You are on page 1of 15

MAGANDANG

BUHAY!
Layunin:
Naiuugnay ang
mahahalagang kaisipan
sa binasa sa sariling
karanasan
(F10PB-IIa-b-74)
Mitolohiya
Isang tradisyunal na salaysay na
isinilang mula sa sinapupunan ng
kultura ng tradisyong oral. Ang
salitang mitolohiya ay hango sa
salitang Griyego na myhtos na ang
ibig sabihin ay kuwento. Ito ay
natatanging kuwento na kadalasang
tumatalakay sa kultura, sa mga diyos
o bathala at ang kanilang mga
karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
Bakit mahalaga ang mitolohiya?
• Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag
ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na
pangyayari.
• Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang
paniniwalang panrelihiyon.
• Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng
kasaysayan. Mahalaga rin ito upang
maipahayag ang takot at pag-asa ng
sangkatauhan.
Ano-ano ang
elemento ng
mitolohiya?
1. Tauhan
•Ang mga tauhan sa
mitolohiya ay mga diyos o
diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan.
ii. tagpuan
•May kaugnayan ang
tagpuan sa kulturang
kinabibilangan at sinauna
ang panahon.
iii. banghay
•maraming kapana-panabik na
aksiyon at tunggalian
•maaaring tumalakay sa
pagkakalikha ng mundo at mga
natural na mga pangyayari
•nakatuon sa mga suliranin at paano ito
malulutas
•ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng
mga diyos at diyosa
•tumatalakay sa pagkakalikha ng
mundo, pagbabago ng panahon at
interaksiyong nagaganap sa araw,
buwan at daigdig
iv. tema
•magpaliwanag sa natural na
pangyayari
•pinagmulan ng buhay sa
daigdig
•pag-uugali ng tao
•mga paniniwalang
panrelihiyon
•katangian at kahinaan ng
tauhan
•mga aral sa buhay
PAGBASA
Sina thor at loki
sa lupain ng mga
higante
ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino
ni Sheila C. Molina

You might also like