Professional Documents
Culture Documents
Baitang 10 Yunit 5
Ang Mitolohiya
Ang mitolohiya, alamat, kuwentong-kababalaghan, at mga kuwentong-bayan ay higit pa sa mga
kuwentong nagbibigay lamang ng aliw sa mga taong nakapakikinig o nakapagbabasa ng mga ito. Ang
mga kuwentong ito ay sumasalamin sa mga unang hakbang ng sinaunang tao na bigyang-buhay ang
mundo, lalo na noong mga panahong hindi pa kilala ang anumang uri ng teknolohiya. Sa
pamamagitan ng malawak na imahinasyon ng tao, tinangkang bigyang kasagutan ang mga
naglalarong tanong sa kanilang mga isip ukol sa kung
ano at saan ba nagmula ang iba’t ibang bagay sa
kanilang paligid.
1
Aralin 1 Pagsusuri ng Mitolohiyang Kanluranin
Mahalaga sa pagpapahalagang panitikan ang matamang pagsusuri ng mga sinaunang akda. Layunin
nitong tuklasin ang kasaysayan ng pinagmulan nito at ang mga katangiang nagbibigay-rikit dito. Sa
araling ito, susuriin natin ang isang kuwento mula sa mitolohiyang kanluranin–Ang Paglalakbay ni
Hercules.
Sa kuwento ng paglalakbay ni Hercules, nakilala ang iba’t ibang mitolohikal na karakter maging ito
man ay mortal o imortal. Naririto ang halimbawang pagsusuri sa ilang karakter/tauhan sa kuwento.
2
Karakter/Tauhan Katangian
Maaari kang magdagdag ng iba pang personal na pagsusuri sa katangian ng mga karakter na
ipinakilala sa kuwento. Tandaan lamang na mahalagang nasusuri ang bawat karakter sa kung ano
ang kanilang ginampanang tungkulin sa kuwento. Maaaring magsimula sa pagsusuri ng pisikal
nakaanyuan, ugali, at kilos batay sa ginampanan nitong karakter.
3
Bukod sa karakterisasyon ng mga tauhan, mayroon ding malalim na pinagmulan ang mga mitong ito.
Ang mitolohiyang Romano na tuwirang hinalaw sa mitolohiyang Griyego ay nagkakaroon ng
kaibahan batay sa politikal na pagtingin nito. Naririto ang ilang salik na ipinagkaiba ng dalawang
klasikal na mito at ang kanila ring pagkakatulad.
Bukod sa dalawang itinampok na klasikal na mitolohiyang ito, marami pang ibang mitolohiya ang
pinaniniwalaan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Naririyan ang Egyptian Mythology, African
Mythology, at ang samu’t saring Asian Mythology. Ang bawat relihiyon na may iba’t ibang
pananampalataya ay lumilikha rin ng kaniya-kaniyang diyos at diyosang sinasamba, gaya nating mga
Pilipino. Sapagkat, ang mga kuwentong ito ang nakaugat pa rin sa danas at kultura ng bawat pangkat
ng taong tumatangkilik at naniniwala rito.
4
Aralin 2
Paghahambing ng Mitolohiyang Kanluranin at
Mitolohiyang Pilipino
Makalipas talakayin sa naunang aralin ang mitolohiyang kanluranin, silipin naman natin ang
mitolohiya ng ating lahi. Sang-ayon sa pagtalakay sa kahulugan ng mitolohiya, ang mga mito sa
Pilipinas ay nahahati sa dalawang uri: (1) ang mga mito
na tumatalakay sa gawain at pakikipag-ugnayan sa atin
ng mga diyos at diyosa; at (2) ang mga mito na
tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay at
nagpapaliwanag ng kahalagahan nito sa mundo.
5
Tagpuan. Ito ay tumutukoy sa katangian ng pamayanang pinangyarihan ng
kuwento. Sumasalamin ito sa kultura ng pamayanang naniniwala sa mitolohikal
na karakter.
Mitolohikal na
Katangian at Kapangyarihan
Karakter/Tauhan
6
Dumakulem Diyos ng mga bundok; Tagapagbantay
Bathala — Tagalog
Mangetchay — Kapampangan
Gugurang — Bikol
Lumauwig at Kabunian — Bontoc at Igorot
Liddum — Ifugao
Mahal Makakaako — Mangyan
Laon — Bisaya
Magbabaya — Bukidnon
Melu — Bilaan
Makalindong — Manobo
Manama — Manuvu
7
Tingnan naman natin ngayon ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiyang kanluranin at
mitolohiyang Pilipino, suriin ang tsart sa ibaba.
Mitolohiyang Kanluranin Mitolohiyang Pilipino
8
9