You are on page 1of 3

EXPLANATION IT ERA

FLOWCHART

Isang uri ng visual na daloy kung saan nagpapakita ng pagkakasunud-sunod ng mga gawain sa isang
proseso. Dito ay gumagamit ng iba’t ibang mga simbolo na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga
hakbang o isang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan. Ang bawat isa sa mga simbolo na ito ay naka-
link sa mga arrow upang ilarawan ang direksyon ng daloy ng proseso. Halimbawa ng proseso ay proseso
ng trabaho, pagdidisenyo ng mga algorithm, isang plano ng proyekto at ibp.

Narito ang 5 symbols and their functions.

START/END

-Kilala rin bilang "Terminator Symbol," ang simbolo na ito ay ginagamit upang ipahiwatig ang simula at
pagtatapos ng diagram. Maaari mong gamitin ang mga salitang tulad ng 'Start', 'Begin', 'End' sa loob ng
hugis.

ARROWS

-Ginagamit ito upang ipahiwatig ang direksyon ng mga aksyon mula sa isang hakbang patungo sa isa pa.

INPUT/OUTPUT

-Tinutukoy din bilang "Data Symbol," ang hugis na ito ay kumakatawan sa data na magagamit para sa
pag-input o output pati na rin sa ginamit na resources. Habang ang ‘’paper tape symbol’’ ay ginagamit
din sa input / output, ngunit ito ay luma na at hindi na karaniwang ginagamit para sa diagram ng
flowchart.

PROCESS

-Kilala rin bilang isang "Action Symbol," ang hugis na ito ay kumakatawan sa isang proseso, hakbang, o
aksyon, sa bawat yugto ng diagram. Isa ito sa mga pinaka-ginagamit na simbolo ng flowchart.

DECISION

- Ang simbolo na ito ay ginagamit kapag mayroong isang desisyon na gagawin o isang katanungan na
sasagutin, tulad ng Oo / Hindi o Tama / Mali.

Example explanation

For the start gumamit ng terminal symbol. And para mapagconnect ang bawat aksyon sa diagram ay
gumamit ng flowlines. For the input which is yung height. A Parallelogram shape was used. Para sa
decision na gagawin, the diamond symbol was used. True or false. is the height greater than 1.6? if true
the output is ‘’you are tall’’ and if false, the output is ‘’you are short’’ again gumamit ulit ng
parallelogram shape. and finally, gumamit ng terminal symbol for the end of a diagram.
FLOW UTS REPORT

Freud's Theory of Motivation

Sa teorya na ito maiiugnay ang isa sa parte ng psychoanalytic personality theory which is yung ID.
Naniniwala si Freud na lahat ng ating pangunahing mga likas na desires at motives ay nakapaloob sa
unconscious mind. Ang impormasyon na mula sa ating unconscious mind ay kadalasan lumilitaw sa ating
panaginip at kung minsan may mga nababanggit tayong salita na hindi dapat lumabas at nasa isip lang
natin. Sinasabi rin na malaking parte sa behavior ng tao ay unconscious. Ito yung unconscious
psychological forces natin tulad ng hidden desires at motives, na humuhubog sa pag-uugali ng isang
indibidwal, pagdating sa purchasing decision. Ang mga pag-uugali ng customer ay hinihimok ng kanilang
unconscious motives at nahihirapan silang ipaliwanag kung bakit eksakto na bumili sila ng isang
partikular na produkto.

Example:

Nais ko na bumili ng brand new camera. Maaari kong ilarawan na ang motivation ko as desiring para sa
hobby ko o para magamit ko sa career na kukunin ko. Sa kabilang banda, maaaring gusto ko na
magkaroon ng camera para maipagmayabang sa iba at para maging cool ako tignan. Syempre kapag
pumili ako ng camera na bibilhin, natural na titignan ko ang features nito. Bukod sa capabilities nito,
isasaalang-alang ko rin ang size ng camera, the weight, material, color, and brand name. Ang lahat ng ito
ay maaaring magtrigger sa emosyon ko, kung bibilhin ko ba to or hindi na.

Toy collection- nangongolekta ang isang tao dahil nakakakuha siya ng comfort dito, ito ang nagiging
companion kapag mag-isa siya. Nagbibigay rin ito ng saya sa pakiramdam at nakakabawas sa bigat ng
damdamin at pagkalungkot. Sa bawat pagdadagdag sa mga koleksyon ay nagkakaroon ng bagong
experience, mula sa paghawak nito hanggang sa pagbibigay ng mga pangalan dito. Ang isang collector ay
nagpapakita rin ng pagkabalisa o kahinaan sa damdamin sa mga bagay na kinokolekta niya. And Inner
motivation must invoke enthusiasm for owning a certain kind if things, be it fish, bus tickets or toy
soldiers. Among adult collections, quantity is often a defensive maneuver as a representative of an inner
experience of security or power while quality, rarity or significance of an individual object are more akin
to narcissistic representation: "I have something special * should often be understood as a denial of self-
doubt. The habit of collecting itself, and the way one goes about it, depends on a variety of facts in an
individual's history and personality structure, even though the empirical connections that reveal a
collector's leanings are often obscured.

Selective Attention - Commercials and Selective Retention.

Ang selective attention ay pagpapakita ng interes ng consumer sa isang product commercials. Ibig
sabihin kahit maraming commercials ang lumabas sa t.v. nakafocus lang ang tao sa commercial product
na kailangan at interesado siya. Halimbawa. May patalastas ng shampoo, una ay Palmolive at Sunsilk.
Parehas silang magandang gamitin sa buhok pero mas naattract ang atensyon mo sa Palmolive
commercial dahil mas interesado kang gamitin ito.

Ang selective retention ito yung nakaretain yung information sa utak natin yung features ng isang
product or services na gusto natin. hindi natin inaalala ang ibang information na walang kaugnayan sa
produktong ng nais nating bilhin. Halimbawa. Nasa memorya natin yung mga punch lines ng isang
advertisement. "Babangon Tayo" from Nescafé, "Sarap Kasama Ang Pamilya" from Jollibee, "Care from
Afar" from Vicks Philippines and marami pang iba.

Economic Factors

Kabilang dito ang kapasidad ng isang indibidwal sa pinansyal at kakahayan upang gumastos ng pera sa
isang produkto. May mga indibidwal na nais bumili ng bagay ngunit walang sapat na pera. May mga
mag-aaral na umaasa sa allowance ng kanilang mga magulang upang mabili ang kailangan. Family
income influences the buying behavior of the family sumasaklaw sa pangunahing mga pangangailangan
ng pamilya. educational need, shopping goods, kasangkapan, kagamitan sa bahay atibp. Kung ang
pamilya ay maayos ang pagpasok ng pera maaari pang gumastos ng sobra sa ibang bagay ngunit kung
sapat lang ang pera mas pinaglalaanan ang edukasyon o pagbabayad ng matrikula. Lastly, savings is an
increase or decrease in the amount of money to keep that affects the purchasing decision of a person.
Kung gusto niyang makatipid, ang kanyang paggastos ay limitado. Gagastos lamang siya para sa
pangunahing pangangailangan at iiwas gumastos sa mga bagay na walang kabuluhan.

Vanity and Self

- Ang vanity is the quality of having too much pride one's appearance or accomplishments. Ito
yung kayabangan sa sarili. Ang dahilan ng vanity ay pagiging insecure sa masasabi ng iba. Ang
importante lang sa kanila ay ang papuri o opinion ng iba.

- Nakakaapekto ang vanity sa personal purchasing decision. Because They want to be “cool” and
fit in. Mas uunahin nila bumili ng materialistic na bagay o sundin ang luho nila kaysa sa mas
importanteng bagay. The more beautiful and expensive looking they are, you would assume na
mayaman sila.

Physical vanity

Ito ay pag-aalala sa pisikal na hitsura. Nararamdaman ng isang tao ang pangangailangan na maging
corporate sa iba. Nag-aalala ka sa sasabihin ng iba. Kaya bibili ka ng mga products na makakatulong
upang maging kaaya-aya sa ibang tao. At upang makakuha ng papuri sa ibang tao.

You might also like