sa Editor, iskrip sa Radio Broadcasting at teleradyo BROADCASTING -Ay ang paghahatid ng mga impormasyon o balita sa mamamayan sa pamamagitan ng broadcast media na radyo at telebisyon. RADIO BROADCASTING Isang paraan ito ng paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa malawak na populasyon ng tagapakinig gamit ang radio waves Sa pagbabalita: 1. Hindi lalampas sa limang minuto ang isang balita 2. Gawin itong simple, tama, at malinaw. 3. May nakahandang iskrip na babasahin ng broadcaster Radio Iskrip Ang Radio Iskrip ay isang isinulat na materyal na naglalaman ng mga salitang kilos(pandiwa) at di- pandiwang kilos na kailangan sa programa.
Sinasabi sa atin kung ano ang gagawin, sasabihin o
kailan at paano.
Ang iskrip ay isinulat na mga salita ng dula, pelikula
o mensahe na ipinararating sa pamamagitan ng tao o telepono. Pagsulat ng Iskrip Panimula -ilahad and mga detalyeng may kaugnayan sa lugar o kondisyon ng insidente o pangyayari/isyu o balita.
Gitnang Nilalaman -Ilahad ang lahat ng malalaking
impormasyon o detalye tungkol sa isyu o balita (ano, saan, kailan, paano at bakit).
Katapusan -Ilahad ang ilan pang detalyeng may kinalaman
sa isyu o balita at ang pulso ng taong bayan tungkol dito URI NG PROGRAMA BALITA PANAYAM Papaano nga ba gumawa ng ISKRIP? 1. Gumagamit ng maliliit na letra sa pagsulat ng diyalogo. 2. Isulat sa malalaking letra ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal na reaksyon ng mga tauhan. 3. Guhitan ang mga SFX (sound effects) at MSC (music) 4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito. 5. Kailangan may dalawang espasyo pagkatapos ng bawat linya sa iskrip kapag makinilya o kinompyuter. 6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kabilang bahagi bago ang unang salita ng linya upang maging madali ang pagwawasto kapag nagrerecording. Papaano nga ba gumawa ng ISKRIP? 7. Ang mga emosyonal na reaksyon o tagubilin ay kailangang isulat sa malaking letra. Ginagamitan lamang ito upang ipabatid kung papaano sasabihin ang mga linya o dayalogo ng mga tauhan. 8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig. 9. Isulat sa malaking letra ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa parenthesis. 10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang mga pangalan ng tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC. 11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang. GAWAIN Sumulat ng iskrip tungkol sa tamang pag-aalaga ng hayop. Pumili ng isang alagang hayop na pagtutuunan ng talakayan. Gamitin ang format. Unang Pangkat Ikalawang Pangkat Ikatlong Pangkat Ika-apat na Pangkat Chuck Izle Yelena Sebastian Clyde Terrence Cayline Edman Yisha Anton Eric Michael Mishka Charlotte Drew Candace Adrian Rheanna Genevieve Amber Juliel Simon Ayeisha Alexis Marienne Angela Laurence Sophie Christen Deyna Iris Kholeen Trishan Miguel Carlene Kim Marcus Airor Samantha Maurine Darcy Christian Sabina Trianne