You are on page 1of 3

May Hari at Reyna na may tatlong anak na babae . Ang bunsong.

Si Psyche ang siyang


pinakamaganda sa lahat . labis siyang hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan.

Boy 1 : Ang ganda talaga ni Psyche

Boy 2 : Oo… tilay wala ng makakapantay sa angking kagandahan nya

Boy 3 : Sya na ata ang pinaka Magandang babae sa lahat.

Palaging kinukumpara ang ganda nito sa diyosa ng kagandahan na si Venus. Sinasabing mas higit
pa itong Maganda keysa sa diyosa . Maging ang pag-aalay sa templo nito ay nakalimutan na rin
ng kalalakihan .
Nagalit Si Venus sa mortal na si Psyche at agad niyang inutusan ang anak na si Cupid na
paibigin ang dalaga sa isang halimaw .

Venus : Cupid !... ano eto ! , nasan na ang mga nag aalay saakin ng papuri ?! . Cupid pumarito ka
.
Cupid : Bakit po inay ?

Venus : Paibigin mo ang babaeng nag ngangalang Psyche sa isang halimaw.

Cupid : Masusunod po inay.

Hindi na niya naisip ang maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak . Agad
tumalima si Cupid at hinanap ang nasabing babae . Umibig siya kay
Psyche nang nasilayan niya ang kagandahan ng dalaga . Tila ba napana niya agad ang kaniyang
puso.

Cupid : ( Habang naka masid sa malayo ) Sya naba ang babaeng nag ngangalang Psyche na
tinutukoy ni Inay .
Labis nga ang kanyang kagandahan , tulad ng sinasabi ng kalalakihan.

Hindi nagawa ni Cupid ang pinapagawa sa kanya ng kanyang ina. Samantalang umasa si Venus
na nagawa ng anak ang kanyang inutos . subalit laking pagtataka niya nang walang nangyari kay
Psyche.
Ang mga magulang naman ni Psyche ay nabahala para sa kanilang anak . Humingi sila ng payo
kay APOLLO na kung ano ang maaaring gawin upang makahanap ito ng pag-ibig.

Reyna : Maaari bang humingi ng payo sayo Apollo .

Hari : Ano ba ang maaari naming gawin upang makahanap ng pag- ibig ang aming bunsong
anak na si Psyche.
Apollo : Bihisan nyo ng pamburol ang inyong anak at iwan nyo siya sa bundok ng mag- isa.

Labag man sa kanilang kalooban ay tumalima sila sa payo ni Apollo. Nalulungkot man ang lahat
sa pangyayari, buong- pusong tinanggap ni Psyche ang kanyang kapalaran.
Nag iisang naghintay si Psyche sa bundok . Nanginginig man sa takot hinintay niya kung ano man
ang manyari sa kaniya .

You might also like