You are on page 1of 4

HIGH SCHOOL DEPARTMENT

BAITANG 9
FILIPINO
Mga akda ng Kanlurang Asya
TALAAN NG MGA GAWAIN #1
Markahan: Ikatlong Markahan Markahan Linggo: Una at ikalawang linggo

I. Susuriin mo ang dalawang pinaghambing sa parabulang nabasa upang


maging malinaw ang mensahe ng akda.
B. Sa gawaing ito, ipaliliwanag mo ang mga pahayag batay sa mga pangyayari at nais
ipakahulugan sa binasang parabula. Isulat sa katapat na kahon ang iyong mga kasagutan.

PAHAYAG KAHULUGAN

Ako ay nagkasala sa langit at sa inyong


paningin.

Sapagkat namatay na ang kapatid


mo,ngunit muling nabuhay, Nawala
ngunit nasumpungan

Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong.

1. Ano-ano ang iyong isinaalang-alang sa pagbibigay ng kahulugan?

2. Masasabi bang sinasalamin ng mga pahayag ang kultura, gawi o


kaasalan ng taong pinatutungkulan sa parabula? Ipaliwanag.

3. Paano ipinakita ng parabula ang kultura ng mga bansa sa Kanlurang


Asya?
4. May kaibahan ba ang paraan ng pagbibigay mensahe ng mga parabula sa
Kanlurang Asya sa mga parabula natin sa Pilipinas? Pangatwiranan ang
iyong sagot.

II. Ibigay mo ang kahulugan ng mga salitang initiman batay sa paraan ng


pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Isa sa pinakamasakit ay ang pagtaksilan ka ng mga taong may sanga-sangang dila na


ituring mong kaibigan.

2. Di-maliparang uwak ang aking natatanaw na lupain na pag-aari ng isang


pulitikong napatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan.

3. Tunay na matalik na magkaibigan sina Micks at Cecil, magkabungguang- balikat


ang dalawa kahit saan magpunta.

4. Nagliliyab sa galit ang kanyang ama ng matuklasang hindi siya pumapasok sa


paaralan.

5. Pinakamaganda si Carmela sa kanilang bayan kaya marami ang


naniningalang-pugad sa kanya.

III. A. PANUTO: Isulat sa patlang ang P kung ang salita ay payak, M kung maylapi, I kung
inuulit at T kung tambalan.
___1.naglaro _____6. indak
___2.suntok _____7.kanta-kantahan
___3.uminom _____ 8.anak-pawis
___4.paghiwalayin _____ 9.kani-kanina
___5.silid-aralan _____10.tabi-tabi
B. PANUTO: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita ayon sa binibigay na
kayarian.

1.bahay (tambalan)
________________________________________________________________________________
2.sapit (maylapi-gitlapi)
________________________________________________________________________________

3.sama (inuulit)
________________________________________________________________________________

4.tuwa (maylapi-magkabilaan)
________________________________________________________________________________
5.araw (inuulit)
________________________________________________________________________________

You might also like