Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na
nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Ang parabula ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga kuwentong hango sa Banal na Kasulatan o Bibliya.Ang mga halimbawa nito ay "Ang Mabuting Samaritano" at "Ang Alibughang Anak". Duplo Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa bernakular. Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso. Ang nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa debate. Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na magsabi ng isang dalit para sa namatay. Ang mitolohiya ay koleksyon ng mga iba't-ibang kwentong mito na kadalasan ay tungkol sa mga diyos at diyosa.
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-bayan. Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa). Karaniwang paksa ng awit ang pakikipagsapalaran ng bayani, ngunit ang iba'y tumatalakay din sa mga alamat at relihiyosong tula. Sa pag-aaral ng batikang mananaliksik Damiana L. Eugenio, ang "awit" ay walang ikinaiba sa "korido", maliban lamang sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang awit, gaya ng korido, ay nagtataglay ng tatlong elemento. Una, ang pag-iibigan. Ikalawa, ang relihiyoso at pangangaral. At ikatlo, ang kahima-himala at kagila-gilalas. Ito ay isang kuwentong bayan na kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao,tulad ng kuwento ng pagong at matsing. Ito ay bahagi ng ating matandang panitikan na mula pa sa panahon ng ating mga ninuno at ito'y nagpalipat- lipat sa bibig ng mga salinlahi na nag-iiwan ng gintong aral o kakintalan sa isipan ng mga mambabasa sa bawat wakas nito. Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa wikang Tagalog ngMaynila, subalit nanatili pa rin ang tunay na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan. Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran. Mga halimbawa ng uri ng bulong na nagtataboy ng masasamang diwa o maligno ay ang Xristac Ortac Aminatac at " umalayu deketam e pesan a ore ni kamalotan de tabiang ni makedepat". Ang maikling kuwento o maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento." Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.
Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sa bandang huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura ng bayang pinagmulan nito. Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). [1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.