You are on page 1of 14

MITOLOHIYA

Mito o Myth
Galing sa salitang Latin na
mythos at salitang Griyego na
muthos na nangangahulugang
kwento.
Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito
mula sa pangkat ng mga tao sa isang lugar
na naglalahad ng kasaysayan ng mga
diyos-diyosan noong unang panahon na
sinasamba, dinarakila ng mga sinaunang
tao.
GAMIT NG MITOLOHIYA
1.Nakatutulong ito upang maunawaan ng
mga sinaunang tao ang misteryo ng
pagkakalikha ng mundo, tao, at ng mga
katangian ng iba pang nilalang.
2. Ito ay naglalahad ng
ibang daigdig tulad ng
langit at ilalim ng lupa.
Hindi man ito kapani-paniwalang
kuwento ng mga diyos, diyosa at mga
bayani subalit tinuturing itong
sagrado.
ELEMENTO NG
MITOLOHIYA
TAGPUAN
•Salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng
bansa kung saan ito umusbong.
•May kaugnayan sa batis, ilog, triguhan,
kabundukan, langit, lupa, ilalim ng lupa at iba.
TAUHAN
•Mga tao o tagaganap sa kuwento.
•Makukulay at puno ng imahinasyon ang
pagganap ng mga tauhan.
•Mga diyos at diyosa na may kapangyarihan.
BANGHAY
•Pagsunod-sunod ng mga kaganapan o
pangyayari sa kuwento.
•Masusuri rito ang pagiging makatotohanan at
di-makatotohanan ng may-akda.
LIMANG BAHAGI NG
BANGHAY
1. Panimula – pinakikilala ang mga tauhan
2. Saglit na kasiglahan – panandailang tagpo
ng mga tauhang masasangkot sa suliranin
3. Kasukdulan – nakakamtan ng tauhan ang
karapatan o kasawian ng kanyang pinaglalaban
4. Kakalasan – ito ang tulay sa wakas ng kuwento
5. Wakas – ito ang resolusyon o kahihinatnan ng
kuwento

You might also like