Professional Documents
Culture Documents
I. Pamantayang Pangnilalaman:
(F7PS-IIIf-g-15) Naibabahagi ang ilang piling diyalogo ng tauhan na hindi tuwirang ibinibigay ang
kahulugan.
II. NILALAMAN:
Panitikan: Pagkilala sa Sanaysay
KAGAMITANG PANTURO:
Sanggunian: Supplemental Book, Kalinangan 7, Panitikang Rehiyunal
Kagamitan ng mga mag-aaral: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Kagamitan ng Guro: Competency Guide, video galing sa youtube
III. PAMAMARAAN:
Pang-araw-araw na Gawain
2
1
4 3
4
B. Pagbabalik-Aral
1. Ano ang mito?
2. Ano-ano ang mga elemento ng mito?
3. Paano ba naiiba ang mito sa alamat?
C. Pagganyak:
Eggluto!
Rekados:
bawang 1 sibuyas ¼ teaspoon na asin 1/8 teaspoon na paminta 4 na itlog 1/8 cup na mantika
Panuto: Ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa pagluluto ng “scrambled egg”.
Mga Tanong:
D. Paglalahad/Pagtalakay
Panuto: Piliin sa kahon ang pinakamalapit na kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
pangungusap.
1. Noon pa man ay marami nang sigalutan sa iba’t ibang lahi dahil sa pagpapalawak ng
teritoryo.
2. Nagulantang ang kawal sa malakas na tinig ng Diyos ng Digma.
3. Isiniwalat ng sugo ang lihim ng kanilang kaharian.
Gawain:
1. Ipaparinig ng guro sa mga mag-aaral ang isang Mito na pinamagatang “Bakit Tumitilaok ang
Manok sa Madaling Araw”?
2. Dalawang beses lamang itong ipaparinig ng guro upang masukat ang kanilang kakayahan sa
pag-unawa sa napakinggan.
3. Pagkatapos ng pakikinig ay magkakaroon ng pagtalakay ang buong klase tungkol sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang mito.
4. Tatalakayin din sa klase ang mga salitang hudyat na ginagamit sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari.
E. Pagsusuri
Dugtungang Pagsasalaysay
Mekaniks:
RUBRIKS
Nilalaman- 50%
Presentasyon- 20%
Kaangkupan- 25%
Kabuuan- 100%
CONCEPT CARAVAN- Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa mitong
napakinggan gamit ang mga larawan sa Concept
Caravan.
G. Paglalahat
1. Ano ba ang mga hakbang sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?
2. Saan natin ginagamit ang mga salitang hudyat sa mga kuwento?
3. Bakit ba natin ginagamit ang mga salitang hudyat?Ipaliwanag.
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo nagagampanan ang iyong responsibilidad sa tahanan, paaralan,
at pamayanan? Pangatwiranan.
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang buod ng nabasang alamat nang may maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari. Sa pagsulat ng buod, gamitin nang wasto ang angkop na mga salitang hudyat
sa panimula, gitna, at wakas ng isang akda.
RUBRIKS
Nilalaman- 40%
Pagkakomprehensibo- 20%
Kaangkupan- 20%
Kalinisan- 10%
Kabuuan- 100%
V. Takdang-Aralin
Isang gabi, napakaraming sugo ang nagsadya kay Sidapa at isa-isa niyang itong kinausap. Si
Sidapa ay may lalakarin sa madaling-araw at natitiyak niyang siya’y hahatinggabihin sa pakikitungo
sa mga tao kaya’t inatasan niya ang kaniyang kawal na matulog ng maaga para gumising ng bukang-
liwayway at siyang gigising dito.
Nang tutungo na sana sa kaniyang silid ang kawal ay nawili siya sa pakikipag-usap sa mga
sugong nasalubong niya sa pintuan na ang pati mga lihim sa kaharian ay isiniwalat niya. Napuyat ang
kawal at nakatulog nang mahimbing na naging dahilan kung bakit nakalimutan niya ang kaniyang
tungkulin kay Sidapa.
Nagulantang si Sidapa dahil mataas na pala ang araw. Galit na galit niyang pinuntahan ang
kawal at naabutan itong naghihilik pa. Dali-daling bumagon ang kawal at nagmamakaawang humingi
ng patawad kay Sidapa.“Suwail, suwail! Hindi mo lamang sinuway ang aking utos kundi pati ang
lihim ng kaharian ay ibinunyag mo pa!” bulyaw ni Sidapa. “Tinatanggap ko po, mahal na Panginoon!
Ako po ay handing tumanggap ng inyong parusa”!
Pinarusahan ni Sidapa ang kawal dahil sa kaniyang katamaran at kataksilan. Lumiit nang
lumiit ang katawan ng kawal, tinubuan ng balahibo at ang kaniyang dalawang kamay ay naging
dalawang pakpak. Ang kaniyang bibig ay naging maliit na tuka na lamang. Lumipad at umalis sa
palasyo ang kawal dahil sa tindi ng hiya.
Magbuhat noon, ang kawal na naging hayop ay naging tandang at tuwing magmamadaling-
araw ay gumigising at tumitilaok upang ipagunita sa mga natutulog na siya ang kauna-unahang
nagigising sa lahat ng hayop.