You are on page 1of 3

FILIPINO-10 (NEWTON) September 5, 2022

“Iskrip ni Justin Dave Tiozon”


Gawain 5: Pagsusuri sa Tauhan (Pangkat 1)

Magandang hapon po Gng. Hilda S. Lavado!


Magandang hapon po aking mga kaklase!
Magandang hapon po sa inyong lahat!

Ako po ay naririto bilang kinatawan at tagapagsalita ng aming pangkat, isa. Bago po


ako mag-umpisa gusto ko pong ipakilala ang aming grupo. Ako po pala si Justin Dave
Tiozon, sila naman po ay sina Rian F. Rosco, Lincon Kurt Amantillo, Gelie C.
Tongohan, Raxine C. Grefiel, Elaiza Mae Villarino, Jonathan B. Ida, Jaynard
Buhalog, at Gien Adrian Fernandez.

L-D-R na ba kayo?
Lakbay Diwa Ready na ba kayo?

Ang tatalakayin ko ngayon ay patungkol sa Gawain bilang lima: Pagsusuri sa


Tauhan. Inaasahan kong sa pagtatapos ng aking presentasyon ay mas lalalim pa
ang ating kaalaman sa mga pangunahing tauhan sa istoryang Cupid at Psyche.
Una sa lahat, ano nga ba ang Cupid at Pysche?
Ang Cupid at Psyche ay isang tanyag na klasikong mitolohiya; mga kwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong
mito ang mga diyos at diyosa na nagbibigay paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
Sinasabing nagmula ito sa panitikan ng Roma sa Italya, ang akdang ito ay isinulat ni
Lucius Apuleius Madaurensis noong ika-dalawang siglo upang ipahiwatig sa mga
mambabasa ang kanyang nais o reaksyon sa isang pangyayari at sa paglipas ng mga
panahon kalauna’y itong naisalin sa Ingles ni Edith Hamilton at naisalin naman sa
Filipino ni Vilma C. Ambat. Ang layunin ng akda ay upang imulat ang mga mata ng mga
mambabasa kung ano nga ba ang tunay at tapat na pag-ibig sapagkat kaakibat ng
pagmamahal ang tiwala at katapatan, gayundin ang akda ay umiikot sa ideya ng “pag-
ibig” at ‘kaluluwa” na kinakatawan ng mga pangunahing tauhan na sina Cupid at Psyche.
Sinisimbolo nito ang pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdadaanan.
Maari mang hindi makatotohanan ang ibang pangyayari sa akda ngunit ito parin ay
nagsasalamin sa ideya ng pag-ibig na tumutugon sa sensibilidan ng mambabasa.

Ngayon mas kilalanin pa natin ang dalawang pangunahing tauhan ng akdang ito: Si
Cupid at si Psyche!

Si Cupid o Kupido
Ayon kay mito, si Cupid o Kupido ay ang anak ni Mercury, ang may pakpak na
mensahero ng mga diyos, at Venus, ang diyosa ng pag-ibig, kagandahan, pagtatalik,
pertilidad, at kasaganaan.
Si Cupid o Kupido ay ang binansagan ng mga sinaunang Romano na diyos ng pag-ibig sa
lahat ng uri nito, ang katapat ng diyos ng mga Griyego na si Eros at ang katumbas ng
Amor sa tulang Latin. Matatandaan din nating siya ay ang inakalang halimaw ni Psyche.

Ngayon dumako naman tayo kay Psyche!


Si Psyche ay ang anak ng Hari at may dalawang kapatid na mga babae. Siya ay ang
binansagang pinakamagandang mortal na hinahangaan at sinasamba ng mga kalalakihan,
matatandaan rin nating siya ay ang asawa ni Cupid.

Upang mas maging malawak pa ang ating kaalaman sa akda, dumako naman tayo
sa kanilang mga kalakasan at kahinaan ng bawat isa!
FILIPINO-10 (NEWTON) September 5, 2022

Ang mga kalakasan ni Cupid;


Una
- Kakayahang mapa-ibig ang sino mang gusto niya.
Pangalawa
- Siya ay may pagpapahalaga sa tunay na nararamdaman ng tao.
Pangatlo
- Siya ay may taglay na sariling desisyon at paninindigan.
Pang-apat
- Busilak ang kaniyang puso na punong-puno ng kabutihan at marunong
magpakumbaba.
Ito naman ay ang mga kahinaan ni Cupid;
Una
- Ang kanyang ina sapagkat siya’y naging sunod-sunoran.
Pangalawa
- Ang kaniyang kawalan ng tiwala.
Pangatlo at pang-apat
- Si Psyche at ang kaniyang matinding pagmamahal.
- Masasabi rin natin na isa sa mga kahinaan ni Cupid ay ang kanyang pagmamahal
kay Psyche. Dahil sa kanyang pagmamahal, hindi niya nasunod ang utos ng
kanyang ina na paibigin ito sa isang halimaw.

Pumunta naman tayo kay Psyche!


Ang ilan sa mga maituturing kalakasan niya ay;
Una
- Ang kaniyang taglay na kagandahan na kinahuhumalingan ng mga kalalakihan.
Pangalawa
- Si Psyche ay matiyaga at hindi sumusuko sa ano mang laban. Ito ay ipinakita nung
bigyan siya ng maraming pagsubok at paghihirap ni Venus.
Pangatlo
- Ang kanyang determinasyon na makamit ang kaniyang minimithi.
Pang-apat
- Ang lakas ng kaniyang kalooban upang harapin ang lahat ng mga pagsubok na
dumarating sa kaniyang buhay.
Dito naman tayo sa kaniyang mga kahinaan!
Una
- Ang isa sa mga kahinaan ni Psyche ay ang pagiging mausisa o marites. Dahil dito,
siya ay nadala sa kapahamakan katulad na lamang ng pagbukas niya ng kahon
kung saan humingi si Venus kay Persophina ng kaunting kagandahan.
Pangalawa
- Ang kaniyang pagmamahal sapagkat dahil sa kaniyang pagmamahal kay Cupid
naging sunod-sunuran siya ni Venus upang gawin ang mga mahihirap at
mapanganib na mga pagsubok.
Pangatlo
- Si Psyche ay meron ring kawalan ng tiwala sa kanyang asawa na si Cupid. Ngunit,
nalagpasan niya rin ito.
Pang-apat
- Isa rin sa kaniyang mga kahinaan ay ang impluwensya sapagkat ng dahil sa sulsul
at impluwensya ng kaniyang mga kapatid si Psyche ay na bulo at ito’y nagdulot ng
mga mabibigat na suliranin sa kaniyang buhay.

Ngayong mas lumawak na ang ating karunungan sa istoryang Cupid at Psyche,


sagotan naman natin ang mga sumusunod na mga kanatungan;

Una! (basahin ang tanong sa screen)


Yun ay ang hindi niya tinupad ang kaniyang mga pangako sa kanyang kabiyak katulad ng
hindi niya pwedeng masilayan ang mukha ng kanyang asawa at gayundin ang pangakong
kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niya na hindi niya pa nasisilayan ang
mukha ng kanyang asawa at kaya dahil sa hindi niya pagtupad sa mga pangako, ang mga
FILIPINO-10 (NEWTON) September 5, 2022

impormasyong iyon ay ang naging dahilan upang mabuo ang pangimbulo o selos sa puso
ng kanyang mga kapatid at siya’y sinulsulang suwayin ang mga kondisyon ng kanyang
asawa, sinabi nilang ang kanyang asawa ay tunay na halimaw at siya rin ang papatay kay
Psyche kaya upang hindi siya mapatay kailangang unahan niya ang kanyang asawa, agad
namang na bulo si Psyche sa kaniyang mga kapatid kung kayat pag dating ng gabi siya ay
pumasok sa silid ng kaniyang asawa na may dala-dalang lampara at punyal na siya
namang ikinagaan at ikinaligaya ng kanyang puso ng masilayan niya ang pinakagwapong
nilalang sa mundo kaya sa labis na kahihiyan tinangka niyang saksakin ang kaniyang
sarili ngunit bigla nalang nanginig ang kanyang kamay at nahulog ang punyal na kapwa
namang nagligtas at nagtaksil sa kanya, sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang
kagwapohan ng kaniyang asawa inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis
ang balikat nito, nagising ang lalaki at natuklasan ang pagtataksil ni Psyche kung kayat
lumisan ang lalaki ng hindi nagsasalita. Basi sa mga kaganapang ito, napagtanto ng aming
pangkat na “Hindi nabubuhay ang pag-ibig kapag ito’y walang sangkap na pagtitiwala”.

Pangalawang katanungan! (basahin ang tanong sa screen)


Ito ay sapagkat inakala ni Venus na kaya siya nakalimotan na ng mga tao ay dahil
nahigitan na siya ni Psyche sa kagandahan at ito ay isang hindi magandang katangian ni
Venus, ang mainggit at magtanim ng galit sa iba.
Sabi nga ni Ma’am-Ma Tanong; Hindi magandang mainggit sa ating kapwa. Dapat ay
makontento tayo sa kung ano ang mayroon tayo at matuwa sa mayroon din ang iba.

Pangatlong katanungan! (basahin ang tanong sa screen)


Hindi lamang upang sukatin kung mamahalin ba siya dahil isa siyang diyos, nais lamang
ni Cupid na matotong magtiwala sa kanya bilang asawa.
Sabi nga ni Ma’am-Ma Tanong; Hindi Magandang maglihim sa ating mga mahal sa buhay.
Bagamat may mga dahilan tayo bakit tayo naglilihim, isa parin itong paraan ng
pagsisinungaling. Tandaan, ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwag.

Pang-apat na katanungan! (basahin ang tanong sa screen)


Sapagkat sina Psyche at Cupid ay pumunta kay Jupiter upang humingi ng basbas, naging
imortal si Psyche sapamamagitan ng pagkain ng ambrosia na pagkain ng mga diyos at
diyosa kaya tinanggap nalang ni Venus si Psyche bilang manugang.

Panghuling katanungan! (basahin ang tanong sa screen)


Bilang isang diyosa, si Venus ang diyosang Romano ng pag-ibig, kagandahan, pagtatalik,
pertilidad, at ng kasaganahan. Pero ayon sa mitolohiya, si Venus ay nagtataglay ng
katangiang mainggit at magtanim ng galit sa iba.

Kaya sa pagtatapos ng aming presentasyon, palagi po nating pakakatandaan ang


isang katagang “Kapag naiinggit ka sa isang tao, una mong sisirain ang sarili mo.”
Maraming salamat po sa pakikinig, akoy nagagalak na marami tayong napulot na
gintong mga aral mula sa panitikang Cupid at Psyche nawa’y dumating ang araw
na may Cupid at Psyche’ng magmamahal sa inyo.

Justin Dave Tiozon (PANGKAT 1)


Baitang 10 - NEWTON
Guro: Gng. Hilda S. Lavado
Marabut National High School

You might also like