You are on page 1of 2

Ang alamat na ito ay nagmula sa Kapampangan.

Ang salitang "Kapampangan" ay nagmula sa


salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog. Ang mga Kapampangan ang ikapitong
pinakamalaking pangkat etnikong Pilipino. Pangunahin silang naninirahan sa mga lalawigan ng
Pampanga at Tarlac. Kapampangan din ang tawag sa kanilang wika.

Dako tayo sa uri ng panitikan. Ang panitikan nga na ito ay isang uri ng piksyon sapagkat ito ay
mula sa imahinasyon ng manunulat. Tungkol naman sa manunulat, hindi tiyak kung sino nga ba
ang nag-akda nito at kung anong taon ito nailimbag. Sa alamat na ito bukod sa nakakawiling
basahin ito rin ay kapupulutan ng magagandang aral. Kagaya na lamang ng tatlong aral ng kwento
na nasa ppt. una, Iwasan ang pagiging mainggitin sa kapwa. Maging mabuti sa lahat ng
pagkakataon dahil ito ang nais ng Diyos. Pangalawa, Ang pagiging mainggitin ay walang mabuting
maidudulot bagkus, ito ay magdadala sa atin ng kapahamakan. At pangatlo, Kung may nais na
maabot o makuha sa buhay, ang pinakamahusay na paraan ay pagtrabahuan ito ng mabuti,
pagpaguran, pagsumikapan at hindi kunin sa mabilis at masamang paraan.

Dadako naman tayo sa tauhan ng kwento. Si araw, ang matandang kapatid at maganda ang
kalooban. Si buwan, ang nakababatang kapatid at kabaliktaran ng ugali ni araw. Ang diyos na
nagbigay ng brilyante kay araw, at ang dalawang anghel na inutusan ng diyos para parusahan si
buwan.

Naganap ang kwento sa lupa o mundong ibabaw.

Dako naman tayo sa banghay ng kwento.

Sa simula (sino ang maaaring magbasa?). Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na
babae. Magkaiba ang ugali ng dalawang magkapatid. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas
matandang kapatid. Ngunit, si Buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang
Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Ngunit, hindi nagbigay ang Diyos ng
regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda ang kalooban ni Buwan.

Sa tunggalian, pagtatama lamang ito ay hindi tao laban sa tao kundi tao laban sa diyos o o mga
sobrenatural na nilalang.
Sunod kasukdulan (sino ang maaaring magbasa?). syempre galit na galit si Buwan. Kasi nga naman
yung kapatid niya binigyan ng regalo habang siya hindi. Kaya ang ginawa ni buwan pumunta siya
sa langit at nagnakaw siya ng isang brilyante sa Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan
niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si
Buwan. Kasi hindi na nga siya binigyan ng brilyante tapos yung ninakaw niya pa ay hindi
kasingliwanag ng kay araw. Nang nalaman ng Diyos yung tungkol sa pagnanakaw ni buwan,
inutusan niya ang kaniyang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae, ito
nga ay si buwan.

Suliranin (sino ang maaaring magbasa?). ayun, nagsimula talaga yung problema dahil sa inggit ni
buwan, ito yung nagtulak sa kaniya para magnakaw sa diyos.

Kalakasan (sino ang maaaring magbasa?). sumunod yung dalawang anghel sa diyos, bumaba sila
sa langit para parusahan nga si buwan. Ngunit dala ng emosyon umabuso sila, imbis na si buwan
lang yung paparusahan, nadamay si araw. Dalawa silang ibinato sa dagat. Kasabay nga nito
ibinato rin paitaas ang dalawang brilyante sa langit.

At ang wakas. (ako na ang magbabasa) Nadikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas
maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

BUGTONG
Patuloy na iniingatan ng Rehiyon 1 ang angkin nilang panitikan at kabilang na rito ang bugtong o
Pabitla ng mga Pangasinan. Ang salitang "Pangasinan" ay hinango sa "asin" na ang ibig sabihin
ay "lugar ng asin" o "pagawaan ng asin". Narito nga ang apat na halimbawa ng bugtong o
pabitla sa Pangasinan. (babasahin ko).

You might also like