You are on page 1of 6

Title: ECNVHS 88.

1 FM Radio: Reinforcing and Bolstering Instruction, the ECNVHS way


Paksang Aralin: Cupid at Psyche (Unang Markahan)
Lesson 1:
Episode: 1
Format: School-on-the-Air
Length: 25 minutes
Scriptwriter: Michelle V. Inaligo
Layunin:
 Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang Mitolohiya. F10PN-Ia-b-62
 Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa: Sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan, daigdig. F10PB-Ia-b-62
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. F10PT-Ia-b-61
__________________________________________________________________________________________

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID


2 BIZ: MSC UP AND UNDER
3 Magandang araw mga kapantas.
4 Sumasahimpapawid ang ECNVHS 88.1 FM Radio: Reinforcing and Bolstering
5 Instruction, the ECNVHS way.
6 Ako si Ma’am Michelle Inaligo ang inyong Titser Brodkaster sa Filipino, ika-10 baitang.
7 BIZ: MSC UP AND UNDER
8 Mga kapantas magsama-sama tayo sa isang masayang pagkatuto. Samahan mo ako
9 sa paglalakbay at pagtuklas sa mayamang Panitikan ng Mediterranean.
10 Bago tayo magsimula sa ating aralin, kung may mga katanungan at komento ay maaari ninyong
11 i-send sa ating comment section sa ating facebook live. At aking sisikaping sagutin bago matapos
12 ang talakayan.
13 Kaya naman pwesto na sa pinaka komportableng upuan hawak ang inyong
14 Self-learning Activity Sheet, kompedyum at panulat dahil tayo ay maglalayag sa bansang Roma.
15 BIZ: MSC UP AND UNDER
16 Inaasahang matutunan mo sa araw na ito ang isa sa Mitolohiya mula sa Roma Italya ang
17 “Cupid at Psyche”.
18 Slide 1 Pagkatapos ng talakayan ikaw ay inaasahang:

19 Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang Mitolohiya.


20 Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa
21 nangyayari sa: Sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan, daigdig.
22 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.
23 BIZ: MSC UP AND UNDER
24 Slide 2 Kapag binanggit ang ROMA, hindi maikakaila na ang unang tanda na maiuugnay rito ay ang
Colosseum.
25 Ang Colosseum, ang arena ng mga gladiador sa sentro ng lunsod ng Roma
26 Ito ay isa sa mga pinaka-iconic at makasaysayang atraksyon sa Italya, at isa sa 7 kababalaghan
27 sa mundo. Ang relic na ito mula sa heyday ng Roman Empire ay itinampok a lahat mula sa mga
28 Libro ng kasaysayan at TV hanggang sa mga pelikulang Hollywood tulad ng “Gladiator” at “Way
-more-
29 of the Dragon”.
30 BIZ: MSC UP AND UNDER
31 Slide 3 Mga kapantas, LDR ka na ba? (Lakbay Diwa Ready) Talaga ba?
32 Ang kompedyum, papel at ballpen ay hawak niyo na ba?Kung gayon LDG (Lakbay Diwa Game) na
33 Nais kong tignan ang mga larawan ng mga diyos at diyosa. Suriin at ibigay ang ngalan ng mga ito,
34 at gawing gabay ang kanilang mga katangian.
35 Slide 4 Unang larawan, siya ay hari ng mga Diyos; diyos ng kalawakan at panahon
36 Tagapagparusa sa sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
37 Asawa ni Juno, sandata niya ang kulog at kidlat. Sino siya?
38 Kung ang inyong sagot ay JUPITER, Magaling!
39 Slide 5 Ikalawang larawan, Siya ang diyos ng kagandahan, pag-ibig. Kalapati ang ibong maiuugnay sa
40 kanya, sino siya?
41 Kung ang inyong sagot ay VENUS Mahusay!
42 Slide 6 Panghuling larawan, siya ay diyos ng Propesiya, liwanag, diyos ng salot
43 at paggaling. Lyre at sisne ang kaniyang simbolo. Sino siya?
44 Tama! Siya ay si APOLLO.
45 Mga kapantas ang mga larawang inyong nakita ay ilan lamang sa mga Diyos at Diyosa mula sa
46 Roma na hinango sa Greece.
47 Tinatawag natin itong mitolohiya.
48 Ngunit ano nga ba ang mitolohiya?
49 Slide 7 Mitolohiya ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito o myth at alamat.
50 Ang salitang mito ay galing sa salitang Latin na Mythos at mula sa salitang Griyego na
51 Muthos na ang kahulugan ay Kuwento.
52 Ito ay isang akdang Pampanitikang kadalasan ang mga tauhan ay pumapatungkol sa mga
53 Diyos at Diyosa at nagpapakita ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga tauhan.
54 Slide 8 Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng
55 pagkakalikha ng mundo, ng tao at mga katangian ng iba pang mga nilalang.
56 Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig.
57 BIZ: MSC UP AND UNDER
58 Ating tunghayan ang kuwento ng pag-ibig ni Kupido mula sa mitolohiyang mula Rome, Italy
59 Isinalaysay ni Apuleuis isang manunulat na Latino. Bahagi lamang ito ng mitong Metamorphoses
60 na kilala rin sa tinatawag na The Goldes Ass.
61 Bago nating tunghayan ang mitolohiyang Cupid at Psyche nais kong pagnilayan ninyo ang
62 katanungang ito, “Hindi nga ba nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala?”
63 BIZ: MSC UP AND UNDER
64 Slide 9 Mga Kapantas, ating basahin at unawain ang mitolohiyang Cupid at Psyche
65 salin sa Ingles ni Edith Hamilton at isinalin naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat.
66 Slide 10 Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si Psyche.

67 Ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang
-more-
68 kagandahan ng Diyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan. Dahil dito, ang lahat ng papuri ay

69 napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni Venus at agad nitong inutusan ang anak na si
70 Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw. Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid

71 ay agad na umibig kay Psyche nung unang beses pa lamang niya itong nakita.
72 Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si Venus.

73 Slide 11 Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa
74 halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon tila walang nangahas na umibig
kay Psyche. Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay
Apollo upang
75 himingi ng payo. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang humingi
76 ng tulong si Cupid kay Apollo at gumawa ng plano. Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan

77 ng damit pamburol ang anak na dalaga at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito
78 ng mapapangasawa na isang halimaw. Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche.

79 Slide 12 Gayunman ay sinabi ng hari ang kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.
80 Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng dilim.

81 Natakot ang dalaga sa kung ano ang naghihintay sa kanya. Hanggang sa umihip ang malambing
82 na hangin at inilipad siya ng hangin patungo sa isang damuhan na parang kama sa lambot at

83 napapaligiran ng mababangong bulaklak. Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni


84 Psyche ang kalungkutan at agad na nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi

85 ng ilog at natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga Diyos.
86 Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi.

87 Slide 13 Maya maya lamang ay may narinig na tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig na sila ay
88 mga alipin at sinabihang mag- ayos ang dalaga sapagkat sila'y may inihandang piging.

89 Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na pagkain.


90 Sa pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa nya. Tulad ng mga tinig

91 na di nya nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot niya
92 na akala niya'y halimaw ito ngunit sa wari niya ito pala ay isang lalaking matagal na niyang

93 hinihintay. Isang gabi ay kinausap siya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid
94 ni Psyche doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche

95 na magpakita sa mga kapatid.


96 Slide 14 Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig nya ang pag iyak

97 nang kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay nakiusap si Psyche na kung pwede
98 ay makita ang mga kapatid at malungkot na sumang ayon ang lalaki. Kinaumagahan ay inihatid

99 ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang magkakapatid.
100 Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki. Ayon sa

101 saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito. Doon natanto ni Psyche na kaya
102 pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid.

103 Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid at siya'y binigyan ng punyal at lampara
104 upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa.

105 Slide 15 Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha ang
-more-
106 punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi naman pala ito
107 halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito. Wari niya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa

108 mundo. Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at
109 natuluan ito ng mainit na langis sa dibdib na syang dahilan upang magising ito.

110 Nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis. Sinundan ni Psyche ang lalaki
111 sa labas ngunit hindi na nya ito nakita. Narinig na lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag

112 kung ano talaga ang pagkatao nito.


113 Slide 16 Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman nitong

114 nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit ang
115 isang Diyosa. Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang

116 mga ito ay tumangging makaaway si Venus. Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus
117 ay napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang

118 mapapangasawa. Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang pagbuo
119 ng hiwa-hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa,

120 pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay
121 Proserpine.

122 Slide 17 Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay ibinilanggo
123 siya upang di makita si Psyche. Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid

124 naman ay nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain
125 ng kanyang ina. Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at

126 ipinahayag na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal. Dinala ni Cupid si Psyche
127 sa kaharian ng mga Diyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na kapag kinain ay magiging

128 imortal. Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din
129 itong Dyosa.
130 BIZ: MSC UP AND UNDER
131 Mga kapantas, nagustuhan niyo ba ang kuwento? Magaling!
132 Upang malaman ko kung naunawaan ninyo ang kuwento nina Cupid at Psyche ako ay
133 Slide 18 May inihandang gawain. Panuto Gamit ang mga daliri ng kamay ay isusulat ang limang
134 mahahalagang pangyayari mula sa mitolohiya. Sundin ang gabay na larawan sa pagsagot gamit
135 ang iyong sariling palad/kamay. Isulat sa inyong sagutang papel at ilagay sa taas ang code

136 na Subukin Natin. Makikita ang gawain sa inyong Kompendyum sa Pahina 9.


137 BIZ: MSC UP AND UNDER
138 Slide 19 Mga kapantas nais kong tignan niyo ang mga sumusunod na pangungusap. Basahin at
139 unawain ang bawat pangungusap. Hanapin ang kaugnay o kasingkahulugan ng mga
140 salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
141 Una, Hindi niya lubos maisip na dahil sa kanyang ginawang pagtataksil sa asawa, siya’y
142 magiging labis na malungkot. Naging mapanglaw si Psyche sa mga pangyayari.
143 Ikalawa, Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak-
144 pangkasal. Nang araw nang kasal niya, tila nawalan ng saysay ang kanyang trahe de
145 Boda dahil maipapakasal lang pala siya sa isang nakakatakot na halimaw.
146 Ikatlo, Hindi nasilayan ni Psyche ang mukha ng kanyang kabiyak. Sabik na sabik na siyang
-more-

147 makita ito ngunit naalala pa rin ang bilin ng asawa.


148 Ikaapat, Nagsisisi si Psyche sa kasuklam-suklam niyang nagawa. Kung kaya, hinarap niya
149 ang lahat ng pagsubok na ibinigay ni Venus sa kaniya upang maibsan ang kamuhi-
150 muhing ginawa niya sa asawa.
151 Mga kapantas, Narito ang mga kasagutan. Malungkot, gayak-pangkasal, asawa, suklam-
152 Suklam. Ganyan rin ba ang inyong mga sagot? Mahusay!
153 Bigyang pansin ang mga salitang nabilugan na malungkot, gayak-pangkasal, asawa, at
154 kasuklam-suklam. Ang mga salitang ito ay may iba’t iba ang kayarian. Ating alamin
155 Slide 20 Ang apat na kayarian ng salita
156 Una payak binubuo ng isang salita lamang o salitang-ugat gaya ng salitang asawa at
157 bote, pinto at laro.
158 Ikalawa, Maylapi ito ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay
159 mga katagang idinaragdag sa unahan, gitna at hulihan ng mga salitang-ugat.
160 Halimbawa masaya, tinandaan, uminom, naglaro, palaisdaan
161 Slide 21 Ikatlo, Inuulit ang kabuuan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
162 Halimbawa: nito ay gabi-gabi, hiyang-hiya, bali-balita, taon-taon
163 Panghuli, Tambalan binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang
164 salita. Halimbawa: bahaghari, dalagangbukid, punong-kahoy, hampaslupa.
165 BIZ: MSC UP AND UNDER
166 Kayang-kaya di ba? Upang mas masanay ka pang makilala ang mga kayarian ng salita
167 Gawin ang pagsasanay na ito maari kayong sumagot sa ating comment section.
168 Slide 22 Handa ka na ba? Kung gayon, kilalanin kung payak, maylapi, inuulit, o tambalan ang mga
169 salitang may salungguhit sa pangungusap.
170 Una, Si Psyche ay hinahangaan ng lahat ng mga tao sa kanilang bayan dahil sa kanyang
171 angking kagandahan.
172 Ikalawa, Karamihan sa mga kalalakihan ay hindi maiwasan ang pagtingin sa kanya.
173 Maging ang iba pa niyang kabayan ay hanga rin sa kanya.
174 Ikatlo, Bagaman maraming humahanga sa kanya, wala namang nanghas na siya’y
175 ligawan at maging asawa. Kahit sa anumang parte ng bayan-bayan ay wala ni isa.
176 Ikalima, Sa araw ng kasal ni Psyche ay mistula siyang ihahatid ng taumbayan sa kanyang
177 libingan. Naging Diyosa na si Psyche nang sila ay nagbalik-bayan.
178 BIZ: MSC UP AND UNDER
179 Atin nang iwasto ang inyong mga sagot. Narito ang mga tamang kasagutan.
180 Slide 23 Bayan – payak, kabayan- maylapi, bayan-bayan – inuulit, taumbayan- tambalan.
181 Nakakuha ba kayo ng mataas na iskor sa ating gawain? Mahusay! Palakpakan
182 ninyo ang inyong sarili. Mahusay ang inyong pakikibahagi!
183 Slide 24 Para naman sa paglalahat na gawain: #HUGOT: Mula sa iba’t ibang mga damdaming iyong

184 nadama mula sa “Cupid at Psyche”, gawing inspirasyon ito upang MAHUGUTAN
185 iugnay ito sa iyong sariling karanasan.
186 Isulat sa inyong sagutang papel. Makikita ang gawain sa inyong Kompendyum
-more-

187 sa Pahina 11. Ipasa ang inyong journal sa inyong guro sa schedule ng retrieval of
188 modules.
189 BIZ: MSC UP AND UNDER
190 At iyan ang ating tampok na aralin sa araw na ito. Nawa’y may natutunan kayo sa
191 ating paksa ngayon.
192 Magkita-kita muli tayo mga kapantas sa susunod na talakayan.
193 Muli ako si Ma’am Michelle V. Inaligo ang inyong Titser Brodkaster sa Filipino 10.
194 Laging tandaan, Ang pag-aaral nang mabuti ang susi sa ating magandang kinabukasan.
195 Hanggang sa muli!

-end-

Prepared by:

MICHELLE V. INALIGO
Teacher III

Checked by:

MARGARIT F. EVANGELISTA MA. DIWATHA R. SERDEŇOLA


Teacher III/Filipino Coordinator Master Teacher I

Noted by:

MELANIE D. CORPUZ, Ed.D


Principal IV

You might also like