You are on page 1of 16

Ayon kay Constantino, ang wika ay maituturing na

instrumento sa pagpapahayag ng ating damdamin.

Ito ay ginagamit sa komunikasyon, pagsusulat,


pakikipagtalastasan, pagbabahagi ng mga ideya

WIKA upang mapaunlad ang ating lipunan. Ang wika rin


ang simbolo ng pagkakaunawaan at pagkakaisa na
nagsisilbi ring pagkakakilanlan ng isang bansa.

Ang wika ay may dalawang klasipikasyon ng


paggamit ng wika. Ito ay pormal at di-pormal o
impormal.
PORMAL NA WIKA

PAMBANSA

Pambansa o Karaniwan na ginagamit sa


pagsulat ng aklat, pambalarila sa mga
paaralan at pamahalaan

PAMPANITIKAN
Pampanitikan o Panretorika na sinasabing masining,
malikhain, malalim na paggamit sa akdang
pampanitikan. Ito ay tinuturing na pinakamataas na
antas ng paggamit ng pormal na wika.
DI-PORMAL NA WIKA

KOLOKYAL

Ang kolokyal ay impormal na paggamit ng


wika sa pamamagitang ng pagpapaikli ng
salita.

KOLOKYALISMONG KARANIWAN KOLOKYALISMONG MAY TALINO


KOLOKYALISMONG KARANIWAN

Ito naman ang antas ng wika na may salitang


pinaghalo ang Tagalog at Ingles o “Taglish”. Ito ay karaniwang ginagamit sa paaralan.
DI-PORMAL NA WIKA

LALAWIGANIN
Wika o salitang ginagamit ng isang pook o
isang lokasyon. Ito ay diyalektal na
ginagamit sa partikular na lalawigan o lugar.

BALBAL

Tinatawag din itong salitang kalye na


karaniwang binubuo ng grupo upang
magkaroon ng sariling pagkakakilanlan.
2. Gumamit ng simple o karaniwang
1. Maging maingat sa mga
salita na madaling maintindihan ng
salitang gagamitin upang
nakakarami. Gamitin o buklatin ang
maiwasan din ang pagkalito at
diksiyonaryong Tagalog upang
pagkakaroon ng iba’t ibang maunawaan ang mga salitang
interpretasyon o kahulugan. gagamitin na angkop sa paksang
tinatalakay.

DAPAT
Hiram na Salita

ISaalang-alang
3. Sundin ang mga tuntunin Rule - Tuntunin
Imagery - Haraya (Tagalog)
sa panghihiram ng salita.

Radical- Radikal
Cheque- Tseke

Replektibong
Sanaysay
Replektibong Sanaysay

Nangangahulugan ng pagbabalik tanaw.


Isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa.
Nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa.
Naglalaman ng repleksyon at damdamin hinggil sa isang karanasan.
Isang impormal na sanaysay na kung saan gumagamit ng unang panauhan (ako,
kami, tayo) sapagkat isinasatitik ng may-akda ang kaniyang sariling karanasan o
kuro-kuro.

Paano Magsulat ng
Replektibong Sanaysay?
Paano Magsulat ng Replektibong Sanaysay?
Tatandaang HINDI ito diary o journal subalit maaaring magamit ang dalawang
ito upang makabuo ng isang Replektibong Sanaysay.
Hindi literal o simpleng buod. Higit itong pormal kaysa sa diary at journal. Ang
pagbubulalas ay nakabatay sa tunay na reaksyon at pagsusuri sa isang paksa.
Maaaring humugot sa personal na karanasan o ibang tao nang hindi lumalayo
sa paksa. Marapat na organisado pa rin ang pagsulat nito.
Marapat na maibulalas ang iyong tunay na damdamin sa binasa o pinanood.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng Replektibong Sanaysay
1. Mga Iniisip at Reaksyon
Kung ang layunin ng pagsulat ay pagbibigay ng repleksyon patungkol sa literatura at karanasan, marapat na
maitala o maibulalas ang lahat ng iyong mga iniisip at reaksyon sa binasang akda at sa nasabing karanasan.
2. Buod
Hindi lang isang simpleng pagbubulalas ng repleksyon at reaksyon ang buod ng isang Replektibong Sanaysay,
ito ay kritikal na pag-unawa sa mga pangyayari na siyang isinasatitik nang buo at kompleto na dumadaloy nang
malaya subalit nakasusunod sa mga alituntunin ng pagsulat.
3. Organisasyon
Ang pagsulat nito’y katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na may organisadong ideya ukol sa paksa.
Replektibong Sanaysay

Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman


patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan. Ito ay sa
kadahilanang inaasahan na ang mambabasa ay nagsusuri din at humuhusga sa
halaga, bigat, at katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa.

Gabay sa Pagsulat ng
Replektibong Sanaysay
1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon.
2. Maaaring magsulat ng isa hanggang dalawang pahina lamang.
3. Huwag magpaligoy-ligoy.
4. Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbensyonal.
5. Magbigay ng mga kongkretong halimbawa o pangyayari.
6. Huwag babalewalain ang mga tuntunin sa pagsulat bagaman ito ay isang personal na gawain.
7. Ipaloob ang sarili sa micro (maliit) at macro (malaki) na lebel ng pagtingin sa mga konseptong
tinatalakay.
8. Kilalanin o banggitin ang mga ginamit na sanggunian.
9. Maglagay ng isang kawili-wiling pamagat.
Mga Halimbawa ng
Replektibong Sanaysay

1. Proposal
2. konseptong papel
3. editoryal
4. sanaysay
5. talumpati
Mga Bahagi ng
Replektibong Sanaysay

1. Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng
paksa o gawain. Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang
pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang-panimula ang
mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.
Mga Bahagi ng
Replektibong Sanaysay
2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang
maigting na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong
sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon,
realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang
nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
.
Mga Bahagi ng
Replektibong Sanaysay
3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang
kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at
kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya
rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa
pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.

You might also like