You are on page 1of 38

Self-Instructional Packets (SIPacks) in Filipino 10

Kwarter: Una Linggo 2: Unang Sesyon

I. LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.


(F10PD-Ia-b-61)

2. Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan. (F10PN-Ia-b-62)

II. PAKSA:
A. Panitikan – Cupid at Psyche
B. Gramatika – Pokus ng Pandiwa

a) Sanggunian:
a) Sanggunian: https://youtu.be/nHtYHrSef6Q; https://youtu.be/u6WnjqnETTQ;
Filipino Modyul para sa Mag-aaral pp 8-27

b) Kagamitang Instruksyunal:
a) Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards

III. PAMAMARAAN:

A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)

Panuto: Sa pamamagitan ng akrostik, ano ang pagkakaalam mo kapag nababasa ang


salitang mitolohiya. Gamitin bilang unang titik ang mga titik sa salitang mitolohiya.
Gawing batayan ang unang letra.

M-ga diyos at diyosa ang mga tauhan

I-

T-

O-

L-

O-

H-

I-

Y-

25
A-

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Panuto: Sa pamamagitan ng binuong akrostik, bumuo ka ng pangungusap para


bigyang

kahulugan ang mitolohiya. Gawing batayan ang halimbawa.

Halimbawa:

Sina Zeus, Poseidon at Hades ay mga diyos na gumaganap sa mga mitolohiyang


Griyego.

1.

2.

3.

4.

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin)
Panuto: Panoorin mo ang mito na pinamagatang Asuang at Gugurang- Sinaunang
Diyos ng mga Bikolano sa mitolohiyang Pilipino. Narito ang link na iyong hahanapin sa
youtube. https://youtu.be/nHtYHrSef6Q

Habang nanonood, bigyang-tuon ang mensahe ng pinanonood.

*Sa mga hindi makapanonood: Basahin na lamang ang isinaling sipi sa ibaba.

Asuang at Gugurang

(Sinaunang Diyos ng mga Bikolano sa mitolohiyang Pilipino)

Noong unang panahon, mapayapang namumuhay nang magkasama ang mabuti at


masamang diyos. May pagkakaunawaan ang dalawang panig para magkaroon ng
balanse sa mundo. May mga nagsasabi na ang dalawa ay magkapatid. Sila ay
namumuhay sa magkabilang panig.

Si Gugurang, ang mabuting diyos, ay naninirahan sa loob ng Bundok Mayon. Si


Asuang, ang masamang diyos ay sa loob ng Bundok Malinao naninirahan.

Kontrolado ni Gugurang ang apoy kung kaya hawak din niya ang mga tao. Kapag
hindi siya nasisiyahan sa mga gawain ng tao, payayanigin niya ang mundo mula sa
kailaliman ng Bundok Mayon. Kapag naramdaman niyang hindi karapat-dapat

26
patawarin ang mga tao, pasasabugin niya ang bulkan upang mawala ang mga
nilalang.

Samantala, si Asuang ay walang pinanghahawakan sa mga tao. Nangingimbulo sa


kapangyarihan ni Gugurang, nagmakaawa na pagkalooban siya ng apoy. Tumanggi si
Gugurang.Batid ni Gugurang ang layunin ni Asuang – ang makuha ang kalooban ng
mga tao.

Sa unang banda, matagal na nagtalo ang dalawa subalit nanatiling matatag si


Gugurang.

Sa kabilang dako naman ay nagawang papaglahuin ni Asuang ang kanyang sarili para
hanapin ang apoy. Nagawang salisihin ni Asuawang ang mga tagapagbantay. Inilagay
niya apoy sa bao ng buko saka mabilis na tumakbo patungong Bundok Malinao.

Hindi mapigilan ni Asuang ang kanyang bagong kapangyarihan, pinaliyab niya ang
mundo. Bawat lugar na madaanan ni Asuang ay nag-aapoy.

Sinundan ni Gugurang ang apoy hanggang sa magkaharap sila ni Asuang. Kinuha


niya ang apoy saka nagbalik sa Bundok Mayon.

Nagsumamo siya sa mga diyos na kontrolin ang nagngangalit na apoy. Nagsimulang


umulan nang tuloy-tuloy. Nang naapula na ang apoy, inutusan ni Gugurang ang kidlat
na si Linti at kulog na si Dalogdog na patamaan nang matindi ang Bundok Malinao.
Kumidlat at kumulog nang pagkalakas-lakas na umabot ng ilang minuto.

Matapos nooý, napansin ng mga tao na tila nahahati sa dalawa ang Bundok Malinao.

D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan # 1)

A. Matapos mong mapanood ang mito mula sa Bicol, ano ang mensahe na iyong
natutuhan mula rito?

Narito ang mga hakbang na maaari mong gawin sa pagtukoy sa aral na natutuhan
mula sa napanood o nabasa.

1. Ano ang suliranin?

2. Paano nalutas ng tauhan ang suliranin?

3. Ano ang natutuhan ng tauhan?

Ngayong nasagot mo na sa iyong isipan ang mga katanungan, ano ang nais ng
awtor na iyong matutuhan mula sa napanood o nabasa?

Ang natutuhan ko mula sa aking napanood/nabasa


ay

B. Basahin mo naman ngayon ang isang mito mula sa Roma. Matapos mong
mabasa, isulat ang mensaheng nais ng awtor na iyong matutuhan.

27
Cupid at Psyche

(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)

Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae.
Ang bunsong si Psyche ang pinakamaganda sa tatlo . Labis siyang hinahangaan at
sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus, ang diyosa ng kagandahan,
ay hindi makapapantay sa ganda nito. Nalimot na rin ng kalalakihan ang magbigay ng
alay at magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang templo ay hindi na nakatatanggap
ng mga alay, naging marumi at unti-unti na ring nasisira. Lahat ng papuri’t
karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus.
Inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si Psyche sa isang
nakatatakot na nilalang. Agad tumalima si Cupid at hinanap ang nasabing babae.
Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang kagandahan ng dalaga. Tila ba
napana niya ang kaniyang sariling puso.

Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang ina ang nangyari. Labis
namang nagtiwala si Venus at hindi na inusisa ang anak. Nanabik ang diyosa ng
kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni Psyche.

Gayunman, hindi naganap ang inaasahan ni Venus. Hindi umibig si Psyche sa


isang nakatatakot na nilalang o kahit kanino. Ang isa pang nakapagtataka ay walang
umiibig sa kaniya. Kontento nang pagmasdan at sambahin siya ng mga lalaki subalit
hindi ang ibigin siya. Ang kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay
niyang kagandahan ay nakapag-asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa
kani-kaniyang palasyo. Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila walang
nais magmahal sa kaniya.

Nabahala ang magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring ama ni Psyche


upang humingi ng tulong kay Apollo. Hiniling niyang payuhan siya ni Apollo kung
paano makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak. Lingid sa kaalaman
ng hari naunang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo. Sinabi niya ang kaniyang
sitwasyon at nagmakaawang tulungan siya. Sinabi ni Apollo sa hari na
makapangangasawa si Psyche ng isang nakatatakot na nilalang. Pinayuhan niya ang
hari na bihisan ng pamburol si Psyche, dalhin siya sa tuktok ng bundok at iwan nang
mag-isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang mapapangasawa na isang halimaw,
isang ahas na may pakpak.

Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo


subalit agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si
Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche,
ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa
tuktok ng bundok. Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring
mangyari kay Psyche. Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang na
hinarap ng dalaga ang kaniyang kapalaran. “Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako.
Ang taglay kong kagandahan ang sanhi ng panibugho ng langit,” sumbat niya sa
kaniyang ama. Pagkatapos nito ay pinaalis na ni Psyche ang kaniyang mga kasama
at sinabing masaya niyang haharapin ang kaniyang katapusan.

Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong bundok.


Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya.
Patuloy siyang tumatangis at nanginginig sa takot hanggang sa dumating ang
malambing na ihip ng hangin ni Zephyr. Inilipad siya nito at inilapag sa isang
damuhang parang na kasinlambot ng kama at pinahalimuyak ng mababangong
bulaklak. Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang lahat ng kaniyang kalungkutan.
Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi. Nang magising si Psyche sa tabi ng ilog,
natanaw niya sa pampang nito ang isang mansiyon na parang ipinatayo para sa mga
diyos. Nagmasid-masid siya at labis ang kaniyang pagkamangha sa kagandahan nito.

28
Yari sa pilak at ginto ang mga haligi at ang sahig ay napalamutian ng mga hiyas. Nag-
aalinlangan niyang buksan ang pinto subalit may tinig na nangusap sa kaniya.
“Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka, magbihis at ihahanda namin
ang piging para sa iyo. Kami ang iyong mga alipin,” wika ng mga tinig.

Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng masasarap na pagkain.


Buong araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi
niya nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya sa
mansiyon. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, batid niyang sa pagsapit ng gabi
ay darating ang kaniyang mapapangasawa. Lumipas ang maghapon nang hindi niya
namamalayan. Pagsapit ng gabi nangyari nga ang inaasahan niya. Naramdaman niya
ang pagdating ng lalaki. Tulad ng mga tinig hindi niya ito nakikita. Bumulong ang lalaki
sa kaniyang tainga. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki, nawala ang lahat ng takot
na kaniyang nararamdaman. Sa kaniyang paniniwala, hindi halimaw ang lalaki kundi
isang mangingibig at asawang matagal na niyang hinihintay.

Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may
panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid. “Darating ang iyong
mga kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan,” wika ng asawa.
“Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat magbubunga ito ng
matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,” habilin ng lalaki. Nangako naman si
Psyche na tatalima sa kagustuhan ng asawa.

Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid. Labis


na naantig ang kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang ibsan ang
kanilang kalungkutan at patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa maging siya ay
umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan pa siya ng kaniyang asawa na umiiyak.
Sinabi ng lalaki na maaari na niyang makita ang kaniyang mga kapatid subalit
mahigpit pa rin ang kaniyang babala. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang
hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan,” wika ng lalaki. Pinayuhan siya nang
masinsinan na huwag siyang pabubuyo kaninuman na subuking sulyapan ang mukha
ng lalaki. Kung mangyayari ito, magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya.
“Nanaisin kong mamatay nang isandaang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa
aking piling. Pagbigyan mo lang ang kaligayahan kong muling makapiling ang aking
mga kapatid,” buong pagmamakaawang hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon
ang lalaki.

Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid ni


Psyche. Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan ang magkakapatid. Walang
mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang kaligayahan. Nang pumasok na sila sa
mansiyon labis na pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid. Sila ay nakatira
sa palasyo subalit walang kasingganda ang mansiyon na ito. Nag-usisa sila kung sino
ang napangasawa ni Psyche. Tulad ng kaniyang ipinangako inilihim ni Psyche ang
tunay na pagkatao ng asawa. Nang matapos na ang pagdalaw ng kaniyang mga
kapatid, dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kaniyang mga
kapatid. Ipinahatid niyang muli ang mga kapatid kay Zephyr. Labis na pangingimbulo
ang naramdaman ng mga ate ni Psyche sa kaniya. Ang kanilang kayamanan ay hindi
maihahambing sa kayamanang kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot nang
labis na inggit ang kanilang puso na humantong sa pagpaplano nila ng
ikapapahamak ng kanilang bunsong kapatid.

Noong gabi ring iyon, muling kinausap ng lalaki si Psyche. Nagmakaawa


siyang huwag na muling patuluyin sa kanilang tahanan ang kaniyang mga kapatid.
“Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong pangako,”
masidhing paalala ng kaniyang asawa. “Bawal na kitang makita, pati ba naman ang
mga mahal kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat ni Pysche. Muling pinagbigyan ng
lalaki ang asawa na makita ang kaniyang mga kapatid.

29
Kinabukasan, muling dumalaw ang dalawang kapatid na may nabuo nang malagim na
balak sa kanilang bunsong kapatid. Nag-usisa sila nang nag-usisa hanggang malito
na si Psyche sa kaniyang mga pagsisinungaling. Napilitan siyang sabihin ang
katotohanang bawal niyang makita ang mukha ng kaniyang asawa at hindi niya alam
ang anyo nito. Ikinumpisal ng magkapatid na alam na nila noon pa na ang asawa ni
Psyche ay isang halimaw batay sa sinabi ng orakulo ni Apollo. Nagsisisi sila kung
bakit nila ito inilihim kay Psyche. Binuyo nila si Psyche na dapat na niyang malaman
ang katotohanan bago mahuli ang lahat. Mabait lamang daw ang kaniyang asawa
ngayon subalit darating ang araw na siya ay kakainin nito.

Takot ang nangibabaw sa puso ni Psyche sa halip na pagmamahal. Ngayon


lamang niya napagtagni-tagni ang katanungan sa kaniyang isip. Kaya pala
pinagbabawalan siyang makita ang hitsura ng kaniyang asawa sapagkat halimaw ito.
At kung hindi man ito halimaw, bakit ito hindi nagpapakita sa liwanag? Magkahalong
takot at pagkalito ang naramdaman ni Psyche. Humingi siya ng payo sa kaniyang
kapatid. Isinagawa na ng nakatatandang mga kapatid ang masama nilang balak.
Pinayuhan nila si Psyche na magtago ng punyal at lampara sa kaniyang silid. Kapag
natutulog na ang kaniyang asawa sindihan niya ang lampara at buong tapang niyang
itarak ang punyal sa dibdib ng asawa. Humingi lamang daw si Psyche ng tulong at
nasa di kalayuan lamang ang dalawa. Kapag napatay na ni Psyche ang asawa
sasamahan siya ng kaniyang mga kapatid sa pagtakas. Iniwan nila si Psyche na
litong-lito. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa subalit paano kung halimaw nga
ito? Nabuo ang isang desisyon sa kaniya. Kailangan niyang makita ang hitsura ng
kaniyang asawa.

Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si


Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang mga ito.
Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa. Laking
ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan niya sa
unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa. Hindi halimaw ang kaniyang
nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang
kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa
labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang
sarili. Nang akma na niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang
kaniyang kamay at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay
kapwa nagligtas at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang
kaguwapuhan ng kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na
langis ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan ang kaniyang pagtataksil.
Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita.

Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang
lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang
talaga. “ Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika niya bago tuluyang
lumipad papalayo. “Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “ Siya ang
asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa kaniya.
Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?” wika niya sa kaniyang sarili. Inipon
niya ang lahat ng nalalabi niyang lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak
ng aking buhay upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa
akin, maipakikita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche
ang kaniyang paglalakbay.

Sa kabilang banda, umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang


kaniyang sugat. Isinalaysay niya sa kaniyang ina ang nangyari. Nagpupuyos sa galit si
Venus at lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche. Iniwan niya si Cupid nang
hindi man lang tinulungang gamutin ang sugat nito. Determinado si Venus na ipakita
kay Psyche kung paano magalit ang isang diyosa kapag hindi nasiyahan sa isang
mortal.

30
Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos. Siya
ay palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos subalit wala sa
kanila ang nais maging kaaway si Venus. Nararamdaman ni Psyche na wala siyang
pag-asa sa lupa o sa langit man. Kaya minabuti niyang magtungo sa kaharian ni
Venus at ialay ang kaniyang sarili na maging isang alipin. Sa ganitong paraan ay
umaasa siyang lalambot din ang puso ni Venus at huhupa rin ang kaniyang galit.
Nagbabakasakali rin siyang naroon sa kaniyang ina si Cupid. Sinimulan na niya ang
paglalakbay.

Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus, humalakhak nang malakas ang


diyosa. Pakutya niyang tinanong si Psyche, “Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng
mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong asawa ay wala nang pakialam sa iyo,
sapagkat muntik na siyang mamatay dahil sa natamong sugat mula sa kumukulong
langis na dulot mo. Isa kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka
magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa butas ng karayom.” Sinabi ng diyosa
na tutulungan niya si Psyche sa pagsasanay. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang
isang malaking lalagyan na puno ng iba’t ibang uri ng maliliit na butong pinaghalo-halo
niya. Inutusan niya si Pysche na bago dumilim dapat ay napagsama-sama na niya
ang magkakauring buto. Agad lumisan ang diyosa.

Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking tumpok ng mga buto.


Napakaimposible ng ipinagagawa sa kaniya ng diyosa. Nasa ganitong pagmumuni si
Psyche nang pagmasdan siya ng mga langgam. Kung ang mga mortal at imortal ay
hindi naaawa sa kaniya, hindi ang maliliit na nilalang. Nagtawag ang mga langgam ng
kanilang mga kasama at sinimulan ang pagbubukod-bukod ng mga buto. Agad
natapos ang gawain. Pagdating ni Venus, hindi siya nasiyahan sa kaniyang nakita.
Sinabi niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok ni Psyche. Binigyan niya si Psyche
ng matigas na tinapay. Sinabi rin ng diyosa na sa sahig siya matutulog. Inisip ng
diyosa na kung pahihirapan at gugutumin niya si Psyche mauubos rin ang nakaiinis
nitong ganda. Samantala, tiniyak ni Venus na hindi makalalabas si Cupid sa kaniyang
silid habang pinahihilom nito ang kaniyang sugat. Nasisiyahan si Venus sa
magandang takbo ng mga pangyayari.

Kinaumagahan, isang mapanganib na pagsubok ang ipinagawa ni Venus kay


Psyche. Pinakukuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog.
Ang mga tupa ay mababangis at mapanganib. Nang marating ni Psyche ang ilog,
natutukso siyang tumalon at magpalunod na lamang upang matapos na ang kaniyang
paghihirap. Nakarinig siya ng tinig mula sa halamang nasa tabi ng ilog. “Huwag kang
magpapakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang ipinagagawa sa iyo. Kailangan
mo lang maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng gintong balahibo ng
tupa.

Pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa mula sa malalabay na halamanan ay


magtutungo dito sa ilog upang magpahinga. Magtungo ka sa halamanan at doon ka
kumuha ng mga gintong balahibong nasabit sa mga sanga.” Sinunod ni Psyche ang
payo ng halamang nasa tabi ng ilog. Umuwi siya sa kaharian ni Venus na dala ang
mga gintong balahibo ng tupa.

“May tumulong sa iyo!” sumbat ni Venus kay Psyche. “Hindi mo ginagawa nang mag-
isa ang mga pinagagawa ko sa iyo. Hindi bale, bibigyan kita ng pagkakataong
patunayan na sadyang mapagkunwari kang may mabuting puso at magaling.” Itinuro
ni Venus sa malayo ang itim na tubig ng talon. Binigyan niya si Psyche ng prasko at
pupunuin ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche sa ilog ng Styx. Nakita niyang
malalim ang bangin at mabato. Tanging may pakpak lamang ang maaaring makaigib
ng tubig. Sa lahat ng kaniyang pagsubok, ito na ang pinakamapanganib. Tulad ng
inaasahan may tumulong kay Psyche. Isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni
Psyche at lumipad malapit sa talon. Pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang

31
prasko.

Hindi pa rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche. Ayaw niyang


magmukhang tanga sa harap ng madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa
kawawang mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya ng
kagandahang kukunin ni Psyche mula kay Proserpina, ang reyna sa ilalim ng lupa.
Inutos ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya ito sapagkat napagod siya sa
pag-aalaga ng kaniyang anak na maysakit. Katulad ng mga nauna agad tumalima si
Psyche. Dala ang kahon, tinalunton niya ang daan papunta sa kaharian ni Hades.
Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya ng detalyadong hakbang
patungo sa kaharian sa ilalim ng lupa. Una, kailangan niyang pumasok sa isang butas
na lagusan patungo sa ilalim ng lupa sa tabi ng ilog ng kamatayan. Kailangan niyang
sumakay sa isang bangkang ang bangkero ay si Charon. Kailangan niyang bayaran
ng pera si Charon upang siya ay makatawid. Makikita na niya ang lansangan patungo
sa palasyo. Sa pintuan ng palasyo may nagbabantay na isang asong tatlong ulo.
Kapag binigyan ng cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang
magpapasok sa palasyo.

Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore. Pinaunlakan din ni


Proserpina ang kahilingan ni Venus. Agad nakabalik si Psyche nang mas mabilis pa
kaysa kaniyang pagbaba. Gayunman, nasubok muli ang karupukan ni Psyche. Sa
paghahangad niya ng karagdagang kagandahan upang umibig muli si Cupid sa
kaniya, natukso siyang kumuha ng kaunting ganda sa loob ng kahon. Nang buksan
niya ito, tila walang laman subalit nakadama siya ng matinding panghihina at agad
nakatulog.

Sa mga panahong ito ay magaling na si Cupid. Sabik na siyang makita ang


kaniyang asawa subalit ibinilanggo siya ng kaniyang ina. Mahirap bihagin ang
pagmamahal. Kaya humanap si Cupid ng paraan upang makatakas. Nakita niya ang
bukas na bintana at doon siya nakatakas. Nahanap niya agad si Psyche malapit sa
palasyo. Agad niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at agad sinilid ang gayuma sa
kahon. Bahagya niyang tinusok ng kaniyang busog si Psyche upang magising.
Pinagalitan niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mausisa nito na
humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi niyang magtungo si Psyche sa
kaniyang ina at ibigay ang kahon. Dito na magtatapos ang pagpapahirap ng kaniyang
ina.

Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman ay lumipad


patungo sa kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling niya na tiyaking
hindi na sila gagambalain ng kaniyang ina. Pumayag si Jupiter.

Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na si


Venus. Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at
wala nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si Psyche
sa kaharian ng mga diyos. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia, ang
pagkain ng mga diyos upang maging imortal. Naging panatag na rin si Venus na
maging manugang si Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At kung maninirahan na
ang manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na muling makagagambala si Psyche
sa pagsamba ng tao kay Venus.

Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng


mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

Panuto: Batay sa mga pangyayari na naranasan ng mga tauhan sa mito. Ano ang
mensaheng nais ipahayag ng sumunod na tauhan sa akda. Isulat mo ang iyong sagot
sa grapikong pantulong.

32
E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2)

Panuto: Sa pagbabasa mo ng talata sa klase, ang madalas na itinatanong ng iyong


guro: Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang talata?

Sa pagtunton sa pangunahing kaisipan, kailangang mabatid mo muna kung


ano ang pinakapunta ng talatang binasa. Ang pinakatinutumbok ng talata ay ang
pangunahing kaisipan. Ito ang pinakamahalagang paksasa talata.

Maaaring matagpuan ang pangunahing kaisipan sa unahan, gitna o huling


bahagi ng talata. Subalit madalas na makikita natin ang pangunahing kaisipan sa
unang bahagi ng talata.

Kapag natukoy mo na ang pangunahing kaisipan, mapagtitibay mo ito sa


pamamagitan ng mga pantulong na kaisipan na makikita rin sa talata.

Basahin mo ang mga halimbawa:

A. Punum-puno ng galit si Venus sa mortal na si Psyche. Labis kasi siyang


hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi pa nilang kahit si Venus, ang
diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda ni Psyche. Nalimot na rin ng
kalalakihan ang magbigay ng alay at magpuri sa diyosa. Ang kaniyang templo ay hindi
na nakatatanggap ng mga alay, naging marumi at unti-unti na ring nasisira. Lahat ng
papuri’t karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal.

Sa talatang ito:

Ang pinakapaksa ay ang pagkagalit ni Venus kay Psyche.

Ang pangunahing kaisipan ay punum-puno ng galit si Venus sa mortal na si


Psyche. Ang pangungusap na ito ay matatagpuan sa unang bahagi ng talata.

Ang mga pantulong na kaisipan ay ang sumusunod:

33
1. Labis kasi siyang hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan.

2. Nalimot na rin ng kalalakihan ang magbigay ng alay at magpuri sa diyosa.

3. Ang kaniyang templo ay hindi na nakatatanggap ng mga alay, naging marumi


at unti-unti na ring nasisira.

4. Lahat ng papuri’t karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang


mortal.

B. Bagaman pinakamaganda si Psyche sa magkakapatid, siya na lamang ang


walang asawa. Ang isa pang nakapagtataka ay walang umiibig sa kaniya. Kontento
nang pagmasdan at sambahin siya ng mga lalaki subalit hindi ang ibigin siya. Ang
kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay niyang kagandahan ay
nakapag-asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa kani-kaniyang palasyo.
Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa dahil tila walang nais magmahal sa
kaniya.

Sa talatang ito:

Ang pinakapaksa ay ang walang umiibig kay Psyche.

Ang pangunahing kaisipan ay naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa


dahil tila walang nais magmahal sa kaniya. Ang pangungusap na ito ay
matatagpuan sa pinakahuling talata.

Ang mga pantulong na kaisipan ay ang sumusunod:

1. Bagaman pinakamaganda si Psyche sa magkakapatid, siya na lamang ang


walang asawa.

2. Ang isa pang nakapagtataka ay walang umiibig sa kaniya.

3. Kontento nang pagmasdan at sambahin siya ng mga lalaki subalit hindi ang
ibigin siya.

4. Ang kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay niyang


kagandahan ay nakapag-asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa kani-
kaniyang palasyo.

Panuto: Basahin ang sumusunod na talata. Tukuyin ang pangunahing kaisipan at


ibigay ang mga pantulong na kaisipan. Gawin ang bilang 1-5 gamit ang grapikong
pantulong sa ibaba.

1. Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo


subalit agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ayon kay Apollo, isang
halimaw ang mapapangasawa ni Psyche. Nang mabihisan si Psyche, ipinabuhat
ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng
bundok. Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring mangyari kay
Psyche. Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang na hinarap ng
dalaga ang kaniyang kapalaran. Pagkatapos nito ay pinaalis na ni Psyche ang
kaniyang mga kasama at sinabing masaya niyang haharapin ang kaniyang
katapusan.

2. Nalibang si Psyche sa mansiyon. Kumain siya ng masasarap na pagkain.


Buong araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi
niya nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya sa
mansiyon. Lumipas ang maghapon nang hindi napapansin ni Psyche.

34
3. Narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid. Labis na naantig ang
kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang ibsan ang kanilang
kalungkutan at patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa maging siya ay umiiyak na rin.
Narinig ni Cupid na umiiyak si Psyche.

4. Nang pumasok na sila sa mansiyon labis na pagkamangha ang naramdaman


ng magkapatid. Sila ay nakatira sa palasyo subalit walang kasingganda ang
mansiyon na ito. Nag-usisa sila kung sino ang napangasawa ni Psyche. Nang
matapos na ang pagdalaw ng kaniyang mga kapatid, dumakot si Psyche ng mga
ginto at hiyas upang ibigay sa kaniyang mga kapatid. Ang kanilang kayamanan ay
hindi maihahambing sa kayamanang kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot
nang labis na inggit ang kanilang puso.

5. Sinubok ni Venus ang katapatan ng pagmamahal ni Psyche kay Cupid. Una,


pagsama-samahin ang magkakauring tumpok ng mga buto. Ikalawa, pinakukuha
niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog. Ang mga tupa ay
mababangis at mapanganib. Ikatlo, punuin ang prasko ng itim na tubig na
matatagpuan sa Ilog Styx at ikaapat, pumunta sa kailaliman ng lupa upang
kumuha ng kagandahan mula kay Proserpina.

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan)

Panoorin mo sa youtube ang Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan. Narito ang
link https://youtu.be/u6WnjqnETTQ

Kung hindi mo mapanonood ang nasabing mito, basahin na lamang ito.

Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan

Isinalin ni: Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si


Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng
mga diyos ang ating mga panalangin!”

Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-Momma
tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”

Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesiyon si Bugan na


magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko

35
ang mga diyos na sina Ngilin, Bumabbaker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”

Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong,


dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid
siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita siya ng igat sa
lawa. Tinanong siya nito “Saan ka pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako
ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng
anak ni Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika ng nito.
“Sige magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”

Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga


diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao,
bakit ka naririto?” pag-uusisa ng buwaya.

“Ako si Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming


anak ng aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “Hindi kita
maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.” Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang
kanyang paglalakbay at nakarating sa tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan
niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika
“Pakiusap, kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang
mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon ng anak.” Sumagot ang pating, “Isang
malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda mo. Halika muna sa aking
tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.”

Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad patungong


silangan si Bugan. Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina
Ngilin, Bumabakker, at iba pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya
sa lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.

“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang
hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na
nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng ginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya habang
kinikilala kung si Bugan nga iyon.

“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami
nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.

“Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin si


Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.

Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong baboy,
manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka namin
tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at
pamumuhay.”

Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa ng
panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni
Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga diyos. Pagkalipas ng
ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na
tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.

Panuto:

A. Tukuyin ang mensahe ng napanood/nabasang mito mula sa Ifugao.

Ang mensahe ay

36
B. Ano ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan inilahad sa
napanood/nabasa.

Pangunahing Kaisipan:

Pantulong na Kaisipan:

1.

2.

3.

4.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ngaralin
sa pang araw-araw na buhay)

Paano nakatulong ang mga gawaing isinagawa sa araw na ito sa pag-unawa sa


pinanonood o binabasa?

Ang mga natutuhan sa araw na ito ay at ay


makatutulong dahil •••••••• .

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)

Ang pagtukoy sa mensahe ng napanood o nabasa ay magagawa sa pamamagitan ng


samantala ang pagkuha sa pangunahing kaisipan ay kailangang
alamin muna ang na patitibayin naman ng mga
. Kadalasang makikita ang mga
pangunahing kaisipan sa , at
ng talata.

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa


takdang aralin/o remediation)

37
Panuto: Basahin ang mito mula sa mitolohiyang Ehipto. Tukuyin ang mensahe at
pangunahing kaisipan sa pamamagitan ng pagbuo sa grapikong pantulong.

Anubis

Si Anubis ay isa sa mga sinaunang diyos ng mga taga-Ehipto. Siya ang diyos
ng mga patay. Sinasabing siya ang ikaapat na anak ni Ra, ang diyos ng araw. Subalit
ayon sa bagong natuklasang kasulatan, si Anubis ay anak ng diyosa ng kamatayan na
si Nephthys, kundi kay Osiris na diyos ng kamatayan ay kay Set, ang diyos ng
kasamaan na kapatid ni Osiris.

May kakaibang anyo si Anubis. Ang katawan niya ay sa tao ngunit ang ulo niya
ay sa jackal, isang uri ng mabangis na aso. Nang maglibot sa mundo si Osiris,
sinamahan siya ni Anubis. Ngunit nang patayin ni Set si Osiris, si Anubis ang
tumulong kina Isis at Nephthys na isaayos ang bangkay. Napagdesisyunan niyang

38
ibalot ng tela ang buong katawan ni Osiris upang hindi masira ng hangin. Ito sa
kasalukuyan ay kilala bilang mummification . Siya rin ang pinaniniwalang kasama ng
mga namamatay sa bago nilang daigdig, ang Duat o underworld. Makikita ang mga
imahe ni Anubis na nagbabantay sa libingan ng mga paraon.

Ayon sa Aklat ng mga Patay, dapat na iniaalisang mga lamag loob ng mga
namayapa, maliban sa puso na pinangangalagaan ng scarab beetle. Si Anubis ay
kasama rin sa mga nagpapasaya kung saan mapupuntaang mga namamatay.

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para


sa takdang aralin/o remediation)

Bumuo ng limang pangungusap na may pandiwa hinggil sa napapanahong


isyu. 1. 2. 3.
__ 4. 5.

39
Self-Instructional Packets (SIPacks) in Filipino 10

Kwarter: Una Linggo 2 : Ikalawang Sesyon

I. LAYUNIN:

1. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa:


sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. (F10PB-Ia-b-62)

2. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay. (F10PS-Ia-b-


64)

3. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap at layon) sa sa pagsulat ng


saloobin.

II. PAKSA:
A. Panitikan – Cupid at Psyche
B. Gramatika – Pokus ng Pandiwa (Tagaganap, Layon)

c) Sanggunian:
a) Sanggunian: https://youtu.be/nHtYHrSef6Q; https://youtu.be/u6WnjqnETTQ;
Filipino Modyul para sa Mag-aaral pp 8-27

d) Kagamitang Instruksyunal:
a) Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards

III. PAMAMARAAN:

A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)

Tignan ang larawan sa ibaba.


Panuto: Anong kaisipan ang ipinahihiwatig nito? Isulat ito sa ibaba ng larawan.

Kaisipain:

40
B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Paano nakaaapekto ito sa sarili, sa pamilya, sa lipunan at sa daigdig. Isulat ito sa


ibaba.

Paano nakaaapekto ito sa:

Sarili

Pamilya

Lipunan

Daigdig

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bagong aralin)

Sa mga nakalipas na buwan, napakalaki ng pagbabago sa pamumuhay hindi


lamang ng mga Pilipino maging mga ibang lahi sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay
dulot ng panganib ng bagong sakit na tinatawag na Corona Virus Disease-2019 o
CoViD-19. Napakalaki ng naging epekto nito sa sarili, sa pamilya, sa lipunan gayon
din sa daigdig.

Sa mga akdang binabasa mo, naiuugnay rin mo ang mga pangyayari sa iyong
mga binabasa sa sarili, sa pamilya, sa lipunan gayon din sa daigdig.

Balikan mo ngayon ang ilang mga sipi mula sa binasa mo sa unang sesyon.
Tukuyin mo kung saan mo maaaring maiugnay ang mga ito.

D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad


ng bagong kasanayan # 1)

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Maiuugnay ba ang kaisipang


ipinahahayag nito sa sarili, sa pamilya, sa lipunan o sa daigdig? Ipaliwanag.

Buuin ang pahayag upang mabuo ang diwa nito.

1. Kontrolado ni Gugurang ang apoy kung kaya hawak din niya ang mga tao.
Kapag hindi siya nasisiyahan sa mga gawain ng tao, payayanigin niya ang mundo mula
sa kailaliman ng Bundok Mayon. Kapag naramdaman niyang hindi karapat-dapat
patawarin ang mga tao, pasasabugin niya ang bulkan upang mawala ang mga nilalang.

Sagot:

Maiuugnay ang kaisipang lumutang sa akda sa dahil

2. Sa kabilang dako naman ay nagawang papaglahuin ni Asuang ang kanyang sarili


para hanapin ang apoy. Nagawang salisihin ni Asuawang ang mga tagapagbantay.
Inilagay niya apoy sa bao ng buko saka mabilis na tumakbo patungong Bundok

41
Malinao.

Sagot:

Maiuugnay ang kaisipang lumutang sa akda sa dahil

3. Hindi mapigilan ni Asuang ang kanyang bagong kapangyarihan, pinaliyab niya


ang mundo. Bawat lugar na madaanan ni Asuang ay nag-aapoy.

Sagot:

Maiuugnay ang kaisipang lumutang sa akda sa dahil

4. Nagsumamo siya sa mga diyos na kontrolin ang nagngangalit na apoy.


Nagsimulang umulan nang tuloy-tuloy. Nang naapula na ang apoy, inutusan ni
Gugurang ang kidlat na si Linti at kulog na si Dalogdog na patamaan nang matindi ang
Bundok Malinao. Kumidlat at kumulog nang pagkalakas-lakas na umabot ng ilang
minuto.

Sagot:

Maiuugnay ang kaisipang lumutang sa akda sa dahil

E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong


konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2)

Suriin mo naman ngayon ang sumusunod na pangungusap. Bigyang pansin


mo ang pandiwa sa bahaging panaguri at ang paksa.

42
Mapapansin sa pangungusap na ito na ang paksa na City Agriculture and Veterinary
Office ang gumawa ng kilos na nanguna na nasa bahaging panaguri.

Tandaan: Mapapansin natin sa mga halimbawang pangungusap ang ugnayan ng


paksa at ng pandiwa sa bahaging panaguri. Ang paksa ang gumawa ng kilos. Ang
pokus ng pandiwa ay ang gumawa o gumanap sa kilos. Ito ang tinatawag nating Pokus
sa Tagaganap o Aktor Pokus. Ang mga panlaping ginagamit sa Pokus sa Tagaganp
ay makapag-, mag-, um-/

-um-, maka- at mang-.

43
Suriin mo naman ngayon ang sumusunod na pangungusap. Bigyang pansin mo muli

ang ugnayan pandiwa sa bahaging panaguri at ang paksa.

Ang pokus ng pandiwang ipatutupad ay ang paksa na physical distancing. Kung


gayon ang layon o gol ng pandiwa ay ang physical distancing.

Tandaan: Mapapansin natin sa mga halimbawang pangungusap ang ugnayan ng paksa


at ng pandiwa sa bahaging panaguri. Ang paksa ang layon o gol ng pandiwa. Ito ang
tinatawag nating Pokus sa Layon o Gol Pokus. Ang mga panlaping ginagamit sa
Pokus sa Layon ay

i, -an, ma-, ipa- at -in/-hin.

Tukuyin mo ngayon kung anong pokus sa tagaganap o pokus sa layon ang ginamit sa
bawat bilang.

1. Kumikilos ang ilang mahihirap na Pilipino para kumita sa panahon ng


pandemya.

2. Ayon sa pangulo, piliin ang may pinakamataas na bidder sa

pakikipagtransaksyon upang makaiwas sa korapsyon.

3. Hinuli ang mga lumalabag sa kwarantin.

4. Ang LGU ay nakararating sa mga liblib na lugar upang mamigay ng


ayuda.

5. Naunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kalinisan.

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan)

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag mula sa mitong pinamagatang Cupid at


Psyche. Maiuugnay ba ang kaisipan nito sa sarili, sa pamilya, sa lipunan o sa daigdig?

44
Ipaliwanag ang iyong opinyon.

1. Punum-puno ng galit si Venus sa mortal na si Psyche. Labis kasi siyang


hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi pa nilang kahit si Venus, ang
diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda ni Psyche. Nalimot na rin
ng kalalakihan ang magbigay ng alay at magpuri sa diyosa. Ang kaniyang templo
ay hindi na nakatatanggap ng mga alay, naging marumi at unti-unti na ring nasisira.
Lahat ng papuri’t karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal.

2. Bagaman pinakamaganda si Psyche sa magkakapatid, siya na lamang ang


walang asawa. Ang isa pang nakapagtataka ay walang umiibig sa kaniya. Kontento
nang pagmasdan at sambahin siya ng mga lalaki subalit hindi ang ibigin siya. Ang
kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay niyang kagandahan ay
nakapag-asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa kani- kaniyang palasyo.
Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa dahil tila walang nais magmahal
sa kaniya.

3. Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo


subalit agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ayon kay Apollo, isang
halimaw ang mapapangasawa ni Psyche. Nang mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng
hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok.
Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring mangyari kay Psyche.
Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang na hinarap ng dalaga ang
kaniyang kapalaran. Pagkatapos nito ay pinaalis na ni Psyche ang kaniyang mga
kasama at sinabing masaya niyang haharapin ang kaniyang katapusan.

4. Nalibang si Psyche sa mansiyon. Kumain siya ng masasarap na pagkain.


Buong araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi
niya nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya sa
mansiyon. Lumipas ang maghapon nang hindi napapansin ni Psyche.

5. Nang pumasok na sila sa mansiyon labis na pagkamangha ang naramdaman


ng magkapatid. Sila ay nakatira sa palasyo subalit walang kasingganda ang
mansiyon na ito. Nag-usisa sila kung sino ang napangasawa ni Psyche. Nang
matapos na ang pagdalaw ng kaniyang mga kapatid, dumakot si Psyche ng mga
ginto at hiyas upang ibigay sa kaniyang mga kapatid. Ang kanilang kayamanan ay
hindi maihahambing sa kayamanang kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot
nang labis na inggit ang kanilang puso.

45
G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng
aralin sa pang araw-araw na buhay)

Dugtungan mo ang pahayag:

Mahalaga na magkaroon ako ng kaalaman na maiugnay ang kaisipang inilalahad ng


akdang nabasa sa sarili, pamilya, lipunan o daigdig dahil

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)

A. Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang sarili,


pamilya, lipunan o daigdig maiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa
pahayag. Saka piliin sa Hanay B ang angkop na opinyon sa pag-uugnay.

Hanay A Hanay B

1. Narinig ni Psyche A. Sa kapusukan ng mga


ang panangis ng kaniyang mga kabataan ngayon, may mga
kapatid. Labis na naantig ang bilang ng mga nagbubuntis
kaniyang damdamin sa ang
kanilang pagluluksa. Nais nagpapalaglag ng mga
niyang ibsan ang kanilang dinadala nila sa
kalungkutan at patahanin sila sinapupunan. Gayong
sa pag-iyak. Hanggang sa maraming bilang ng mga
maging siya ay umiiyak na rin. mag-asawa ang
Narinig ni Cupid na umiiyak si naghahangad na
Psyche. magkaroon ng anak.

2. “Hay, ano ang B. Maraming Pilipino ang


saysay ng buhay?” naibulalas nagtutungo sa ibang bansa
ni Bugan sa kaniyang asawang para masuportahan ang
si Wigan. “Hindi man lang tayo pangangailangang ng
magkaroon ng anak; mukhang pamilya sa bansa.
hindi pinakikinggan ng mga
diyos ang ating mga
panalangin!”

46
3. Matagal na C. Ayon sa datos, may mga
nag-isip ang mag-asawa Pilipino ang nakararanas ng
hanggang nakapagdesiyon si depresyon o labis na
Bugan na magtungo sa kalungkutan na kapag hindi
tahanan ng mga diyos sa napagtagumpayan ay
silangan. “Dito ka lang, Wigan, humahantong sa
pupuntahan ko ang mga diyos pagpapakamatay.
na sina Ngilin, Bumabbaker,
Bolang at ang diyos ng mga
hayop.”

4. Sinimulan ni D. Ang gobyerno ay hindi bingi


Bugan ang kaniyang lalo na’t nababatid nito ang
paglalakbay. Pumunta siya sa karaingan ng kanyang
Ibyong, dumaan sa Poitan, pinamamahalaan.
nagtungo siya sa silangan
papuntang Nahbah, Baninan.

5. “Pupunta ako E. May mga Pilipino,


ng Silangan para maghanap ng Malaysian at Vietnamese
lalamon sa akin, sapagkat hindi ang naghain ng protesta sa
kami magkaroon ng anak ni International Court laban sa
Wigan.” Tsina dahil sa patuloy na
pag-angkin nito sa West
Philippine Sea.

B. Gamitin sa pangungusap ang mga pandiwa ayon sa pokus nito sa


pamamagitan ng pagsulat sa iyong saloobin. Gawing batayan ang unang bilang.

1. Ipadaan– Pokus sa Layon

Pangungusap: Marapat lamang na ipaadaan sa LGU ang tulong pinansyal


ng gobyerno.

2. Umalis – Pokus sa Tagaganap


Pangungusap:

3. Magkatuwang – Pokus sa Tagaganap


Pangungusap:

47
4. Ihain – Pokus sa Layon

Pangungusap:

5. Angkinin – Pokus sa Layon

Pangungusap:

6. Natanggap – Pokus sa Layon

Pangungusap:

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para


sa takdang aralin/o remediation)

Bumuo ka ng 3 pangungusap na kung ang Pokus ng Pandiwa ay sa Tagaganap at 3


pangungusap ang Pokus ng Pandiwa ay sa Layon.

48
Self-Instructional Packets (SIPacks) in Filipino 10

Kwarter: Una Linggo 2 : Ikatlong Sesyon

II. LAYUNIN:

1. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. (F10PT-Ia-b-61)

2. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (pinaglalaaanan at kagamitan) sa


isinulat na kuwento.

II. PAKSA:
A. Panitikan – Cupid at Psyche
B. Gramatika – Pokus ng Pandiwa

c. Sanggunian:
a) Sanggunian: https://youtu.be/nHtYHrSef6Q; https://youtu.be/u6WnjqnETTQ;
Filipino Modyul para sa Mag-aaral pp 8-27

d. Kagamitang Instruksyunal:
a) Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards

III. PAMAMARAAN:

A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)

Basahin at pansinin mo ang mga salita sa loob ng kahon.

Agaw-pansin, Alay, Alay-kapwa, Araw-araw, Dadalawa, Gabi-gabi, Ganda,


Gusto,

Hangaan, Hatinggabi, Kabi-kabila, Kalalakihan, Mahal, Makapantay,

Naniningalang-pugad, Ningas-kugon, Puri, Sansinukuban, Sinamba, Unti-

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Matapos mong masuri ang mga salita, maaari mong hatiin sa apat na hanay ang mga
salitang nasa kahon. Kulayan mo ang mga salitang may magkakatulad na estruktura.

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin)

Ang mga salitang may magkakatulad na kulay ay mga uri ng salita ayon sa kayarian.
Maaari ka bang magbigay ng apat pa na karagdagang halimbawa ng katulad na

49
estruktura sa bawat hanay?

puri kalalakihan unti-unti alay-kapwa


1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.

3. 3. 3. 3.

4. 4. 4. 4.

D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan # 1)

Alam mo ba…?

Ang salita ay may apat na kayarian:

1. Payak – payak ang salita kung ito ay binubuo lamang ng salitang ugat.
Nakatatayong mag-isa kahit walang mga panlapi. Hindi inuulit at walang katambal
na salita.

Halimbawa: alay, puri, gusto, ganda, mahal

2. Maylapi –mga salitang binubuo ng mga salitang-ugat na may kasamang isa o


higit pang panlapi. Halimbawa: makapantay – unlapi; sinamba – gitlapi; hangaan
– hulapi; kalalakihan – kabilaan; sansinukuban – laguhan

3. Inuulit –salita na inuulit nang buo o higit pang pantig ang inuulit

Halimbawa: unti-unti, araw-araw, gabi-gabi – mga salita na inuulit nang buo ang
salitang-ugat; kabi-kabila, dadalawa – inuulit ang unang dalawang pantig o unang
pantig ng salitang-ugat na may tatlong pantig

4. Tambalan – pagtatambal ng dalawang salita na magkaiba ang kahulugan. May


dalawang uri ng tambalan:

4.1 Tambalang Di-ganap – pagtatambal sa dalawang salitang-ugat na nanatiliang


kahulugan

Halimbawa: alay-kapwa, agaw-pansin

4.2. Tambalang Ganap – nawawala ang kahulugan ng salitang pinagtambal at


nagkakaroon ng pangatlong kahulugan

Halimbawa: Naniningalang-pugad – na ang ibig sabihin ay nanliligaw.; Ningas-kugon

50
– na nangangahulugang hanggang simula lamang

Panuto: Tukuyin kung ang kayarian ng salitang nakasalungguhit ay payak, inuulit,


maylapi o tambalan.

1. May sarili nang paraan ng pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa


ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila sa
Pilipinas.

2. Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, bukas-palad natin


silang tinanggap.

3. Sila ang nagpakilala sa atin ng Kristyanismo.

4. Natutunan ng mga ninuno mula sa mga paring Kastila ang magdasal


sa iba’t ibang imahen ng mga santo.

5. Ngunit kahit pinilit ng mga Kastila na maging Kristyano ang buong


kapuluan ay hinding-hindi sila nagtagumpay.

6. Nanatili kasing kapit-tuko sa pagyakap sa kanilang relihiyon ang mga


kapatid nating Muslim sa Mindanao.

7. Kaya naman urong-sulong ang mga Kastila sa pagyapak sa lupain ng


mga Muslim sa pangambang manlaban ang mga ito laban sa kanila.

_8. Hindi nga sila nagkamali sapagkat totoong handang-handa ang mga
Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon kahit magbuwis pa sila ng buhay.

9. Dahil dito, ang mga katutubong naninirahan lamang sa mga kapatagan


ang narating ng mga Kastila at nabinyagan para maging mga Kristyano.

10. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling buo at matatag sa kanilang


pananampalataya ang mga Muslim sa Mindanao.

E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2)

51
Suriin mo naman ngayon ang sumusunod na pangungusap. Bigyang pansin mo ang

pandiwa sa bahaging panaguri at ang paksa.

Tandaan: Mapapansin natin sa mga halimbawang pangungusap ang ugnayan ng

52
paksa at ng pandiwa sa bahaging panaguri. Ang paksa ang instrument o kagamitan sa
pagsasagawa ng pandiwa na nasa bahaging panaguri. Ito ang tinatawag nating Pokus
sa Kagamitan o Instrumental Pokus. Ang mga panlaping ginagamit sa Pokus sa
Tagaganp ay ipang- at maipang-.

Suriin mo naman ngayon ang sumusunod na pangungusap. Bigyang pansin mo muli


ang ugnayan pandiwa sa bahaging panaguri at ang paksa.

Ang maipagluluto ay tatanggapin ng paksang kalihim.

Tandaan: Mapapansin natin sa mga halimbawang pangungusap ang ugnayan ng


paksa at ng pandiwa sa bahaging panaguri. Ang paksa ang tatanggap sa kilos. Ito ang
tinatawag nating Pokus sa Tagatanggap o Benepaktib Pokus. Ang mga panlaping
ginagamit sa Pokus sa Tagatanggap ay

i, ipag- at maipag-. .

Tukuyin mo ngayon kung pokus sa tagatanggap o pokus sa kagamitan ang ginamit sa


bawat bilang.

1. Ipandadakip ang warrant of arrest sa mga sangkot sa bawal na


gamot.

2. Maipagdarasal niya ang kaibigang natamaan ng CoViD-19.

3. Ipantutustos niya sa pag-aaral ang naipong sahod.

4. Ikukuha niya ng makatutulong sa kagawaran ang kalihim upang


‘di malito sakanyang ulat sa bayan.

5. Ipaghahanda niya ng mga sasabihin sa bansa ang Pangulo.

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan)


A. Panuto: Bilugan ang kayarian ng salitang hinihingi sa bawat bilang.

(maylapi –hulapi) 1. “Pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumabbaker,


Bolang at ang diyos ng mga hayop.”

(payak) 2. Masaya na ang mag-asawa dahil may buhay na sa


sinapupunan ni Bugan.

(maylapi –unlapi) 3. “Mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga
panalangin!”

53
(maylapi –kabilaan)4. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod.

(inuulit) 5. Maluha-luhang nanalangin si Bugan na sanaý magkaroon siya ng anak.

B. Salungguhitan ang mga pandiwa sa bawat pangungusap at tukuyin kung pokus


sa tagatanggap o kagamitan ang ginamit at kahunan ang paksang binibigyang-pokus.

Ipinanggamot ni Tecla ang pag-inom ng luya sa nararamdamang ubo at sipon. Dahil


sa kanyang sariling panggagamot, lumala ang kanyang ubo. Maipanghahawa niya
ang kamay na siyang ginagamit niya sa pag-ubo. Dahil sa sariling medikasyon,
ihahanap na siya ng ospital para magamot ang lumalang pag-ubo. Ipaghahanda siya
ng mga kama at bentilador sa quarantine area.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ngaralin
sa pang araw-araw na buhay)

Paano makatutulong sa inyo ang kaalaman hinggil sa kayarian ng mga salita at


paggamit ng pokus ng pandiwa sa pagsasalasay?

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)

Bumuo ng pangungusap hinggil sa natutuhan mo paksa ukol sa pokus sa kagamitan


at pokus sa tagatanggap at sa mga kayarian ng mga salita.
I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)
A. Panuto: Bilugan ang kayarian ng salitang hinihingi sa

bawat bilang.

(tambalang di-ganap) 1. Hindi nagdalawang-isip si Bugan na humingi ng tulong sa


mga diyos.

(maylapi –gitlapi) 2. Sumang-ayon naman si Wigan,

(tambalang-ganap) 3. Dahil magkaroon ng supling, naging balat sibuyas si Bugan.

(maylapi-gitlapi) 4. “Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa.

(maylapi-kabilaan) 5. “Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa.

B. Bumuo ng isang maikling kuwento na ginagamitan ng pokus sa


tagatanggap at kagamitan.

Pamantayan:

1. Wasto ang pagkakagamit sa dalawang pokus ng pandiwa.

2. Gawing maikli lamang ang kuwentong susulatin. Tiyakang may tauhan,


suliranin at tagpuan.

3. Wasto ang kayarian ng mga salita.

54
J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa
takdang aralin/o remediation)

Magsaliksik ka o magtanong sa inyong mga magulang hinggil sa gamit ng pandiwa.

55
Self-Instructional Packets (SIPacks) in Filipino 10

Kwarter: Una Linggo 2: Ikaapat na Sesyon

III. LAYUNIN:

1. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan.


(F10WG-Ia-b-57).

II. PAKSA:
A. Panitikan – Cupid at Psyche
B. Gramatika – Pokus ng Pandiwa

Sanggunian:
C.) Sanggunian: https://youtu.be/nHtYHrSef6Q; https://youtu.be/u6WnjqnETTQ; Filipino
Modyul para sa Mag-aaral pp8-27

D.) Kagamitang Instruksyunal:


a) Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards

III. PAMAMARAAN:

A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Suriin ang mga salitang kilos na
nakasalungguhit sa bawat pangungusap. Subukan mong tukuyin kung ang salitang
kilos ay Aksyon, Pangyayari o Karanasan. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.

1. Nalungkot si Cupid dahil hindi nagtiwala sa kanya si Psyche.

2. Nalungkot si Cupid sa kawalan ng tiwala ni Psyche sa kanya.

3. Umalis si Cupid sa kanilang mansyon.

4. Umalis si Cupid sa kanilang mansyon upang iwan na ng tuluyan ang


asawa.

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Narito ang mga wastong kasagutan.

1.pangyayari 2.Damdamin 3. Aksyon 4. Pangyayari

56
C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin)

Kung wasto o mali ang iyong kasagutan, bumuo ka ng isa o dalawang pangungusap
na paliwanag sa iyong mga kasagutan.

D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan # 1)

Alam mo ba na...

Iba’t iba ang gamit ng pandiwa? Ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon,


karanasan at pangyayari.

Gamit ng Pandiwa:

1. Aksiyon

May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos. •


Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um-, um-,
mag-, ma-, mang-, makipag-, makipag-…-an/-han, mag-…-an.

Halimbawa:

Paliwanag: Ang langgam ang gumawa ng kilos na tumulong. Ang panlaping ginamit
ay gitlaping -um-.

Paliwanag: Si Apollo ang gumawa ng kilos na nakipagsabwatan. Ang panlaping


ginamit ay makipag-…-an.

2. Karanasan

Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may
nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaaring magpahayag ang
pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas
ng damdamin o saloobin.

Halimbawa:

57
Paliwanag: Ang resulta o bunga ng pandiwa na nakipagsabwatan ay nang sa gayo’y
maniwala ang ama ng dalaga sa magiging kapalaran ng anak.

E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2)

Panuto: Isulat sa patlang ang Aksyon, Pangyayari o Karanasan ang gamit ng


pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kanyang


pagmamahal kay Cupid.

2. Labis na naninibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.

3. Nalungkot si Bantugan kaya minabuti na lamang niyang lumayo na


lamang.

4. Umibig ang lahat ng kababaihan kay Bantugan.

5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpaparusa ni Venus kay


Psyche.

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan)

Panuto: Balikan ang alin man sa mga mitong iyong nabasa sa unang sesyon.
Bumuo ng limang pangungusap batay sa gamit ng pandiwa na hinihingi sa bawat
bilang.

1.aksyon

2.karanasan

3.pangyayari

4.pangyayari

58
5.aksyon

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ngaralin
sa pang araw-araw na buhay)

Mula sa mga kasanayang nalinang sa mga Gawain sa araw na ito, paano ninyo ito
magagamit sa araw-araw na buhay?

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)

Gumawa ng isang venn diagram para maipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


gamit ng pandiwa.

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)

Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng pandiwa ang nakasalungguhit sa bawat


bilang.

1. Nalimot na rin ng kalalakihan ang magbigay ng alay at magpuri sa


diyosa.

2. Nagalit si Venus.

3. Inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si Psyche


sa isang nakatatakot na nilalang.

4. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang kagandahan ng


dalaga.

5. Nanabik ang diyosa ng kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni


Psyche.

6. Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa.

7. Nabahala ang magulang ni Psyche.

8. Naglakbay ang haring ama ni Psyche upang humingi ng tulong kay


Apollo.

9. nagluluksa ang lahat sa maaaring mangyari kay Psyche.

10. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki, nawala ang lahat ng takot na
kaniyang nararamdaman.

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa


takdang aralin/o remediation)

59
Self-Instructional Packets (SIPacks) in Filipino 10

Kwarter: Una Linggo 2: Ikalimang Sesyon

I. LAYUNIN

1. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan.


(F10WG-Ia-b-57).

II. PAKSA:
A. Panitikan – Cupid at Psyche
B. Gramatika – Pokus ng Pandiwa
Sanggunian:
C.) Sanggunian: https://youtu.be/nHtYHrSef6Q; https://youtu.be/u6WnjqnETTQ; Filipino
Modyul para sa Mag-aaral pp 8-27

D.) Kagamitang Instruksyunal:


a) Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards

III. PAMAMARAAN:

A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)

Bakit mahalaga at dapat na isaalang-alang ang iba’t ibang gamit ng pandiwa sa isang mito?

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Alam kong naunawaan mong mabuti ang mga tinalakay natin sa araling ito. Handang-
handa ka nang sagutin ang ibibigay sa iyo na nagmula sa natalakay na aralin.

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin)

D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan # 1)

60
E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2)

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan)

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ngaralin
sa pang araw-araw na buhay)

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)

a. Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng pandiwa ang nakasalungguhit sa


bawat bilang.

1. Inalis ng senior citizen ang face mask sa kanyang mukha.

2. Ang COVID 19 ay kinamatayan ng mga maraming tao sa mundo.

3. Alinsunod sa kautusan ng gobyerno ang mga plastik ay ilalagay sa pagitan ng

bawat pasahero.

4. Ang palagiang paghuhugas kamay ng mga tao ay ikinasiya ng DOH.

5. Ang corona virus ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong virus .

6. Kumuha ng mga iba’t ibang impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad

7. Nabahala ang lahat ng mamamayan nang malaman ang pagkakaroon ng


pandemic sa mundo.

8. Naghahanap ng lunas ang mga beteranong manggagamot upang matugunan


ang pangangailanagn ng mga naapektuhan ng virus.
61
9. Nagluksa ang buong mundo nang lumaganap ang virus

10. Nagkasakit ang mga tao sa matinding polyusyon.

b. Panuto: Paano nakakatulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino?


Sikaping isaalang-alang ang iba’t ibang gamit ng pandiwa upang mailahad nang malinaw ang
iyong sagot. Ipaliwanag ayon sa iyong pagkakaunawa ngayong natapos na ang pagtalakay sa
araling ito.

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa


takdang aralin/o remediation)

Isa sa mga layunin ng pagtuturo ng panitikang Pilipino ay ang panatilihin at buhayin ang mga
sinaunang panitikan ng Pilipinas. Magsaliksik ng isang mito at alamin ang mga kaisipang
inilahad upang kapulutan ng aral sa buhay at paghugutan ng pag-asa.

62

You might also like