You are on page 1of 2

Cupid at psyche buod

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa
tatlong magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni
Psyche ay talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng
kagandahan na si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni
Venus at mas lalo pang nakapag pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na
magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay napabayaan na. Ang dapat sana
na atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si
Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang
umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa
kanyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa.

Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya.
Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita
lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng
hari. Nagging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni
Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking
makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang
hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang
nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo.

Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si
Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari
ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang
makarating sa bundok na paroroonan naghintay ang magandang dalaga sa kanyang
mapapangasawa. Walag kamalay mala yang magandang dalaga na ang kanyang
mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang
bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang
kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga
kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga
kapatid pala ni Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito
kay psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay
muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong
nagalit kay Psyche at irto ay pinahirapan niya ng husto. Ibay ibang mga pagsubok ang
ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche at di naglaon Ang pag-ibig
(Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang
pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.
Alegorya Ng Yungib
Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at
nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay
mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos
sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.Ang
larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang Alegorya ng Kuweba.
Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga
anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa Mundo ng mga Ideya. Ang mga
konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin
lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang silay matuklasan.Taliwas naman ang
turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan ay ang
karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa.
Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayoy ipinanganak, taliwas sa turo ng guro
niyang si Plato. Ang isip ng tao ay tinagurian ni Aristotle na Tabula Rasa na ang ibig sabihin ay
blankong tableta. At bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa
nasabing tableta. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.Sa paglipas ng mga taon, mas
pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako ay palo sa kaisipan ni
Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagamat mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa
pagtahak sa mundo ng rasyunalismo ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.Sa
tingin koy may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong tinuran ni
Plato, hindi ibig sabihiy hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas
makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi bat ang batong ating nakikita ay binubuo
ng mga atomos na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Hindi bat ang materya ay patuloy
na mahiwaga sa atin? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit
sa quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala
nang pag-unlad sa ating agham.Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay
hugis ng kanilang gamit at itoy buod ng relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang
materya. Alam kong mali ang konsepto ni Plato sa kanyang rasyunalismo ngunit gusto kong
sundan ang kanyang lohika ang pagtuklas sa mas malawak at makapagpapalayang na
realidad.

Ang Tusong Katiwala : Ang Buod

Noong unang panahon, may isang katiwala na gusto ng paalisin ng kanyang amo dahil diumano
ay hindi maganda ang pamamalakad nito sa mga ari-arian. Kaya bago siya pinaalis ay hiningan
muna siya ng ulat ng pangangasiwa. Nag-alala ang katiwala dahil wala naman siyang ibang
alam gawin maliban sa pangangasiwa kaya't tinipun niya lahat ng nagkautang sa kanyang amo
at ginawan ng kasulatan ang mga utang nito ngunit sinigurado niyang mas maliit ang utang na
nakatala sa kasulatan kaysa sa tunay na utang nito para kung matanggal man siya sa trabaho
ay may iba pang tatanggap sa kanya. Natuwa naman ang kanyang amo sa mga natanggap na
ulat mula sa kanya. Ang ipinahihiwatig ng parabulang ito ay ang pagpapahalaga sa tiwalang
ipinagkaloob sa iyo. Mas higit kang pagkakatiwalaan sa malalaking mga bagay kung naipakita
mong mahusay ka kahit sa maliliit lamang.

You might also like