You are on page 1of 7

RIZAL HIGH SCHOOL

FILIPINO GRADE 7
IBONG ADARNA

PAKITANG - TURO

I. MGA TUNGUHIN
A. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng masining
na pagtatanghal sa nilalaman ng akdang tinatalakay.
B. Nakapagbibigay ng sariling opinion, puna, mungkahi at damdaming namayani sa
aralin.
C. Nakalalahok sa malayang talakayan mula sa pagsagot sa mga gawain.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ibong Adarna: Ang Mga Pagsubok Kay Don Juan ni Haring Salermo
Kagamitan: LCD Projector, Laptop, Mga Pantulong na larawan, Power PointPresentation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pag uulat ng mga liban

B. Pagganyak
1. Pagbibigay ng sariling karanasan sa mga pagsubok na dumaan sa kanilang
buhay.

PAGSUBOK

Mga Tanong:
a. Anong pagsubok sa buhay ang iyong naranasan? Ilahad sa klase.
b. Paano mo ito hinarap o sinulusyunan? Ito ba ay nakaapekto sa iyong buhay?

C. Pagpapalawak ng Talasalitaan
D. Pagtatalakay sa Aralin
Presentasyon

E. Pagpapayaman
1. Bakit binigyan ni Haring Salermo ng mga pagsubok si Don Juan? Ano ang layunin ng hari sa
pagbibigay ng mahirap na pagsubok kay Don Juan?
2. Paano ito napagtagumpayan ni Don Juan?
3. Kung ikaw si Don Juan, tatanggapin mo ba ang lahat ng pagsubok na ibibigay sa iyo? Bakit?
4. Tama ba ang ginawang pagtulong ni Donya Maria kay Don Juan? Pangatwiranan. Anong
katangian ang ipinamalas ni Donya Maria sa kuwento?
5. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Don Juan na taliwas sa mga naunang pag-uugali niya?

F. Pagpapalawig
Pangkatang Gawain

Pangkat 1: Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na ipost o ilagay sa Instagram ang inyong
pinaka gustong pagsubok ni Don Juan. Ano ito? Magbigay ng simbolo na kumakatawan sa
pinakagustong pagsubok.
Pangkat 2: Magsagawa ng isang variety show na pinamagatang I CAN SEE YOUR VOICE na
kung saan ay magbibigay kayo ng kanta na may kinalaman sa pagsubok.

Pangkat 3: Sa pamamagitan ng “Dream Tower Challenge” kung kayo si Haring Salermo at


bibigyan ng pagkakataong gumawa ng mga pagsubok para sa manliligaw ng iyong anak, ano
iyon? Ipaliwanag kung bakit.

Pangkat 4: Pagsunod-sunorin ang mga kahilingan o pagsubok ni Haring Salermo kay Don Juan.
Sa pamamagitan ng pagwagayway ng mga bandila at pagsuot ng plakard sa leeg.

1 2 3 4 5 6 7
Pangkat 5: Sa pamamagitan nang pagpost sa Facebook at pagtweet sa Twitter, magbigay ng
mga Hugot Lines at Slogan na may kinalaman sa mga pagsubok ni Don Juan. Lagyan ito ng
HASHTAG.

G. Pagbabahagi ng ginawang gawain ng bawat pangkat.


H. Pagbibigay ng reaksyon/feedback sa bawat pangkat

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN

LIKE NA SUPE
LIKE!
LIKE! R
LIKE!

15 PUNTOS
                 
10 PUNTOS 5 PUNTOS
Malinaw na nailahad ang mga
kinakailangan sa gawaing may Masining ang presentasyon May pagkakaisa ang
kinalaman sa paksa pangkat

Masining ang presentasyon May pagkakaisa ang


          pangkat

May pagkakaisa ang pangkat

I. Sintesis
Mula sa mga salita sa ibaba, bubuo ang mga mag-aaral ng isang kaisipan sa
pamamagitan ng pagdudugtung-dugtong ng mga salitang nasa ibaba.

MAHALIN MAGULANG TAMA

SUNDIN PAG-IBIG
SUNDIN

Mga Tanong:
1. Naranasan mo na bang mapangakuan ng taong mahalaga sa inyo? Ano sa mga
pangako nila ang hindi ninyo malimutan?
2. Paano kung ang pangakong ito ay hindi niya tinupad? Ano ang iyong
mararamdaman?
IV. TAKDANG ARALIN
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang nangyari kay Don Juan pagdating nila ni Maria Blanca sa Berbanya?.
2. Sino ang unang babaeng nakita ni Don Juan?
3. Ano ang ginawa ni Maria Blanca para lamang maalala siya ni Don Juan? Isalaysay ito.
5. Paano nagwakas ang Ibong Adarna?

Inihanda ni :

Bb. Donalyn T. Paderes


Nagsasanay

Binigyang-pansin nina :

Bb. Ma. Concepcion Yu Gng. Marie Brombuela


Master Teacher I, Grade 7 Master Teacher I, Grade 7

Gng. Emelda N. Torres Dr. Zenaida Q. Lucas


Cooperating Teacher Adviser

Inaprubahan ni:
Gng. Melinda P. Iquin
Puno, Kagawaran ng Filipino

You might also like