Professional Documents
Culture Documents
RBIScript - Sina Thor at Loki Sa Lupain NG Mga Higante
RBIScript - Sina Thor at Loki Sa Lupain NG Mga Higante
19 Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga
tauhan.
20 Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga
tauhan.
21 BIZ: MSC UP AND UNDER
22 Bago ka tuluyang pumalaot sa iyong paglalakbay, subukin mo muna ang iyong sarili
kaugnay sa iyong natutuhan sa nagdaang aralin.
23 Muling kilalanin ang mga kilalang diyos at diyosa.
24 Ilahad ang kani-kanilang pangalan batay sa nakalahad na katangian ng mga ito.
25 Slide 2 Unang larawan, siya ay hari ng mga Diyos; diyos ng kalawakan at panahon
26 Tagapagparusa sa sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
27 Asawa ni Juno, sandata niya ang kulog at kidlat
28 Slide 3 Magaling! Siya ay si Jupiter
-more-
29 Slide 4 Ikalawang larawan, Siya ang diyos ng kagandahan, pag-ibig. Kalapati ang ibong maiuugnay sa
30 kanya, sino siya?
31 Slide 5 Kung ang inyong sagot ay VENUS Mahusay!
32 Slide 6 Panghuling larawan, siya ay diyos ng Propesiya, liwanag, diyos ng salot at paggaling. Lyre
at sisne ang kaniyang simbolo. Sino siya?
33 Slide 7 Tama! Siya ay si APOLLO.
34 Magaling! Natapos mo ang unang gawain. Binabati kita!
35 Sa pagkakataong ito, ihanda mo na ang iyong sarili at sasamahan kita sa iyong paglalakbay sa
mundo ng mitolohiya ng Iceland.
36 Tunghayan na natin ang isa sa mga mitolohiya mula sa Iceland na pinamagatang
37 Slide 8 “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante” ni Snorri Sturluson at
38 Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
39 BIZ: MSC UP AND UNDER
40 Slide 9 INSERT VIDEO
41 Mga kapantas, nagustuhan niyo ba ang kuwento? Magaling!
42 Upang malaman ko kung naunawaan ninyo ang kuwento ako ay may inihandang gawain.
43 Panuto. Talakayin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at
44 Slide 10 ilagay sa taas ang code na Q2-Mitolohiya - Gawain 1. Ipasa ang inyong journal sa inyong
45 guro sa schedule ng inyong eskwelahan sa retrieval of modules.
46 Para sa mga nakikinig sa radyo ay makinig mabuti upang maisulat nang maayos ang mga
47 tanong. Para naman sa mga nanonood sa Facebook Live ay maaari ninyong
48 i-screenshot o piktyuran ang mga tanong na nasa screen.
49 BIZ: MSC UP AND UNDER
50 Slide 11 Grade 10, nais kong paunlarin ninyo ang inyong mga bokabularyo. Narito ang ilang mga punong
salita na maaaring maisama. Dugtungan ng salita upang makabuo ng iba pang
kahulugan.
51 Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel, para naman sa mga nakatutok ay maaari kayong
52 sumagot sa ating comment section sa ating facebook live.
53 Ang una ay ginawa para sa inyo.
54 Halimbawa: Tubig+alat= Tubig-alat na ang kahulugan ay dagat/karagatan
55 Handa na ba?
56 Slide 12 Unang bilang, ________- butas (Pamalit o pansamantala lamang)
57 Ikalawang bilang ________- butas (Pamalit o pansamantala lamang)
58 Ikatlong bilang, Kapit-______________ (Pagkakaisa)
59 Ikaapat, Dalagang-______________ (Isang uri ng isda)
60 At ikalima, Dalagang-______________ (Isang uri ng isda)
61 Slide 13 Ating alamin ang mga tamang sagot Grade 10.
62 Para sa unang bilang, Tama! Ito ay Panakip-butas
63 Ikalawa, Lakad-pagong. Mahusay!
64 Ikatlong bilang, Kapit-bisig. Magaling!
-more-
65 Ikaapat, ito ay dalagang-bukid. Mahusay!
66 At ikalima naman ay boses-palaka. Magaling!
67 Binabati ko kayo Mga kapantas sa pinakitang kahusayan!
68 Ang tawag sa inyong ginawang pagdudugtong ng salita sa mga punong salita ay kolokasyon
69 Slide 14 Ang kolokasyon ay pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan
70 Upang makabuo ng iba pang kahulugan. Dahil dito, makabubuo ng iba pang kahulugan ang salita
71 Upang mas lalo pang maintindihan, isa pang gawain ang aking ibibigay.
72 Slide 15 Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.
73 Isulat sa inyong sagutang papel at ilagay sa taas ang code na Q2-Mitolohiya Gawain 2
74 Slide 16 Makikita ang gawain sa inyong Learning Activity Sheet sa Pahina 3.
75 Ipasa ang inyong journal sa inyong guro sa schedule ng retrieval ng modules.
76 BIZ: MSC UP AND UNDER
77 Bago matapos ang ating talakayan, narito ang buod ng mitolohiya at ang aral nito.
78 Si Thor at Loki ay naglakbay patungong Utgaro; Natagpuan nila ang magkapatid na si Thjaflti,
79 Rhovska at ang higanteng si Skymir. Si Utgaro-Loki ay isang mandirigmang higante. Hinamon ni
80 Utgaro-Loki si Thor sa isang paligsahan, paligsahan sa pabilisan ng pagkain natalo si Loki sa
81 Higanteng Logi. Sa pabilisan naman ng takbo natalo si Thjalfi sa higanteng si Logi.
82 Natalo si Thor kay Utgaro-Loki sa pagbuhat ng pusa at natalo ulit si Thor sa pagkikibuno kay Elli.
83 Ipinagtapat ni Utgaro-Loki na ginamitan niya ng mahika upang maprotektahan niya ang kanyang
84 kaharian.
85 Mga kapantas, tandaan, kahit tayo ang pinakamalakas na nilalang, matuto pa rin tayong
86 rumespeto sa bawat isa.
87 Huwag nating pairalin ang init ng ulo. Kailangan nating unawain ang bawat sitwasyon at
88 galangin ang bawat isa.
89 BIZ: MSC UP AND UNDER
90 Mga Kapantas, dito natatapos ang ating talakayan, magkita kita muli tayo sa susunod na
91 talakayan. Inaasahan ko muli ang inyong partisipasyon.
92 Muli ako si Ma’am Michelle V. Inaligo ang inyong Titser Brodkaster sa Filipino 10.
93 Laging tandaan, Ang pag-aaral nang mabuti ang susi sa ating magandang kinabukasan.
94 Slide 17 Hanggang sa muli! Maraming salamat
-end-
Prepared by:
MICHELLE V. INALIGO
Teacher III
Checked by:
Noted by: