You are on page 1of 34

Pagbasa at Pagsusuri ng I

Inihanda ni: DARYL C. ASURO


MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

INTRODUKSIYON

Ang modyul na ito ay kinuha sa librong Pagbasa at Pagsusuri ng


Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na isinulat ni WILMOR L.
PACAY III. Ang aklat na pinagkuhaan ng modyul na ito ay malaking tulong
upang matugunan ang mga hamon ng bagong kurikulum na K to 12
partikular sa Senior High School sa Pilipinas. Ang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ay isang interdisiplinaryong
sanggunian na nakatuon sa mga makrong kasanayang pagbasa at pagsulat.

Layunin ng aklat na pinagkuhaan ng modyul na ito na maging ganap


ang pagtatamo ng awtput na pananaliksik mula sa pagpapaunlad ng
kakayahang pagbasa at pagsulat na pangunahin sa akademikong larangan.
Susuriin at bubusisiin dito ang iba’t ibang mga tekstong pampanitikan,
pampamamahayag, pang-akademik maging ang mga tekstong referensiyal
at profesyunal.

Napapanahcn ang aklat na pinagkuhaan ng modyul na ito sapagkat


ito ay nagtatangka at gayundin ay naglalapat ng kultural, panlipunan,
pampolitika at kontemporaryong mga teksto sa iba’t ibang komunikatibong
domeyn ng ating wika. Sa kabuuan, ang modyul na ito ay lilinangin ang
komunikatibong kakayahan ng mga mag-aaral sa Filipino sa pagbasa at
pagsulat na kakayahan.

1
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

YUNIT I
(1st Kwarter)

BATAYANG KONSEPTO NG PAGBASA


AT PAGSUSURI NG TEKSTO

Sa pagtatapos ng yunit na ito, inaasahang iyong matamo ang mga


sumusmunod:

a. Nabibigyang-kahulugan at saysay ang kalikasan ng pagbasa bilang


isa sa mga makrong kasanayang pangwika;
b. Nagagamit ang iba’t ibang katangian at kahulugan ng pagbasa sa pag-
unawa at pag-busisi sa iba’t ibang hulwaran ng teksto;
c. naiisa-isa at natatalakay ang iba’t ibang uri ng hulwaran ng
organisasyon ng teksto;
d. naiisa-isa at natatalakay ang iba’t ibang uri ng teksto;
e. nabibigyang-ilustrasyon ang kahalagahan ng pag-unawa at pagsusuri
sa iba’t ibang uri ng teksto;
f. naisasabuhay ang kahalagahan ng pagbasa bilang proseso,
kasanayan, at kabahagi ng komunikasyon;
g. naiuugnay ang iba’t ibang uri ng hulwaran at uri ng teksto para sa
mas lubos na pag-unawa sa mga aralin sa iba’t ibang disiplina;
h. nagagamit ang pagbasa sa pagpapatatag ng kakayahang magbigay ng
reaksiyon/komentaryo sa mga isyu; at
i. napahahalagahan ang pagbasa bilang isa sa mga mahalagang gawain
sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wikang opisyal, panturo, at
pambansa.

2
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

SUBUKIN NATIN: Isulat ang Oo kung ang pahayag ay totoo at


Hindi kung ito naman ay mali.

_____1. Ang pagbasa ay kabilang sa ating makrong kasanayan.


_____2. Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay Psychophysic guesing
game.
_____3. Ang pagbasa ay ginagamitan ng mata upang maproseso ang
kahulugan ng binabasa.
_____4. Hindi kailangan matuto magbasa.
_____5. Mahalaga ang pagbasa sa buhay ng tao, kahit saanmang sulok
ng mundo.

Halina’t alamin, tuklasin at kilalanin ang Paksa dito sa Aralin

BATAYANG KONSEPTO ng PAGBASA

Kalikasan ng Pagbasa

Naaalala mo pa ba kung kailan ka natutong magbasa? Natural mo


lang ba itong natutunan gaya ng pakikinig at pagsasalita? Gumamit ka ba
ng Abakada? Iyong kulay dilaw na manipis na librong may mga patinig,
katinig at pantig? Nanay at tatay mo ba ang una mong guro sa pagbasa? O
sa paaralan ka na nagsimulang matutong magbasa?

Maaaring natatandaan mo pa at maaari din namang hindi na. Ang


maliwanag sa atin, marunong ka nang magbasa kaya mo ito nababasa sa
ngayon. Malaki ang ginagampanan ng pagbasa sa holistikong pag-unlad ng
ating kakayahang mental na siyang nagbibigay sa atin ng katangiang
maging mapanuri. Anu’t anuman, ang pagbasa ay isang complex o
masalimuot na proseso ng pag-unawa at pagkatuto na hindi basta-basta na
lamang natututuhan nang hindi pormal na itinuturo sa paaralan man, sa
bahay o sa iba pa mang lugar.

3
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Isa sa mga makrong kasanayang pangwika ng tao ang pagbasa.


Pakikinig,

Pagsasalita, pagbasa, pagsulat at kritikal na pag-iisip ang mga makrong


kasanayan. Kasama ang pakikinig, receptive macro skill ang pagbasa. Ibig
sabihin, tungkulin nitong kumuha ng impormasyon mula sa anumang
nakalimbag o nauunawaang mga simbolo. Sa aspekto ng pagkatuto,
kahanay naman nito ang pagsulat. Nagbabasa muna ang tao bago niya
matutuhan ang aktwal na pagsulat

4
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Mula sa kahulugan sa itaas, masusuri na ang pagbasa ay isang proseso.


Prosesong kaugnay ang dalawang bagay – psycho at linguistic sa isang
guessing game o matalinong panghuhula o paghihinuha.

1. Psycho – sapagkat ang pagbasa, katulad ng wika ay isa sa mga


eksklusibong kapangyarihan o kakayahang pagmamay-ari ng tao. Bukod
pa rito, nangangahulugan itong ang pagbasa ay isang prosesong pang-
isip. Hindi lamang kasi bastang mga mata nating ang bumabasa ng mga
letra at anupamang mga simbolo kundi ang isip din. Pangunahing
pangangailangan sa pagbasa ang pagkakaroon ng isang normal na
kondisyon ng isipan. Nakasalalay sa kritikal o malikhaing isip ng isang
taò ang lubusang pagkaunawa sa kahulugan ng isa o higit pang mga
termino o ng nilalaman ng teksto sa pangkalahatan.

2. Linguistic – sapagkat ang pagbasa ay hindi hiwalay sa ating kakayahang


gumamit ng wika. Halimbawa, kung ikaw ay ipinanganak sa Makati sa
kalakhyang Maynila at ang salita mo sa inyong bahay ay Tagalog-

5
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Maynila at sa paaralan ay natutuhan mo naman sng paggamit ng mga


wikang Filipino at Ingles, natural sa iyo na matutuhan din ang pagbasa
ng mga teksto na nasa mga wikang Tagalog-Maynila, Filipino at Ingles; at
kung ikaw ay pababasahin naman ng isang teksto na nasa wikang
Arabe, Mandarin o Espanyol mga wikang hindi mo naman alam gamitin,
walang inaasahang pagtatamo nang wastong proseso ng pagbasa o pag-
unawa.

3. Guessing game o matalinong panghuhula at paghihinuha – naman


sapagkat ang isip ng mambabasa ay itinuturing na kritikal at malikhain.
Kailangang gamitin ng mambabasa ang kanyang isip at maging ang
kanyang imahinasyon upang makaabot sa pinakatumpak na kahulugan
at kahalagahan ng kanyang binabasa. Nagkakaroon ng yugto sa isip ng
mambabasa kung saan siya mismo ang nagbibigay-buhay at nagtatakda
sa kabuluhan ng kanyang binabasa sa pagitan ng literal at hindi literal
nitong katangian.

Gumagamit siya ng paghahambing, prediksyon, pag-uugnay sa sariling


karanasan at tunay na buhay at iba pang katulad nito.

Mahalaga ring tandaan na ang pagbasa ay pag-unawa. Sa ganitong


hulwaran ng pagpapakahulugan, masasabing walang naganap na
proseso ng pagbasa kung wala namang ganap na pag-unawa at sa halip
ay pawang pagtingin lamang sa mga letra o ibap pang sagisag ang
naganap. Samakatuwid, hindi maaaring masabi ng isang tao na siya ay
nakapagbasa kung wala naman siyang naunawaan sa kanyang binasang
tula o kuwento o maging sa pelikula o dula na kanyang napanood.

Iba pang kahulugan ng Pagbasa


 Ayon kina Villafuerte, et. Al. (2005), ang pagbasa ay “Gintong susi na
magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang
larangan ng buhay”

6
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

 Para kina Bernales, et. Al. (2001) ang paebasa ay may “Mahalagang papel
na ginagampanan sa paghahasa ng talino at isipan. Kailangan ang
masidhi at malawakang pagbasa siyang magbubukas ng daan [sa] lahat
ng karunungan at disiplina tulad ng agham, panlipunan, siyensya,
matematika. Pilosopiya, sining at iba pa.
 Ayon pa rin kay Villafuerte (2011), ang pagbasa “Ang isa sa mga
pangunahing kakayahan at disiplina na dapat na taglayin ng kabataan
hindi lamang para sa pag-aaral kundi maging sa pagpapaunlad ng
kanyang kakayahang pagsulat – akademik, pampamamahayag man o
malikhain.”

Estratehiya sa Pagbasa ng Teksto


Sa isang Literary Writing Workshop sa Philippine Normal University Manila
na pinangunahan ng The Torch Publications Manila noong 2011, inilahad ni
Prof. Patrocinio Villafuerte, recipient ng prestihiyosong Don Carlos Palanca
Memorial award at batiking propesor sa wika at panitikan, ang isang
batayang panukatan o pamantayan upang maunawaan nang ganap ang
isang teksto:

1. Literal na Pag-unawa

2. Pag-unawa sa Kaisipan ng May-akda

3. Pagkilatis sa Kahalagahan at Kabisaan ng


ldeya

4. Pagsasanib ng Kasipan at Karanasan

5. Paglikha ng Sariling Kaisipan o Reaksiyon

7
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

 Sa modelo ng pagsusuri ni Villafuerte, mapapansin na ang literal na


kahulugan ang sivang unang hakbang sa pag-unawa sa teksto, ito ang
panlabas na pagkilatis sa mismong sinasabi ng teksto.
 Sinusundan ito ng pag-unawa sa kaisipan ng may-akda. Dito, hindi
lamang ang mismong literal na kahulugan ng isinulat ng may-akda ang
binibigyang-pansin kundi maging ang kanyang background – sosyal man
o politikal at maaari ding ang kanyang mga karanasan at specialization.
 Sumunod ang pagkilatis sa kahalagahan at kabisaan ng ideyang
ipinahayag ng may-akda. Hindi sapat na mahalaga lamang ang teksto.
Kailangan din itong maging mabisa. Sa paanong paraan nagiging
mabisa ang teksto?

Una, maayos at kumpleto ang nilalaman nito kaugnay ng kanyang


paksa. Masasalamin dapat dito ang mayamang karanasan ng may-akda
at ang kanyang kahusayan sa pagpapaliwanag at pagpapalawig ng paksa
at maging ng tema nito.

Pangalawa, may maayos na gamit ng wika batay sa partikular na set ng


kanyang mga mambabasa. Angkop dapat hindi lamang ang estraktura o
gramatika ng wika kundi maging ang antas at domeyn ng mga ito.

Pangatlo, may estilo ng pagsulat. Hindi lamang kumbensyunal kundi


maging mga kontemporaryo o napapanahong mga trend at teknik ang
inilalangkap sa teksto.

Pang-apat at panghuli, marapat na gumamit ang may-akda ng


interaktiv na pagtalakay sa mga napapanahong paksa at isyu na malapit
sa puso at karanasan ng mga mambabasa.

 Sumunod ang pagsasanib ng kaisipan at karanasan. Kailangan ng


kaisipan ang karanasan sa parehas na paraang kailangan ng karanasan
ang kaisipan. Ang dalawang mga bagay na ito ay hindi mapaghihiwalay
dahil ang bawat isa ay siya ring produkto at proseso ng isa. Nagsisilbing

8
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

valideytor ng teorya ng kasipan ang praktika ng karanasan, vice versa na


siyang magdadala sa atin sa mas mataas na antas ng pag-unawa sa
teksto.
 Panghuli ang paglikha ng sariling kaisipan o pagbibigay ng sariling
reaksiyon. Napakahalaga ng yugtong ito sapagkat ito ang yugto kung
saan ang mambabasa, batay sa kanyang binasa, ay kailangang
magdesisyon sa pagkakaroon ng reaksiyon mula sa kanyang binasa.
Nasiyahan ba siya o hindi? Kapani-paniwala ba ang may-akda o hindi?
Naging matapat ba ang paglalahad batay sa mga ipinakitang datos o
halimbawa? Ano ang mga kahinaan o kalakasan na dapat mabigvang-
pansin? Ilan lamang ito sa mga tanong na kapag nasagot ay
makapagbibigay ng gabay sa mambabasa upang makabuo ng isang
obhektibong tugon sa kanyang binasa.
 Ang modelo sa pag-unawa ng teksto ni Villafuerte ay hindi perpekto.
Ngunit ito ay nakatuon sa teksto sa pangkalahatan at maaari pang
palawigin salig sa uri ng tekstong babasahin at susuriin pa sa
hinaharap.

GAWAIN: Ngayon ay batid mo na ang kahulugan at


kahalagahan ng pagpabasa, para sa iyo, ano ang kahalagan ng
Pagbasa? (2 puntos bawat isa)

Kahalagahan
ng
Pagbasa
9
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng Pagbasa (5

puntos bawat isa)

Pagbasa

Pagtataya: Basahin at unawain ang isinasaad ng bawat


bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Nangangahulugan itong ang pagbasa ay isang prosesong pang-


isip. Hindi lamang kasi bastang mga mata nating ang bumabasa ng mga
letra at anupamang mga simbolo kundi ang isip din
a. Psycho b. Linguistic c. Guessing Game

_____2. Kailangang gamitin ng mambabasa ang kanyang isip at maging


ang kanyang imahinasyon upang makaabot sa pinakatumpak na
kahulugan at kahalagahan ng kanyang binabasa.
a. Psycho b. Linguistic c. Guessing Game

_____3. Pangunahing pangangailangan sa pagbasa ang pagkakaroon ng


isang normal na kondisyon ng isipan
a. Psycho b. Linguistic c. Guessing Game

_____4. ang pagbasa ay hindi hiwalay sa ating kakayahang gumamit ng


wika
a. Psycho b. Linguistic c. Guessing Game

10
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

_____5. Ayon sakaniya ang pagbasa ay isa sa mga pangunahing


kakayahan at disiplina na dapat na taglayin ng kabataan.
a. Villafuerte, et. Al. (2005)
b. b. Bernales, et. Al. (2001)
c. c. Villafuerte (2011)

_____6. “Gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng


karunungan at kasiyahan. Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas
ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay”
a. Villafuerte, et. Al. (2005)
b. b. Bernales, et. Al. (2001)
c. c. Villafuerte (2011)

Paraan upang maging maayos ang teksto (Lagyan ng bilang 1-4)

_____7. may estilo ng pagsulat


_____8. maayos at kumpleto ang nilalaman nito kaugnay ng kanyang
paksa.
_____9. marapat na gumamit ang may-akda ng interaktiv na pagtalakay
sa mga napapanahong paksa at isyu na malapit sa puso at karanasan ng
mga mambabasa.
_____10. may maayos na gamit ng wika batay sa partikular na set ng
kanyang mga mambabasa

Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


isinulat ni WILMOR L. PACAY III.

11
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

SUBUKIN NATIN: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa


bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Pagpapakahulugan Pagsusunod-sunod

Paghahambing at kontrast Sanhi at Bunga

Pag-iisa-isa Problema at Solusyon

___________1. Mas mahaba at kung minsan ay may pagpapalawig o


pagpapaliwanag pa sa patalatang ito.
___________2. Isa itong hulwaran ng teksto nagpapakita ng tuwirang
ugnayan ng dalawang bagay.
___________3. Dito nakikita ang tuwirang ugnayan sa isang nilalamang
problema at sa ipinahahayag na posibleng solusyon.
___________4. isa itong hulwaran ng mga organisasyon ng teksto na
nagbibigay pakahulugan sa mga termino o katawagan.
___________5. ito ang isa sa mga hulwaran na nagpapakita ng lohikal na
pagkakaayos o pagkakasunod-sunod ng mga bagay, panuto, at maging
ng mga pangyayari
___________6. isa itong hulwaran ng mga organisasyon ng teksto na
malinaw na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-
bagay.

Halina’t alamin, tuklasin at kilalanin ang Paksa dito sa Aralin

Iba’t Ibang Hulwaran ng mga Organisasyon

IBA’T LBANG HULWARAN NG MGA ORGANISASYON NG


TEKSTO

 Saklaw ng mga tekstong ekspositori ang iba’t ibang nilalaman at


kaalamang kaugnay ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Ang mga
tekstong ekspositoring kaugnay ng mga gawi at kaalaman ng tao ay may
iba’t ibang hulwaran at organisasyon. Tunghayan ang mga ito sa ibaba:

12
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

1. Pagpapakahulugan – isa itong hulwaran ng mga organisasyon ng teksto


na nagbibigay pakahulugan sa mga termino o katawagan. Maaari itong
nasa anyo ng simpleng pagpapakahulugan o komprehensibong
pagpapakahulugan.

Mga Halimbawa:
Para sa simpleng pakahulugan –
a. Wikang Panturo- opisyal na wikang ginagamit na midyum sa
pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral saklaw ang
iba’t ibang disiplina
b. Balita- artikulong pampamamahayag na naglalahad ng ulat na
pasulat, broadcast o online.
c. DepEd- Department of Education.

Para sa komprehensibong pakahulugan –


 AIteTnative media mga media outfit/outlet na hindi pinatatakbo ng
malalaking kompanya; gaya ng: Kodao productions, Pinoy Media
Center, Pinoy Weekly, Bulat-lat.com, Manila Today.net, Vera Files,
CMFR, Tudla; kabilang dito ang mga student publication sa lahat ng
antas. Tinatawag ding alternative press sapagkat inuulat nito ang mga
isyu at pangyayaring kadalasang hindi iniuulat ng mainstream media.

2. Paghahambing at Pagkokontrast - isa itong hulwaran ng mga


organisasyon ng teksto na malinaw na nagpapakita ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Inihahambing at ipinag-iba ang mga
pisikal na katangian gaya ng hugis, kulay, anyo, distansiya layo, sukat,
lawak. lalim, at iba pa. Inibabambing at ipinag-iiba rin ang mga bagay
gaya ng ideya, kaisipan, paniniwala, at marami pang iba. Madalas na
gumagamit ng ilustrasyon upang ipakita ito ngunit maaari din namang
sa simpleng pasulat lamang.

13
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Mga Halimbawa:

a. Sabong Panlaba

Gamit ang Venn Diagram sa kaliwa,


maaari nating matulungan si
Labandera X upang mapaghiwa-
hiwalay ang magkakatulad at
magkakaibang mga katangian ng
mga produktong sabong panlaba at
nang makapili siya ng
pinakamagandang produkto.

b. Kandidato sa Pagkapangulo

Gamit ang mas kompleks na Venn


Diagram sa kaliwa, maaari nating
masuri ang ating mga kandidato sa
pagkapangulo kung sila ba ay
nakapagtamo ng mga kwalipikasyon
alinsunod sa pagtatadhana ng
particular na probisyon ng ating
umiiral na Saligang Batas ng 1987

14
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

c. Mga Finalist sa Masining na Pagkukuwento

Gamit ang ilustrasyon sa itaas, masasabi nating ang paghahambing at


pagkokontrast dito sa itaas ay nakatuon sa relasyon ng apat na pangkat sa
sentro ng pinaghahambingan na: Mga Uri ng Finalist sa Masining na
Pagkukuwento.Dito, makikita ang ugnayan, pagkakatulad, at pagkakaiba-
iba ng mga pangkat sa kabila ng kanilang pagiging magkakaparehas na mga
finalist.

3. Pag-iisa-isa – isa rin sa mga hulwaran ang pag-iisa-isa. Maaari itong


pag-iisa-isa ng mga termino o pag-iisa-isang patalata. Mas mahaba at
kung minsan ay may pagpapalawig o pagpapaliwanag pa sa patalatang
pag-iisa-isa. Tinatawag din ang huli na kompleks na pag-iisa-isa.

Mga Halimbawa:

A. Para sa patalata
Requirements sa PNUAT

15
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Nasa ibaba ang requirements para sa Philippine Normal University


Admission Test o ang PNUAT:
1. Original and Photocopied NSO-certified Certificate of Live Birth;
Photocopy alone will not be accepted;
2. Good moral certificate signed by the principal, school director or
guidance counsellor;
3. Original Forms 137 and 138; Forms 138 can be submitted on a later
date if not yet available;
4. 3 pcs. 2x2 colored I.D. picture with WHITE background;
5. Official receipt of entrance examination fee of 250.00 pesos.
6. Duly accomplished admission form; and
7. Duly signed examination permit issued by the Office of the University
Registrar.

B. Para sa simpleng pag-iisa-isa:

Pakikilahok sa Talakayan 20%


Proyekto 20%
Mga Pagsusulit 25%
Panggitna/Pangawakas na Pagsusulit 20%
Inaasahang Awtput 10%
Kabuuan 100%

C. Talaan ng mga Malikhaing Manunulat sa Filipino:

1. Pat Villafuerte (Maikling Kuwento)


2. Ferdinand Pisigan Jarin (Malikhaing Sanaysay)
3. Eros Atalia (Nobela)
4 Edgar Samar (Nonela)
5. Joi Barrios (Tula)
6. Rommel Rodriguez (Maikling Kuwento)
7. Christine Belen (Maikling Kuwentong Pambata)

16
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

4. Pagsusunod-sunod - ito ang isa sa mga hulwaran na nagpapakita ng


lohikal na pagkakaayos o pagkakasunod-sunod ng mga bagay, panuto,
at maging ng mga pangyayari

Mga Halimbawa:

a. Sipi ng isang pananaliksik pampamamahayag

Una, magpapanukala ng paksa at idedepensa ito ng mananaliksik. Kasama


rito ang pamagat, suliranin ng pag-aaral, paradigma ng pag-aaral at mga
instrumentong gagamitin.

Pangalawa, kokolektahin at sisipiin na ng mananaliksik ang mga


itinakdang isyu ng bawat tabloid at pipiliin na rin ang mga artikulong balita
at editorial na susuriin.

Pangatlo ang aktwal na pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala ng mga nasabing


pagkakamali gamit ang mga nasabing instrumentong pampananaliksik.

Pang-apat, gagamitin ang pagsasagawa ng error spotting/frequency rate sa


bawat artikulo ng bawat tabloid upang matukoy kung saan pinkamaraming
pagkakamali o ano ang madalas na kamalian sa pagsulat.

Panglima, ipapasa sa mga valideytor ang mga natukoy, nasuri, at naitalang


mga pagkakamali para sa kanilang kumpirmasyon.
Pang-anim, babalangkas ng isang style sheet pampamamahayag
pangkampus batay sa natukoy na mga pagkakamali.

Pampito, pinal na validasyon ng mga nakatalagang valideytor hinggil sa


kawastuhan ng binalangkas na style sheet pangwika.

Pangwalo at panghuli, pagpapadala sa tanggapan ng mga nasabing tabloid


ng natukoy na kamalian batay sa isinagawang pagwawasto.

17
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Sa nasabing ilustrasyon, pahapyaw ngunit manalaga ang mga detalyeng


ibinigay bilang halimbawa upang maipakita ang wastong pagkakasunod-
sunod ne mga pangyayari bago mapatalsik sa kanyang puwesto ang
diktadur na si Ferdinand Marcos sa tinaguriang EDSA People Power I.

5. Sanhi at Bunga – isa itong hulwaran ng teksto nagpapakita ng tuwirang


ugnayan ng dalawang bagay – ang sanhi o dahilan ng isang bagay at ang
bunga o ang mga naging resulta nito. Maaaring ang isang sanhi ay
magkaroon ng marami pang bunga.

Mga Halimbawa:
a. Presyo ng Krudo sa Pilipinas
Bunsod ng nagaganap na digmaan sa Gitnang Silangan at sa mahirap na
Produksiyon at transprtasyon ng langis mula rito, inaasahan na ng
marami ang napipintong pagtaas ng presyo ng gasolina at kerosene sa
Pilipinas na magbubunsod dln ng pagtaas ng presyo ng iba pang
pangunahing bilihin sa merkado.

18
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Ang naka-bold face sa itaas ang isyang sanhi at ang naka-italics naman ang
siyang naging bunga nito. Mapapansin na ang sanhi ay madalas na
ipinakikilala sa pangungusap sa pamamagitan ng mga salitang: bunsod ng,
dahil sa, sa dahilang, sapagkat ang, nang dahil, at iba pang katulad nito.

19
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

( Para sa GAWAIN at PAGYAMANIN sagutan ito sa isang buong


papel)
GAWAIN: Magbigay ng tig-2 halimbawa ng mga sumusunod:
(3 puntos bawat bilang)

1. Simpleng pagpapakahulugan
2. Komprehensibong pagpapakahulugan
3. Paghahambing
4. Pagkokontrast
5. Simpleng pag-iisa-isa

Sa pamamagitan ng Vein Diagram, ibigay ang pagkakaiba at


pagkakapareho ng Pag-iisa-isa vs. Pagsusunod-sunod, at Sanhi
at bunga vs. Problema at Solusyon.

(30 puntos) (

Pag-iisa-isa Pagsusunod- Sanhi at Bunga


sunod Problema at
Solusyon

Pagtataya: Ang mga sumusunod na bilang ay halimbawa


ng Iba’t Ibang Hulwaran ng Organisasyon. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot. Isulat ang hugis sa patlang bago
ang bilang.

20
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Pagpapakahulugan Pagsusunod-sunod

Paghahambing at kontrast Sanhi at Bunga

___________1.
Pag-iisa-isa Pagpuputol ng mga kahoy Problema
sa bundokat; Solusyon
pagkakaroon ng
landslide
___________2. Una, Pagkakaroon ng Covid19; Pangalawa pagdami ng
namatay sa Covid19; Pangatlo, pagkakaroon ng bakuna kontra Covid19;
___________3. Alin ang mas madaling mabulok A. Mansanas B. Saging
C. Abokado.
___________4. Mga kailangang dalhin sa stay in na trabaho : Personal
Hygiene, bag, sapatos, mga damit pambahay/pantrabaho, pera,
cellphone.
___________5. DOH – Department of Health
___________6. Ang Corona Virus o Covid19 ay nakamamatay, marami na
ang nasawi sa nasabing sakit at halos nabago nito ang takbo ng buhay
ng bawat mamamayan sa buong mundo. Lunas sa sakit ang hiling ng
bawat tao, proteksyonan ang sarili laban sa Covod19, sundin ang health
protocol at maging maingat sa lahat ng gagawin upang maiwasan ang
Covid19.
___________7. Ang coronavirus (COVID-19) ay sakit na dulot ng isang
virus na maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao. •
Ang virus na nagdudulot ng COVID-19 ay isang bagong coronavirus na
kumalat na sa buong mundo. • Ang mga sintomas ng COVID-19 ay
maaaring mula sa banayad (o walang mga sintomas) hanggang sa
malubhang sakit.
___________8. Dahil sa Covid19 hindi pinapayagang lumabas ng bahay
ang mga batang edad 17 pababa kaya ang naging resulta marami sa
kabataan ngayon ang maghapong nakababad na lamang sa kanilang
mga cellphone.
___________9. Covid19 Variant A. Alpha B. Delta C. Lambda
___________10. Ang mga sumusunod ay kasangkapang ng nagsasalita: a.
Tinig b. Bigkas c. Tindig d. Kumpas e. Kilos

TAKDANG ARALIN:

1. Basahin at Unawain ang Iba’t Ibang Uri ng Teksto


2. Magsaliksik ng mga Halimbawa ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto

21
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


isinulat ni WILMOR L. PACAY III.

22
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
SUBUKIN NATIN: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag,
tukuyin kung anong uri ng teksto ang ipinapahayag nito.

___________1. Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika


ng Pilipinas
___________2. Napakagandang pagmasdan ang mataas at matarik
na bundok na iyon.
___________3. Magaspang ang papel de liha na nahawakan kong
laman ng kahong iyon
___________4. Pakuluin ang tubig ng 3 minuto, pagkakulo ilagay
ang noodles at seasoning nito, maghintay ng 2 minuto bago ito ihain.
___________5. Krimen sa Pilipinas bumababa na nga ba? Bakit di
natin alamin ang katotohanan sa ating mga opisyal na namumuno
sa ating bayan.

Halina’t alamin, tuklasin at kilalanin ang Paksa dito sa Aralin

PAGKILALA sa IBA’T IBANG URI NG TEKSTO

1. TEKSTONG IMPORMATIBO (Nagbibigay ng Impormasyon)

Tinatawag na tekstong impormatibo ang mga babasahin at akdang


nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao,
bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na
‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at
katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi
naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.

Tekstong Impormatibo o Nagbibigay ng Impormasyon – isa itong uri ng


teksto na ang pangunahing layunin ay magbigay ng mga datos at
impormasyon sa mga mambabasa para sa karagdagang kaalaman. Madalas
itong makita sa mga teksto gaya ng pananaliksik, teksbuk at iba pang aklat
gaya ng diksyunaryo, encyclopedia, balita, anunsyo o maging sa lecture
notes.

23
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

2. TEKSTONG DESKRIPTIBO (Naglalarawan)

Tekstong Deskriptibo o Naglalarawan - uri ng teksto na nakatuon sa


pagbibigay ng pangkalahatan at mga tiyak na detalye ng isang bagay, lugar,
pangyayarı, katangian, kasipian, at pakiramdam na maaaring kongkreto o
abstrakto. Ang isang mahusay na manunulat ng tekstong deskriptibo o
palarawan ay nagagawang bigyan ang kanyangm ambabasa ng mental
picture ng anumang bagay na kanyang inilalarawan.

Tatlong Uri ng Tekstong Deskriptibo

Nahahati sa tatlong uri ang mga tekstong deskriptibo ayon sa ginagamit at


sinusunod na paraan ng pagbibigay katangian sa isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari.

A. Deskripsyong Teknikal

Ito ay naglalayong magbigay ng paglalarawang detalyado at gumagamit ng


mga eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian.

Halimbawa

 Tatlong piraso na lamang ng tsokolate ang laman ng pulang kahong


ibinigay ni Benedicto.
 Si Aling Cora ay ang babaeng kulot ang buhok at mayroong tindahan ng
school supplies sa kanto ng Mabini.

B. Deskripsyong Karaniwan

Ito naman ay uri ng paglalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng


impormasyong pangkalahatan at marami tao o bagay ang nagtataglay ng
ganoong katangian.

Halimbawa

 Si Benedicto ay mapayat na matangkad.

24
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

 Ang eskinita na iyon ay masikip, madilim, at mayroong hindi magandang


amoy.

C. Deskripsyong Impresyonistiko

Ito ay pagbibigay ng paglalarawan sa pamamagitan ng pansariling pananaw,


opinyon, o saloobin sa isang tao. Ito ay karaniwang iba sa kaniyang kapuwa
at hindi itinuturing na lubhang totoo dahil ito subhektibong pananaw
lamang.

Halimbawa

 Namamalditahan ako sa anak na panganay ni Aling Marta dahil ramdam


kong hindi totoo ang kaniyang pagngiti sa atin.
 Minamalas ang mga taong iyan dahil hindi sila marunong magbigay ng
biyaya sa kanilang kapuwa at madadamot sila.

3. TEKSTONG PERSWEYSIB (Nanghihikayat)

Tekstong Persweysib o Nanghihikayat – isa itong uri ng teksto na nakatuon


sa pagpapaliwanag at panghihikayat sa mambabasa na maniwala o
sumang-ayon sa pagsusuri o opinyon na kanyang inilalahad. Madalas itong
makita sa mga kritikKal laaysay, kolum, editoryal pananaliksik o bahagi ng
tesis.

May tatlong pangunahing elemento ng paghihikayat. Ito ang Ethos, Pathos,


at Logos.
 Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.
 Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa
 Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon

4. TEKSTONG NARATIBO (Naglalahad)

Tekstong Naratibo o Naglalahad – isang uri ng teksto na nakatuon sa


pagsasalaysay ng isang pangyayari sa kawili-wiling paraan. Saklaw nito ang
paglalarawan at pagpapaliwanag ng mga bagay o pangyayaring naganap na

25
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

kung saan masasalamin ang opinyon, paniniwala o interpretasyon ng may-


akda sa nasabing pangyayari.

Ang isang tekstong naratibo ay tekstong may pagkasunod-sunod ng mga


impormasyon sa isang maayos na paraan. Ito ay maaaring maging tungkol
sa isang bagay, tao, haop, pangyayari, o kwento na pwede maging tototoo o
hindi.

Ito’y ginagamit upang bigyan ng leksyon ang mga mambabasa sapagkat ang
isang “moral lesson” o “araling moral” ang makikita sa huling bahagi ng
isang naratibo. Ang mga halimbawa nito ay palaging nakikita sa mailing
kwento, alamat, nobela at iba pa.

Mga bahagi ng Tekstong Naratibo:


1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan.
2. Mga komplikasyon ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod
ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang
aksiyon.
3. Resulusyon ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito
nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin.

5. TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong ito ay nasa ilalim ng chronological na impormasyon sapagkat


ang bawat impormasyon ay isinasagawa ng ayon sa pagkakasunod-sunod
nito.

Ang punto ng ganitong uri ng teksto ay makapagbigay ng tiyak na panuto


upang magawa ng isang bagay ang tao ng maayos.

Ang ilan sa mga uri ng ganitong teksto ay ang mga pamamaraan sa


pagluluto, pagbibigay ng panuto, pagbibigay ng mga panuntunan sa laro,
manwal, pagsasagawa ng eksperimento, at ang pagbibigay ng direksyon. Sa

26
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

pagsulat ng ganitong teksto, nararapat na maging malinaw at piliin ang mga


tiyak na salita.
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Tekstong Argumentatibo – isang uri ng teksto na nagtatagalay ng mga


pagpapatotoo, pagpapaliwanag at paggamit nang mahusay na
pangangatwiran upang sangayunan o tutulan ang isang bagay, pangyayari o
isyu. Upang tiyak na maipagtanggol ang isang argumento, kailangang
nakalagay sa isang maayos, malinaw, at konkretong paraan ang mga
detalye, impormasyon, at datos tungkol sa isang paksa para mahikayat ang
mga mambabasa o madla.

Madalas na nasa ganitong uri ng teksto ang mga argumentatibong


sanaysay, teknikal na papel, desisyon ng Korte komite, editoryal o maging
sa ilang bahagi ng tesis.

MGA GABAY SA PAGBASA AT PAGSUSURI


NG MGA TEKSTO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

UNANG HAKBANG - Suriin ang teksto sa kabuuan nito paraanan ng tingin


ang kabuuan ng akda bago tuluyang basahin. Subuking tukuyin ang
layunin, nilalaman, maging ang target na mambabasa ng teksto bago ito
simulang basahin nang buo. Hanapin ang mga palatandaan sa mga
pamagat, sa mga "subtitles", pagkilala o pasasalamat at iba pang mga
bahagi ng teksto.

Narito ang mga gabay na katanungan upang matukoy ang kabuuan ng


teksto:
1) Sino ang sumulat ng teksto?
2) Sinong mga target na mambabasa ang nais kausapin ng teksto?
3) Tungkol saan ang artikulo?
4) Anu-anong mga babasahin ang ginamit na sanggunian?

27
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

IKALAWANG HAKBANG - Tukuyin ang Pangkalahatang Layunin at


Estruktura ng Teksto pagkatapos masuri ang artikulo at ang kabuuan nito,
simulan ang pagbabasa. Tukuyin ang layunin ng may akda at tesis na
pahayag. Tingnan rin ang kongklusyon sapagkat naglalaman ito ng
kabuuan ng akda.

Narito ang mga gabay na katanungan upang maisagawa ang layunin,


estruktura, at tunguhin ng teksto:
1) Ano ang pangunahing kaisipan na naisalahad ng may-akda?
2) Anu-ano ang mga katibayang ginamit ng may-akda?
3) Anu-ano ang mga limitasyong inilatag ng may-akda tungkol sa teksto?
4) Ano ang pananaw ng may-akda?

IKATLONG HAKBANG - Basahing muli ang artikulo, ngunit sa


pagkakataong ito ay pagtuunan ng pansin ang paraan ng pagsulat at
presentasyon.
Habang ikaw ay nagbabasa, huwag lamang tumutok sa kung ano ang
sinasabi ng may-akda, kundi sa kung paano ito sinabi ng may-akda.

Sa hakbang na ito masusukat ang katatagan at katotohanan ng pahayag sa


pamamagitan ng mga katibayang inilatag ng may-akda.
Mahalaga ring malaman ang kahgulugan ng mga salita o konseptong hindi
pamilyar.

IKAAPAT NG BAHAGI - Kritisismo at Ebalwasyon ng Teksto matapos mong


tayahin ang iyong personal na reaksyon, maghulo ng mas malalim na
impresyon. Kailangan mo nang magpokus sa sinsabi ng may-akda,
pagsasangalang-alang sa mga mambabasa ng akda, at bahagyang
pagmumuni-muni sa nilalaman ng teksto.

Ang ebalwasyon ng isang teksto ay maaaring isagawa sa pamamgitan ng


pagsasangalang-alang sa estilo at kumbensyonal na estruktura ng
kaparehong artikulo.

28
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Narito ang ilang gabay na katanungan sa pagsasagawa ng ebalwasyon at


pagbibigay ng kritiko ng isang teksto:
1) Buo ba ang artikulo?
2) May katuturan at kabuluhan ba ito?
3) Ano ang pangunahing kahulugan at katuturan ng akda sa didiplinang
kinabibilangan nito?
4) Malinaw ba ang organisasyon?

GAWAIN: Basahin ang ang Tekstong: Pain sa Bunganga ng Pating at


sagutin ang mga katanungan nito.

29
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Pain sa Bunganga ng Pating


Ni JC Gloria

Ang ingay na nalilikha ng salpukan at pingkian ng mga bato sa tuwing tinatalik ng pala
ay tila isang maalingawngaw na musikang sumusurot sa kamalayan ni Tata.
Batid niya.. batid ng kabuuan ng kanyang katawan: mula sa magkabilang pisnging
nilubog ng kapagalan; leeg na binanil ng usok at alikabok ng tigang na lansangan;
hangang sa kamay at paang dinugyot ng pagparoo’t paritong paglimos ng awa, na ang
kasalukuyan niyang pakikibaka ay tulad ng pagtakbo sa isang walang katapusang daan.
Buhat sa kinatatayuang lhugar, inihimpil ni Tata ang kanyang tingin sa palibot ng
eskinita. Sa katimugan ay nakatirik ang isang abandunadong bahay na binubuo lamang
ng haliging yapus-yap0s ng ‘sampulgadang kapal ng uling. Nasa dakong hilaga ay ang
batalan nilang mga obrero na niyari sa pawid at ang bubong na yero’y binibitak na ng
kalawang. Samantala, ‘di nalalayo rito ay namasid niya ang kumbensyon ng mga bangaw
na animo’y nagpipista sa mga tunmpok ng dunming iniluwal ng kanilang mga murang
katawan.
Nagbabalat-kayo ang katahimikan bilang kapayapaan ng mga panahong iyon.
Ginagambala siya ng sariling gunamgunam. Waring ginapangan ng matatalim na dagitab
Ang hawak niyang panabon na nagpangatal sa kanyang pagkakahawak dito. Di ito dahi-
lan ng atrasado niyang paghahapunan o reklamo ng kanyang tiyan kundi di niya abot-
mawari ang damdaming kinukuyom ng kanyang puso. Damdaming nagpaguhit sa mata
ng maiinit na likidong nalasap pa ng kanyang labi.
Pipi siyang nag-aaklas sa kaabahang sinapit ni Jepoy. Waring sampung toneladang
pabigat sa braso ang sama ng loob na kanyang dinaramdam habang ginagawa ang pag-
tabon sa bangkay ng kasamahan.
Abot-batid niya. Alam na alam ni Tata higit kaninuman ang sentimyento ng kaeda-
rang kaibigan. Ang pagnanais nitong humulagpos sa kapit ng pagdarahop. Ang pagka-
kasya nito sa isang beses na paglasap ng biyaya kada araw (na kung minsan pa nga’y
sumasala).
Ang pakikipagpatintero sa mga sasakyang anumang oras ay maaaring sapian ni Ka-
matayan. Subalit ang kaganapang pauilit-ulit na rumirehistro sa kanyang isipan ay ang
mga huling hugot-hininga ni Richie. Ang mga matitinding palahaw nitong maibsan kahit
kaunti ang kirot na nararanasan. Ang mga hiyaw ng pakiusap na may makaagapay
sa kanyang laban sa pakikipag-agawan ng sariling buhay.
Ikinapipighati ng damdamin ni Tata ang sariling pagkaparalisa na daluhan ng tulong
ang kaibigan. Wala siyang iba pang nagawa kundi tumunghay sa tuluyang pag-
suko sa dilim ng aandap-andap na liwanag.
Sumaksi ang sinapupunan ng Maynila sa muling pagiging kabahagi ng kanilang
baga sa makakapal na usok ng lansangan. Ang kanilang makalagot-pasensyang paghi-
hintay na kumutan na ng dilim ang paligid at nang makaranas na ng pahinga ang ka
nilang mga katawang pinagal ng pagparoot pagparitong pakikipagpatintero sa mga
sasakyan upang makapalimos ng awa sa bawat pagsampa sa dyip at pagpunas sa mga
mapang-uring saplot sa paa. Ngunit, di sila ang siyang lumalasap ng bunga ng sariling
Hirap… kundi ang Bakulaw (kuntawagin nila ang mamang may kalaparan ang kaha ng
katawan at waring inukitan ng masel sa brasot dibdib), na siyang kubrador ng kanilang
kita.

30
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Ganito ang paulit-ulit na panginoring ikinasusulasok ng kaibuturan ni Tata, higit
kaysa sa halimuyak nang pabulok ng katawan ni Richie. Ang panginoring kinamu-
wangan na nila sa loob ng mga araw, linggo, buwan, at mag-aasawang mga taon.
Bahagyang isinuot ni Tata ang nanlalamig na palad sa putikang bulsa at hirayaang
mamahinga pansamantala ang pala sa kandungan ng lupa. Sa pagkakataong ito, nakapa
niya hindi lamang ang mga bilugang metal na panay ang kalansing sa tuwing mag-
uuntugan kundi pati na rin ang malulutong na papel na pansamantalang nagbigay-lugod
sa kanyang damdamin.
Marahan niyang ikinulong-iniluwal sa kamay ang mga ito. Lumalambot. Ang lupa
tuwing panahon ng tag-ulan, sa isip niya. Kuminang sa liwanag ng buwan ang salaping
umitsa sa piling ng hangin bago lumapag sa hukay ng isang bangkay. Tinunghayan niya
ito nang taimtim. At sa ilang saglit, namalas sa liwanag ng buwan ang aninong may sugat
sa dibdib na nagtatabon ng lupa sa hukay.
Muli, nagbabalat- kayo ang katahimikan bilang kapayapaan. Subalit nabasag at
nagulantang ito sa pagluwal ng liwanag na nagmumula sa ningas sa nguso ng sigarilyo
sa bibig ng isang katawan. Umalingawngaw ang mapanindak na tinig.
“Bata, bigay mo na sa akin ang kita.”
Tumagos at nanuot ang lamig ng hangin hanggang sa mga buto ni Tata. Wari siyang
binuhusan ng santmbang tubig na babad sa bloke ng yelo. Nilingkis siya ng takot subalit
pinilit niya itong gapin ng kanyang pagnanais na isakatuparan ang kanyang pag-aaklas
at pagtakas sa matatalim na ngipin ng pating sa kanyang harapan.
Umulit ang lipon ng mga salitang tumapon sa hangin. Parang umikli ang dila ng
kinakausap na hindi makatugon. Ngunit kusang nangusap ang mga matang may talsik
ng apoy. Nagtama ito sa pares ng mata ng kaharap at nanatili sa ganoong ayos. Lang
sandali pay bumuga ng usok ang bibig ng nagbabanta at ipinahalik sa lupa ang naghi
hingalong tira ng sigarilyo bago ito nilasog ng nangangalit nitong mga paa.
Animo’y torong manunuwag na lumusob ang Bakulaw at umunday ng makapatid-
litid na birada ng kamao na siyang tanging hangin lamang ang tumanggap. Sumikdo ang
dibdib ni Tata bagamat nagawang makailag. Batid niyang sa oras na lumapat ang mga
kamaong iyon sa kanya ay tiyak siyang bubuuwalan ng katawan. Pigi-hininga siyang
kumaripas ng takbo palabas ng eskinitang iyon.
Bahagya siyang lumingon at hinagip ng mga mata ang paligid: ang abandunadong
bahay na binubuo na lang ng haliging yapus-yapos ng sampulgadang kapal ng uling; ang
batalan nilang mga obrere; kumbensyon ng mga bangau; ang kapirasong tabon ng lupang
kinababaunan ng kaibigan; at ang humahangos na Bakulaw na papalapit na sa kanya.
Kinakapos na ng hininga ang una ngunit wala siyang balak na magpakuli. Ito ang
pagkakataong matagal na nilang hinihintay. Pagkakataong maaaring hindi na kailan-man
mauulit pa. Bumaba ang talukap ng kanyang mga mata at nagdikit ang kanyang
mga ngipin. Inilagay niya ang lahat ng kanyang puwersang natitira sa dulo ng daliri ng
kanyang mga paa. Tumakbo siya nang walang pag-aalinlangan hanggang sa sumungaw
ang iwanag na nagbubuhat sa abalang lansangan.
Walang bahid ng pagmamadali ang kumpol ng mga tao na nagpapabalam sa
kanyang pagtakas. Halos maglamat ang mga ngipin ni Tata sa diin ng pagkakadikit ng
mga ito sa isat isa. Hindi sia alintana ng mga taong abala sa paggagalugad ng mga
bilihin sa bangketa. Walang sinumang abot-makisimpatya. Kung kayat dinala siya ng
sariling mga paa sa gitna ng kalsada nang makitang ilang dipa na lamang ang layo ng
humahabol sa kanya.
Napapahinto siya sa mga busina ng mga nagmamadaling sasakyan. Umusal siyang
Mga panalanging siya lamang ang nakauunawa. Patuloy ang kanyang
31
Pakikipagpatintero sa mga sasakyan at patuloy rin ang paghabol sa kanya ng nasa liku
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

pakikipagpatintero sa mga sasakyan at patuloy rin ang paghabol sa kanya ng nasa


likuran. Nang sapat na ang lapit nila sa isa’t isa ay inihaba ng Bakulaw ang kanyang
braso at akmang hihigitin ang kamiseta ng eanina pang hinahabol na bata nang dagling
may umandap na liwanag at sunud-sunod na busina buhat sa mga sasakyan.. at
matagumpay na kumalawit ang karit ni kamatayan.
Masaganang nagdilig ang malapot na likido sa tigang na kalsada sa sinapupunan ng
Maynila…. Tumambad sa mga tao nang gabing iyon ang tinilad na mga katawang
kinaladkad ng dambuhalang sasakyan
Maraming nagpatay-malisya. Subalit nakahihigit ang mga hunyangong naglimos ng
panandaliang awa. Nag-umpukang muli ang kumbensyon ng mnga bangaw.
Tuloy ang pangangaroling ng mga batang di pa kuntento sa salaping napamaskuhan.
“Kikindat-kindat, kukurap-kurap. Pinaglalaruan ang iyong mga mata…”
Minsan pa, nagbalatkayo ang katahimikan bilang kapayapaan.

Mga Tanong: (100 puntos)


1. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
2. Tungkol saan ang binasang teksto?
3. Ano-ano ang inilalarawan sa tekstong binasa?
4. Paano nailarawan ng may-akda ang nagbabalat-kayong katahimikan?
5. Malinaw ba sa iyong isip ang pahambing na paglalarawan ng may-akda?
Ipaliwanag.

Pumili ng isa sa anim na uri ng teksto at gumawa ng sariling


sanaysay. (Isang buong papel)

PAMANTAYAN sa PAGSULAT
Krayterya Puntos
Nilalaman ng Sanaysay
- Ang paksa ng sanaysay ay kinakailangang
angkop sa napiling Uri ng teksto
50%
- Tama ang pagkakaayos at pagkakasunod-
sunod ng pangyayari sa isinulat na sanaysay
- Nauunawan ang ginawang sanaysay
Wika at Gramatika
- Tama ang ginamit na wika.
30%
- Tama ang baybay ng mga salita
- Tama ang paggamit ng mga bantas.
Haba ng Sanaysay
- Ang sanaysay ay hindi maaaring bumaba sa
20%
1000 na salita/words
- Hindi kasama ang titulo sa bilang ng salita
Kabuuan 100%

32
MODYUL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Pagtataya: Basahin at unawin ang bawat pahayag sa Hanay A at


hanapin ang tinutukoy nito sa Hanay B. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
___________1. – isa itong uri ng teksto na nakatuon sa
pagpapaliwanag at panghihikayat sa mambabasa A. Impormatibo
___________2. Paggamit ng kredibilidad o imahe para B. Deskriptibo
makapanghikayat.
C. Naratibo
___________3. isa itong uri ng teksto na ang pangunahing
layunin ay magbigay ng mga datos at impormasyon sa D. Persweysib
mga mambabasa E. Prosidyural
___________4. ay tekstong may pagkasunod-sunod ng mga F. Argumentatibo
impormasyon sa isang maayos na paraan
___________5. – isang uri ng teksto na nagtatagalay ng G. Ethos
mga pagpapatotoo, pagpapaliwanag at paggamit H. Pathos
nang mahusay na pangangatwiran I. Logos
___________6. Paggamit ng emosyon ng mambabasa
___________7. tekstong ito ay nasa ilalim ng chronological
na impormasyon
___________8. uri ng teksto na nakatuon sa pagbibigay ng
pangkalahatan at mga tiyak na detalye ng isang bagay,
lugar, pangyayarı, katangian, kasipian, at pakiramdam
na maaaring kongkreto o abstrakto
___________9. Paggamit ng lohika at impormasyon
___________10. pamamaraan sa pagluluto, pagbibigay
ng panuto, pagbibigay ng mga panuntunan sa laro

Mga Sanggunian:
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik isinulat ni
WILMOR L. PACAY III.
https://takdangaralin.ph/tekstong-impormatibo/

https://takdangaralin.ph/tekstong-deskriptibo/
https://philnews.ph/2020/12/04/tekstong-persweysib-halimbawa-at-kahulugan-
nito/
https://philnews.ph/2020/11/09/tekstong-naratibo-halimbawa-at-ang-
kahulugan-nito/
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-ibig-sabihin-ng-tekstong-prosidyural
https://newspapers.ph/2020/12/tekstong-argumentatibo-halimbawa-at-
kahulugan-nito/

https://prezi.com/k9t0rtwnzocf/filipino-presentation/

33

You might also like