You are on page 1of 27

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Sa kabanatang ito, tinatalakay kung bakit at paano pinili ang paksa at ang

mga posibleng mabuti at masamang epekto nito. Maging ang mga teoryang

may kaugnay sa paksa at maging respondente ay mailalahad dito. Ipapakita

din dito ang mga gustong matamo ng pag-aaral, mga saklaw at sakop nito,

kahalagahan ng pag-aaral at mga depinisyong ginamit sa pananaliksik.

PANIMULA

Sa panahon ngayon kailangan natin maging praktikal. Alam naman natin

na sa pagtitinda ay may mga oportunidad na magkaroon ng kakayahang

tustusan ang mga walang hanggang gastos. Maraming paraan para kumita

ng pera kung ikaw ay madiskarte. Isa na ditto ang online selling. Ito ay isang

paraan para ng pagbebenta ng samu’t saring produkto gamit ang social

media. Sa online business maaring walang kasiguraduhan, isa naren itong uri

ng pag nenegosyo na mabilis ang kita dahil sa daming may internet access at

social media sa ngayon.

Ang isang uri ng online selling ay ang online ukay o mas kilala sa tawag

na “prel-oved”. Dito nakapaloob ang mga second hand na gamit o damit na

pwede pang mapakinabangan ng iba at binebenta sa mas mababang halaga.

Ang pagsikat at paglago ng industriya ng preloved ay sadyang napaka bilis


2

dahil madaling mahumaling ang mga kabataan sa gantong konsepto. Dahil

bukod sa mura ito, di na sila mahihirapan sa pakikipagsiksikan sa mga ukay

ukay makabili lamang ng mga murang damit.

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ngayong modernisadong panahon, maraming tao ang nahihikayat ng

teknolohiya. Dahil kung noon ay nahihilig lamang tayo sa mga bagay na

meron ang teknolohiya tulad ng facebook at iba. Peron g dail sa mga kahilgan

ng tao nsa paggagmit nito nakaisip ang mga mananalikisik na gumawa ng

pananalikisik patungkol sa pagkakaroon ng online business na kung saan

hindi lamang bilang libangan ang mga tao na walng trabaho at tiyak na

makakatulong din sa marami. Dahil bukod sa kikita ka na sa ganitong trabaho

ay miski ikaw ay nasa bahay lamang ay tiyak na makakayulong sayo dahil sa

pagiging aktibo natin sa paggamit ng teknolohiya. Ngunit nais din ng mga

mananaliksik na maipaliwanag ng mabuti na mayroong mga negatibong

epektibo din ito sa ating buhay.

BATAYANG TEORITIKAL

Ayon sa teoryang sosyolismo, (Ogatia,2009) na tumutukoy sa

malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunang organisasyon na

nagtataguyod sa estado o sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa

paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa

pagkaaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may

patas o igualiteryang pamamaraan ng sahod. Halos magkaperehas lang sila


3

ng teorya ng sosyolohikal. Ang pamamaraan ng pagbebenta ng gamit o ukay-

ukay sa pamamagitan ng sosyal media ay masasabing napakagandang

pamamaraan sapagkat ang ating henerasyon ngayon ay puro nagagamit

nang mga social media upang makapagbenta o bumili ng hindi nahihirapan

maghanap pa o umalis ng bahay dahil isang pindot lang ay maari mo ng

makita ang nais mong gamit o iba pa tulad ng ukay-ukay.

Ayon naman kay Kahneman 1992, ay isang teorya sa nagbibigay-

malay na sikolohiya na naglalarawan sa paraan ng pagpili ng mga tao sa

pagitan ng mga probabilistikong alternatibo na may kinalaman sa panganib,

kung saan ang mga probabilidad ng mga resulta ay hindi sigurado. Ang

teorya ay nagsasaad na ang mga tao ay gumawa ng mga desisyon batay sa

potensyal na halaga ng mga pagkalugi at mga kalamangan sa halip na ang

huling resulta, at ang mga tao ay sumuri sa mga pagkalugi at pakinabang na

gumagamit ng ilang mga heuristics. Ang modelo ay naglalarawang:

sinusubukan itong mag-modelo ng mga pagpipilian sa totoong buhay, kaysa

sa pinakamainam na desisyon, gaya ng mga modelo ng normatibo. Sa

pagbenta o pag bili ng mga produktong online ay mayroon din magandang

epekto at di magandang epekto sa atin.


4

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Input Proceso Awtput


Ang mga Nalaman
1. Malaman ang
mananaliksik ay ang maganda at di
magandang epekto
namamahagi ng magandang epekto
ng pagbebenta ng
mga kwestyuner ng pagbebenta ng
mga ukay na gamit
sa mga nagtitinda mga ukay na gamit
sa mga internet
at sa mga sa mga internet
sites at social
tumatangkilik ng sites at social
media accounts.
produktong ukay. media accounts.
2. Malaman ang
Upang makakalap
hindi magandang
ng impormasyon at
epekto ng
kasagutan hinggil
pagbebenta ng
sa paksang aming
mga ukay na gamit
pinag aaralan.
sa mga internet

sites at social

media accounts.
5

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag aaral na ito na may paksang “adbentahe at disadbentahe ng online

pre-loved: ukay-ukay” ay sumasagot sa mga sumusunod:

1. Sa pag-usbong ng online preloved, ano ano ang mga adbentahe ng

online pre-love: Ukay- ukay?

2. Ano-ano ang disbentahe ng online pre-love: Ukay- ukay?

HINUHA

Walang magandang epekto ang pagbebenta ng ukay-ukay na gamit sa

mga internet sites at social media accounts.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag aaral na ito at nagbibigay halaga din sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Upang magbigay ng impormasyon pa tungkol sa

mga bagay na kanilang tinatangkilik sa online at magbigay ng ideya na

pwede ito pagkakitaan habang nag aaral.

Sa mga guro. Upang mabatid nila ang mga suliranin sa online at

upang magabayan ang kanilang mga estudyanteng tumatangkilik at hilig sa

mga produktong ukay.

Sa mga negosyante. Upang maging matalino sa pagpili ng mga

bagay na binebenta at binibili sa online.


6

Sa mga mananaliksik. Upang mapalawak pa ang kaalaman sa

pagbebenta o pagbili sa adbentahe at disbentahe ng online pre-love: Ukay-

ukay.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag aaral na ito ay tumutukoy sa adbentahe at disbentahe ng online

pre-loved: Ukay-ukay o ang pagbebenta ng mga gamit na bagay sa mga

internet site at mga social media accounts sa murang halaga.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Adbentahe – Kalamangan o kagandahan ng isang bagay

Disbentahe – kahinaan o kakulangan ng isang bagay

Pre-loved – mga gamit na bagay na ibinibenta sa murang halaga,

kilala sa tawag na ukay-ukay

Online selling – pagbebenta ng gamit o bagay sa pamamagitan ng

internet.
7

KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG - AARAL

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon sa depinisyon ng ukay-ukay ay isang tindahan sa Pilipinas ng

mga segunda manong damit at mga kagamitan gaya ng mga sapatos at bag

kung ano-ano pang-aksesorya. Karaniwang galing sa ibang bansa ang mga

itinitinda ritong pinaglumaang mga damit at kagamitan na ibinebenta sa

napakamurang halaga, depende sa kalidad at klase ng mga paninda o sa

tagal nitong maibenta. Ang mga damit na karaniwa'y libong piso ang halaga

kapag bibilhin ng bago, kung ito ma'y mabibili sa Pilipinas, ay mabibili na

lamang sa halagang 50 piso pataas o minsa'y mas mababa pa.

Historya ng Ukay-ukay

Ayon sa kuro-kuro, nagsimula ang ukay-ukay matapos bilhin ng ilang

mangangalakal ang mga naimbak na bulto-bultong pinaglumaang mga damit

na pinadadala ng humanitaryong grupong Salvation Army sa Pilipinas, bilang

tugon nito sa mga pangangailangan ng mga nasalanta ng sunod-sunod na

kalamidad sa bansa mula noong dekada walumpu (80). Ang mga unang

ukay-ukay ay nagsulputan sa Baguio, kung saan ito'y tinawag na wagwagan,

dahil kinakailangang iwagwag o ipagpag muna ang mga inaalikabok nang

damit upang ito'y matignan o maisukat. Dahil karaniwang nanggagaling sa

mayayamang tao.
8

KAUGNAY NA PAG - AARAL

Ang Kaugnay na pag-aaral nito ay ang garage sale. Ito ay isang

impormal na kaganapan para sa pagbebenta ng mga gamit na ginamit ng

mga pribadong indibidwal, kung saan ang mga nagbebenta ay hindi

kinakailangang makakuha ng mga lisensya sa negosyo o mangolekta ng

buwis sa pagbebenta.

Kadalasan ang mga kalakal sa isang pagbebenta ng garahe ay hindi

ginustong mga bagay mula sa sambahayan kasama ang mga may-ari nito na

nagsasagawa ng pagbebenta. Iba-iba ang mga kondisyon ng mga kalakal,

ngunit kadalasan ay magagamit. Ang ilan sa mga aytem na ito ay inaalok

para sa pagbebenta dahil ang may-ari ay hindi gusto o kailangan ang aytem

upang mabawasan ang kanilang mga ari-arian o upang taasan ang mga

pondo. Ang mga popular na motibation para sa isang sale ng garahe ay para

sa "spring cleaning," gumagalaw o kumikita ng dagdag na pera. Ang mga

aytem sa nagbebenta ay ipinapakita sa mga passer-by o mga tumutugon sa

mga palatandaan, flyer, mga ad na naiuri o mga ad sa pahayagan. Sa ilang

mga kaso, ang mga lokal na istasyon ng telebisyon ay mag-broadcast ng

isang pagbebenta sa isang lokal na pampublikong channel. Ang lugar kung

saan ang pagbebenta ay karaniwang isang garahe; Ang iba pang mga

pagbebenta ay isinasagawa sa isang driveway, carport, front yard o sa loob

ng bahay.
9

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, makikita ang disenyo ng paglalahad, populasyon,

respondente, instrumento ng pananaliksik, prosidyur sa pangangalap ng

datos,at istatistikal na tritments ng mga datos. Dito mailalahad ang mga

ginamit na instrumento ng mga mananaliksik.

DISENYO NG PANANALIKISIK

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng

pamamaraang deskriptib - analitik na pananaliksik. Nagtatangkang itala at

bigyang halaga ng pag aaral na ito ang mga opinyon ng mga online seller at

mga tumatangkilik ng produktong “pre-loved” sa lugar ng Biñan, Laguna ukol

sa maganda at hindi magandang epekto ng “online pre-loved”.

MGA RESPONDENTE

Ang mga respondenteng napili ng mga mananaliksik ay mga online

seller at mga tumatangkilik ng produktong pre-loved sa Biñan, Laguna. Ang

mga respondenteng napili ng mga mananaliksik ay maaaring nag – aaral pa

lamang. Hindi lahat ay mabibigyan ng sarbey ng mga mananaliksik,

nagbibigay lamang ang mga mananaliksik ng 50 sarbey kwestyuner. Ang

mga mananaliksik ay kumuha ng sampung respondente mula sa mga online


10

seller sa Biñan at 40 naman mula sa tumatangkilik ng produktong pre-loved

sa Biñan.

DISENYO AYON SA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang talatanungan o sarbey

kwestyuner bilang instrumento sa gagawing pananaliksik at pangangalap ng

datos. Ang kwestyuner ay magkakaroon ng sampung katanungan na may

kaugnayan sa paksang pinag-aaralan. Ang sarbey ay makatutulong upang

malaman ang kasagutan ukol sa adbantahe at dis-adbantahe ng online pre-

loved: ukay-ukay.

ISTATISTIKAL NA PAGSURI NG DATOS

Ang mga datos na nakalap ng may-akda mula sa mga mag-aaral na

tumugon sa talatanungan ay ipinagsama-sama o itinally upang makuha ang

tama at eksaktong bilang ng mga mag-aaral ukol sa kanilang persepsyon.

Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang

inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay inalisa at ikinumpara ayon sa

pagkakaiba ng mga tumugon. Ang mga datos na nakalap ay isasalarawan

gamit ang bar grap upang makamtan ng may kaayusan ang tamang resulta at

upang makapagbigay ng malinaw at madaling pag-unawa sa mga nagnanais

makabas sa nasabing pag-aaral. Ang pormularyong ginamit sa pagkuha ng

porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

Porsyento= Bilang ng tumugon / Kabuuang respondente x100


11

KABANATA 4

PRESENTASYON, ANALISA AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

TALAHANAYAN 1. Mga nagsabing pamilyar sa online selling.

Respondante Porsyento

Oo 49 98%

Hindi 1 2%

Kabuoan 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan isa na may apatnapu’t anim (49) na

respondent na may kabuuang animnapu’t walong porsyento (98%) ang

nagsasabing pamilyar sa online selling at isa (1) na may kabuuang dalawang

porsyento (2%) ang hindi pamilyar dito na may kabuuang isang daang

porsyento (100%).

Sa makatuwid ang online selling ay matagal ng nasimulan simula ng

umusbong ang mga internet sites at social media accounts kaya ito ay

pamilyar na sa maraming tao.


12

TALAHANAYAN 2. Mga nagsabing pamilyar sa online pre-loved (online

ukay-ukay).

Respondante Porsyento

Oo 41 82%

Hindi gaano 6 12%

Hindi 3 6%

Kabuoan 50 100

Ipinapakita sa Talahanyan 2 na may apatnapu’t isa (41) na

respondente na may kabuuang walumpu’t dalawang porsyento (82%) ang

nagsasabing pamilyar sa online pre-love (ukay-ukay), anim (6) na may

kabuuang labing dalawang porsyento (12%) sa hindi gaano at tatlo (3) na

may kabuuang anim na porsyento (6%) ang hindi pamilyar ditto namay

kabuuang isang daang porsyento (100%).

Ang online pre-love (ukay-ukay) ay umsubong noong dekada walampu

(80) sa baguio city at naisipang itinda sa mga internet sites at social media

accounts kaya ito pamilyar narin sa mga tao.


13

TALAHANAYAN 3. Mga site o app na pinupuntahan o pinagbibilhan ng ukay-

ukay.

Respondante Porsyento

Lazada 27 54%

Shopee 18 36%

Iba pa 4 8%

OLX 1 2%

Kabuoan 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 3 na may dalawampu’t pitong

respondente (27) na may kabuuang limampu’t apat na porsyento (54%) na

ang site o app na pinagbibilhan ng ukay ay lazada, labing walo (18) na maya

kabuaang tatlumpu’t anim porsyento (36%) naman sa shopee, isa (1) na may

kabuuang dalwang porsyento (2%) sa OLX at apat na may kabuaang walong

porsyento (8%) para naman sa iba pang site na pinagbibilhan na may

kabuuang isang daang porsyento (100%).

Ang mga site na nabanggit ay ang mga kadalasang ginagamit

upang makabili ng ukay na gamit sa pamamagitan ng mga ito. Eto ang mga

site o apps na popular sa mga tao.


14

TALAHANAYAN 4. Ang mga kadalasang gamit na binibili sa online ukay-

ukay.

Respondante Porsyento

Damit 31 62%

Sapatos 10 20%

Iba pa 5 10%

Bag 4 8%

Kabuoan 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 4 na may tatlumpu’t isang (31)

respondent na may kabuuang animnapu’t dalawang porsyento (62%) na

damit ang kadalasang gamit na binibili sa online ukay-ukay, sampu (10) na

may kabuuang dalawampung porsyento (20%) naman sa sapatos, apat (4)

na may kabuuang walong porsyento (8%) para sa bag at lima (5) na may

kabuuang sampung porsyento (10%) sa mga iba pang gamit na binibili sa

online selling.

Ipinapakita sa talahanayang ito na mas marami ang bumibili ng

damit na ukay kumapra sa mga nabanggit na mga ukay na gamit.


15

TALAHANAYAN 5. Mga kagustuhang pagbilhan o bilhing gamit.

Respondante Porsyento

Branded na Gamit 20 40%

Online Ukay – Ukay 19 38%

Ukay - Ukay store 11 22%

Kabuoan 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 5 ang tugon ng dalawampung (20)

respondente na may katumbas na apatnapung porsyento (40%) ang tumugon

na ang gusto nilang pagbilhan o bilhing gamit ay branded na gamit;

labingsiyam (19) na respondente nnamaytkatumbas na atlumpu’t walong

porsyento (38%) ang tumugon na ang gusto nilang pagbilhan o bilhing gamit

ay sa online ukay-ukay; at labingisang (11) respondente na may katumbas na

dalawampu’t dalawang porsyento (22%) ang tumugon na ang gusto nilang

pagbilihan o bilhing gamit ay sa ukay-ukay store.

Ipinapakita sa talahanayang ito na halos magkaperahas lang ang

kalidad ng gamit na ukay at ng branded na gamit ngunit naiiba sila sa presyo.


16

TALAHANAYAN 6. Mga paraang transaksyon sa pagbayad ng mga binili sa

online ukay-ukay.

Respondante Porsyento

COD (cash on deliver) 48 96%

Payment first 2 4%

Kabuoan 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 6 ang tugon ng apatnapu’t walong (48)

respondente na may katumbas na siyamnapu’t anim na porsyento (96%) ang

tumugon na COD o Cash On Delivery ang nais nilang paraan ng transaksyon

sa pagbayad ng mga binili sa online ukay; at dalawang (2) respondente na

may katumbas na apat na porsyento (4%) ang tumugon na Payment First ang

nais nilang paraan ng transaksyon sa pagbayad ng mga binili sa online ukay-

ukay.

Ipinapakita ng talahanayang ito na mas marami ang nagpapadala

na lamang ng kanilang pera sa mga online sellers kesa sa mga nagbabayad

ng harapan.
17

TALAHANAYAN 7. Mga nagsabing mabilis, mura at magandang serbisyo

ang pagbili sa online ukay- ukay.

Respondante Porsyento

Mabilis at Mura 33 66%

Kalidad 8 16%

Wala sa nabanggit 7 14%

Magandang Serbisyo 2 4%

Kabuoan 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 7 ang tatlumpu’t tatlong (33) respondente

na may katumbas na animnapu’t anim (66%) ang nagsabing mabilis at mura

ang dahilan ng kanilang pagbili sa online ukay-ukay; walong (8) respondente

na may katumbas na labinganim na porsyento (16%) ang nagsabing kalidad

ang dahilan ng kanilang pagbili sa online ukay-ukay; pitong (7) respondente

na may katumbas na labingapat na porsyento (14%) ang nagsabing wala sa

nabanggit na pagpipilian ang dahilan ng kanilang pagbili sa online ukay-ukay;

at dalawang (2) respondente na may katumbas na apat na porsyento (4%)

ang nagsabing magandag serbisyo ang dahilan ng kanilang pagbili sa online

ukay-ukay.

Ipinapakita sa talahanayang ito na adbentahe ng pagtitnda ng online

pre-love at ang magandang epekto rin nito.


18

TALAHANAYAN 8. Mga nagsabing malaki ba ang tulong ng online selling.

Respondante Porsyento

Oo 45 90%

Hindi 5 10%

Siguro 0 0%

Kabuoan 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 8 ang tugon ng apatnapu’t limang (45)

respondente na may katumbas na siyamnapung porsyento (90%) na

nagsabing malaki ang naitutulong ng online selling; at limang (5) respondente

na may katumbas na sampung porsyento (10%) ang nagsabjng hindi malaki

ang naitutulong ng online selling.

Ipinapakita ng talahanayang ito ang tulong na ibinibigay ng online

selling (ukay-ukay) sa mga negosyante at tumatangkilik dito.

TALAHANAYAN 9. Marka sa tiwalang ibinibigay sa online selling.

Respondante Porsyento

2 35 70%

1 10 20%

3 5 10%

Kabuoan 50 100%
19

Ipinapakita sa Talahanayan 9 ang tugon ng tatlumpu’t limang (35)

repondente na may katumbas na pitumpung porsyento (70%) na nagbigay ng

katamtamang marka para sa tiwalang ibinibigay sa online selling; sampung

(10) respondente na may katumbas na dalawampung porsyento (20%) na

nagbigay ng pinakamataas na marka para sa tiwalang ibinibigay sa online

selling; at limang (5) respondente na may katumbas na sampung porsyento

(10%) na nagbigay ng pinakamababang marka para sa tiwalang ibinibigay sa

online selling.

Ipinapakita sa talahanayang ito ang mga taong subok na sa pagbili at

pagbebenta ng ukay na gamit sa mga internet sites at social media accounts.

TALAHANAYAN 10. Mga nagsabing maganda kalidad ng produkto (ukay-

ukay) mula sa online sellers.

Respondante Porsyento

Tama 39 78%

May Depekto 11 22%

Kabouan 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 10 ang tugon ng tatlumpu’t siyam (39) na

respondente na may katumbas na pitumpu’t walong porsyento (78%) na

tumugon ng Tama para sa kalidad ng produkto (ukay-ukay) mula sa online

sellers; at labingisang (11) respondente na may katumbas na dalawampu’t


20

dalawang porsyento (22%) na tumgon ng May Depekto para sa kalidad ng

produkto (ukay-ukay) mula sa online sellers.

Ipinapakita ng talahanayang ito ang disbentahe at di magandang

epekto ng online pre-loved.


21

KABANATA 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang Kabanatang ito ay nagbibigay ng Lagom, Konklusyon at

Rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Adbentahe at

Disbentahe ng Online preloved ukay ukay.”

LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa para sa layuning malaman kung

ano ang “adbentahe at disbentahe ng online pre-loved: ukay ukay”. Natukoy

dito ang magandang epekto at di magandang epekto ng “online pre-loved”.

Kaugnay din dito ang mga impormasyong aming nakalap base sa kanilang

sariling karanasan sa pamamagitan ng internet. Ito ay maaaring magbigay

daan upang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa paksa.

Nakalahad din dito ang mga datos na aming nakalap mula sa mga

respondente. Sinuri dito ang mga teorya at impormasyong nakalap mula sa

internet at mga respondente na tumatangkilik at nahuhumaling sa “online pre-

loved”. Sa kabuoan ng pananaliksik na ito, ang “adbentahe at disbentahe ng

online pre-loved: ukay-ukay” ay magbibigay daan upang mas malaman pa

ang nasabing paksa at mapalawak pa ng iba pang mananaliksik ang tungkol

sa “online pre-loved”.
22

KONKLUSYON

Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik,

nalaman ang adbentahe at disbentahe ng online pre-love: Ukay-ukay dahil sa mga

sumusunod:

1. Marami ang pamilyar ang online selling sa mga taong gumagamit ng internet

at social media accounts.

2. Marami ang pamilyar ang online pre-love (ukay-ukay) sa mga taong

gumagamit ng internet at social media accounts

3. Maraming internet sites at social media accounts ang ginagamit sa

pagbebenta ng ukay-ukay.

4. Nakita ang mga kagustuhang gamit o bagay sa mura at mabilis na paraan.

5. Naikita at nakakapag desisyon ng mabilis sa pagpili ng gamit na kagustuhan.

6. Napadali ang transaksyon o palitan ng halaga.

7. Nalaman ang kalamangan o magandang epekto ng online pre-love sa mga

nagmamayari ng isang maliit na negosyo.

8. Nalaman ang kalakihang tulong ng online pre-love.

9. Nalaman ang magandang serbisyo ng online pre-love.

10. Nalaman ang kahinaan o hindi magandang epekto ng online pre-loved sa

mga nagmamayari ng isang maliit na negosyo.

Hinuha: May magandang epekto ang pagbebenta ng ukay na gamit sa

mga internet sites at social media accounts kasalungat sa naunang hinuha ng

pag-aaral.
23

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga

sumusunod:

Para sa mga mag-aaral

Gumawa o magtayo ng isang online pre-loved na negosyo upang kumita

habang nag-aaral pa lamang.

Para sa mga guro

Gabayan ang mga estudyanteng tumatangkilik dito at limitahan ang pagbili

ng mga gamit na ukay sa online.

Para sa mga negosyante

Gamitin ang mga nakalap na impormasyon upang maging matalino sa

pagpili at pagbebenta ng mga gamit sa online.

Para sa mga mananaliksik

Magsagawa ng katulad na pag-aaral na makakatulong ng malaki upang lalo

pang mapalawak ang kaalaman sa adbentahe at disbentahe ng online pre-loved:

ukay-ukay.
24

BIBLIOGRAPIYA

A. Elektronikong Sanggunian

(Sorongan, 2019) -
https://www.slideshare.net/mobile/LadyPaulineSorongon/ang-
facebookbilangalternatibongonlinestrategysanegosyofinal

Ukay-Ukay - https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Ukay-ukay

Ukay-Ukay: Patok na negosyo ngayon -


http://2ndhandnegosyo.blogspot.com/?m=1

Garage Sale - https://en.m.wikipedia.org/wiki/Garage_sale

Daniel Kahneman - https://m.wikipedia.org/wiki/kahneman

Ukay-Ukay - https://m.wikipedia.org
25

APENDIKS

A. Talatanungan

Pangalan:

Edad:

Punan ng check (/) ang mga tanung na sumasagut sa inyung katanungan.

1. Pamilyar ka ba sa online selling?

_Oo

_Hindi

2. Pamilyar kaba sa online Prelove (online ukay-ukay)

_Oo

_Hindi

_Hindi gaano

3. Mga site o app na aking pinupuntahan o pinagbibilhan ng ukay-ukay.

_Lazada

_Shopee

_Olx

Ilagay ang site o app na binibilhan kung wala sa nabanggit ang napili.

___________
26

4. Ang mga kadalasang ukay-ukay binibili ng online.

_Damit

_Sapatos

_Bag

Ilahad kung wala sa nabanggit.

__________

6. Maaring pumili.

_Online ukay-ukay

_Bilihan ng ukay-ukay(store)

_Branded na gamit

7. Ano ang mas gusto mo?

_Payment First

_COD (cash on deliver)

7. Bumibili sa online ng ukay- ukay sapagkat...

_Mabilis at mura

_Maganda ang serbisyo

_Kalidad

_Wala sa nabanngit
27

8. Malaki ba ang tulong ng online selling?

_Oo

_Hindi

_Siguro

9. Tiwala sa online selling

1-pinakamataas 2-katamtaman 3-pinakamababa

_1

_2

_3

10. Kalidad ng produkto (ukay-ukay) mula sa online sellers

_Tama

_May depekto

Ilahad kung ang sagot ay may depekto

___________________________________

You might also like