You are on page 1of 1

Mitolohiyang Griyego

Ang mitolohiyang Griyego ang katawan ng mga mito at katuruan


ng mga Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng
pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at
pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at
mga Bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng
relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo na kilala
bilang Hellenismos. Ang mga modernong skolar ay nag-aaral ng
mitolohiyang Griyego upang magbigay linaw sa mga institusyong
relihiyoso at pampolitika ng Sinaunang Gresya at ng kabihasnan
nito. Pinag-aaralan rin ito ng mga skolar upang maunawaan ang
kalikasan ng mismong paggawa ng mito. Sa simula, ang mga
salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang Gresya sa
isang tradisyong tulang-pabigkas. Sa kasalukuyan, ang ating mga
nanatiling sanggunian ng mga mitolohiyang Griyego ay mga
gawang pang-panitikan ng mga tradisyong pagbigkas. Sumasalamin
din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga
gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy
ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na
gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay
at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi
nauunawang mabuti.

You might also like