You are on page 1of 16

MAGANDANG

UMAGA
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang apat na kayarian ng mga salita o ang payak,
maylapi, inuulit at tambalan sa pamamagitan ng malayang
talakayan.

2. Nakapagpapaliwanag kung paano magagamit ang kaalaman sa


mga kayarian ng salita at sa pag-unawa ng konteksto sa pagbasa
at pagsuri ng iba pang akdang pampanitikan.

3. Nakasusulat ng tig lilimang halimbawa ng mga kayarian ng salita


at nagagamit sa tamang pangungusap.
PAGBABALIK-ARAL
Kahulugan ng Salita:
Batay sa Kayarian at
Konteksto ng
Pangungusap
• Ang pagbabasa ay isang mahalagang kasanayan na
dapat linangin sapagkat nakakukuha tayo rito ng mga
bagong kaalaman at aral sa buhay.
• May ilan din sa atin na ginagawang libangan ang
pagbabasa. Lubos na mauunawaan ang nilalaman at aral
ng mga akdang pampanitikan tulad ng mitolohiya kung
susuriin ng mambabasa ang kayarian ng mga salitang
ginamit sa pagbuo ng mga pangyayari.
• Ang mga salita sa isang akda ay naiiba ang
kahulugan batay sa kayarian nito.
• Nakaapekto sa kahulugan ng salita ang paglalagay ng
panlapi, pag-uulit, at pagtatambal ng dalawang magkaibang
salita. Maliban dito ay dapat ding tingnan ng mambabasa
kung paano ginamit ang salita sa loob ng isang pangungusap
dahil makatutulong rin ang konseptong ito sa pag-unawa sa
mensahe ng akdang binabasa.
• MGA KAYARIAN NG SALITA

May apat na kayarian ng mga salita ayon


sa balarilang Filipino. Ito ay ang;
• payak
• maylapi
• inuulit
• tambalan
1. PAYAK
- Ito ay salitang-ugat lamang at wala itong
panlapi.
2. MAYLAPI
- Binubuo ito ng salitang ugat at panlapi. Maaring nasa
unahan, gitna, hulihan, o kabilaan ang panlaping ginamit.
3. INUULIT
- May dalawang kayarian ang pag-uulit ng salita. Ito ay ang ganap
at di-ganap. Maituturing na ganap ang pag-uulit kung buong salita
ang inulit, samantalang di-ganap naman kung bahagi o ilang pantig
lamang ng salita ang naulit.
4. TAMBALAN
- Ito ay ang pagsasama ng dalawang salita na magkaiba ang kahulugan
ngunit nakabubuo ng bagong salita na may bagong kahulugan. May
dalawang uri nito: ang tambalang ganap, kung saan nakabubuo ng ibang
kahulugan mula sa mga salita; at malatambalan, kung saan nananatili ang
kahulugan ng mga salitang pinagtambal.
• KONTEKSTO NG PANGUNGUSAP
- Nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ng salita dahil sa
kayarian nito. Maaring maging literal ang kahulugan ng
pangungusap ngunit kadalasan ay kinapapalooban ito ng
nakatagong kahulugan. Nagaganap din ito sa pagbibigay ng
kahulugan sa isang pangungusap kaya nararapat na unawain
nang wasto ang diskurso o kabuoan ng pangungusap at talata
upang mas maunawaan ang mensahe.
Bakit mahalaga na alamin at pag-aralan
natin ang kayarian ng salita at konteksto
ng pangungusap?
Bilang isang mag-aaral,paano mo
magagamit ang iyong kaalaman sa mga
kayarian ng salita sa pagbasa at pagsuri
ng iba pang akdang pampanitikan?
AKTIBITI:
Panuto: Sumulat ng halimbawa ng mga kayarian ng salita
(Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan). Gamitin ito sa
pangungusap.
HALIMBAWA:

PAYAK PANGUNGUSAP
1. Tubig Ang tubig ay malinis at malinaw.
2.

3.

4.

5.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG

You might also like