like