You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 | E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

MODYUL 3
PAGSASALIN NG MGA IDYOMATIKONG EKSPRESYON

Nilalayong resulta ng pagkatuto: Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang sariling pag-unawa ukol sa mga pahayag tungkol sa pagsasalin.
2. Naisasalin ang mga salita at idyomatikong ekspresyon sa wikang Filipino sa tulong ng mga
larawan at pahayag.
3. Nakagagawa ng pagsasalin sa isang awitin gamit ang sariling dayalekto.

INTRODUKSYON
“Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa kalapit na katumbas na
diwa na gamit ang ibang wika ayon kay (Griarte, 2014).” “Ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap ng
wika ng pinakamalipat na natural na katumbas ng mensahe ng simulang wika, una ay sa kahulugan at
pangalawa ay sa istilo ayon kay (Eugene Nida, 1964).
Ang pagsasaling wika dapat isinasaalang-alang ang diwa o konteksto at ang balarila o gramatika ng
dalawang wika. Dapat isinasaalang-alang din ang pamamaraan ng pagsulat o istilo upang hindi mabago ang
diwa ng tekstong isasalin. Kadalasan nagiging kamalian sa pagsasalin, ang pagsasalin ng salita-sa-bawat-
salita sapagkat ang pagsasalin sa ganitong paraan ay maaaring hindi mabigyang pansin ang diwa, istilo at
balarila. Dapat maging maingat sa pagsasalin upang mapanatili ang diwa ng orihinal ng teksto.
Ang pagsasalin ay paglilipat ng isang akda sa pinakamalapit na diwa mula sa simulang lengguwahe
(source text) patungo sa tunguhang lengguwahe (target text). Ang tagasalin ay nararapat na may kaalaman sa
simulang lengguwahe at mas may sapat na kaalaman sa tunguhang lengguwahe upang maayos na maisalin
ang teksto.

AKTIBITI
A. Panuto: Isalin sa wikang Filipino ang mga sumusunod na salita batay sa mga larawang
inilahad.

1. ANLUWAGE: __________________ 2. SALUMPUWIT: __________________


3. SALIPAWPAW: __________________ 4. DURUNGAWAN: ___________________

5. AGSIKAPIN: ___________________ 6. SULATRONIKO: ____________________

7. PANTABLAY: ___________________ 8. PANGINAIN: ____________________

9. BATALAN: ____________________ 10. DUYOG: ___________________


B. PAHAYAG-IPALIWANAG
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ipaliwag ang iyong SARILING pag-unawa ukol
dito.

1. “Hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal.” – Gregory Rabassa

2. “Ang pagsasalin ay isang pagtataksil.”

ANALISIS:
A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at kunin ang mga idyomatikong ekspresyon. Isalin
ang mga ito sa wikang Filipino. Isulat ang inyong sagot sa loob ng talahanayan. Ang unang bilang ay
magsisilbing halimbawa.

1. Angel is daddy’s apple of the eye.


2. To lose someone you loved is everyone’s Achilles’ heel.
3. Rabiya Mateo brought home the bacon during Miss Universe Philippines 2020.
4. Joy is counting on her job for her bread and butter.
5. Its no use crying over spilt milk it was a bad investment, the money has been lost and theres nothing we
can do.
6. The car that Manuel had bought was the latest version of Montero that cost an arm and a leg.
7. The CEO said she wouldn’t add fuel to the fire by commenting without knowing all the facts.
8. We will never reach an agreement unless we sit down for a discussion. It takes two to tango.
9. If she expects to borrow money from me, she is barking up the wrong tree.
10. EJ had gone to London on a business trip, while there he killed to birds with one stone and visted his
relatives as well.

IDYOMATIKONG EKSPRESYON SA INGLES IDYOMATIKONG SALIN SA WIKANG


FILIPINO
1. apple of the eye paborito
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
1. Ano sa tingin mo ang mga balakid sa pagsasalin?

2. Batay sa mga aktibiti na iyong ginagawa, anu-ano ang mahalagang isinaalang-alang mo sa pagsasalin ng
idyoma upang mapanatili ang diwang orihinal?

3. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagsasalinbilang gawain?

ABSTRAKSYON
Panuto: Ipaliwanag ang mga kahalagahan ng pagsasalin ayon sa hinihingi ng bawat talahanayan.

MGA KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN


BILANG MAG-AARAL BILANG ISANG BILANG ISANG
ORDINARYONG TAO PROPESYONAL
APLIKASYON – ORIHINAL NA AWITING PILIPINO: SALIN SA SARILI KONG DAYALEKTO
Panuto: Pumili ng isang awiting OPM at isalin ito sa iyong sariling dayalekto
(Hiligaynon,Ilonggo, Bisaya atbp.) Gawin ito sa paraang pabidyu na hindi nawawala ang orihinal na
diwa ng awitin at maging ang tono nito. Maaaring gumamit ng iba’t ibang instrumento at paraan
nang pagiging malikhain. Pwedeng anyayahan ang iyong mga kasapi ng pamilya, kaibigan o kakilala.
I-post ito sa facebook group kung saan ka nabibilang. Tingnan ang pamantayan sa ibaba kung paano
ka tatayahin.

PAMANTAYAN 10 8 5
Kaangkupan ng Pagsasalin
Kalinawan sa Pagsasalita

Pagkamalikhain

KABUUAN

EBALWASYON
Basahin at unawaing mabuti ang katanungang nasa ibaba. Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng lima
hanggang walong pangungusap. Tingnan ang pamantayan sa ibaba kung paano ka tatayahin.

 Bakit kailangang panatilihin ang diwa o kaisipan ng isang sulatin kapag nagsasalin?

PAMANTAYAN 10 8 5
Nilalaman
Wastong gamit ng gramatika
KABUUAN

“Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.
Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.”
- Kawikaan 3:5-6

You might also like