You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 7

Aralin : PAKIKIPAGSAPALARAN NI DON JUAN- IBONG ADARNA

I. Layunin
a. Nabibigyang kahulugan ang mga mahihirap na salita
b. Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari sa tekstong
napakinggan/napanood
c. Naisasalaysay ang naging paglalakbay ni Don Juan sa pamamagitan ng dula-dulaan

II. Paksang-Aralin
Paksa : Paglalakbay ni Don Juan
Sanggunian: K-12 Techers Guide, Learners Material Filipino 7, Ibong Adarna
Kagamitan: PC, TV, Video clips, manila paper
Pagpapahalaga: Nakatutulong ang panalangin upang ang mithiin ay makamit
Ang pagtulong sa kapwa ay ginagawa nang bukal sa puso.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasagawa ng pang-araw araw na gawain bago mag-umpisa ang klase
2. Pagbabalik aral
Dugtungang pagkwekwento sa paglalakbay ni Don Diego, panonood
3. Pagganyak
Pagpapasagot sa katanungan gamit ang think- pair -share pagkatapos ay ibabahagi sa
klase ng ilang mag-aaral.
B. Panlinang ng Gawain
a. Pag-alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagkompleto ng mga letra
gamit ang katumbas na numero.

A B
1.Subyang
s 1 11 i t 21 1 L 17 17 b
2.natilihan n 1 22 i g 9 L 1 14

3. tulutan p 1 27 1 g 1 14

4. bawa p 1 g 11 23 11 23 l 1 n g

t 9 n i 22 i i 21
5.binabata
C. Pagtalakay
talakayan /panood sa paglalakbay ni Don Juan
Mga Gabay na tanong:
1. Bakit ayaw payagan ng hari na umalis si Don Juan?
2. Sakaling ayaw payagan ng hari, anu-ano ang maaring gawin ng prinsipe?
3. Ilang buwan naglakbay si Don Juan.?
4. Anu- anu ang ginawa niya upang makarating sa bundok tabor?
5. Sino ang Nakita niya sa daan ano ang ginawa niya?
6. Bakit kung minsan ay ayaw dinggin ng Diyos ang ating panalangin?
D.Gawain
Papangkatin sa tatlo ang klase upang isagawa ang maikling dula-dulaan, skit,at
pagsunod-sunod ng mga pangyayari
IV. Ebalwasyon
Maikling pagsusulit
V. Takdang -Aralin
Basahin ang susunod na kabanata sa pahina 33- Ibong Adarna

Inihanda ni :

MARICEL S. CARIAGA
Guro sa Filipino 7

You might also like