You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Filipino

Ikalimang Baitang

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng limangput minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang magawa ang sumusunod na may 80% na kawastuhan.
a. Nasasabi kung ano–ano ang mga pangyayari sa tekstong
napakinggan/binasa
b. Natutukoy ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan/ binasa
c. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan/
binasa (kronolohikal na pagsunod-sunod)
d. Masigasig na sumasabi sa talakayan
II. PAKSANG ARALIN
PAKSA: Pagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong
napakinggan/binasa(kronolohikal na pagsunod-sunod)
SANGGUNIAN: ALAB FILIPINO 5,DLL FILPINO 5 ( F5PN-IIIb-8.4)
Mga kagamitan: Visual aids, strips of paper, manila paper, kartolina,envelope
Estratehiya: 4A’s
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Kalikasan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Magandang umaga mga bata( magandang umaga po guro Claire) Handa
na ba kayo sa umagang ito? (opo teacher)
Paalala lang mga bata para sa kaayusan ng klase ating sundin ang apat na
M ( Manahimik, Makinig, Manood at Makilahok)
B. Pangganyak
Sino-sino sa inyo dito nakaranas na ng bagyo? Ano ang nangyayari kapag
may bagyo? Paano kaya natin maiiwasan ang pagkakaroon ng
bagyo?Kapag tayo ay nagtatanim ng mga puno at iniiwasan ang pagputol
nito, anong kaugalian ang ating ipinapakita?
C. Paglalahad
Sa umagang ito ay may babasahin kayong kwento, Ano nga ba dapat nyong
isa alang-alang kapag kayo ay nagbabasa ng kwento?
 Mata lamang ang gagamitin sa pagbabasa
 Huwag gumawa ng ingay

1. Activity/Gawain
Ngayon bibigyan ko kayo ng (3) minutong para basahin ang kwento.
Handa na ba kayo?
( Babasahin na ng mga mag-aaral ang kwento)
2. Pagsusuri/Analysis
Mga tanong sa nabasang kwento.
A. Paano nalaman ni Isabella ang pananalasa ng bagyo sa
tacloban? Ibigay ang ibat ibang damdamin ni Isabella tungkol sa
trahedya?
( Nalaman ni Isabella ang pananalasa ng bagyo sa tacloban
sa pamamagitan ng mga napanood at nakita nyang imahen
sa telebisyon. Labis ang kanyang kalungkutan sa sinapit ng
kanyang kapwa)
B. Ilahad ang mga pangyayari na naghatid kay isabella upang
tumulong at magbigay sa mga biktima ng bagyo, kung ikaw si
Isabella gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa. Bakit?
( Matapos niyang mapanood sa telebisyon ang mga nangyari
at magsimba kasama ang pamilya, seryoso itong tinalakay
ng guro sa klase at nagtakda ang paaralan ng relief
operations kung saan aktibong tumulong si Isabella. Opo. Ito
ang pagkakataon ni Isabella upang makatulong.)
C. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos nyong marinig ang mga
ito?
(Matindi ang nangyari sa mga kababayan natin sa tacloban.
Maraming namatay, nawalan ng kabuhayan at mahal sa
buhay. Labis akong nalungkot para sa kanila.)

3. Paghahalaw/Abstraction
Ngayon babalikan natin ang mga pangyayari sa kwentong inyong
nabasa. May naihanda akong strips/gunit ng mga papel na may
pangyayari ng inyong pagsunud-sunurin ang mga pangyayari .
Handa na ba kayo?

4. Inihanda ni Isabella ang kanyang pinaglumang damit at laruan

2. Ipinag dasal ng pamilya ni Isabella ang nangyaring trahedya sa tacloban

3. Pinulong ng guro ang klase upang ihanda sila sa gagawing pagtulong ng paaralan

1. Nalaman ni Isabella ang nangyaring trahedya sa tacloban

5. Ipinamahagi ng klase ni Isabella ang kanilang mga naipong gamit , laruan at iba pa sa

mga nangangailangan

 Paano ang wastong pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa


kwento?
 Bakit mahalaga ang wastong paraan ng sunod-sunod na paglalahad
ng pangyayari sa kwento?w

4. Paglalapat

Ngayon, papangkatin ko kayo sa apat na pangkat. Ang bawat


pangkat ay makakatangap ng tekstong/kwento na magkaiba sa
ibang pangkat.
Ang gagawin ninyo ay inyong pagsunod-sunurin ang pangyayari
upang mabuo ang kwento. Handa na ba kayo?
PANGKAT 1 PANGKAT 2
Ang Aral ng Damo Araw, Buwan, at Kuliglig
1.May anghel na galing sa langit na nagbisita 1.Laganap pa sa kapaligiran ang mga punong siyang
maaaring panirahan ng mga kuliglig
2.Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat 2.ang Buwan at ang Araw ay naglalakbay sa alapaap
3.Masdan mo ang gardenia sa banda roon. 3.Umalis si Araw dahil sa malaking galit sa asawa.
4.Ang kanyang mga dahon ay matutulis 4.nabitiwan niya ang kanyang anak at nahulog ito sa lupa.
5.Hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!” 5.Sinasabing ang anak na ito ang naging kuliglig

PANGKAT 3 PANGKAT 4

Ang Kalabasa at ang Duhat Ang Punong Kawayan

1.Nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat 1.May ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian

2.Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan 2.Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

3.Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas 3.Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan

4.Muling nag-isip ng malalim si Bathala 4.Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga


punungkahoy
5.Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga
ito. 5.nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy

Tapos na ba ang lahat? Ngayon, ating iwawasto ang inyong ginawa. Aalamin natin
ngayon kung tama ba ang ginawa ninyong pagkakasunod-sunod sa tekstong aking
ibinigay. ( Iwawasto ng guro ang ginawa ng mga mag-aaral).

IV. Pagtataya
Basahin ang talata, ayusin ang mga ito ayon sa pagkakasunod –sunod na
pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.
“PISTA SA AMING NAYON”

_______1. Maraming bisita ang dumating


_______2. May prusisyon kung saan iginagala ang patron ng nayon
_______3. May palabas sa plasa tuwing gabi
_______4. Abala ang lahat
_______5. May misa at bnyagang nagaganap

Inihanda ni:
CLAIROL CINDY P. MONTOJO
Teacher I

You might also like