You are on page 1of 6

AMBAG NG GREECE

Ambag ng Kabihasnang Griyego

Tampok sa Greece ang pagtataguyod sa konsepto ng


demokrasya. Naniniwala ang mga griyego sa taglay na
kakayahan ng tao. Itinuturing na ganap o direkta ang
demokrasya sa Athens ngunit limitado sa mga
kalalakihan ang pagiging isang mamamayan. Nakita sa
nagging kasaysayan nila ang konsepto ng pagiging
isang mamamayan. Ang mamamayan ay hindi lamang
tumutukoy sa isang taong naninirahan sa isang lugar,
bagkus, isang taong my karapatan at responsibilidad sa
lipunan. Siya ay maalam sa mga pangyayari sa lipunan
at nakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang
mamamayan ay sangkot sa pagpili ng mga pinuno,
paggawa ng batas, pagpapasya at pagpapatupad ng
batas, at pagtatanggol sa lungsod-estado.

SOCRATES

PILOSOPIYA
Naniniwala ang mga Griyego na bahagi ng pagkilala sa
kakayahan ng tao ang paglinang ng mga kaisipan upang
malaman ang mga kasagutan sa mga pangyayari sa
mundo. Gamit ang kakayahang makapag-isip at
mangatwiran, pinagtutuunan nya ng pansin ang
pagsusuri sa mundong ginagalawan upang
maipaliwanag ang ibat ibang phenomenon. Kabilang din
sa pag-aaral ang kalikasan ng tao at ang pagkilos ng
lipunan. Ang kalipunan ng mga pag-aaral na ito ay
tinatawag na pilosopiya, hang sa salitang Griyego na
ang ibig sabihin ay Pagmamahal sa Karunungan.

Pangunahing pilosopo ng Greece si Socrates na


nanirahan sa Athens. Naniniwal siyang
mahalaga sa isang taong kilalaning mabuti ang
sarili upang Makita ang saysay ng buhay. Upang
matamo ang mga kasagutan tungkol sa sarili at
lipunan, kailangang suriin ito sa pamamagitan
ng masusing pagtatanong. Marami ang
nahikayat niya at naging tagsunod dahil narin sa
kanyang angking karunungan. Hindi siya
tumatanggap ng salapi bilang kabayaran. Nagalala an gang ilang maykapangyarihan sa
Athens sa pangambang isang mapanganib na
kaisipan ang itinuturo ni Socrates, lalo na sa
mga kabataan. Hinatulan siyang mamatay sa
pamamagitan ng pag-inom ng lason, patuloy
siyang nakipag-usap sa kanyang mga kaibigan.
Si Plato, ang isa sa kanyang mga tagasunod,
ang nagtala ng mga aral ni Socrates dahil wala
siyang naisulat na aral.

PLATO

PANITIKAN

Si plato ay kaibigan at mag-aaral ni Socrates na


nagpatuloy ng mga kaisipan ng kanyang guro. Itinatag
niya ang isang paaralang kung tawagin ay Academy.
Nagturo siya rito ng matematika at pilosopiya. Isinulat
niya ang The Republic na naglalarawan ng kanyang
mga kaisipan sa isang mainam na pamahalaan at
estado. Naniniwala siyang ang isang lipunan ay dapat
pamunuan ng panakamaalam at pinakamatalinong tao
at hindi ng pinakamayaman, makapangyarihan, o sikat.

Kinikilala ang kahusayan ng mga Griyego sa


larangan ng panitikan na kanilang nalinang
bilang paraan ng paglalahad ng mga karanasan
at pagpapahalaga ng mga tao. Nakabuo sila ng
ibat ibang anyo ng letiratura na itinuturing na
klasikal dahil sa mga temang waring di
kumukupas at ang istilo ay naging pamantayan
ng ibang manunulat. Panugnahin ditto ang
dalawang epikong pinamagatang Iliad at
Odyssey. Umiinog ito sa digmaang namagitan
sa Troy at Mycenae. Isinulat ang mga ito ni
Homer makalipas ang 500 na taon pagkatapos
ng digmaan. Inilahad ng Iliad ang mga
pangyayari sa digmaan at naipakilala ang
kahusayan ng mga mandirigmang tulad nina
Achilles ng Greece at Hector ng Troy.
Ang mga pakikipagsapalaran ng haring Griyego
na si Odysseus habang pauwi na siya mula sa
pakikipaglaban sa mga Trojan ang siyang paksa
naman ng Odyssey. Malaki ang naging
impluwensya ng tema at istilo ng mga epikong
ito sa mga sumusunod na panitikang Griyego.
Ipinakilala rin ang mga diyos at diyosang may
katangiang tao. Ang ilang bahagi ng tulang epiko
ay ginamit ng mga historian bilang dokumentong
pangkasaysayan bagamat ang mga itoy mga
kathang-isip lamang.

ARISTOTLE
Sa tatlong polosopo, si Aristotle ang kinikilalang
nagtataglay ng ibat ibang talento. Mag-aaral siya ni
Plato at nakapagtatag din ng sariling paaralan sa Athens
na tinatawag na Lyceum. Isinulat niya ang mga
kaalaman sa larangan ng etika, sining, agham,
panitikan, at pulitika. Kinilala rin siya bilang
tagapagsimula ng lohika, ang agham ng
pangangatwiran.

Nahilig ang mga Griyego sa pagsusulat at


pagtatanghal ng mga drama. Ang drama ay
dalawang uri: ang trahedya at ang komedya.
Ipinakikita ng trahedya ang paghihirap ng isang
tauhan at ang paniniwala ng mga Griyego na
kailangang maging matatag ang mga tao sa
pagharap ng kanilang kapalaran. Kilala sa
larangang ito sina:

1.

Aeschylus na my akda ng Prometheus


Bound

2. Sophocles (Antigone at Oedipus the King)


3. Ueripides( Media at The Trojan Women)

detalyado ang mga kaanyuan ng mga tao sa


mga pagpipinta o paglililok na ginhawa.

Ang komedya naman ay patungkol sa mga


nakakatawang pagtatanghal. Si Aristophanes
ang kinilala bilang maestro ng komedya.
Binibigyang-pansin ng mga akda niya ang mga
niyang Archarnians, Peace, at Lysistrata na
pare-parehong Wasps ay satirikong pagtuligsa
sa pamamaraan sa sistemang hudisyal ng
Athens. Karaniwang gumagamit ang mga
manunulat ng komedya ng mga tauhan sa
kasaysayan, diyos, hayop, at nakatatawang
halimaw upang maiparating ang kanyang
kaisipan at mensahe.

IBA PANG LARANGAN KUNG SAAN KILALA


ANG GREECE

SINING

Nasaksihan ng mga Griyego ang pagiging


perpekto ng kalikasan at tinangka nilang ipakita
ang balance, kaayusan, proporsyon, at
kahinahunan sa kanilang mga obra. Mainam na
halimbawa ng arkitektura ang Parthenon. Ito ay
isang temple ng ginawa sa panahon ni Pericles
bilang pagbibigay-pugay sa diyosang si Athena.
Makikita sa loob ng templong ito ang malaking
estatwa ni Athena na ginawa naman ni Phidias.
Karaniwang ginagawang modelo ang tao sa
mga pagpipinta at paglililok. Binibigyang-halaga
sa mga obra ang perpekto o ang ideyal na
kaanyuan ng mga ito. Mukhang totoo at

Sa larangan ng relihiyon, naniniwala ang mga


sinaunang nagtataglay ng mga katangiang tao.
Ang pinakamataas sa kanila ay si Zeus na
asawa ni Hera at naninirahan sila sa Mount
Olympus. Ang ilan pa sa kanilang mga diyos ay
sina Poseidon(diyos ng karagatan),
Athena(Diyosa ng karunungan),
Aphrodite(diyosa ng kagandahan), at
Apollo(diyos ng araw, awit, at paggagamot) at
iba pa. Pinaniniwalaan ng mga Griyego na ang
masalimuot na buhay ng mga tao ay bunga na
rin ng pagiging hindi perpekto ng mga diyos.
Sinasalamin ng mga tao ang uri ng mga diyos at
diyosang hindi rin perpekto. Ang mga kuwentong
tungkol sa diyos/diyosa ay nagpasalin-salin sa
mga henerasyon at nang lumaon ay naging
bahagi nang mitolohiya ng mga Griyego.
Ipinakita ng mga mito at maging ng mga tulat
epiko na marahil ay may diyos na nakialam sa
mga sitwasyon kapag may nangyaring kakaiba

at hindi kayang ipaliwanag ng mga tao. Sa


larangan ng medisina, pinag-aralang mabui ng
mga Griyego ang tunay na dahilan ng

karamdaman ng tao at ang pagtakwil sa tao na


sanhi ng maraming pinsala sa katawan.

PROJECT IN AP
PROJECT IN
SCIENCE

You might also like