You are on page 1of 1

Name:Kevin Denniel O.

Rosales
Section:10-Topaz

Mito o Mitolohiya
● Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na
kuwento o mito, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano
nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at
kuwentong-bayan.

● Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag
na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay
ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.

MITOLOHIYA

● Agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat

● Kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng
kasaysayan ng mga diyos-diyusan noong unang panahon na sinasamba at dinarakila ng
mga sinaunang tao.

MITO

● Galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay


kuwento.

● Ang muthos ay halaw pa sa mu na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig

● Representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao

You might also like